CHASING DREAMS

By ysang_aiza

934 358 118

Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Note

Chapter 7

40 22 0
By ysang_aiza

Chapter 7

Ramin

"Uhm. Bago ko nga pala makalimutan. Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" dinig kong tanong sa akin ni Emmy.

Mukhang may ideya na ako kung anong pag-uusupan namin. Sa tono palang ng pananalita niya ay alam ko ng marami siyang itatanong sa akin, maraming gumugulo sa isipan niya.

"Sure." tanging naging sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ba yung tamang salita na kailangan kong sabihin.

Naramdaman niyo na ba 'yon? Iyong madami kang gustong sabihin pero tipid na salita lang ang lalabas sa bibig mo? Parang mismong sarili mo ang nagtataksil sayo.

Dahil sa sobrang okupado ang isip ko kaya hindi ko na napansin ang pulang sasakyan na papalapit sa amin. Halos hindi ako makagalaw dahil sa sobrang pagkagulat.

Kaagad na hinanap ng paningin ko si Emmy at nakita kong gulat na gulat siya. Naikuyom ko na lamang ang kamay ko dahil sa takot na nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

"Ayos ka lang Em?" natatarantang tanong ko sa kanya.

Kung sanang binabantayan ko lang siya ng maayos. Kung sanang hindi lang lumilipad ang utak ko. Baka naiwasan ko pang mangyari ito.

Napakunot naman ang noo ko ng mapansing nakangiti siya sa akin. Yung ngiting totoo. Yung ngiting matagal ko na ding hindi nakita. Yung ngiting miss na miss ko.

"Walang nakakatawa Em." nakasimangot na sabi ko sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong kong muli sa kanya. Nginitian niya lang muli ako bago tumango. I just missed this.

Pareho kaming napalingon ni Emmy ng makarinig kami ng parang may lumabas sa sasakyan. Handa na sana akong manapak sa taong muntik makasagasa sa bestfriend ko ng makita ko si Natalie.

"Hay nako Robert ayusin mo nga yang pagmamaneho mo. Muntik ng masagasaan si Emmy oh." she said bago siya bumaling at ngumiti sa akin. Ano nanaman bang kailangan niya?

"Sorry Emmy. Haha." sabi naman ni Robert habang nakadungaw sa driver's seat.

Right then and there talagang pinipigilan ko lang ang sarili ko na sugurin siya. Siya mismo ang nagda-drive at hindi man lang siya nag-iingat? Anong klaseng lalaki siya? Psh! I really wanted to erase that smirk on his face.

"Ano nanamang kailangan niyo?" nadinig kong tanong ni Emmy sa kanila. She sound so irritated and I can't blame her 'bout that.

"Ang tapang naman pala niyang kaibigan mo Ramin. Grabe nakakatakot ha. Hahaha!" sarkastikong sagot ni Natalie sa kanya. Kitang kita ko kung paano mamula ang mukha ni Em sa sobrang inis.

"Oo nga pala. Iniinvite namin si Ramin sa birthday ng pinsan ni Robert. Pasensiya ka na Emmy ha, si Ramin nalang kasi yung kasya sa sasakyan. Hindi ka naman pwede sa gulong 'di ba?" turan ni Natalie.

Ha? Ano daw? Ako? Invited? Sa birthday nino? I was about to declined their invitation when I felt Em's little hands on my palm. I was trying so hard to suppress my smile.

"Hindi pwede si Ramin ngayon. May pag-uusapan pa kami." mariing sambit ni Emmy sa kanila habang pinipilit akong hilahin palayo sa kanila.

She's still the Emmy I know. So jealous and protective.

"Sasama siya sa amin sa ayaw at sa gusto mo." napalingon ako bigla kay Natalie dahil sa sinabi niyang 'yon.

I unconsciously brushed my free hand through my hair. I don't know what to do, I don't know what to say. Alam kong kailangan ko ding makausap si Emmy at kitang kita ko sa mga mata niya na determinado siyang 'wag akong pasamahin kila Natalie.

"Hindi nga sabi pwede." nawawalan na ng pasensiyang sabi ni Emmy sa kanila.

Kung pwede ko lang talagang bugbugin ang sarili ko ay ginawa ko na. Wala akong masabi. Wala akong magawa para ipagtanggol si Em. Wala din akong kakayahang tumanggi kila Robert. Sh*t!

"Alam mo Emmy inuubos mo yung oras namin e." sabi ni Robert na nakalabas na sa kotse niya. Double sh*t!

I could feel how Emmy tighten her grasp at my hand. Triple sh*t! I know I couldn't say no habang matamang nakatitig sa akin si Robert. That look that says I got nothing to do but to join them.

Ayoko man pero dahan dahan akong bumitaw sa kamay ni Em. Hindi ko na siya nilingon pa at tahimik na pumasok sa kotse. Napakawala kong kwentang kaibigan.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng makita kong umiiyak na si Em. I was trying so hard to control my temper. I should be the one making her feel safe against any harm. But look! I was the one hurting her. Such a coward bastard! I should be the one wiping those tears! Ugh!

"Hey. Wala ka namang balak lagasin yang buhok mo ha?" sabi sa akin ni Robert. I didn't notice that I was hurting myself.

"What's with that look?" he asked me with his signature smirk.

"What!?" I answered. I was really losing my temper here.

"Woah! Chillax man. Hahaha!"

I just ignored him. He doesn't know how hard I try not to punch his face. Lalabas na sana ako ng kotse ng biglang pumasok na sa loob si Natalie. And Robert started the engine.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Robert sa kanya. And I was curious that's why I glance at her only to see her wounded knees.

"Tinulak ako ng Emmy na yun! Look! Ugh! You know how much I take care of my skin! I go to spa and salon and all! Then.. Then.. UGH!" she burst out and I just pretended to look outside the window para pigilan yung tawa ko.

Mga babae talaga oh. Takot na takot magalusan at magkapeklat.

"Are you laughing at me!?" baling sa akin ni Natalie sabay hampas sa braso ko. Pinipigilan ko lang ang pag ngiti dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang pagtawa.

"H-ha? Hindi ha. Pffft." pagtanggi ko habang nagpipigil ng tawa.

"OUCH!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko ng napasigaw si Natalie dahil binuhusan ni Robert ng alcohol yung sugat niya. Natigil lang kami sa pagtawa ng biglang umiyak si Natalie.

"Humanda kayo sa akin mamaya! Lalo ka na Robert! Hinding hindi talaga kita ipapakilala sa mga girl friends ko mamaya!" pananakot niya pa.

Their conversation go on and on and I was just starring at the window. Nakauwi na kaya si Emmy? Baka mamaya makasalubong nanaman niya yung itim na aso na kinakatakutan niya. Baka mamaya tumakbo yun at habulin siya. Nakakatawa pa naman ang itsura nun kapag natataranta.

Madilim na ng huminto ang kotseng sinasakyan namin. Pag labas palang namin ng kotse ay parang gusto ko ng umatras. Madaming tao na halos mga teenagers din kagaya namin. Nagkalat silang lahat sa mala-mansiyon na bahay na 'to. Marami ring sasakyan na nakapark sa labas.

Pag pasok namin sa loob ay sumalubong sa amin ang malakas ng tugtugin. I was observing the people around us at makikitang ang iba sa kanila ay lasing na. Ang iba ay nagsasayawan habang ang iba naman ay nasa may malaking swimming pool.

Just as I was admiring the structural design of the mansion ng may isang lalaking lumapit sa amin. Binati niya sila Natalie at Robert.

"Hey! Kamusta na bro?" tanong nito kila Robert.

"Ayos lang bro. Long time no see." sagot naman ni Robert dito.

"Hello beautiful. How are you?" baling naman nito kay Natalie.

"I missed you man. Happy birthday!" masayang bati ni Natalie sabay yakap dito.

"Oh before I forget this is Ramin." sambit ni Natalie habang nakahawak sa braso ko. "And Ramin, this is Jayvee. Siya yung pinsan ni Robert." pakilala ni Natalie sa amin.

Nakipaghandshake lang ako kay Jayvee tsaka bumati sa kanya ng Happy birthday. Bakit ba sinama sama pa nila ako dito e hindi naman kami magkakilala nitong may birthday.

"So you two are together?" anong sa amin ni Jayvee.

I was about to say no ng biglang magsalita si Natalie sa tabi ko.

"Haha. Kuya Jayvee talaga oh. Soon to be siguro kuya." she said and I just smiled.

Sinong nagsabing soon to be ko siya? Self-proclaimed? Psh!

Dahil sa salitang pakikisama kaya naman nakikain at nakipag-inuman narin ako sa kanila. But I still know my limits. Kanina ko pa tinetext at tinatawagan si Emmy pero hindi siya sumasagot. I'm starting to worry. Baka kung napano na siya.

"Oras na. I think I should go now." paalam ko sa kanila.

"Ano ka ba naman Ramin. Maaga pa. 9pm pa lang oh. Besides kami ang nagdala sayo dito kaya sabay sabay na tayong umuwi." pagkumbinsi sa akin ni Robert.

"Kaya ko namang umuwi mag-isa." sagot ko sa kanila.

Hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon ay wala paring reply si Emmy sa akin. Idagdag pa itong mga babaeng ayaw akong lubayan. Siguro nga ay galit siya pero hindi naman niya ako pag-aalalahanin ng ganito. Magrereply at magrereply parin naman siya sa akin kahit na galit siya.

All of a sudden, everything stopped dahil sa narinig na pagbabasag ng bote sa labas. Lahat ay natatarantang nakiusisa sa away. At doon ko na naisipang tumakas at umalis.

"Saan ka pupunta?"

"Natalie." napakamot na lang ako sa ulo ko. Kailangan ko na talagang umalis.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman dali dali ko itong kinuha sa bulsa ka. Hoping that it was a text from Em.

'Ramin nasaan na ba kayo ni Em? Gabi na a?'

Ramdam kong nanlamig ako dahil sa nabasa ko. It was from my mom. Ibig sabihin hindi pa nakakauwi si Em. Gabi na, saan naman ba siya nagpunta?

"Look Natalie. I really have to go." nagmamadaling sabi ko sa kanya.

"Wait!" pigil niya sa akin. "Okay, I'll let you go home now but.."

"But?"

"Can we take a picture together?" she asked me. And I could tell that she's blushing. "Please?"

"Okay."

"Could you please smile on the picture? Just like how you smile at Emmy. Please? Pretty please?" she begged and she's quite drunk already so I just smiled as she took our photo from her Iphone.

"I must go now." paalam ko sa kanya.

"Okay. Take care Ramin."

Saktong paglabas ko sa mansyon ay may dumaan na taxi. Kaagad ko 'yong pinara. Ibinigay ko sa driver ang address at hindi mapakaling lumingon lingon ako sa dinadaanan namin. Namamag-asang baka madaanan namin si Em.

"Nasaan si Emmy? Bakit hindi mo siya kasama?"

Salubong sa akin nila Tito at Tita.

"I don't know? Nauna po siyang umuwi sa akin." pag-amin ko sa kanila.

"Pero anong oras na? Bakit wala pa siya?" nag-aalalang tanong nila sa akin. Pati ako ay natataranta na at hindi malaman ang gagawin.

"Kasalanan ko po Tito. Dapat hindi ko siya iniwan e. Dapat hindi ko siya hinayaang umuwi mag-isa." I said as I pulled out my phone from my pocket.

"Hindi rin po siya sumasagot sa mga tawag at text ko."

I felt helpless as I saw Tita crying. Ano bang kapalpakan 'tong nagawa ko? Em, nasaan ka na ba kasi nagpunta? Just like answered prayers, bigla naming naaninag si Emmy na papalapit na sa bahay.

"Em, saan ka nagpunta?"

"Kanina pa kami nag-aalala sa iyo."

"Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko?"

She just stared blankly at us nang sabihin niyang nanggaling siya sa sementeryo at dinalaw niya ang tunay niyang mga magulang. I just nod in understanding. After how many years, ngayon lang uli siya naglakas ng loob na bisitahin ang magulang niya.

Gusto ko pa man siyang kausapin at kamustahin pero mukhang malalim ang iniisip niya kaya hinayaan na lamang namin siya. Pati sila Tito at Tita ay mukha namang naiintindihan siya.

After so many years, I'm glad that she's finally moving on.


To be continued...

Votes and comments please? :)

@ysang_aiza 2016

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...