[COMPLETED] Untouchable B

By afireselu

117K 6K 2.6K

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano ni Baekhyun sa buhay? Will the Untouchable B remains... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanta
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikalabing-dalawampung Kabanata
Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't dalawang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata
Wakas
Untouchable B Book Two: Unreachable C
Unang Kabanata
체리's 💙 note
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
체리's announcements:
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Wakas

Ikawalong Kabanata

2.3K 118 66
By afireselu



Byun Baekhyun.

Nagising ako nang makaramdam ako ng mainit na paghinga sa leeg ko at may kung anong tumutusok sa bandang hita ko at pagtingin ko, halos pumiyok ako! Iyong pagkalalaki ni Chanyeol iyong tumutusok sa balat ko dahil ang aga-aga buhay na buhay iyon. Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng buong mukha ko nang maalala ko iyong nangyari kagabi. Nagawa na pala namin iyong bagay na iyon. Binigay ko na sa asawa ko ang sarili buong sarili ko kagabi.

"Good morning," napangiti ako nang maramdaman kong mas humigpit iyong yakap sa akin ni Chanyeol at dinantay niya pa iyong isang hita niya sa ibabaw ng hita ko.

"C-Chanyeol. . ."

"Hmm?" Pagala-gala lang iyong mga mata ko sa loob ng kwarto namin kasi hindi ko alam paano sasabihin kay Chanyeol na naiilang ako sa pagtama ng pagkalalaki niya sa hita ko ngayon.

"Y-yung ano k-kasi. . ." Bumuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko naman talaga masabi ng diretso sa kanya kaya niyakap ko na lang siya pabalik at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya regardless of that thing below poking on my bare skin.

"Nagugutom na ako, Baek. Kain na tayo?" Awtomatiko namang kumulo iyong tiyan ko dahil sa tanong ni Chanyeol kaya um-oo ako pero bago pa man din siya makatayo sa higaan ay binigyan niya ako ng isang madiin na halik. "Kaya mo bang tumayo?" Umiling ako. Ramdam ko kasi na medyo masakit pa iyong katawan ko dahil sa ginawa namin kagabi at kaunting galaw ko lang ay nakakaramdam ako ng sakit. "Sige, ako na lang ang magluluto tapos mag-bihis ka na dyan. Dadalhin ko na lang iyong yung breakfast, ayos ba?" Napailing na lang ako nang biglang kumindat si Chanyeol sa akin.

"Hindi! Sige hintayin mo ako sa baba. Susunod na lang ako," akmang tatayo ako nang bigla naman akong inalalayan ni Chanyeol. "K-kaya ko na!"

"Kaya mo na o ayaw mo lang na tulungan kita?" Pinalo ko na lang siya sa braso dahil ang aga-aga pinagtitripan na naman niya ako. "'Wag ka na mahiya, baby. Dali na. Nakita ko na naman iyan."

-

-

Naglalakad kaming dalawa ngayon dito sa dalampasigan habang magkahawak ang kamay. Medyo mabagal pa nga iyong lakad namin dahil hindi ko maihakbang ng ayos iyong mga hita ko kasi medyo masakit pa rin doon.

Napatigil ako nang biglang huminto si Chanyeol sa paglalakad at napahawak sa ulo niya. "Ayos ka lang, Yeol?" Pero imbis na sagutin ako ay nakarinig ako ng ilang pag-impit na ungol galing sa kanya. "C-Chanyeol! Dyan ka lang! Tatawag ako ng m-medics!" Hindi na ako nakahakbang pa palayo dahil hinila niya ako pabalik at mahigpit na hinawakan iyong kamay ko. "Chanyeol naman. . ."

"O-okay na ako. Sumakit lang ulo ko."

"Hindi. Ipacheck-up na natin iyan. Baka kung ano na iyan, eh!" Natataranta na ako kasi naku-kwento niya sa akin na dumadalas daw iyong pagsakit ng ulo niya pero lagi niya akong tinatakbuhan kapag sinasabi kong magpacheck-up na siya.

"Baek, magpapacheck-up ako pero 'wag ngayon. Ayaw kong sirain iyong bakasyon na hinanda mo para sa akin," magpo-protesta pa sana ako kaso tinakpan na niya iyong bibig ko at nagdiretso sa paglalakad. Hindi na naman ako makakatulog nito mamaya kakaisip sa nararamdaman niya. Hays.

"O-okay! Promise, ha?!" At para maniwala ako, pinagdikit niya pa iyong pinky fingers naming dalawa. Minsan talaga ang lala ng pagka-isip bata ni Chanyeol.

-

-

Patuloy lang kami sa paglalakad nang madaanan namin ang isang souvenir shop dito kaya madali kong hinila si Chanyeol papasok doon kahit na nagpupumiglas siya dahil hindi niya raw trip ang mga ganitong bagay pero wala naman siyang nagawa kundi samahan ako kasi kapag iniwan niya ako, maliligaw ako pabalik ng nirentahan kong room para sa amin.

"Akala ko ba ayaw mo dito pero bakit ang dami ng laman niyang basket mo?" Panunukso ko sa kanya. Pagkapasok kasi namin dito agad niya akong iniwan at nagtungo sa isang bahagi ng shop at pagbalik ko sa kanya, halos mapuno na niya iyong basket na hawak niya. Iyong akin nga wala pang laman kasi wala naman akong magustuhan na bilhin dito.

"Malay ko bang may sections ng Rilakkuma dito," sagot niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. At oo nga, adik nga pala sa Rilakkuma itong si Chanyeol. "Tingin mo, bibilhin ko ba ito o 'wag na?" tanong niya habang winawagayway sa harap ng mukha ko ang isang box ng Rilakkuma band aid.

"Kapag sinabi ko bang 'wag mong bilhin dahil wala ka namang paggagamitan niyan, papayag ka?" Mabilis naman siyang umiling at naglagay ng dalawang box ng Rilakkuma band aid sa basket niya. "Psh. Kita mo na."

"Pagpasensyahan mo na, ito lang naman ang nag-iisang luho ko sa katawan at saka wala naman kasing ganitong klase ng boutiques sa Pilipinas," nakasunod lang ako sa kanya habang parami ng parami iyong laman ng basket niya kaya kumuha na ako ng isa pa dahil hindi pa siya nangangalahati sa section ng Rilakkuma ay puno na iyong hawak niyang basket.

"Obvious nga. Iyong boxers mo kagabi may design na Rilakkuma," parehas naman kaming namula sa sinabi ko. Ano ba! Hindi ko naman sinasadya eh! Pero kung titignan kasi si Chanyeol base sa panlabas niyang anyo, hindi mo talaga mahahalata na may obsession siya sa mga ganito.

"Park Baekhyun. . ."

"O-oo na! Hindi ko naman sinasadya eh!" Inirapan na lang niya ako at nagpatuloy sa paglalagay ng mga Rilakkuma stuffs sa basket niya. Binilhan niya rin ako ng damit katulad ng binili niya para couple shirt daw namin tapos ang dami niyang binili na Rilakkuma stuffed toy mula sa pinakamaliit hanggang sa mga normal sizes na stuffed toys, ilalagay niya raw sa kwarto namin at iyong iba naman daw ay idi-display niya na lang.

"Wala ka bang bibilhin?" Tanong niya habang pinapanood ko na i-register ng cashier iyong mga pinamili niya.

"Wala naman akong nagustuhan eh. At saka iyang binili mo pa lang baka hindi na natin mabitbit lahat sa dami," sa maniwala kayo at sa hindi, nakalimang baskets kami at punong-puno iyon. Lahat kasi ng nakita niyang may Rilakkuma binili niya at hindi pa siya nakuntento sa isa, dala-dalawa pa iyong binili niya.

"Bakit kasi ang dami, Yeol? Sayang pera, oh."

"Ibibigay ko kasi iyong iba kela Minseok hyung, Suho hyung, at Sehun," hindi ko na lang siya inasar dahil sa sobrang pamumula ng tenga niya. Hindi ko naman alam na kinaaadikan din pala nila hyung at Sehun iyong Rilakkuma.

"Ouch!" Nasagi ako ng pintuan at napaupo doon dahil sa babaeng pilit na sumingit papasok noong palabas naman ako kaya nabitawan ko iyong isang plastic bag na naglalaman noong mga stickers, band aids, key chains, at mga magagaan na pinamili ni Chanyeol.

"Baek!" Nakita ko kung paano mabilis na binitawan ni Chanyeol iyong apat na plastic bags sa kamay niya at dali-daling hinawakan iyong pintuan bago pa man ako maipit ng tuluyan.

"Ayos ka lang?!" Tumango ako at tinulungan niya akong magpagpag ng tuhod na nadumihan dahil nakashorts lang ako ngayon.

"Chanyeol! Iyong mga pinamili mo kinukuha ng mga bata!" Pagturo ko sa mga batang nagtatakbuhan palayo sa amin habang dala-dala iyong mga bags na naglalaman ng Rilakkuma stuffed toys.

"Hayaan mo na. May naiwan pa naman sayo at saka pwede pa ulit akong bumili. Bakit ka ba nakaupo dyan?" Tanong niya habang hinihipan iyong sugat ko sa tuhod at hindi ko mapagilan na kurutin ang pisngi niyang nakalobo. Ang cute cute lang ng asawa ko! "Aray!"

"Wala. Natapilok lang ako," hindi ko sinabi iyong totoong rason dahil knowing Chanyeol, papatulan niya iyong babae na nakabangga sa akin na hindi man lang humingi ng sorry. Mapagpatol siya sa mga taong nananakit sa akin, kahit babae pa, hindi niya palalampasin. Nagulat ako nang biglang tumalikod sa akin si Chanyeol at naupo katapat ko.

"Piggyback ride. Dali na," kaya ko namang maglakad pero mabilis pa sa alas kwatro akong sumampa sa malawak na likuran ng asawa ko. First time niya kasing gawin sa akin ito. "Ang bigat mo. Mag-diet ka nga!" Sambit niya habang kinukurot iyong baby fats ko sa tagiliran at nagsimula na rin siyang maglakad.

"Mahina ka lang kaya ka nabibigatan!" Pagtanggi ko habang kinukurot iyong biceps niyang ang tigas-tigas. Kung si Chanyeol nakakaidlip sa kakakurot ng baby fats ko, ako naman nakakatulog kakapisil ng biceps niya. Bali bago kami matulog, nagkukurutan muna kaming dalawa.

-

-

Akala ko didiretso na kami sa tinutuluyan namin dito sa resort pero nakita kong naglalakad papasok si Chanyeol sa isang restaurant bar dito. "Huy! Saan tayo pupunta? May pagkain tayo sa bahay!" Pero hindi niya ako pinansin at marahan akong ibinaba sa isang upuan.

May lumapit sa amin na waitress at binigyan si Chanyeol ng menu. "Manahimik ka na lang, Baek. Nagutom ako sa pagkarga sayo kaya hindi ko na kayang patagalin pa ang gutom ko."

Pero syempre hindi ko kinagat iyong sinabi niya. Alam kong hindi niya kayang tanggihan iyong mga luto ko kaya imposibleng nagugutom lang talaga siya kaya niya gusto kumain dito. "Eh, bakit namumula na naman iyang tenga mo?"

"May batas ba na nagsasabing bawal mamula ang tenga ko?" Seryoso niyang tanong kaya umiling na lang ako at nagpout. Ang sungit na naman niya. "'Wag ka nga magpacute."

Sasagot pa sana ako nang biglang may nilapag na isang Instax Mini 90 iyong waitress sa lamesa namin. Tatanungin ko sana kung anong gagawin namin doon nang bigla na lang siyang umalis at hinawakan ni Chanyeol iyong camera, may saglit siyang kinalikot doon. Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang tumabi sa akin at tinaas ang Instax sa harapan namin.

"Picture tayo," hindi na lang ako umangal at mabilis kong pinulupot iyong isa kong braso sa balikat niya at ginaya ang peace sign niyang pose.

Pagtapos lumabas noong image namin doon sa film, agad niyang binalik iyong Instax sa waitress pero mukhang may unfinished business pa iyong waitress kaya hindi siya umaalis sa harapan namin.

"C-Chanyeol, hinihintay ata ng waitress iyong picture."

"We won't avail the free meal anymore," sambit niya at umalis na iyong waitress habang halos mapunit naman iyong mukha ni Chanyeol dahil sa lapad ng ngiti niya habang nakatingin doon sa picture naming dalawa.

"Chanyeol, iyan lang ba pinunta natin dito? Akala ko ba nagugutom ka na?" Tanong ko at mabilis naman niyang sinulyapan pang muli iyong picture bago itago iyon sa loob ng wallet niya.

"Oo nga, ano bang gusto mong kainin?" Pero hindi iyon ang gusto kong marinig na sagot kaya hindi ko pinansin yung tanong niya. Bumuntong-hininga siya habang naiiling na nginitian na naman ako. Nababaliw na ba itong kasama ko? "Dapat kasi ia-avail ko iyong offer nila dito, kaylangan lang natin mag-picture at kung magugustuhan nila iyon, pwede tayong kumain for free."

"Tapos?"

"Eh, kaylangan ibigay ko sa kanila iyong picture dahil isasabit nila sa pintuan kaso nagbago na pala iyong isip ko."

"Ano? Hindi ko maintindihan, Yeol."

"Magbabayad ako kahit magkano, 'wag lang nilang kunin sa akin iyong picture na ito kasi ito iyong first picture natin simula noong magkakilala tayo."

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 473 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
84.7K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
10.6K 822 22
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴