Maid Ako Ng Bad Boy Triplets

By MsDeJo

2.2M 93.2K 13.4K

Maging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Ma... More

Prologue
Chapter 1 (Alexandra Guevara)
Chapter 2 (Mga Hudas)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 ( Meet the bungangerang Hera!)
Chapter 8 (Improkritang Insekyora)
Chapter 9 ( Zyron! why o why?!)
Chapter 10
Chapter 11 (Famewhore)
Chapter 12 ( Word Of Wisdom Ni Sean)
Chapter 13 ( Zane, piggy back ride)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19 (Dance Performance)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 (Away Gangstah)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27 (Finding Ziann)
Chapter 28 ( Stick-O)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 (Ziann)
Chapter 32 (Zane)
Chapter 33
Chapter 34 (Field Trip)
Chapter 35 (Hug pa more)
Chapter 35.5
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42 (She Chosen, who?)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 (The Truth)
Chapter 50
Chapter 51 (Bye)
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2 (Proposal)
Announcement Ng Magandang Author!

Chapter 17

35.3K 1.5K 104
By MsDeJo


*********

Zyron's POV

"You know the consequence sa ginawa mo Mr.Jimenez" sabi ng taga discpilanarian sa discipline committee dito sa Guidance.

"Yes po Miss, and I also prefered for that" ngisi kong sabi.

"Siraulong bata" pailing-iling na sabi ni Mrs.Dalgaso.

"I know Miss" sabi ko naman. Hahaha sarap kaya asarin ng mga taga discipline committee.

"Ma so-suspend ka ng 4 days so di ka makakasama sa presentation niyo sa sayaw"

Napa gasp naman ako sa sinabi ni Mrs.Dalgaso at hinarap siya.

"Pero----" naputol ang susunod kong sasabihin ng unahan niya ako.

"No more buts, Mr.Jimenez" at siya naman ngayun ang napangisi. Aba gantihan? matanda kana uy!

Bumukas naman ang pinto at iniluwa nun si President at nakasunod sa likod niya si paslit? Ginagawa niya dito?

"Hai Tita" bati ni Ms.Pres kay Mrs.Dalgaso, oo tita niya yan.

"Hai my dear, I'm sorry to tell you pero di siya pwede sumayaw hanggat suspended siya" paliwanag ni Mrs.Dalgaso.

"Ahh" tugon ni Pres, hala? Ganun na lang yun? Pagkatapos ko magpraktis ng sobra?!

"But Tita may sasabihin si Ms.Guevara" turo ni Pres kay paslit at pinaupo ito.

"So siya pala? Goodmorning ija" bati ni Ms.Dalgaso.

"Goodmorning din po" bati din ni paslit at ngumiti pa. Sus.

"Bakit? What do you need ija? Parusahan pa si Zyron sa nagawa niya sa'yo? Ay sige payag ako" walang hiyang Mrs.Dalgaso. -_-

"Ahhh kabaliktaran po niyan" nagulat naman ako sa sinabi ni paslit napatingin sa kanya.

"Oo po at hudas siya na may pagka demonyo. Pero po ilang beses na siya nag sorry sa akin at pinalandakan pa niya sa lahat at dahil po dun, pinapatawad ko na ang hudas na yan. Sapat na po sa akin ang sorry"

Lahit kami napatingin kay paslit at wala munang nagsalita.

"Ah okay? Pero kasi ija, ginamit niya ang auditorium room ng walang permiso namin so may kasalanan pa din siya" wala talaga akong takas sa Ms.Dalgaso na ito.

"Pwede po palinisin niyo na lang siya now na ng Rest room? Yun na lang p----" pinutol ko ang mga sasabihin ni paslit ng sumigaw ako.

"Aba uy paslit ayoko maging janitor!" reklamo ko.

"Heh manahimik!" suway niya sa akin at umirap pa.

"Palinisin niyo na lang po siya, wag niyo na po siya bigyan ng demerit, suspendihin at hindi pasayawin. Please po?" makaawa ni paslit kay Ms.Dalgaso.

Bakit ganyan parin siya? Diba nagawan ko siya ng malaking kasalanan? Bat di niya yun dinamdam at pinatawad niya agad ako?

"I admire you ija, nagawan ka ng malaking kasalanan ni Zyron pero..... handa kang patawarin siya at nakiusap kang wag siya parusahan? Di kaya may sakit ka lang?" tanong ni Ms.Dalgaso.

"Wala po akong sakit, pilay lang" sagot naman ni paslit n ikina ngisi ko. Siraulo.

"Ahahaha, I see.... Hmm, sige na nga" nanlaki naman ang mata ko at napaharap kay Ms.Dalgaso.

"Oh yan na? Naka lusot ka na? Pero maglilinis ka ng rest room ng babae" sabi ni Ms.Dalgaso.

"Ano?! Ayoko nga!" pagtanggi ko, babaeng rest room? Never.

"Arte naman! Gawin mo na lang kasi, halika na para matapos ka at tulungan kita" nagulat naman ako sa pag prisinta ni paslit at bago pa ako maka tugon ay hinila niya na ako palabas ng Guidance.

Alex's POV

Isang word ang masasabi ko sa inyong lahat kung nasaan ako.

Kadiri!

"Kasi naman eh, sabi ko sa iyo ayoko maglinis yuckkk! Bayaran na lang natin yung janitor at palinisin 'to, eww" reklamo ni Zyron, ang bakla niya sa totoo lang.

"Arte ba, ikaw na nga pinagbigyan eh. Pasalamat ka pa nga pinagbigyan ka ni Ms.Dalgaso" suway ko sa kanya at hinubad ang blazer ko at inangat ang sleeves ng long sleeves ko hanggang siko.

"Eh kesa namang linisin ko ang rest room niyong mga babae?! Si Zyron? Ako? Maglilinis ng C.R ng mga babae? Wow" paghehesterikal niya.

"Nako Zyron, kung sinumulan na natin diba? Edi sana paunti na lang ang trabaho! Pasalamat ka't tinulungan pa kita dito kahit nagawan mo ako ng kasalanan!" sigaw ko at ibinigay sa kanya yung liquid soap panlinis.

"S-Sige na nga!" sabi niya na nauutal. Problema nito?

Nagsimula na kaming kuskusin yung mga bowl dito at ang baho!

"Ang baho paslit!" reklamo ni Zyron, nahiya naman ako sa kanya na nagbubuhos lang ng liquid soap!

"Arte mo! Sino kayang mas mababahuan sa atin" sigaw ko at piningot ang ilong ko para di maamoy yung baho.

"Sabi ko sa'yo! Suhulan na lang natin ang janitor" sigaw niya at nagsisigawan kami dito.

"Manahimik ka nga, utos ito sa'yo hindi sa janitor" suway ko sa kanya.

Mga ilang oras kaming naglinis ng bowl at muntik pa akong masubsob sa bowl dahil sa kaartihan nitong si Zyron, mga di kasi laki sa hirap kaya ganyan kaarte.

Lumabas muna ako at hinabilin sa kanya yung ginagawa ko, una pa nga nagreklamo siya pero pinagalitan ko nga. Hahaha ako boss ngayun, nakalanghap ako ng hangin na ikina fresh ko at pinunasan ang pawis ko at nagtali ng buhok. Init.

Pumasok ulit ako at naabutan kong nakaupo sa lapag ang pawis na pawis na si Zyron at niluwagan ang necktie niya.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya.

"Grabe, grabe talaga ang baho sobra sobra! Sa susunod ayoko na'tong gawin as in ayoko! Tss" paghehesterikal ulit niya.

Napaupo ako sa tabi niya at natawa.

"Para kang bakla ahahaha" natatawa kong sabi.

"Nakakatawa paslit, psh. Maliligo talaga ako mamaya sa Mansion ang kadiri!" reklamo niya ulit.

"Arte arte. Pero Zyron, paano yung kwintas mo? Diba importante yun?" tanong ko at natahimik muna saglit.

"Wala na, kasalanan ko naman eh. Sinisi pa kita, pero di ka nagbibiro pinapatawad mo na ako agad?" harap niya sa akin.

Ngumiti muna ako bago magsalita.

"Diyos nga pinapatawad mga kasalanan natin kahit malalaki, ako pa kaya? Oo okay na sa akin yun" sabi ko sa kanya at napatingin lang siya sa akin ng matagal kaya medyo nailang ako at umiwas ng tingin.

"Thank you" napalingon ako muli sa kanya, dahil di ko akalaing magsasabi siya ng ganyan.

"Paksit!" sigaw ko at napatayo na ikinakunot ng noo niya.

"Oh?" tanong niya.

"Uminom kaba ng maraming gamot na overdoze ka or may sakit kaba, o di kaya nauntog ang ulo mo sa pader o ano pa man?!" sunod sunod kong tanong.

"Tanga tanga ka talagang paslit ka! Hahaha thank you kasi pinatawad mo na agad ako" sabi niya at ngayung oras ako naman ang napatulala.

Ang pogi talaga ng mokong na ito, kahit saan anggulo mo siya titigan.

"Tapos na tayo diba? Ito na lang basura. Tara na" yaya niya at inaayos ang necktie niya at nakatuping sleeves ng long sleeves niya at kinuha na ang blazer niya.

"Ako na magtatapon mauna kana sa dance studio, may di ka pa na praktis eh. Ako natapos ko na kanina unti na lang. Sige na!" tulak ko sa kanya at binuhat ang basura.

"Oo na oo na, sunod ka na lang!" sabi niya habang naglalakad ng patalikod at sinisigawan ako.

"Oo" sigaw ko pabalik at shinupii siya.

***

"Buti na lang at magkakasundo na tayong lahat! at buti na lang pinakiusapan kapa nitong si Alex, Zyron. Swerte mo at hindi gaya ng ibang tao si Alex na matindi mag tanim ng sama ng loob" sabi ni Sean habang naka indian sit kaming lahat dito sa lapag sa dance studio at katatapos lang ng praktis.

"Oo na oo na, nagkamali na ako. Sa susunod di na ako basta maninisi ng ibang tao dahil sa kagagawan ko. Tsaka hindi na ako magpapahiya ng kung sino mang paghihinalaan ko. Pero paslit di porke ganto nangyari eh mabait na ako sa iyo. Syempre pagti-tripan pa din kita" lumalabas na sungay na sabi ni Zyron -_-

"Oo na lang" sabi ko sabay irap.

"Sama talaga ng ugali mong Hinayupak ka" galaiting sabi ni Hera at balak batukan si Zyron ng umusog si Zyron.

"I know, pero mas masama lang sa akin sina Ziann at Zane" natatawa niyang sabi.

"Pantay-pantay lang kamo kayo!" giit ni Ezekiel.

"Hoy di ah, mas maitim budhi ni Zane. Kahit kami nga ni Zyron walang panama dyaan" depensa ni Ziann na ikina-irap ko sa kawalan.

"Parehas lang kayo.... Pero bat nga pala kayo magkasabay Zane at Alex?" tanong ni Ms.Pres at napatingin ako kay Zane.

"Eh nakita ko siya sa labas ng mansion tapos sinabay niya ako ng sapilitan sa taxi" sagot ko.

"Kaya ka pala di sumabay kila Ziann?" tanong ulit ni Ms.Pres pero kay Zane yun.

"Na leyt ako ng gising tss, nagkataong nakasabay ko siya dahil nag-aantay ako ng taxi sa labas ng Mansion" sagot ni Zane.

"Ahh, kaya nemen pele. Kala ko pa naman" nabubuang na sabi ni Ms.Pres.

"Tss, wala akong balak intayin yan. Bakit ko siya aantayin, just wasting my time" suplado niyang sabi at isa pang irap ulit para sa akin.

"Sabi ko sa inyo, mas maitim budhi ni Zane" singit ni Ziann.

"Wow nagsalita, parehas lang kamo kayo" sabat naman ni Zyron, at nagsimula na sila magtalo.

"Hoy mabait ako, kayong dalawa ang hindi. Ikaw kasi napaka isip bata mo!" - Ziann

"Ano problema dun? Sweet ko nga eh! Eh ikaw playboy madaming babae!" - Zyron.

"Eh gwapo ako eh bakita ba? May magagawa ba tayo sa ka gwapuhan ko?" - Ziann -_-

"Gwapo ka lang, ako PINAKAgwapo" - Zyron -_-

"Hoy hoy! Sino sabi?! Ako una nilabas kaya sa akin lahat napunta ang kagwapuhan" - Ziann

Nabuburyong na kami sa pagtatalo nila na wala namang katuturan, dahil sobrang hangin nila pareho kaya nagsitayuan kami at lumayo sa dalawa.

"Psh, buti di ka namana sa dalawang yun" sabat ni Kent kay Zane, nagsama ang mga suplado.

"Gaya mo ko sa kanila Kent. Tss" tugon ni Zane.

"Ang hangin nila pareho, tatangayin na tayo" reklamo ni Hera.

"Kaya nga umalis na tayo" sabi ko.

"Sa akin 90 percent kagwapuhan ko, sa'yo na yung 4 percent at kay Zane yung 5 percent" - Ziann

"Hala! Mas lamang si Zane?! Favorite eh ano? Eh bat 4 percent lang akin, san natira yung 1 percent pa?" - Zyron.

Lumingon naman sa akin si Ziann ng nakangisi at humarap sa kakambal niyang may saling demonyo gaya niya. Tapos nag ngisihan sila at.....

"Kay paslit yung 1 percent. Pagbigyan na, bihira na nga lang siya mag mukhang tao" sabi ni Ziann.

"Inaano ko kayo?!" sigaw ko.

"Hahaha galing galing! Okay na yan. Malaki na pasasalamat ni paslit at kahit 1 percent ng kagandahan meron siya este pagiging mukhang tao" pang aasar naman ni Zyron.

Napa-irap na lang ako at dabog na lumabas ng dance studio.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 8.6K 76
And so? An epistolary.
298K 6.8K 104
Highest rank: #4 in Chicklit "You are my favorite meal, Abby..." -Xavier Mendez Book 3. The most awaited wedding of all time... |Mr. and Mrs. Mendez|
97.4K 2.5K 23
What if the Campus Heartthrob falls in love with his best friend The Campus Nerd?
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...