Destined with the Bad Boy

By justcallmecai

38.3M 1M 136K

[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Epilogue
Special Chapter
Book Two
SOON TO BE PUBLISHED
BOOK LAUNCH

Chapter 79

300K 7.9K 318
By justcallmecai

Chapter 79

Struggle

"Abigail, may masakit ba sayo? Masakit ba 'yung dibdib mo?"

I stayed still. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Apxfel. Kung tatango ba ako o iiling.

"Please, Abi. Just please. Don't hide it to me." Sabi niya. At doon na tumulo ang luha ko.

Dahan dahan akong tumango.

"It hurt.. so much." Sabi ko.

His reaction shifted.

Agad siyang umupo sa tabi ko at pina sandal ako sa balikat niya.

"Deep breath." He said.

Sinunod ko naman iyon.

"Naka inom ka na ba ng gamot?" Tanong niya pa kaya tumango ulit ako dito.

I can't stop crying now.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Kung sa sakit ba ng dibdib ko o dahil dito.. sa sitwasyon namin ni Apxfel.

Ang saklap.

Kumuha rin siya ng tubig at pinainom ako.

"How are you feeling? Any good?" He asked.

I shook my head.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya pa habang hinahagod ang likod ko.

"Nahihirapan na akong huminga." Sabi ko sa kanya.

Kung kanina makirot lang ang dibdib ko, ngayon iba na. I'm struggling to breathe.

Nakita ko naman agad ang bakas ng sobrang pag aalala sa mukha niya.

Walang sabi sabi, binuhat na agad ako ni Apxfel.

"Hang on, baby. Dadalin kita sa ospital. Just hang on."

-

I don't know what happened next. Nagising na lang ako na nandito sa sa ospital.. Okay na din naman ang pakiramdam ko.

Agad na hinanap ng mata ko sa Apxfel.

I saw him sleeping on the chair close to my bed.

Hindi ko maiwasang hindi maluha. I feel bad. I feel bad for myself, I feel bad for him... I feel bad for everything.

Dapat ngayon, nasa school siya. Dapat tumatawa siya at nag e-enjoy.

Yet.. his here with me. Suffering as well.

Bigla naman siyang nagising. Nung makita niyang gising na din ako, lumapit siya agad sa'kin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Mahinahon niyang tanong.

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"I'm okay now." Mahinang sabi ko.

"That's great. Sabi din ni Doc, pwede na kitang ma i-uwi mamaya."

I just smiled at him.

"Hindi ko pa din pala napapaalam ito kela Tita-"

"Wag. Wag mo na muna sabihin sa kanila. Mag aalala lang sila." Pag putol ko kay Apxfel.

Pag kasi nalaman nila Mommy at Daddy ito, siguradong uuwi sila ura-urada. Ayaw ko 'yun kasi baka maunsyame pa iyong mga kailangan nilang gawin doon.

"Okay." He said.

-

It's almost been a week, at ngayong araw, nagkaroon nanaman kami ng mahabang pilitan ni Apxfel.

Ayaw nanaman kasi niyang pumasok. Gusto niyang bantayan ako pero wala, e. Hindi siya mananalo sa akin. That's why he ended up going to school.

Magdamag lang akong naka higa sa kama ko. Ang bilin din kasi ni Doc, mag pahinga lang daw ako at huwag muna masyadong kumilos.

He reminded me how fragile I am. And how weak my heart is.

Hindi naman ako nakakalimot doon.

Wala na nga akong halos ginagawa ngayon. Kung hindi ako nag babasa ng libro, mag ba browse lang ako sa phone ko o kaya naman matutulog na lang.

I flinched when someone open the door.

"Babe, I'm home." Sabi ni Apxfel ng may malaking ngiti.

"Ang aga mo yata?" Tanong ko naman. Ang alam ko kasi mamaya pa ang uwi niya.

"Well, maaga nag palabas si Sir Greg. Kilala mo naman 'yun." Sagot niya.

Nag handa na si Apxfel ng dinner. Dapat si Manang ang mag hahanda pero ang gusto ni Apxfel, siya daw.

Habang kumakain kami, biglang tumunog iyong phone niya. Pero hindi niya ito sinasagot.

"Bakit ayaw mong sagutin?"

"Kumakain pa tayo.. that can wait." He said with a smile.

Tumango ako.

Nag patuloy kaming kumain pero kasi tunog ng tunog talaga iyong phone niya. Baka importante na 'yun!

"Sagutin mo na, sige na." Saad ko.

Tumayo siya at sinagot 'yung phone. I don't want to ear drop but I can't help not to. Malapit lang kasi siya sa'kin at maririnig at maririnig ko talaga kung ano ang mga sinasabi niya.

"I can't, bro. Imposible talaga yang trip niyo. I can't go practice and stuff. Alam niyo naman yung sitwasyon." Narinig kong sabi niya.

Pag katapos nun, binaba na din niya iyong telepono niya.

"Sino 'yun?" Tanong ko.

"Si Zim. Gusto kasi nila ni Dominic na sumali kami sa org. Yung may banda? Malapit na 'yung audition kaya nag aaya sila na mag practice." Sabi niya.

"Ikaw, gusto mo ba?" Agad kong tanong.

He really should join. Them, as a band is so good. Nakakapang hinayang kung hindi makikita ng Chandford University ang talento nila.

"I can't." He said.

"That's not my question.."

Alam ko naman na ako iyong dahilan kung bakit hindi. Kaya ito ako, nagi guilty nanaman.

"Abigail.. let's just eat, okay. Para makapag pahinga ka na din."

"Just answer the question, please." Giit ko.

"10% gusto, cause I think that would be cool. 90% ayaw, kasi gusto ko na mas maraming oras na nasa tabi mo ako."

Natahimik na lang ako.

Sa buong linggo, nag karoon na kami ng everyday routine ni Apxfel. Pag dating niya galing sa Chandford, sabay kaming kakain na dalawa. Mapa lunch man yun, meryenda o dinner. Pag tapos, tuturuan niya ako nung mga itinuro sa kanila. Pag inantok kami matutulog kami, pag hindi naman manunuod na lang ng movie. Minsan, nag lalaro din ng board games.

Nakaka boring kung iisipin, pero hindi ko 'yun nararamdaman kasi kasama ko si Apxfel. Kaya kahit magtitigan lang kami sa buong mag damag, okay lang.

We're almost finish eating when the doorbell rang.

Sino kaya 'yun? Wala naman kaming ine-expect na bisita ngayong araw.

Si Apxfel na ang nag bukas ng pinto.

"Hi guys!" Bati ni Bobbie. Siya pala.

"Hi, Bobbie. Na bisita ka?" Tanong ni Apxfel.

"Well.. I brought Abigail some fruits." Sabi niya sabay inabot yung mga prutas kay Apxfel, tapos ay bumeso naman siya sa'kin.

Mabait talaga si Bobbie. Pero kasi minsan kahit hindi niya intensyon, naipapa-mukha niya sa akin na may sakit talaga ako. Na pasyente ako.

Nung nakaraang araw, lugaw ang dala niya.

"Actually, ikaw talaga ang sadya ko Chris." Saad ni Bobbie. "You forgot that we had a meeting today. Yung sa proposal sa english? Nag meeting kami kanina and you didn't show up. So ito, ayan lahat ng napag meetingan namin kanina."

May inabot si Bobbie kay Apxfel na mga papel.

"Dang, I forgot! I'm sorry. But no worries titignan ko 'to agad."

"Sayang wala ka kanina. The group had so much fun! Ang dami pang kwento ni Martin! Sobrang nakakatawa talaga. You should've been there. I swear!" Saad ni Bobbie habang natatawa.

Tumawa din naman si Apxfel.

"Really? Kengkoy talaga nitong si Martin." Sabi pa ni Apxfel.

I totally felt out of place. Who's Martin anyway? Wala kaming ka block na Martin last trimester. Siguro, bago lang siya.

"Kwento ko na lang sayo! Grabe yung tawa ko kanina." Sunod pang sabi ni Bobbie.

Bago pa naka sagot si Apxfel, nag salita na ako.

"I'm tired. Aakyat na ako sa taas. Thank you pala sa fruits, Bobbie." Pag ka tapos kong sabihin iyon umakyat na din ako agad.

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
539K 13.9K 19
Genre: School Life, Romance // "If I were rain, that joins sky and earth that otherwise never touch, could I join two hearts as well?" -- Original qu...
10.1K 1.7K 70
The Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 ...
899 31 3
There is a fine thread between fiction and reality. What will happen if both crosses each other? ❝❞ The mysterious disappearances of fiction writers...