TUE AT 06:33 PM
Helga : Hello, Ash! Nakauwi na ko!
Helga : Ang good girl ko, di ba? (^▽^)
Helga : Pero siyempre, isi-seen mo lang ako ngayong gabi kahit nagpakabait ako. Tsk.
Helga : Pinangangatawanan mo ang seen zone, e no?
Helga : Peyborit mo?
Helga : Aysus.
Helga : Kain kang mabuti sa dinner a. #KahitSeenZonedAko
Seen 06:39pm
09:34 PM
Helga : Nagrerebyu ako ngayon a. #KahitSeenZonedAko
Helga : May test kasi sa isang araw. Sa hindi ko fave subject. Tsk.
Helga : Saka ano...
Helga : May date na yung Acquiantance Party this year.
Helga : August 21. Isang buwan na lang.
Helga : Baka pwedeng ano...
Helga : Ikaw na lang ano... escort ko.
Helga : Please?
Helga : Mag-aaral akong mabuti.
Helga : Promise. (^▽^)
Helga : Oy! Ash!
09:38pm
Ash : Anong subject ang test nyo sa isang araw?
Helga : Ash! (≧∇≦)/
Helga : Yey! Nag-reply ka!
Helga :
Helga : Sa Parasitology ang test namin. :)
Ash : Ah.
Helga : Tapos? Anong next ng 'Ah' mo? Idi-date mo 'ko sa Party?
Helga : Oy! Ang tamad mo mag-type! Hmp.
Helga : Pero siyempre, hihintayin kitang sipagin.
Helga : Yiii... #Kelegs
Helga : #KahitSeenZonedAko
Helga : Ano na? Magka-date tayo sa party?
Ash : Pag-iisipan ko.
Helga : Ang arte! Ano pang pag-iisipan mo?
Helga : Hindi ka naman lugi sa kin a! Maganda kaya ako! ( ̄^ ̄゜)
Ash : Susko.
Helga : Saka, kahit respeto lang! Dahil ako ang unang nagyaya sayo. Hmp. Nilunok ko kaya pride ko.
Ash is typing...
Helga : Ang tagal ng typing mo a! (¯―¯٥)
Ash : I will date you kung mas mataas ang grade mo sa grade ko dati sa Para.
Helga : Hala! Bakit? Ilan ba grade mo dati?
Ash : 96.
Helga : Ano??? ლ(ಠ益ಠლ)
Helga : Ang taas naman!!! ლ(ಠ益ಠლ)
Ash : Ah. Hindi mo kayang i-beat?
Helga : Hala! (¯―¯٥)
Helga : Pano pag 96 lang din nakuha ko?
Ash : Then, I can't be your escort sa party.
Helga : Grabe!!!
Helga : Alam mo, ikaw, nagrereply ka lang para pahirapan ako!
Helga : Tuwing may quiz o test lang talaga e no? Balak mo maging prof? ( ̄^ ̄゜)
Ash : Haha. I didn't mean to.
Helga : Saka, ayaw mo ba sa babaeng maganda lang? Gusto mo, super talino rin? #TooMuch
Ash : Yep. I like my girl witty.
Helga : Wow. (¯―¯٥)
Helga : Kaya mo ko pinapahirapan? Ganun?
Ash : Bakit ka naman mahihirapan kung gusto ko ng witty na babae?
Helga : Oo nga no? Ano kayang ibig sabihin no? (¯―¯٥)
Ash : Haha!
Helga : Matalino kaya ako! Wala dapat problema a!
Helga : Pero daig mo pa sila Dad mag-quota sa grades ko! ლ(ಠ益ಠლ)
Ash : I will date you if you gain a higher score than mine, okay?
Helga : Matinong usapan yan a!
Ash : Yes, Kulit.
Helga : Wag mo kong tawaging kulit! Pambata!
Ash : Bata ka naman talaga a.
Helga : Hindi na ko bata!!!
Ash : Says the child. Haha.
Helga : Hindi naman talaga a! Mukha ba kong bata sayo?!
Ash : Yep. Bata ka pa.
Helga : ლ(ಠ益ಠლ)
Ash : Haha. Matulog ka na. Para lumaki ka agad, bata.
Helga : HINDI AKO BATA!!! (━┳━ _ ━┳━)
Ash : Then what do you want me to call you?
Helga : Love. Hahahahahahaha. XD
Helga : #JokeNoJoke
Seen 09:43pm
Helga : Hala! Nang-seen agad!!!
Helga : ( ̄^ ̄゜)
Helga : Joke lang! #HalfMeant.
Helga : I-reply mo na ko ulit! Ang pakipot mo a.
Ash : Matulog ka na.
Helga : I-goodnight mo muna ako. ( ̄^ ̄゜)
Ash : Hindi mo kailangan ng goodnight ko para lang pumikit at matulog, Kulit.
Helga : Aysus. Gano ka ka-sure ha?
Helga : Kailangan ko nga e... ( ̄^ ̄゜)
Seen 09:47pm
Helga : Seen! Puro seen! Puro na lang SEEN!!!!!!!
Helga : (╯°□°)╯︵ ┻━┻
Ash : Haha. Tulog na, Miss.
Helga : Goodnight ko muna. Ang damot mo a. Para goodnight lang a.
Seen 09:49pm
Helga : Hala!
Helga :
Ash : Kapag binigyan kita ngayon, hihingi ka uli bukas.
Helga : E di bigyan mo ko uli bukas. Sus. XD
Ash : Kapag nasanay ka, delikado ako.
Helga : Sus. Bakit? Binabawalan ka ni Kuya?
Helga : Pagtatanggol naman kita kay Kuya e. #Pramis
Ash : Hindi kay Harry.
Helga : Kanino pala, o?
Ash : Susko, Helga Lastimosa.
Ash : Matulog ka na lang.
Helga : Ayoko. Goodnight ko pa nga e.
Helga : Sige na.
Helga : Pleeeeeeaaaaassssseeeeee....
Ash : Hay.
09:52pm