Velvety Flame (Chains of Pass...

By Bb_Anastacia

1.1M 16.1K 448

SPG-18 Isang dating pag-ibig na hindi makalimutan. Isang gabi ng kapusukan. Kaya bang pawiin ng apoy ng pagna... More

Strangers in the Night
We meet again, Stranger
Unraveling
Rainy Days and Sympathy
Tripped
Hello, Past
The Proposal
Bonding
The Secrets She Keeps
Disclosure
One Starry Evening
Innamorato
Breakfast in Bed
Ignorance is Bliss
When I Found You...
Patreon

True Lies

29.5K 971 13
By Bb_Anastacia

Chapter Twenty    

"THE whole stock room reeks of sex, my goodness, gracious, great balls of fire. Pagbungad ko ng pinto ay iyon kaagad ang sumalubong sa akin," Carlotta wrinkled her nose pagkatapos sabihin iyon.

Namumula ang mukhang ibig sipain ni Belinda si Carlotta nang maupo sa harapan niya. Napaka-eskandalosa talaga ng bibig nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid sa pangambang may mga nakarinig dito.

"You, shameless hussy," ang lapad ng pagkakangisi nito, sadyang nanunukso.

"Tse. Inggit ka lang. Palibhasa isa kang dakilang tigang."

"Dakila naman," sabay bungisngis nito.

Natawa na lang din siya.

Ang eksena nilang magkaibigan ay sa mall kinabukasan. May usapan sila nito na magsa-shopping kaya nagkita na lamang sila sa paborito nilang coffee shop. Pagkatapos ng mainit nilang eksena ni Terrence sa stock room ay nagpahatid na siya ritong pauwi. She even allowed him to sleep over at her place. Nasa bahay kasi ng parents niya si Yanna. Balak niyang sunduin ang anak pagkatapos nilang mag-shopping ni Carlotta.

"By the way, did you--" naudlot ang balak na sabihin ni Carlotta nang may tumawag sa atensyon nito.

"What?"

Sa halip na sumagot ay may inginuso ito sa likuran niya. She saw Georgia Alejandrino and a group of her socialite friends entering the coffee shop.

"Hello, baby," may kausap ito sa cellphone nang mapadaan sa tapat nila.

"Is that Terrence?" parang kinikilig na reaksyon ng isa sa mga kasama nito.

Mabilis itong sumenyas sa nagsalita na tumahimik bago ito lumayo sa grupo upang magkaroon ng privacy.

"Is it true, nakikipagbalikan sa kanya si Terrence?" tanong ng isang babae.

"So, we heard," pagkumpirma ng isa.

Si Belinda na nakikinig lamang sa papalayong usapan ay parang biglang nanikip ang dibdib. Dumako ang tingin niya sa direksyon ni Georgia. She was giggling while talking on the phone. Malayo o malapit ay maganda ito, pansin niya. Kunsabagay isa nga pala itong ramp model turned actress. Hindi nakapagtatakang magustuhan ito ni Terrence.

"Ahm, p-puwede bang lumipat na lang tayo sa ibang lugar?" tumayo na siya at hindi na hinintay sumagot si Carlotta.

"Hindi naman siguro totoo 'yon," tila pagpapalubag-loob ng kaibigan niya nang sumabay sa kanya.

"It doesn't matter."

"What are you saying?"

"It's not like we're romantically involved or anything. We're just..." ikinumpas niya ang kamay sa hangin nang hindi kaagad siya makapaghagilap ng tamang terminong gagamitin.

"Fucking buddies? Or friends with benefits?"

She hunched her shoulders. Nangangamba siya na kapag nagsimula siyang magsalita ay biglang mabasag ang kanyang tinig.

"Damn it. Kapag nakita ko uli ang lalaking 'yon sa Buccaneer's, ipapasipa ko siya kay Murphy."

Napangiti si Belinda sa sinabi ng kaibigan sa kabila ng pamimigat ng dibdib.

"Huwag mo na lang masyadong isipin 'yon. Ayos lang naman."

Hindi kumbinsido ang tinging ipinukol sa kanya ni Carlotta. Of course, deep inside masakit malaman ang bagay na iyon. Na habang nagpapakaligaya ito sa kandungan niya ay mayroon pa pala itong iba. Ano siya, side dish? O appetizer?

Nilunok niya ang pait na biglang umahon sa kanyang lalamunan. Wala siyang karapatang umiyak, o masaktan sapagkat wala silang relasyon. Simple lang naman ang nag-uugnay sa kanila--init ng katawan.

"Okay lang."

"What?"

"Hindi mo kailangang magkunwari na hindi ka nasasaktan."

Malungkot siyang napangiti sa pagitan ng pangingilid ng luha.

"I'm here for you, girlfriend."

"I know. And thanks a lot, girlfriend. Pero ayos lang ako. Ako pa ba?"

Nakangiting kinawit ni Carlotta ang braso niya at inaya na siya sa paborito nilang botique.

***

"A PENNY for your thought."

Napukaw ang malalim na pag-iisip ni Terrence sa tinig ni Ingrid.

"Hey, why are you still up?"

"Nagising si Mavy, ipinagtimpla ko ng gatas. Nang makasalubong ko si Jeri ay siya na lang daw ang magpapanhik sa kuwarto ni Mavy. Mukhang late na naman sa poker night niyo si Tony."

"One of these days we're gonna fine him for always showing up late."

Napangiti ito at umupo sa upuang binakante ni Jeri nang lumabas sa game room kung saan sila may usapang magkakaibigan na maglalaro ng poker. Twice a month ang laro nila sa bahay nina Jeri dahil pare-pareho silang busy sa kanilang mga trabaho. Si Tony, mula nang magbalik siya ay nakatuon na ang pansin sa pangangasiwa ng negosyo ng kanilang pamilya. Which was a good thing dahil tila nagbigay-daan din iyon upang magkaayos ito at ang amang si Senyor Gerardo.

"Is there something bothering you, Big Bear?" banayad at tila naninimbang na tanong ni Ingrid.

"Bakit mo naman nasabing may gumugulo sa isipan ko," pilit niyang pinagaan ang kanyang tono upang hindi ito magduda.

"Kilala kita. At lumaki tayong magkasama kaya alam ko kapag may gumugulo sa isipan mo. Is this about that girl?"

"Girl?" napakunot-noo siya. Hindi niya natatandaang binanggit niya rito si Belinda.

"'Yong babaing nakita kong sinusundan mo noon sa department store."

Saglit siyang nag-isip.

"You even told me once na tinuruan ka niya kung paano pahalagahan ang buhay," dagdag na sabi ni Ingrid.

"Oh, that. She was a seven year-old kid that I met during my consultation. At 'yong babaing sinasabi mong sinusundan ko ay ang mother niya. She works in the department store, actually. She was a single mother and she works two full time job to support her child's medication. I talked to her personally to offer her some financial help."

"Oh, I thought..."

Napailing siya. "At some point, I have already given up. Kaya naman naisip kong sa halip na mag-wallow sa naging kapalaran ko ay naisipan kong tulungan na lang ang mga batang kapuspalad na dugtungan ang kanilang buhay. Higit kaninuman ay mas may karapatan silang mabuhay kaysa sa akin."

"Pero gumaling ka. Maybe God has better plans for you."

"May isang taon pa."

"What?"

"If the cancer does not appear after five years, I can safely say that I am cured."

Napipilan si Ingrid. Gayunma'y saglit lamang nagdaan sa mukha nito ang disappointment.

" Iyon ba ang inaalala mo?Nalampasan mo ang apat na taon without a hitch. At ilang buwan na lang din ang natitira para sa ikalima, you looked well and healthy to me."

Mabilis siyang umiling bago pa man siya nakaisip ng ibang maidadahilan.

"Eh, ano pala? Imposible namang sa negosyo, knowing you. As far as I know, when you appointed Tony to be your deputy ay naging maayos naman ang pamamalakad niya sa kompanya. I am also well-informed about the company's standing kaya imposibleng tungkol sa kompanya ang iniisip mo."

"He's in love," sukat biglang sumingit ang tinig ni Anthony mula sa pinto ng game room, kadarating lang nito.

Sa isip ay tahimik na napaungol si Terrence. Hindi niya mapipigilan ang bibig nito sa sandaling magsimula na itong magsalita.

"Totoo?" biglang nagliwanag ang mukha ni Ingrid. "Sino ang mapalad na babae? C'mon, share it."

Saglit siyang nangapa kung paano mag-uumpisang sabihin dito ang tungkol kay Belinda. Bagaman alam niyang mababa ang loob ni Ingrid at madali itong magpatawad, ay hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong ang babaing gumugulo sa isipan niya ay walang iba kundi ang babaing muntikan ng sumira sa pagsasama nito at ni Jeri.

"Nagkabalikan na ba kayo ni Georgia?" patuloy na panghuhula ni Ingrid, parang sabik makasagap ng balita tungkol sa kanyang personal na buhay. "I heard you attended a fund-raising event with her last week at Elysian."

"I did; but we're just friends now."

"Cliche," panunupla nito.

"Sa maniwala ka o hindi, iyon ang totoo."

Tumingin si Ingrid kay Anthony upang kumpirmahin ang kanyang sinabi. Subalit bago pa makapagbuka ng bibig ang huli ay binantaan niya ito ng tingin.

"Sorry, sweet. My lips are sealed."

"Hmn, fishy, fishy, fishy. I'll find out eventually."

Nang pumasok si Jeri ay tumayo na si Ingrid.

"What's so fishy?" anito sa kabiyak.

"Big Bear is hiding something. Grill him for me, will you?" tumingala ito nang yumuko si Jeri upang masuyong hagkan sa mga labi ng asawa.

"With pleasure."

"Goodnight sa inyong dalawa," ani Ingrid bago lumabas ng game room.

"'Night."

Nagsalin ng alak si Jeri sa tatlong rock glass.

"Care to tell us about it?" parang nanunubok lamang na tanong nito nang abutan sila ng tig-isang baso ng alak ni Anthony.

"There's nothing much to tell," paiwas na sagot niya. 

"Bakit parang iba yata ang nararamdaman ko?" binalingan nito si Anthony. "And it's quite obvious that you know something that I don't."

"Well, hindi ko puwedeng sabihin sa'yo na si Belinda ang babaing kasalukuyang gumugulo sa isip ng kaibigan natin. At lalong hindi ko puwedeng sabihin sa'yo na may posibilidad na siya rin ang ama ng anak ni Belinda."

Halatang nagulat si Jeri sa lahat ng sinabi ni Anthony. Sa inis ni Terrence ay dumampot siya ng isang pirasong ubas at ibinato sa huli. Tatawa-tawang umilag ang ugok.

"You and Belinda?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Jeri.

"I know, right?" tumatawang sang-ayon pa ng kumag.

"Since when? I mean--"

"A true gentleman never kiss and tell."

"Oh-ho-ho-ho. Did you hear that? That's coming from someone who practically manipulated me into marriage."

"At nagsisisi ka ba?"

"That's not the point. I love my wife and I will be forever indebted to you for bringing us together. At dahil d'yan pareho naming hangad na makatagpo ka na rin ng taong makakapareha mo habambuhay."

Tipid siyang napangiti. Nang sulyapan niya ang baraha ay naisip niyang hindi poker game ang mangyayari sa kanila sa gabing iyon.

"But speaking of Belinda, kung hindi ako nagkakamali ay malaki ang utang na loob mo sa kanya," saad pa ni Jeri.

Si Anthony na umiinom ng alak ay biglang nasamid. May kung ano itong isinisenyas kay Jeri habang iniihit ito ng ubo.

"What? Don't tell me hindi niya pa alam?" 

"Ano ang hindi ko alam?"

Pulang-pula na ang mukha ni Anthony nang humupa ito sa pag-ubo.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Terrence kina Anthony at Jeri. May pakiramdam siya na may inililihim ang mga ito sa kanya.

"What is it? Tell me."

Saglit na parang nagpasahan pa ang dalawa kung sino ang magsasalita.

"Well, wala bang magsasalita sa inyong dalawa?"

"Nang pumunta ako sa hospital para magpasuri kung posible akong maging bone marrow donor mo ay nag-volunteer si Belinda na sumabay sa akin upang magpa-test na rin just in case."

"And...?" 

"After a few days, when we came back, nakuha namin ang resulta. Her HLA was your perfect match. She made me promised not to tell you."

"All this time, I've been wondering..."

"I'm sorry."

"Fuck you."             


















Continue Reading

You'll Also Like

199K 1.8K 18
Fifteen years ago, in an odd circumstance, Divina met Leon in their school's creepy and abandoned auditorium. Kaagad na nakuha nito ang atensiyon ni...
1.7K 100 45
Tama bang sapat na ang pagmamahal para bumuo ng relasyon? Kailangan bang kilala mo ang sarili mo bago sabihing mahal mo na ang isang tao? Sa pagpili...
163K 4.2K 10
"Ang gusto ko lang, instead na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me." Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manat...
25.3K 1.4K 16
"Mas maswerte ako dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay ako pa ang pinili mo, ako pa ang lalaking minahal mo." Unang kita pa lang ni Bianca sa b...