TLP 2

22.1K 340 12
                                    


Tulala kong tinatahak ang daang hindi ko alam kung saan tutungo, alam kong kahit gaano pa kahaba ang lalakaran mo makakarating at makakarating ka din sa huling destinasyon mo.

Hindi ko alam kung bakit dito? Bakit sa dinami dami ng lugar, bakit dito ako dinala at automatikong tumigil ang mga paa ko, bakit dito pa sa lugar na ito?

Sa lugar kung saan kami nagkakilala
Sa lugar na nakawitness ng lahat ng ups and down sa aming relasyon.

Nang hinawakan ko ang swing na nasa harapan ko ay nagsimulang magflashback ang mga memories namin sa lugar na ito

/Flashback/

Napamulat ako ng mata galing sa pagkakatulog, pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa library habang nag aaral. Lumabas akong tulala dahil sobrang linaw pa din sa isipan ko yung napanaginipan ko.

Hindi ko alam kung panaginip ba yun o part ng nakaraan ko na di ko maalala.
Sa sobrang naoccupied ng panaginip na yun ang buong isip ko hindi ko alam kung paano ako napunta sa tagong playground na ito.

Umupo ako sa may swing at umiyak
Halos sampung minuto akong umiiyak ng walang tigil

"Here"

Nagulat ako ng may nagabot ng panyo sa harapan ko. Napaangat ako ng ulo para tignan kung sino ito.

Isa lang masasabi ko sobrang gwapo niya, kaya naman dinapuan agad ako ng hiya. Yumuko ako ulit para di niya makita ang mukha ko

"let me do it for you"

Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang aking mga luha pagtapos ay inilagay niya ang panyo sa kamay ko. Akala ko ay aalis na siya pero umupo ito sa swing na katabi ko

"Hindi bagay sa magandang tulad mo ang umiiyak"

Hindi ako umimik sa sinabi niya

"Pwede bang matanong kung bakit umiiyak ang magandang katulad mo?"

The way he speak alam kong playboy siya

"Hindi ako maganda" matipid na sambit ko

"Sinong nagsabi niyan? Bulag siya kung ganun"

"Bakit mo to ginagawa?" tanong ko

"Ang alin" tanong din niya

"Ito, lahat ng ito. Pinunasan mo luha ko tapos gusto mo malaman ang dahilan ng pagiyak ko. Bakit?"

Napangiti siya sa tanong ko

"Did i crossed the line?" tanong niya

"Bakit ko to ginagawa? Hindi ko din alam basta sabi ng isip ko puntahan mo siya, kaya sumunod ang paa ko at pinuntahan ka" dugtong na sabi niya

Pinagmasdan ko lang siya sa sinabi niya

"Ang weird ko ba?" natatawang tanong niya

"Hindi naman" Maikling sagot ko

"I'm Tyron ocampo" ngumiti siya at inilahad ang kamay niya sakin

Tinignan ko saglit ang kamay niya at iniisip kung makikipagkilala ako sa kanya

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya

"I'm Blaze Moriss"

---------

Hingal na hingal kong tinakbo ang tagong playground ng school namin mapuntahan lang si tyron. Hindi ko nga alam kung nandoon pa siya. Isang oras na akong late sa sinabi niyang oras ng pagkikita namin.

The Lost Princess(Under Revision) Where stories live. Discover now