Celestial Warrior

بواسطة WysteriaShin

538K 3.4K 198

Warning: Unedited pa ho itong first ever book ko rito sa Watty. Completed na po. Mababasa po ang buong kwento... المزيد

Panimula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 1

24.8K 707 97
بواسطة WysteriaShin

*Mundo ng Mortal
Taong Kasalukuyan

Camilla's POV

"Magandang umaga!" Bungad kapapasok pa lamang na guro sa loob ng silid. Inangat ko agad ang ulo ko mula sa pagkakayukyok sa lamesa nang marinig ang boses at agad inayos ang pagkakaupo.

Nakita ko si Ms. Dela Cruz sa harap at gulat kagaya ng mga iba ko pang kaeskwela. Takang nakatingin ang lahat sa kaniya't naghihintay ng sasabihin nito.

Inanunsyo nito na siya ang hahawak muli ng aming klase. Marami akong narinig na di sumang-ayon at ang mga sipsip naman naming mga ay tuwang-tuwa sa narinig.

Siya ang adviser namin noong unang taon pa lamang namin sa sekundarya at sa kamalasan sa advisory class nanaman niya ako bumagsak. Isa pa naman din siya sa mga kinakatakutang guro sa aming paaralan. Major niya ang Math, kasama ang Algebra at Trigonometry.

Pare-parehong pampadugo ng utak hindi ba?

Unang araw ng pasukan pero ito ako puyat sa kaiisip ng magiging araw ko. Kilala ko na siya't alam na alam kung paano siya magturo. Magaling ito sa magaling ngunit napakaestrikto pagdating sa mga proyekto't aktibidad na kanyang binibigay.

Siya nga pala, ako'y magpapakilala muna po sainyo. Ako nga pala si White Camilla Almarillo, labing-anim na taong gulang. Nasa ikatlong taon ng sekondarya.

Nanguha lang ng attendance si Ma'am at nagbigay ng homework. Unang araw homework nu? Mag-advance study daw kami para makasabay sa lesson bukas. Kung hindi ko lang alam ai, iyon ay para hindi na siya mahirapan magpaliwanag ng lesson.

Mabilis tumakbo ang oras nang di ko namamalayan. Pakiramdam ko lumulutang ang isip ko sa loob ng klase, mabuti na lang walang gaanong ginawa, nagattendance lang ang mga subject teachers at nagiwan ng listahan ng mga lessons na tatalakayin namin sa loob ng isang linggo. Mabuti na lamang at ganoon dahil tiyak na mapapahiya ako sa harap ng klase kung nagkataong may biglaang recitation doon pa naman sila mahilig lalo na sa unang araw ng klase, aalamin kung ano pang natatandaang huling tinalakay noon bago magsara ang eskwela.

Nakakaloka hindi ba?
Ganoon mabilis natapos ang umaga ko.

Uuwi na sana ako ng bahay pero dahil maaga pa naman ay sa flower shop ako dumiretso upang tulungan si Mommy.

Nagyaya pang mamasyal ang mga kaibigan ko pero hindi ako sumama. Hindi rin naman nila ako kayang pilitin kapag ayaw ko kaya nauna na akong lumabas at pumunta sa paradahan ng jeep.

Paglabas ko ng gate ng school ay naramdaman akong kakaiba. Parang nakuryente ang kaliwang tenga ko dahilan upang mapalingon ako sa paligid. May napansin akong anino ngunit bigla itong naglaho at mula naman sa kinatatayuan ko'y napansin ko ang isa pa ngunit alam kong sa pagkakataong iyon ay isa iyong tao.

Nasa gilid ito ng bakod ng isang tindahan. Parang nagtatago at may kakaibang malausok na nabalibot sa kanya. Kapansin-pansin ang siya sa lahat dahil siya lamang ang naiiba.

Kinabahan ako nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Hindi ko naman magawang aalis ang mga mata ko sa pagkakatingin sa direksyon niya. Nakikipaglabanan ako ng titigan na tumagal ng ilang segundo rin bago siya muling kumubli.

Nakuha ko ang pagkakataong iyon para tumakbo sa sakayan ng Jeep.

Sa bulto ng katawan niya't hugis ng mukha ay masasabi kong isa siyang lalaki. Matangkad ito, nakasuot ng maong na pantalon at nakajacket na may hood na nakataas sa kanyang ulo, isama pa ang sumbrerong suot nito, tago ang kanyang mukha ngunit kita ko ang kakaibang ku
lay ng mga mata nitong matalim na nakatingin sa'kin kanina.

Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses upang mabawasan ang kabang nararamdaman bago tuluyang sumakay sa humintong jeep. Muli kong binalingan ng tingin ang lugar kung saan ko siya nakita ngunit wala na ito roon.

"Sino kaya yun?" Tanong ko sa sarili.

Nakarating na ako sa flowershop ngunit palaisipan pa rin sa akin kung sino ang lalaki. Hindi ko na naikwento kay Mommy an nangyari dahil baka magalala lamang ito. Naging abala na rin kami pagkatapos mananghalian kaya panandalian na itong nawala sa isip ko.

Nang makauwi kami ay wala pa si Kuya, hanggang gabi kasi ang last subject niya at alas nuebe pa ang labasan nila. Nasa apat na taon na siya ng kolehiyo at may ilang units na kailangan niyang e-advance para mabilis na makagraduate. BS Psychology ang kinukuha niya at balak niya ituloy ng doktor, kaya mahirap magsinungaling sa isang iyon. Isang mind-reader kumbaga.

Dumiretso na ko sa kwarto para magpalit ng damit. Si Mommy naman sa altar naglagay ng mga dala niyang bulaklak galing sa shop. Dinadalhan niya si Daddy dahil hilig niya talaga ang mga halaman. Araw-araw pinapalitan ni Mommy ang mga bulaklak sa altar para matuwa daw si Daddy kung sakaling dumalaw ang kaluluwa niya sa bahay.

Kakatakot pero kung 'yun ang magpapasaya sa Mommy ko diba? Mahal na mahal niya kasi ito at ni minsan ay hindi nito naisipang palitan ang kanyang namayapang asawa.

"Lala, magpadeliver na lang tayo ng food. Ano bang gusto mo?" Sigaw ni Mommy habang pababa ito ng hagdan.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos magbihis at bumaba sa hagdan.

" Ikaw na ang tumawag, Chowking na lang luriat. Ikuha mo na rin si kuya mo, baka mamaya lang nandito na 'yun." Utos niya at agad kong tinungo ang telepono upang e-dial ang numero ng kainang nais niya.

"Akyat muna ako sa kwarto, maliligo muna ako at kanina pa ako naiinitan. Tawagin mo na lang ako kapag nandyan na yung delivery." Paalam ni Mommy at pumanhik na sa taas.

Nakailang ring na ngunit wala pang sumasagot sa kabilang linya. Habang naghihintay ay napalingon ako sa may bintana. Isang anino ang nakita kong nakasandal sa may poste at base sa hugis ay isa itong tao. Gumalaw pa ito at umayos ng pagkakatayo. Sa pagkilos niya'y mas malinaw ko na siyang nakita, nasa tapat pa ito mismo ng poste ng ilaw.

Napansin ko agad ang suot nitong damit. Ganun din sa suot ng lalaking nakita ko sa school kanina. Hindi pa rin makita ang mukha niya dahil sa nakataas ang hood ng suot na jacket na suot.

"Paanong? Sinusundan niya ba ako?" Sa takot ko bigla kong hinawi ang kurtina at napaupo sa upuang nasa tabi ko lamang.

"Bakit Lala?"

Nagulat ako nang biglang dumating si Mommy. Hindi pa ito nakaligo. Bumaba lamang pala upang kunin ang naiwang bag.

"Po? Wala po, ang tagal pong sagutin eh." Pagsisinungaling ko.

Natatakot ako't nagdadalawang-isip kung sasabihin ang tungkol sa lalaking nasa labas. Baka kapag sinabi ko sa kanya'y baka bigla siyang magpanic. Umakyat na siya ulit sa at sakto naman nang may sumagot sa kabilang linya.

Sinabi ko na ang order namin at binigay ang address ng bahay, agad kong binaba ang telepono matapos ngunit hindi ko maintindihan kong bakit labis pa rin akong kinakabahan.

May nagtutulak saakin para sumilip ulit sa bintana at tignan kung nariyan pa ang lalaki. Takot man ay tumayo ako mula sa inuupuan at unti-unting hinawi kurtina para makasilip.

Nandun pa rin ito.

Nakakubli siya sa may poste ng may biglang dumaan.

"Mukhang si kuya yata yun." Hula ko.

Mula sa labas narinig ko ang pagbukas at sara ng gate at mula sala ay tumakbo ako papuntang pinto para salubungin siya.

"Oh Lala, ba't ka tumatakbo? Namiss mo ba si kuya?" Bungad niya sa'kin at handa na akong yakapin.

"Eww! Kadiri ka kuya. Di na ko baby damulag nu." Ganyan kami kapag nagkikita. Puro asaran lang.

"Di na mabiro, pero Lala namiss ka ni kuya." Sabay yakap sa'kin.

"Amoy pawis ka kuya." Sabay tulak sa kanya.

" Ang bango ko kaya. Kiss mo pa kilikili ko." Tinaas niya pa ang braso niya para ipaamoy.

"Kadiri!." Tinakpan ko ang ilong ko at umarteng nababahuan.

"Amoyin mo na, mabango yan." Alok niya sabay lakad palapit sa akin..

"Ano ba yang ginagawa mo Carl? Pumunta ka na sa kwarto mo't magbihis, nagpadeliver na lang kami ng pagkain." Saway ni Mommy kay kuya habang bumababa ng hagdan at pigil ang tawa habang pinapanood kami.

Binitiwan niya na ako at nilabas ko ang dila ko dahil sinuway siya ni Mommy sa kapilyuhan niya.

"Mamaya ka sa'kin." Pabulong na banta nito sa'kin at lumapit na ito kay mommy . Humalik siya sa pisngi nito at naglakad na palayo.

Dahil sa kalokohan niya ay nawala sa isip ko ang gusto kong tanungin kanina kaya minabuti ko na lamang sundan siya upang personal na tanungin.

Kumatok ako sa pinto at tumawag.

"Kuya!?"

"Kuya?" Tawag ko ulit.

" Wait lang!" Sigaw nito mula sa loob at maya't maya lang ay binuksan na nito ng pinto at pinapasok ako.

"Bakit?" Tanong niya agad paghakbang ko pa lamang sa loob.

"Kuya, napansin mo ba yung tao sa labas?" Diretso kong tanong.

" Tao? Wala naman ah." Mabilis naman nitong sagot.

Sa mga ganitong bagay siya lang maaasahan ko. Hindi kasi siya agad nagpapanic kumpara kay mommy.

"Meron."

"Wala akong napansin."

"Meron." Pilit ko.

"Wala nga. Sino ba 'yun? Manliligaw mo? Naku Lala bata ka pa para diyan." Singhal niya sa'kin.

"Hindi ko nga kilala at hindi ko manliligaw. Ano ka ba Kuya." Sagot ko at sa inis ay hinila ko siya papunta sa bintana upang ipakita kung saan ko nakita ang lalaki kanina.

Sinilip ko muna bago ko siya tuluyang hinatak palapit.

"Ayan kuya, silipin mo. Sa tapat ng poste ng ilaw. Yung nakahood." Turo ko at kunot noo naman itong tinignan lung saan ang tinuturo ko.

"Poste lang naman nandyan ah!" Nagulat ako sa sinabi niya Kaya nakisilip ulit ko ngunit laking gulat ko nang makita ko ulit ang lalaki na naroon. Mula dito sa bintana ay malinaw ko pang nakita ang pagangat nito ng ulo.

Ang mga mata nito'y kulay pula at animoy apoy. May sinambit itong mga kataga na hindi ko maintindihan. Maya-maya pa'y bigla itong nabalot ng pulang usok at naglaho ng parang bula.

Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko ngunit ang lalaking naroon ay tuluyang na ngang nawala kasabay ng paglaho ng usok na bumalot sa katawan nito.

Nanlambot ang tuhod ko sa nasaksihan. Gusto ko man sabihin kay Kuya ngunit walang salitang lumalabas sa labi ko.

"Gutom lang 'yan. Tara na." Wika ni Kuya at tinulak na ako palabas na silid niya upang makaligo na rin siya at nakatulala naman akong sumunod.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

First Stand *Completed بواسطة Hart Santos

الخيال (فانتازيا)

26.6K 3K 80
"Survival Of The Fittest" The Four - They are the leaders, the protectors, the soldiers. They were amazing, fearless and powerful. Sa mga bagay mo la...
The Half ENCHANTRESS بواسطة JEE_libeen

الخيال (فانتازيا)

123K 3.5K 91
How did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as s...
Villainess ata Ako? بواسطة Golden Sunshine

الخيال (فانتازيا)

38.7K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
The key بواسطة Miss A

الخيال (فانتازيا)

2K 99 40
Kalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled h...