© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION
"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥
Book 1 of 2: Php129.75
For more updates:
Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage
Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*
-------------------------------------------
CHAPTER 6
JULIETTE FRANCHESKA'S POV
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalaing may makakarinig sakin. Hindi ko rin alam kung sinong lalaki yung nakakita sakin. Masyado akong nataranta kaya hindi ko napansin kung sino yun. Basta tumakbo nalang akong nakayuko para hindi niya malaman kung sino ako.
Ayoko kasing may nakakarinig sakin eh, kahit si Emil o Drew, hindi pa nila ako naririnig kumanta. Lagi nga nila akong inaasar na hindi marunong kumanta eh.
Hingal na hingal akong napatigil dito sa may garden nung academy. Napasalampak tuloy ako dito sa may damuhan.
"JULIETTE FRANCHESKA BARRETTO! SAN KA BA NAGGALING?!"
"OO NGA LETLET! DYUSMEYO!"
Sigaw lang naman sakin ng dalawa kong bespren na hindi maipinta yung mukha at pawis na pawis. Tsk. Sabi na kasing..
DREW KHALIL'S POV
"JULIETTE FRANCHESKA BARRETTO! SAN KA BA NAGGALING?!" sigaw ko.
"OO NGA LETLET! DYUSMEYO!" sunod naman na sigaw ni Emil.
Kanina pa kasi namin hinahanap si Juliette sabi niya pupunta lang ng comfort room tapos ang tagal namang bumalik. Nag-alala tuloy kami at kung saan-saan naghanap.
"Ano? Anong ginawa ko? Diba sabi ko kung matagalan ako 'wag niyo na kong sundan?" sabi niya.
Aish.
"Julie! Mag-iisang oras na kaya! For goodness sake! Nag-aalala lang kami sa'yo." sabi ko sa kanya. Napafacepalm na ako.
"Aba'y oo nga! Siguro hinanap mo nanaman yung lalakeng yaon. Yung kinababaliwan mo. Tsk. Naghahanap pa kasi ng iba. Eh ang kisig kisig naman namin ni Drew." dugtong ni Emil.
Yeah right. Alam kong pareho kaming may gusto ni Emil kay Juliette. Kaya nga hindi kami magkasundo niyang lalaking yan minsan. Tss.
Pinilit lang ako ni Julie na dito kami mag-aral kaya nagtransfer kaming tatlo. Bata pa lang kasi kami, matatalik na kaming magkaibigan. Ang kaibahan lang namin. ako maykaya.. pero silang dalawa, galing lamang sa pamilya ng mga magsasaka at naninilbihan sila samin. Sa hacienda namin sa probinsya.
Yung mga magulang ko ang nagpapaaral sa kanila at mabait naman sila. Alam nilang may gusto ako kay Francheska. Payag naman sila kaso.. yun nga. Iba naman ang gusto niya.
At saka ayokong masira yung pagkakaibigan namin ni Emil dahil alam kong mahal niya si Letlet, pero mahal ko rin ang babaeng mahal niya. Walang umaamin saming dalawa pero alam kong alam niya na may gusto rin ako kay Cheska.
Nung unang araw namin dito, simple lang yung suot ko. Ganun kasi yung nakasanayan namin sa probinsya at saka wala namang pumapansin samin dun pati sa pinanggalingan naming kolehiyo bago dito sa FSA.
Sabagay, halos mayayaman kasi nandito kaya ngayon matino-tino na kami manamit. Saka buti nalang talaga, tinulungan kami ni Cara, yung mabait na babae na anak nung may-ari nitong akademya.
"Oo na. Oo na! Hinahanap ko kasi siya. Sorry ha? Hindi ko na po uulitin. Magpapaalam na ko sa inyo sa susunod."
"NO! SASAMA DAPAT KAMI!"
"HINDI PWEDE! SASAMA KAMI!" sabay naming sigaw ni Emil.
"Tsk. Oo na po mga boss. Protective much?"
"Uy gumaganun si Miss Panget! Este Miss Juliette!"
"Aba'y dapat lang LetLet. Saka 'wag ka nga masyado mag-Ingles. Dumudugo ilong ko sa iyo."
*PAK*
*PAK*
Nakatanggap lang naman kami ng isang kambal na hampas. Walanghiya 'tong amazonang babaeng 'to.
Kung hindi ko lang siya mahal baka nahali... wala.
ZANDER DRAKE'S POV
What the hell? Where did she go?
Tumakbo nanaman ako. Ang bilis namang mawala nung babaeng yun. Multo ba yun?
But I think it's really impossible..
Maybe she's not Chandria..
ETHAN SETH'S POV
Parang laging lutang si pareng Bonakid este si Bon.. Vaughn.. gah whatever. Ano kayang iniisip nito? Este sino? Ehem. May hindi yata siya sinasabi samin.
"Hoy Pareng Kulot na gwapo! Libre mo ko pagkain!" sabi sakin ni Kenjiro. Walanghiyang PG 'to. Okay na yung gwapo eh, pinangalandakan pang kulot ako. Bwiset. Kung hindi ko lang 'to kaibigan. Naku..
"Hoy Toink Boink PG! Mahiya ka naman jan sa gerlpren mo! Siya ilibre mo. Tsk."
"Diyan ka na nga. Lika na Honeymylabsosweet!" sabi ko sa girlriend kong maganda at inakbayan pero..
*PAAAK!*
Nakatanggap lang naman ako ng isang hampas. Tss.
"Aray naman Mikaelababy! Kailangan manapak?" sabi ko kay Anikka my labs.
"Corny ho ng tawag mo!"
"Tss. Edi hindi na. Tara na nga.."
"Tampururut!"
"Mahal mo naman."
"Oo na po. 'Wag na magtampo. Labyu.:*" sabi naman niya sabay halik sa cheeks ko.
Enebenemenpu. Hihi. Hindi po ako kinikilig. Tang-na. Hindi talaga.
Saan na nga ba kami pupunta?
Ah. Si Dani--este Zander pala.. pupuntahan namin.
Nasan na ba yung gagong yun?
VAUGHN LESTER'S POV
Chandria. Chandria. Chandria. San ba kita hahanapin binibining Chandria? Hay buhay..
Nandito ako ngayon sa rooftop. Nakaupo lang at hawak-hawak yung skateboard, pinapaikot-ikot, malalim na nag-iisip. Pa'no ko ba matutulungan si Pareng Daniel? Hayy..
Ilang beses na yata akong bumuntong hininga. Walang mangyayari sa'kin neto.
Lord, pengeng clue please! Tungkol kay Chandria.. Hayy..
Bigla kong tinigil sa pag-ikot yung skateboard nung may napansin ako dito.
"Huh?"
May nakasulat na initials.
JALE P.
"Jale?"
Yun na kaya yung pangalan ni Miss Skateboard Princess?
Eto na rin ba yung clue?
SCARLET'S POV
"Cara. Sino sila?" tanong sakin ng pinsan kong si bitc--este Jale.. pero dun siya kay Cade nakatingin. Ay neke. Patay tayo jan.
"Bi--Jale. This is Julia, Julia Montes, my bestfriend. Kinwento ko sa'yo remember? Saka siya si Krisha Liya Lee and this is Cade Alden Lee. Magpinsan sila. Ano okay na?"
"Yup. Salamat bitc--este Cara. Hehe."
"And guys, meet my cousin, Jale Aria Maeve Ponce. Saka, that's my kuya over there, Merck Sam Buenaventura and her fiance beside her, Fatima Jane Javier. Jale's kuya naman yung lalaki na katabi niya, si Kuya Stephen, Stephen Xavier King Ponce and her girlfriend, Xanthe Lilianne Salvador. Ayan. Magkakakilala na tayong lahat. Friends na. Nakakastress mga pangalan niyo. Dyusme."
At ayun nga, getting to know ang peg namin. Kwentuhan. Pero yung pinsan kong bitch, si Cade lang kinakausap. Sabi na eh!
Saka.. saka! Pfft. Ang sama ng tingin ni Bes Juls sa kanila. HAHAHAHA.
Pero..
Biglang nawala yung pagka-GV ko.
Nakita ko kasi sa 'di kalayuan si Daniel o Zander o Drake o whatever, ah basta yung lalaking mahal ko, tumatakbo. Pawis na pawis na parang may hinahanap. Takbo dito, takbo doon. Nung parang napagod na ata siya, bigla siyang dumiretso sa school clinic..
Aish.
Kailangan ko pa palang humanap ng ebidensya para mapatalsik yung masamang nilalang na nandun sa clinic. Tsk.
At eto pa.. palapit sakin yung weirdong lalaki na kumausap kay Daniel nung first day of school. Si Mr. Creepy, nakangiti pa. Langya naman oh.
Freak.
"Bakit ka ba nagtatago? Hindi ba ikaw naman yung hinahanap niya? Yung babaeng mahal niya?" biglang sabi niya sakin.
Shoot.
Gulat na napatingin lahat sila sakin, pwera nalang kay Julia at Cade. Nagtatakang mga titig. Nakamamatay. Leshe po.
Bwisit kang lalaki ka.
Kung anu-ano kasing sinasabi.
Ano bang alam niya?
At higit sa lahat..
SINO BA SIYA?!
-----------------------------------------------