The Mafia Lord's Possession

By Kiara_Chan08

3M 68.9K 4.4K

"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Ra... More

Author's Note
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Scared
Chapter 3: Doubt
Chapter 4: Dangerous
Chapter 5: Beautiful
Chapter 6: Faint
Chapter 7: Serious
Chapter 8: Whisper
Chapter 9: Serve
Chapter 10: Mortgage
Chapter 11: Caress
Chapter 12: Astonished
Chapter 13: Pretend
Chapter 14: Crying
Chapter 15: Favorite
Chapter 16: Embraced
Chapter 17: Impetuous
Chapter 18: Mischievous
Chapter 19: Open
Chapter 20: Truth
Author's Note
Chapter 21: Loud
Chapter 22: World
Chapter 23: Smile
Chapter 24: Fast
Chapter 25: Crazy
Chapter 26: Hurt
Chapter 27: Happiness
Chapter 28: Voice
Chapter 29: Beloved
Author's Note
Author's Note Again
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Memory
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Catch
Chapter 34: Lost
Chapter 36: Walk
Chapter 37: Remember
Chapter 38: Figurative
Author's Note
Chapter 39: Sibling
Chapter 40: Sleep
Chapter 41: Name
Chapter 42: Nervous

Chapter 35: Longing

45.1K 1.1K 64
By Kiara_Chan08

Longing is a strong feeling of need or desire for someone or something.

*****

Chapter 35

Malakas kong kinatok ang pintuan. Ilang sandali ay bumukas ito at bumungad sa akin si Nate na nakangiti na agad naman napawi ng makita ang kalagayan ko.

"Miss Krish, anong nangyari sayo?"

Punong-puno na siguro ang damit ko sa dugo na galing sa sugat sa ulo ko. Hindi ko siya sinagot at hinawi siya para sana puntahan si Rave sa kwarto niya.

Pero agad naman ako nahawakan sa braso ni Nate para pigilan. "Gamutin muna natin yang sugat mo Miss Krish bago ka magpakita kay Primo. Baka mawasak itong buong building sa galit niya pag nakitang ganyan ang kalagayan mo," may halong biro at pag-aalala na saad ni Nate.

Nagpatianod ako sa kanya dahil alam kong may halong katotohanan ang kanyang sinabi. Baka ano pa ang magawa ni Rave sa kanyang mga tauhan at kay Nate pag nakita akong duguan.

Naitext pa naman ni papa sa akin kanina na si Nate daw ang nakausap niya kaya siya na lang ang kanyang pinakiusapan. Sigurado akong si Nate ang kanyang pag-iinitan sa oras na malaman niya ang tungkol rito.

"Ano bang nangyari?" tanong niya habang ginagamot ang sugat ko sa bandang noo. Hindi naman kalaliman ang sugat kaya hindi na kailangang itahi pa.

Nate is not just an ordinary butler. He was once a medical army before he served the Silvestri family. Kaya gamay na niya ang mga ganitong gawain.

Kinuwento ko ang nangyari sa akin kanina at ipinagtapat na bumalik na ang lahat ng alaala ko.

"Well, may ganyan talagang mga instances pero rare lang nangyayari. Dahil sa lakas ng pagkakabunggo ng kotse na sinasakyan niyo nagkaroon ka ng brain trauma that leads to your amnesia. Siguro naalog ulit ang utak mo ng mabagok ka kanina at ito ang nagtrigger para maalala mo lahat," pagpapaliwanag ni Nate.

Tango lang ako ng tango. Wala na akong pake kung anong paliwanag sa pagbabalik ng memorya ko ang mahalaga ay naaalala ko na si Rave. Gusto ko lang ngayon ay mayakap siya, makasama at makausap sa mga nangyari sa kanya ng hindi ko pa siya naaalala.

"Done. Sa susunod Miss Krish kailangan mong magdoble ingat. Baka kulang na lang ay ikulong ka ni Adrian sa isang tore para lang malayo ka sa panganib. Alam mo namang natrauma na iyon sa nangyari sayo," pagpapayo niya sa akin. Tumango lang ako dahil alam kong may katotohanan ang kanyang sinabi.

"And welcome back Miss Krish." Napangiti ako sa kanyang sinabi.

Yes, I am finally back.

Agad ko ng tinungo ang kwarto ni Rave pagkatapos kong magpalit ng damit. Hindi ko akalain na marami pala akong stack ng damit rito.

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at pumasok sa loob. Madilim ang buong kwarto ni Rave kung hindi lang sa konting singaw ng liwanag galing sa bintana na natatakpan ng makakapal na kurtina ay wala akong makikita.

Naaaninag ko ang kanyang bulto na nakahiga sa kama. Nakapang-opisina parin siya minus the suit and shoes. Nakabukas ang tatlong butones ng kanyang puting polo. Nababanaag ko ang matipunong dibdib niya. Habang ang isang braso niya ay nakatakip sa kanyang mga mata.

Walang ingay akong lumapit sa kanyang king size bed. Umupo ako sa gilid at tiningnan ang kabuohan niya. Gusto ko na namang umiyak sa sobrang saya at pagkamiss sa kanya.

Hinubad ko ang sapatos ko at sumampa sa kama. Ayaw ko muna siyang gisingin dahil alam kong kailangan niya muna magpahinga. Tumabi ako sa kanya at sumiksik sa kanyang tagiliran.

Damn. I miss his smell.

Pinatong ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at niyakap siya. "Hey Rave, nagbalik na ako. Nagbalik na ang anghel mo kaya huwag ka ng magpapakalasing ha dahil hinding-hindi na ako mawawala sayo," kausap ko sa kanya bago ko pinikit ang aking mga mata.

Nagising ako sa malambot na bagay na dumadampi sa noo, pisngi, ilong at labi ko. "Hmm..." ungol ko.

"Oh God! Tell me Angel that this is not just a dream," narinig kong bulong niya sa mga labi ko.

Napangiti ako habang patuloy niya parin akong hinahalikan pababa sa leeg ko. "Rave, nakikiliti ako," saad ko na habang inaangat ang kanyang mukha mula sa pagkasubsob sa aking leeg.

Tinaas ko ang kanyang mukha para magpantay ang aming paningin. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa aking baywang. "Angel," mahinang tawag niya sa akin.

Binuksan ko ang mga mata ko at nagtama ang aming paningin. Pagkalito at pagkasabik ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Angel, tama ba ako sa naiisip ko. It is not just a dream right?"

Tinitigan ko siya ng seryoso at ngayon ko lang siya nakitang kinakabahan ng masyado. I smiled and pinched his cheeck. "Panaginip pa rin ba?" balik kong tanong.

Bumangon siya sa pagkahiga at bigla akong hinila para yakapin ng mahigpit. "Oh God! You're here. You're here," paulit-ulit niyang sabi.

"Yes Rave and I'm back. I'm back, my Hades," saad ko na nagpahigpit pa lalo sa kanyang yakap. Nagulat pa ako ng may maramdaman akong basa sa aking balikat.

Oh God! He's crying.

Alam kong marami na siyang iniluha para sa akin. This big and strong man cried just for me. Pero ngayon ko lang nasaksihan siyang umiyak and it's breaking my heart. Tumulo na rin ang luha ko habang hinahaplos ang kanyang likod.

Lumayo siya ng konti para magkatitigan ang mga mata naming puro luhaan. Pinunasan niya ang mga luha sa aking pisngi at pinunasan ko rin ang sa kanya. Sabay namin pinunasan ang mga masasakit na ala-ala.

"N-naaalala mo na ba talaga ako? Kung sino ako sa buhay mo?" paninigurado niya.

Tumango ako. "Oo, asawa ko."

Sa gulat ko ay bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Mariin at mapusok ang kanyang naging halik na para bang doon niya binuhos ang lahat ng kanyang pananabik sa akin. Tinugon ko rin ng kasing alab ang kanyang halik.

Gosh, I really miss his kisses.

Mga halik niya na nagpapahina sa mga tuhod ko at nagpapabuhay ng mga paru-paro sa tiyan ko. Mga halik niya na nagpabaliw sa akin.

God! How, how I forget the only man who kissed me like this.

Pinagdikit niya ang aming noo at ilong pagkatapos ng aming mainit na tagpo. Naaamoy ko ang kanyang mainit at mabangong hininga. "Damn Angel! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Parang gusto kong tumalon-talon at tumambling-tumbling sa saya."

Natawa ako dahil parehong-pareho kami ng nadarama. "You came back to me. Your heart and mind finally knows where they belong."

"Diba nangako akong babalik ako sayo. So here I am, fulfilling that promise."

"I heared you saying that. Akala ko, akala ko na imahinasyon ko lang yun dahil sa sobrang kalasingan ko. Thank you, thank you Angel for coming back to my life. Binuhay mo ulit ang pagkatao ko na namatay noong nawala ka sa piling ko. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa ulit sa akin. I don't want to go through that pain again."

I feel the pain and agony in each word that he saying. "Sorry, sorry Rave kung natagalan ako. Sorry dahil naghintay ka ng ganito katagal. At sorry dahil nasasaktan kita ng sobra."

Umiling-iling siya. "No, wala kang dapat ihingi ng sorry dahil wala kang kasalanan. Tama lang na maramdaman ko yun dahil kasalanan ko naman lahat. Kasalanan ko kung bakit ka nakalimot at nawala sa akin. Kaya okey lang na naghintay ako ng ganito katagal, okey lang na natagalan ka. Kaya kong maghintay na ilan pang taon para sayo coz in the end, it's all worth it."

"Oh Rave, I love you. I love you so much. Hinding-hindi na ako mawawala sayo," madamdamin kong saad.

"And I love you more, Angel."

Pinagtagpo ulit namin ang aming mga labi para sa halik ng muling pag-iisa at pagsasama ng aming mga pusong matagal na nangungulila.

*****

-LG-

04-19-16

Continue Reading

You'll Also Like

857K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...