TLP 4

18.5K 315 3
                                    

Two weeks na ang nakalipas simula ng naghiwalay kami ni Tyron. Okay naman na ako, siguro. Sa two weeks na yun iniwasan talaga ako ni Tyron. Nagkikita lang kami sa loob ng classroom maliban doon wala na.

"Bakit kasi ang aga aga ng subject ni Sir Leo tapos late iaannounce na absent siya" Inis na sabi ni Charm na may kasamang pagdabog

Kahit ako naiinis. Paano ba naman 7:30AM ang subject namin kay sir leo tapos wala pala siya. Imbes na tulog pa kami, andito kami ngayon ni charm na nakatunganga sa cafeteria.

"Charm saglit lang, bibili lang ako ng ice americano sa tapat. Mabilis lang ako promise" paalam ko sa kanya tumango lang ito kaya umalis na ako

Nang makarating ako Coffee shop ay nagorder agad ako ng isang ice americano at isang hot choco. Pagtapos ay umupo na ako, hihintayin ko nalang na tawagin yung order ko

Wala pang limang minuto ay tinawag na yung order kong ice americano kaya tumayo ako agad para kunin yun. Laking gulat ko ng may isa pang kamay ang humawak doon.

"It's mine miss" malamig na sabi niya mas malamig pa siya sa ice americano na ito

"Sakin to" sabay hila ko pero hindi siya nagparaya at hinila din sakin
Kaya ang ending natapon sa kanya yung ice americano

"Hala sorry. Ikaw kasi ehh hinila mo pa" reklamo ko
Hindi siya nagsalita pero bakas mo sa mukha at sa mata niya na galit siya

"You!!! " sigaw niya

"Ako?" Turo ko sa sarili ko

"Oo ikaw! Magbabayad ka. Tandang tanda ko na ang pagmumukha mo" Pagbabanta niya sakin

Teka? Parang narinig ko na ang boses niya. Saan nga ba? Hmmm?

Tama! Sa may field. Siya si Mr. Englishero

"Ice americano and Hot choco for Ms. blaze"

Napatigil ako at ng marinig ko yun. Parang gusto ko nalang lumubog dito sa kinatatayuan ko

"Ms. Blaze?!" paghahanap nung staff
Nahihiya akong sumagot baka mapatay ako nitong lalaking nasa harap ko lalo na't inangkin ko ang ice americano niya.

Nakakahiya ka talaga blaze
Bakit ayaw pang umalis ng lalaking to tila hinihintay niyang sumagot ako

"Ms. Blaze?!" tawag muli ng staff

"Ako po si blaze" Mahinang sambit ko sabay hinablot ko ng order ko at tumakbo na palabas.

Hingal na hingal akong nakarating ng cafeteria.

"Anong nangyari sayo blaze? " tanong ni charm

"May katangahan na naman akong nagawa. Nakakahiya" Sagot ko sabay upo sa harap niya at sumipsip ng ice americano

Halos maibuga ko yun ng makita ko si tyron at briana na papasok ng cafeteria. Magkahawak sila ng kamay at pangiti ngiti pa.

"anong meron?" tanong ni charm sabay lingon sa direksyon kung saan ako nakatingin

"Kaya naman pala halos mabulunan ka. Kalma blaze.  Inhale! Exhale" pagpapakalma niya sakin

Itinuon ko ang pansin ko sa librong nasa harap ko

"Kalmado naman ako charm" matipid na sagot ko

"Hindi ka nagsiselos?" May halong asar na tanong niya

"Hindi. Bakit naman ako magsiselos. Kung kinalimutan na niya ako edi kakalimutan ko na din siya" bitter na sagot ko

"Hahaha pero iba ang sinasabi ng mukha at kilos mo sa sinasabi ng bibig mo"
Naparoll eyes nalang ako sa kanya

The Lost Princess(Under Revision) Where stories live. Discover now