TLP 9

15K 260 4
                                    


Blaze's POV

Lumapit si Dustin sakin at itinulak ako,naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa matigas na Pader. Napangiwi ako sa sakit, ikinulong niya ako gamit ang magkabilang braso niya at tinitigan ako gamit ng nanlilisik niyang mga mata. 

"D-dustin" tawag ko sa pangalan niya

Hinaplos niya ang pisngi ko sabay sampal dito, napapikit ako sa sakit. 

"Tama na" pagmamakaawang bulong ko

"Kung pumayag ka lang sana sa sinasabi ko hindi tayo hahantong sa ganito" sambit niya

"Andali dali lang ng pinapagawa ko sayo, magpapanggap ka lang na si Allison sa harap ng mga scott habang hinahanap ko siya pero nagmatigas ka. Nakiusap ako sayo pero hindi mo ko pinagbigyan kaya wala akong choice ngayon kundi ang gawin ito"

Kinuha niya ang baril na nakasuksok sa  may tagiliran niya at itininutok ito sakin. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot.

"Dustin"

"Dustin nagmamakaawa ako huwag mong gawin ito" Umiiyak na sabi ko
Ngumiti ito na tila parang isang baliw at idinikit ang baril sa noo ko. Napapikit ako sa takot. 

"Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong patayin please. Papayag na ako sa gusto mo" Sunod sunod na sabi ko

Bigla niyang binaba ang baril at niyakap ako.

"Good girl" bulong niya sabay haplos ng buhok ko

Tuloy tuloy lang ang luha ko sa pagtulo.
"Papayag ka din naman pala" dugtong pa niyang sabi

Inalis niya ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na ipapakilala na kita sa kanila"
Wala akong nagawa kundi ang Sumama nalang

Huminto kami sa isang malaking bahay, pagpasok namin ay bumungad samin si Blake.

"Good job bro" Sambit nito at nag apir sila. 
Nakita ko ang baril ni Dustin na nasa tagiliran nito. Nang makahanap ako ng tyempo ay dali dali ko itong kinuha at tinutok sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya at akmang lalapit sakin

"Sige lumapit ka at ipuputok ko sayo to!!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang ito na akala mo ay nagbibiro ako

Naglakad ito papalapit sakin

"Sige ipuputok ko talaga ito" sigaw ko habang umaatras. 

Nang makapalapit siya ay agad kong pinihit ang gatilyo

BANG!

BANG! 

teka isa lang dapat ang putok bakit dalawa?
Nakaramdam ako ng hilo at agad akong bumagsak.Napahawak ako sa dibdib ko at nakita ko ang dugo sa kamay ko.

"Ang kulit mo kasi eh" Sambit ni dustin at itinutok sakin ang baril na kinuha niya sa kamay ko

"I'm sorry blaze pero ubos na pasensya ko sayo"

BANG! 

"NOOOOOOOOOO!!!!"

napabangon ako sa aking kama dahil sa masamang panaginip.
Dali dali kong hinawakan ang dibdib at ang noo ko, nakahinga ako ng walang sugat o dugo akong nahawakan. 

"I'm alive" bulong ko sa sarili ko.

Third Person's POV

Hinahabol ni blaze ang hininga niya dahil sa kaba na naramdaman niya. Pinikit niya ang mata niya at ikinalma ang sarili.

"Inhale, exhale" sambit nito

Nang kumalma na ito ay dali dali siyang bumaba papuntang kusina para kumuha ng tubig. 

The Lost Princess(Under Revision) Where stories live. Discover now