BHO CAMP #5: Syntax Error

By MsButterfly

3.6M 89.7K 9.1K

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 3 ~ Nothing ~
CHAPTER 4 ~ Breaking ~
CHAPTER 5 ~ Battle ~
CHAPTER 6 ~ Flaw ~
CHAPTER 7 ~ Lips ~
CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 9 ~ Possibility ~
CHAPTER 10 ~ More ~
CHAPTER 11 ~ Result ~
CHAPTER 12 ~ Calculation~
CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 14 ~ Dour ~
CHAPTER 15 ~ Yes ~
CHAPTER 16 ~ Positive ~
CHAPTER 17 ~ Try ~
CHAPTER 19 ~ Restrain ~
CHAPTER 20 ~ Want ~
CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 26 ~ Confab ~
CHAPTER 27 ~ Rose ~
CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 29 ~ Fluff ~
CHAPTER 30 ~ Martins ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter
Up Next

CHAPTER 18 ~ Dispatch ~

88.6K 2.3K 145
By MsButterfly

CHAPTER 18

SNOW'S POV

Hinihingal na tumigil ako sa ginagawang push up exercise nang marinig ko ang tunog ng timer ko. Mabilis na tumayo ako mula sa pagkakadapa at kinuha ko ang maliit na device na nasa harapan ko at tumakbo ako palapit sa microwave oven na nasa gitna ng sala.

Kung may makakakita lang sa akin ngayon ay siguradong maweweirduhan iyon sa ginagawa ko at sa ayos ng condo ko. Nasa gilid kasi lahat ang mga gamit para mag bigay ng malaking espasyo sa gitna ng sala kung saan naroroon ang iba't ibang klase ng training equipment. A ng pinakakakaiba ay ang microwave na may laptop sa ibabaw at may kung anong key pad na nakadikit sa salamin no'n.

I'm currently training. Both field and experiment department. Puro strength training ang ginagawa ko dahil iyon ang kinatatamaran kong gawin noon at sa experiment department naman ay bumalik ako sa basics.

Deciphering codes and hacking.

Dahil wala ako sa BHO CAMP ay nag improvise ako. Ngayon ay kasalukuyan kong pinagsasabay ang field at experiment. Habang ginagawa ko ang resistance training ay kasalukuyan ng automatikong niluluto ang code sa laptop. Tutunog ang timer ko saktong pagkapasok no'n sa device na ikinabit ko sa salamin ng microwave at i-lo-lock no'n ang mirowave na hindi ko mabubuksan hanggat hindi ko nalalaman ang bagong code.

Kapag hindi ko iyon nabuksan ay masusunog ang popcorn na nasa loob no'n. Right now, I have two burned popcorns and four yummy ones that I managed to save.

Ganito ang pag-aaral noon sa Experiment Department. Madali lang naman para sa akin ito noon dahil isang code lang naman ang pinabubukas sa amin. Kapag nag reset sa ibang agent naman ipapagamit. Isa pa noon kasi mas mahaba ang binibigay sa amin na oras. Freezale sent me the software and now here I am.

"Okay." I murmured and clicked the timer.

Lumabas sa maliit na screen no'n na mayroon lang akong apat na minuto para mabuksan ang microwave.

Mabilis na tumipa ako sa laptop. Kung hindi ko magagawang i-identify ang codes ay pwede ko namang gamiting ang mga virus para bumukas iyon ng kusa. Ang problema may mayroong humaharang din sa ipinapasok ko rito na virus.

Iyon ang rason kung bakit may dalawa na akong sunog na popcorn. Iyong isa nang pasukan ko ng malware ay naging dahilan para bumilis ang oras imbis na pabagalin iyon. That's how tricky it is.

Napakunot noo ako nang tumunog ang door bell ng unit ko. Imbis na tumayo at tignan iyon ay nanatiling tutok ang atensyon ko sa laptop habang ang mga kamay ko ay hindi tumitigil sa ginagawa nito. I need to bypass the firewall so I can input the virus.

Muling tumunog ang door bell. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit na nag pokus pa rin sa ginagawa. Pero unti-unti na akong nawawala sa konsentrasyon lalo na ng gawing laruan ng kung sino man ang nasa labas ang door bell ko.

My fingers were a blur as it move at the pads while my eyes are darting from side to side as I read the codes. Halos hindi na ako humihinga ng huling trenta segundo na lang ang natitira sa akin. 20 seconds later, the firewall is down. 10 seconds, virus manage to infiltrate the system. Hinawakan ko ang bukasan ng microwave habang tutok na tutok ang mga mata ko sa screen. 5...4...3...2...

"One!" sigaw ko kasabay ng marahas kong paghila sa bukasan ng microwave. Nakangiting inilabas ko ang popcorn. "Ouch!"

Mabilis na inihagis ko ang pakete ng popcorn sa tray na nasa coffee table. Napangiti ako at tumayo habang nakapamewang na nakatingin sa mga iyon. "Five. Not bad, Snow, huh?" tinapik ko pa ang sarili kong balikat. "Good job-"

Naputol ang pagpuri ko sa sarili ko nang muling tumunog ang door bell. Napangiwi ako at tinungo ko ang pintuan. Pinindot ko ang screen digital peephole viewer at nang makita ko ang pamilyar na delivery guy doon ay binuksan ko ang pintuan.

"Delivery, Miss Night." naiinip na sabi ng delivery man at itinulak palapit sa akin ang isang malaking box. Bago ko pa matanong kung kanino nanggaling ay may inabot siya sa akin na papel at pinapipirmahan iyon.

Tinignan ko ang sender at napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Papa. Mukhang ito 'yong sinabi nila na supplies. Hindi ko alam kung paano iyon nakarating agad pero hindi na ako magtataka kung pribadong eroplano ang ginamit nila para magpadala rito. Kasi kung normal na delivery mula Pilipinas hindi ito makakadating ng dalawang araw lang ang pagitan.

"And this." the delivery guy said and hand me a small parcel.

Tinignan ko ang parcel na dumadating kada sabado. Galing na naman sa kaniya. I wonder what it says now.

"That's an expensive letter don't you think so?" the guy said. He was the one delivering the parcel every Saturday.

"It's not a letter." I said, smiling. "It's a note."

"Huh."

Nginitian ko lang siya at inabutan ng tip bago ko tinulak ang box papasok sa loob ng condo unit habang sa isang kamay ay mahigpit na hawak ko ang Saturday Note ko.

NILAGAY ko sa box sa ibabaw ng mini bar ang tip na ibinigay sa akin ng customer. Doon ko nilalagay lahat ng tip na natatanggap ko imbis na itago iyon.

"Ang dami mo ng nalalagay ah. Baka wala ka ng ipangkain niyan, girl."

Nilingon ko si BDW na kasalukuyang gumagawa ng cocktail drinks. Wala na kasi ang mga coffee customer namin dahil maghahating gabi na. Ang mga party people na ang mga naririto.

"Hindi naman. Kawawa din kasi ang pamilya ni Taylor. Masyadong malaki ang burial niya eh nag-aaral pa ang mga kapatid niya."

"May nagbayad daw ng bills ah. Hindi nga nila alam kung sino. Pero mabuti na lang din at least nabawasan ang gastusin nila."

Tumango-tango ako. Alam kong concern din si BDW kay Taylor kahit pa sabihin na halos wala naman itong kasundo sa mga nagtatrabaho rito. Hindi ibig sabihin niyon ay deserve niya ang nangyari sa kaniya. No one deserve to die like that.

Kaya nga kapag si Taylor ang pinag-uusapan namin ni BDW ay hindi niya magawang gamitin ang English language niya. Dahil nagiging seryoso kami kapag iyon ang pinag-uusapan.

May tatlong kapatid si Taylor. Ang ama niya ay lasenggero at tanging ang ina niya at si Taylor lang ang nagtatrabaho. Ngayon na wala na si Taylor ay paniguradong mahihirapan sila. Kaya hindi ko na rin napigilan na hindi makielam.

And to be honest, I feel guilty. Dahil wala akong nagawa. I know I shouldn't feel this way. Hindi naman inaasahan ang mga pangyayari. But I just can't erase that memory from my head.

Maybe it's guilt that made me do what I did. Binayaran ko ang burial ni Taylor at hindi ko iyon ipinaalam sa pamilya niya. Hindi na nila kailangan malaman.

"Pero mag-iingat ka din, girl. Delikado na talaga rito. Hindi naman si Taylor ang unang nadisgrasya dahil sa mga nakawan dito."

"Matagal na bang may nangyayaring ganito?"

"Wala pang isang taon. Iyong huling atake tatlong buwan na ang nakararaan. Ang nakakapagtaka sa pangyayari na 'yon eh wala namang nawala sa biktima." Nagpalingon-lingon ang babae at pinalapit ako sa kaniya. "At alam mo ba ang nakakatakot pa doon?"

"Ano?"

"Puro mga nagtatrabaho sa mga lugar na katulad nitong Steam ang nabibiktima. Mga waitress o bartenders."

Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang may lumapit sa mini bar na customer. Bumalik na rin ako sa trabaho ko pero hindi ko pa rin maialis ang isip ko sa sinabi niya. Nagkataon lang ba talaga o may nangyayari ng iba sa lugar na ito?

Hindi naman nakakapagtaka na may nangyayaring nakawan sa isang lugar. Pero ang nakakapagtaka ay ang pagpatay sa mga biktima. Maliban na lang kung lumaban ang mga ito. Idagdag pa ang sinabi ni BDW na mayroon daw isa na hindi naman daw nawalan.

"Hand this together to table first." sabi ni BDW at nagbaba ng tatlong klaseng alak.

Nilagay ko ang mga iyon sa tray ko at tinungo ko ang table number 1. Nakasanayan ko na ang pagtatrabaho rito bilang waitress. Isang bagay na bihira kong gawin sa BHO CAMP noon.

Hindi naman ako gaanong nahirapan sa pagtatrabaho rito dahil mabilis naman akong magmemorya ng mga bagay. Iyon nga lang hindi miminsan na sinasagip ako ni Deck o ni BDW sa mga lalaking ayaw akong pakawalan kapag nag se-serve ako. Lalo na iyong mga hindi naman talaga tagarito at dumadayo lang.

"Two Jack and Coke and one Gin and Tonic." I said as I placed the drinks at the table.

Akmang aalis na ako ng magsalita ang isa sa kanila, "Are you new here?"

Nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi na humarap ako sa tatlong lalaki na namumula na ang mga mukha sa kalasingan. Hindi naman sila mukhang goons katulad ng ilang pumupunta rito. Para ngang galing pa sila sa office. "Yes."

"You have a man?"

Pinigilan kong mapakunot noo. Tinatanong niya ba kung may boyfriend na ako? Ang sabi ni BDW kapag daw may nagtanong sa akin ng ganito ang sabihin ko daw meron na. "Ah, yes. He's waiting for me at home."

Tumango siya at nagbaling na ng tingin sa iba. Nagpaalam na ako sa kanila at tumalikod pero bago 'yon ay nakita ko na ang tinitignan nila. Ang isa sa dalawang bagong waitress na nag apply isang araw bago ang nangyari kay Taylor.

Isa sa kanila ay Pinoy habang ang isa ay native american.

Lumapit ako sa mini bar at inintay ang drinks na ginagawa ni BDW. Nang humarap siya sa akin ay bahagya akong umuklo sa kaniya at bumulong. "Kilala mo ba iyong mga lalaki sa table 1?"

Tumingin siya sa tinutukoy ko bago sumagot, "Oo. Iyong isa sa kanila dating ka-date ni Taylor."

"Ahh."

"Hindi ko gusto iyang lalaki na iyan. Minsan kasi narinig ko siya kung paano makapagsalita kay Taylor. May pinapakuha siya eh ayaw ni Taylor pumayag. Sigurao dahil naka duty siya nang mga oras na iyon."

"Iyong mga kasama niya okay naman?"

Tinignan niya ako ng mataman. "May gusto ka ba sa isa sa kanila? Nako, girl. Kung ako sa'yo iwas ka na lang sa kanila."

"Bakit? May mga ginagawa ba silang hindi maganda?"

"Hindi naman sa ganoon. Iyon nga lang mga sawi iyan. Kung hindi namamatayan ng girlfriend bigla naman silang tinatakasan at hindi na nagpapakita."

Parang may kung anong nagbubulong sa akin na kailangan kong pag-aralan ang kilos ng mga lalake. Muli akong tumingin sa kanila. Hindi ko na kailangan mangamba na makita nila akong pinagmamasdan sila dahil kasalukuyan silang nakatingin pa rin sa dalawang bagong waitress. Partikular sa Pinay na kasalukuyang ngiting-ngiti na kausap ang iba pang mga customer.

Maaaring coincidence lang ang lahat. Baka hindi ko naman kailangang ikaparanoid ang mga napapansin ko. Pero kung may isang bagay na itinuro ang BHO CAMP na hindi ko makakalimutan ay iyon ang iwaksi sa isipan ang salitang coincidence. Because anything could be a lead.



PHOENIX' POV

Tinignan ko ang mahimbing na natutulog na si Mira. Nakabaluktot siya sa sofa at halata na hindi siya komportable sa pagkakahiga. Ilang linggo na siya na ganito. Hindi siya umiimik at aligaga siya.

Ilang beses akong nagtangka na tanungin kung ano ang problema niya pero kada gagawin ko iyon ay nag pa-panic siya at bigla na lang umiiyak.

I hate seeing her like this. Kahit pa na sabihing naguguluhan din ako. Na nahihirapan ako sa sitwasyon namin, hindi maiaalis niyon na asawa ko si Mira at mahalaga siya sa akin. Ang totoo, kinailangan ko din siya katulad na kinailangan niya ako. She needs security...someone to protect her. And me, I needed someone to love. Someone I can move forward with.

Umuklo ako sa kinahihigaan niya at binuhat ko siya. Gumalaw siya pero hindi siya nagising. Binuhat ko siya hanggang sa kwarto namin. Marahang ibinaba ko siya sa kama at kinumutan.

Muli akong bumuntong-hininga. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ko ang buhok na tumatabing sa mukha niya. "I'm sorry, Mira."

The hardest part is knowing that I love her yet I'm not in love with her. I failed to see the difference before. But I won't leave her not when she still needed me.

Hindi siya dapat masaktan ng dahil sa akin. Pero iyon pa rin ang ginagawa ko.

I know that someday I might leave her. Tanggapin man ako ni Snow ulit o hindi, it doesn't matter. I just can't keep on doing this to the both of them. I can't keep lying to myself.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon ng makita ko na si Dawn ang tumatawag. "Hello?"

"You have a mission."

Tinignan ko si Mira."Wala bang ibang agents na pwedeng kumuha ng mission na 'to?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Pagkaraan ay nagsalita si Dawn, "Wala. Ikaw lang ang available na agent para sa mission na 'to."

"Higher mission?"

"No. Don't worry, hindi magtatagal ang mission na ito. Four days at most. Pero sa tingin ko matatapos mo naman agad."

"Sum up?" I asked resignedly.

"Robbery and murder."

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 128 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...
889K 36.4K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
2.4K 191 27
[Loving You Epistolary Series #1] Senior high school nang maka-partner ni Veronica Manalo ang six-footer at sikat na si Xavier Gutierrez. Sa maliit n...
25.9M 515K 43
Past is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1