The Billionaire's Secretary

Von CussMeNot

11.3M 206K 17.8K

The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad... Mehr

The Billionaire's Secretary
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Note
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata
Special Chapter
The Billionaire's Sexy Whore
Unspoken Truth
King Hyron
Note
Announcement!
SELF PUBLISHED under Immac Publishing Services
BOOK ANNOUNCEMENT
TBS book Reprint!
The Mafia Boss Love Interest Published under Immac PPH

Kabanata 4

235K 4.7K 530
Von CussMeNot

Kabanata 4

H E R A ' S P . O . V .

Apat na buwan na ang nakalilipas simula noong maging secretary ako ni Boss King Tyron Sandoval, at ang masasabi ko lang ay sobrang sama ng ugali niya, as in sobrang sama! Halos lahat na ng bagay ay ipinag-uutos niya sa akin. Naging instant alila niya lang naman ako dahil sa sobrang dami ng inuutos niya. Kahit nga hindi na sakop ng trabaho ko ay ipinapagawa niya pa rin sa akin at ang malala sa lahat ay pinapagalitan niya ako nang todo tuwing nagkakamali ako.

Katulad na lamang ng paglilinis ng opisina at bahay niya at ang malala ay ang pagiging tagaluto niya. Dinaig ko pa yata ang all around maid slash secretary. Minsan nga ay walang kwentang bagay pa ang iuutos niya sa akin. Hindi naman ako maka-angal dahil paniguradong matatanggal ako sa trabaho. Mahirap pa namang maghanap ng bago at saka nakakapanghinayang dahil malaki naman ang sweldo ko rito. Halos mamatay nga lang ako dahil sa sobrang pagod.

Napatunghay ako mula sa pagkakasubsob sa mesa nang biglang mag-ring ang intercom na nasa tabi ko. Napa-ungot ako habang nagkakamot ng ulo. Naiinis na iniuntog ko nang mahina ang aking noo sa mesa.

Speaking of that fucking boss, maghahasik na naman siya ng lagim. Habang nakasubsob ulit ay kinapa ko ang telepono at walang gana ko itong sinagot.

"Hello," mahina kong bati sa kabilang linya.

"Where's my coffee? Kalahating oras na akong naghihintay d'yan sa kapeng pinapatimpla ko sa 'yo pero hanggang ngayon, wala pa rin? Ano ba'ng ginagawa mo? Do you want to get fired? Ang bagal mong kumilos!" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya sa akin.

Napangiwi ako dahil doon.

Napatuwid ako nang pagkakaupo nang maalala ko 'yong huling iniutos niya. Patay na! Nagpapatimpla nga pala siya sa akin ng kape. Yari ako! Naku, kaya pala parang may nakalimutan ako.

"Shit." Hindi ko maiwasang mapamura.

Anak ng tokwa! Beast mode na naman si Boss at ako ang may kasalanan. Mapapamura na nga sana ulit ako nang biglang magsalita si Sir Tyron sa kabilang linya.

"Minumura mo ba 'ko? Baka gusto mong tanggalin kita sa trabaho,"  nanggagalaiti niyang sigaw sa akin.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kaniyang sinabi kaya napatayo ako nang wala sa oras. Napalunok din ako dahil sa kaba.

"Hi-hindi po, Boss . . ." kinakabahang sabi ko. Napakagat ako sa aking daliri.

Isip, Hera. Umisip ka ng palusot.

"Hindi po kayo ang minumura ko. Uhmm, 'yong ano . . . 'yong ipis. Tama. Tama, 'yong ipis nga. Nagulat po ako kaya naman napa-mura ako nang wala sa oras," nauutal na sabi ko.

Habang sinasabi ko ang palusot na iyon ay sinasabunutan ko ang aking sarili. Ang gaga mo, Hera! Magpapalusot ka na lang, 'yong hindi pa kapani-paniwala. Pero sana ay maniwala siya.

"Maniwala ka, Boss. Please. Ayoko pang mawalan ng trabaho," piping dasal ko sa aking isipan.

Marami na akong nabalitaan na kapag sobrang galit daw si Boss Tyron ay basta-basta na lang daw itong nagtatanggal ng empleyado. Balita ko nga rin ay siyam na secretary na raw ang natanggal nito. Ako pa nga lang daw 'yong tumagal nang apat na buwan dahil masyado raw akong masunurin at masipag. Iyon ang sabi ng kapwa ko empleyado rito sa kompanya.

Sana naman ay huwag siyang magalit nang todo sa akin at huwag niya rin sana akong tanggalin sa trabaho. Ayokong maging pang-sampu sa mga tinanggal niya, 'no. Ang hirap kayang maghanap ng trabaho ngayon.

Magsasalita na sana ulit ako nang mamatay ulit ang tawag. Isa pa ito sa ayaw ko kay Boss Beast, eh. Masyado siyang bastos.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa elevator. Habang nakasakay ako ay pinagdarasal ko talaga na hindi ako tanggalin

ni Boss Tyron sa trabaho. Nang makarating sa kusina ay nagtimpla agad ako ng kape. Kung bakit naman kasi walang ganito sa floor namin. Nasa third floor kasi ang mini kitchen. Maglalakad na sana ako pabalik ng elevator nang biglang tumunog ang cell phone ko. Agad nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pangalan ni Sir Tyron dito. Walang pag-aatubiling sinagot ko ang tawag niya.

"I want Starbucks coffee. 'Pag wala ka pa rito within five minutes, you're fired," seryosong sabi niya pagkatapos ay pinatay niya na agad ang tawag.

Nalaglag ang panga ko sa kaniyang sinabi.

What? Starbucks coffee? Ang mahal ng kape na iyon.

Nakakainis talaga iyang si fucking Tyron Sandoval. Dapat sinabi na niya kanina para naman doon ako dumiretso.

Nanggigigil na nilamukos ko ang paper cup na hawak ko. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na naalala na mainit nga pala ang laman nito. Mangiyak-ngiyak ako dahil sa hapdi at init na nararamdaman ko. Ang tanga ko talaga. Bakit ba naman kasi nilamukos ko agad, ang sakit tuloy ng kamay ko. Pero kasi naman eh, si Boss Tyron ang may kasalanan.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumakad para bumili ng kape. Malapit naman dito sa building namin ang Starbucks kaya mabilis naman din siguro akong makakabalik. Sana lang ay makaabot ako sa oras.

Pagkabiling-pagkabili ko ay dali-dali naman akong tumakbo pabalik. Nasa may harap na ako ng pinto ng opisina ni Boss Tyron nang bigla itong bumukas at lumabas doon ang aking boss na sobrang sungit.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako. Ibibigay ko na sana sa kaniya ang kapeng binili ko pero bigla siyang nagsalita.

"I don't need that. You can throw that fucking coffee in the trashcan. And you're fired—" seryosong sabi niya habang nakakunot ang noo.

Ang galit na nararamdaman ko kanina ay biglang umusbong. Sa narinig ko ay halos magngitngit ako sa galit. Itapon? Tama ba ang pagkakarinig ko? Ano 'yon? Matapos kong paghirapan na mabili ito ay gano'n-gano'n na lang? Grabe! Nasayang lang ang oras at lakas ko sa pagbili ng lintik na kapeng ito. Pati perang tinitipid ko ay nagastos ko nang dahil lang dito tapos hindi naman pala niya iinumin pero nagpabili pa siya. Pagod lang ang naabot ko. Ang gago niya! Tapos tatanggalin niya agad ako sa trabaho dahil lang na-late ako ng dating. Isa siyang malaking shit.

Sa sobrang galit ko ay nagdilim na agad ang paningin ko. Hindi ko na namalayan na naibuhos ko na pala sa kaniya 'yong kapeng binili ko. Wala na akong pakialam tutal tinanggal na rin naman niya ako sa trabaho.

Inismiran ko siya pagkatapos ay naiinis ko siyang sinigawan. Punong-puno na ako kaya hindi ko napigilan ang nararamdaman kong inis. Apat na buwan kong tiniis ang lahat ng frustration ko sa kaniya.

Nanatili lang siyang kalmado pero halata sa mukha niya ang galit. Wala akong pake kung wala akong galang. Mabait naman kasi talaga ako, eh. Iyon nga lang, kapag alam kong naaagrabyado na ako ay kailangan ko na rin namang lumaban.

Pasalamat pa nga siya at hindi mainit 'yong letcheng kape na iyon. Hindi kasi kinaya ng budget ko ang mainit na kape.

"Grabe ka naman, Boss! Matapos kong mapaghirapan bilhin iyan, hindi mo naman pala iinumin. Gago ka ba? Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang maibigay ko iyan sa 'yo. Muntik na nga akong mabangga ng sasakyan dahil sa pagmamadali ko tapos pagdating ko rito, ipapatapon mo na lang nang basta ang letcheng kape na 'yan? Naglolokohan ba tayo? Sana naman hindi ka na lang din nag-effort na magpabili. Pati tuloy pagod at effort ko ay nasayang lang! Ang mahal din ng letcheng kape na 'to, ah! Pang dalawang linggo ko ring pangkain ito, Boss. Fuck—" Napatigil ako at natigalgal dahil sa kaniyang ginawa.

Mabilis ang mga pangyayari. Hindi agad ako nakapag-react noong hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi, kasunod noon ang paghalik niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko habang hinahalikan niya ako. Imbes na lalo akong magalit sa kaniya ay kabaliktaran pa nito ang aking naramdaman. Ang galit ko ay unting-unting nawala na parang bula. Para bang ang mga halik na ibinibigay niya sa akin ngayon ay may magic na unting- unting nagpapakalma sa akin.

My gosh! Hinahalikan niya ako!

Dahil sa sobrang gulat at pagkabigla ay hindi ko siya magawang itulak. Parang nabato ako sa aking kinatatayuan at nawalan ng lakas para pigilan siya.

Habang patuloy niya akong hinahalikan ay napapikit ako. Banayad ang pagkakahalik niya sa akin na para bang ingat na ingat siya. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siyang pigilan. Bakit gustong-gusto ko ang paghalik niya sa akin?

Kinagat niya ang aking ibabang labi kaya naman napasinghap ako dahil sa gulat. Iyon ang naging dahilan para mahalikan niya ako lalo. Nanatili akong walang kagalaw-galaw habang siya naman ay patuloy sa paghalik niya sa akin. Hindi ako marunong humalik kaya naman para akong tuod.

Ang kaniyang marahang paghalik ay naging mapusok. Ramdam ko ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Dahil sa kaniyang ginawa ay para akong nanghina kaya naman ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg.

Shit! French kiss ba ang tawag sa ginagawa niya? Sa klase ng paghalik niya sa akin ay hindi ko maiwasang masarapan. Bakit mas lalo kong nagugustuhan ang halik niya? Oh my gosh! Nasisiraan na yata ako ng bait dahil hinahayaan ko siyang gawin sa akin ang bagay na ito na siyang nakakapagpahina ng mga buto ko.

"Kiss me back," sabi niya gamit ang malambing na boses. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kahit hindi ako marunong humalik ay sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Bahala na si Batman.

Hindi ko siya kayang tangihan. Nababaliw na yata ako.

Sinabayan ko ang bawat paghalik niya sa akin. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang batok para lalo pa siyang mapalapit sa akin. Ang sarap niyang humalik. Nakakalunod at nakakawala sa sarili ang ginagawa niya. Pati galit ko sa kaniya ay tuluyang nawala. Habol namin ang aming hininga pagkatapos naming maghalikan.

"Don't cuss at me, baby. It's fucking bad," mahina niyang bulong sa akin. Wala sa sariling tumango lang ako sa kaniya. Tila nasa ilalim pa rin ako ng mahika niya. "At huwag na huwag mo ring susubukang ulitin na putulin ang pagsasalita ko, dahil hindi ako magdadalawang-isip na halikan ka ulit. Maliwanag ba?" may awtoridad sa tinig na sabi niya.

Napatango lang ako dahil hindi pa rin ako makapagsalita. Nakakalunod pala ang paghalik niya. Nakakabaliw at nakakawala sa sarili. First time kong mahalikan sa labi at kahit unang beses pa lang na may nakahalik sa akin ay masasabi kong ito na yata ang pinakamasarap na halik. Heaven.

Namumulang tiningnan ko siya. Tinitigan niya rin ako gaya ng pagtitig ko sa kaniya. Hindi na virgin ang labi ko—ang lips ko. Nahihiyang tinakpan ko ang labi ko gamit ang kanang kamay ko. Nanatili naman siyang nakatitig sa akin. Naramdaman ko rin ang pag-init ng mukha ko dahil sa kaniyang pagtitig. Bakit gano'n siya makatingin? It looks like that his stare is full of desire. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Waahh! Nakakahiya! Ngayon ko lang napagtanto na ang gaga ko pala talaga! Nakakahiya ang ginawa ko. Wala na yata akong mukhang ihaharap sa kaniya. Kill me now!

"What happened to your hand?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa namumula kong kamay. Nanatili naman akong tulala sa kaniya na para bang naguguluhan.

"Hoy, Hera. Bakit tulala ka d'yan?" nakangusong tanong ni Mich. Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang kaniyang boses. Napalabi ako pagkatapos ay umiling.

"Wala, may iniisip lang," sagot ko.

"Ano namang iniisip mo?" chismosang pagtatanong niya.

'Yong halik ni Boss Tyron. Hindi ko pa rin makalimutan.

"Wala. Bawal sabihin," nakangusong sagot ko.

Nakakagulat naman kung sasabihin kong ganoon ang pinoproblema ko, 'di ba? Baka gisahin ako ng babeng 'to para lang malaman ang bawat detalye.

"Ay gano'n? Ang daya mo naman," tila nanghihinayang na sabi ni Mich at kalaunan ay tumawa rin siya. May sapak din kasi ang babaeng ito.

Napabuntonghininga muna ako bago ko isubo ang pansit na binili ko rito sa cafeteria. Lunch break na kasi kaya naman nakain na kami.

"Ang lalim, ah. Sobrang laki ba talaga niyang problema mo? Kung makabuntonghininga ka kasi akala mo hindi mo na talaga makakaya iyang problema mo," wika niya.

"Hindi naman," tipid na sabi ko habang nakatulala. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Boss Tyron.

Masarap kasi siyang humalik. Napahawak tuloy ako sa labi ko. Bakit ba hindi mawala sa isip ko ang kaniyang ginawa? Grabe! Nababaliw na yata ako.

"Mabait ba si Boss Tyron?" nahihiyang bulong ko kay Mich. Nagkibit-balikat naman siya habang nakaismid.

"Ewan? Siguro? Hindi ko alam, eh. Hindi ko kasi siya nakakasalamuha kasi kay Sir Matt ako nakadirekta, 'di ba? Minsan ko lang makita ang ating CEO. Pero sa nababalitaan ko kasi sa mga katrabaho natin, lagi siyang galit at nakasigaw. Tsaka ayaw raw nito ng palpak sa trabaho. Ang tawag nga nila minsan kay Sir ay Tyron the Demon pero syempre patago lang. Bakit mo nga pala naitanong?" tila naguguluhang tanong niya.

"Wala naman," kibit-balikat na sabi ko.

"Pero teka! Ikaw ang lagi niyang kasama sa araw-araw, 'di ba? Eh dapat ikaw ang nakakaalam kung ano ang totoong ugali niya." Tiningnan ko lang siya habang nakangiwi.

"Lagi nga siyang galit," nakalabing sabi ko.

"Oh edi, nasagot mo rin ang tanong mo," tumatawang sabi niya. Hindi ko na lang siya sinagot.

Naguguluhan na ako dahil sa ikinilos ni Boss Tyron kanina. Sa apat na buwan kong pagtatrabaho sa kaniya ay ngayon lang nangyari ang bagay na iyon. Nagtataka talaga ako kung bakit bigla siyang bumait sa akin. Siguro nakakapagpabago ang halik ko pero asa pa. Isang malaking asa.

Naalala ko tuloy ulit ang nangyari kanina. Iniwan lang naman niya akong tulala pagkatapos niyang gamutin ang kamay ko. Napatulala ulit ako sa naisip. Siya ang gumamot sa napaso kong kamay tapos ay tumawag pa nga ito sa akin kanina para sabihing,"You're hired again. Go back to work."

May sa pahed yata ang isang iyon, eh.

"So, kumusta namang maging Secretary ni Sir Tyron?" nakangising tanong ni Mich sa akin. Nanguso ako pagkatapos ay napabuntonghininga.

"Nakakapagod," madiing pagkakasabi ko.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Mich na para bang hindi makapaniwala. "What?"

"Huwag kang green," nakangising sabi ko sa kaniya pero agad naman siyang napakunot ng noo.

"Gaga! Ikaw ang huwag green. Wala naman akong sinasabing kakaiba, ah. Grabe ka, oh," natatawa niyang sabi.

Biglang namilog ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Kalaunan ay napasabunot ako sa sarili ko.

Naaapektuhan na yata pati ang takbo ng utak ko dahil doon sa letcheng halik ni Boss Tyron

"Hay naku! Natulala ka na naman. Teka, may gagawin ka ba mamaya?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Uhm, wala naman. Bakit?" tanong ko habang nakahalumbaba sa mesa. Biglang nagningning ang mga mata ni Mich pagkatapos ay pumalakpak pa siya.

"Ayos! Gusto mo bang sumama sa bar mamaya? Birthday kasi ni Jerry. Nagyayaya silang mag-bar."

"Ha? Naku, Nakakahiya namang sumama. Baka sabihin nila nakikisabit ako sa inyo," nakangiwing sabi ko. Tumawa naman siya na para bang may sinabi akong joke.

"Hindi, 'no. Sila nga ang nagsabi na isama kita, eh. Para naman daw makilala ka rin nila. Excited na nga sila, eh. Tsaka mababait ang mga 'yon, 'no."

"Pero—" Tatanggi pa sana ako sa kaniya nang bigla niya akong pigilan.

"Sumama ka na para naman madagdagan 'yong mga kaibigan mo rito. Apat na buwan ka nang nagtatrabaho rito tapos takot ka pa ring makipagkaibigan sa ibang tao kaya sumama ka ha!" nakalabing paliwanag niya.

Sabagay, mukhang kailangan ko na nga talaga ng maraming kaibigan.

Tumango na lang ako sa kaniya kaya agad naman siyang nagtatalon sa tuwa. Para talaga siyang isip bata. Napatawa na lang ako. Parehas kami, eh.

Wala namang masamang i-try, 'di ba? At saka maganda na ring makilala ko sila para marami akong maging kaibigan.

Ang hirap kayang maging loner.

(The Billionaire's Secretary. A novel written by CussMeNot)

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
925K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
18.1K 511 5
My yearly Christmas Special for you guys :)