Let Me In

By unlichaaaa

74.5K 1.9K 409

Let Me Series #2 Traditions and principles? Will you let those things handle you? They say that Chinese is... More

Let Me In
Prologue
Chapter 1- Number
Chapter 2- Chinese Guy
Chapter 3- Voice Message
Chapter 4- Ice Cream
Chapter 5- Risk it
Chapter 6- Utang
Chapter 7- Nakakatakot
Chapter 8- Blocked
Chapter 9- Unreachable Dream
Chapter 10- Kuryente
Chapter 11- Owning You
Chapter 12- Pinaghahabol
Chapter 13- Goodbye
Chapter 14- Time Difference
Chapter 15- Deleted
Chapter 16- Fall Out Of Love
Chapter 17- How to Move On
Chapter 18- Call Me
Chapter 19- Chinese
Chapter 20- Threatened
Chapter 21- Macy
Chapter 22- A lot
Chapter 23- Sana
Chapter 24- No Label
Chapter 25- Too Much To Handle
Chapter 26- Player
Chapter 28- Welcome Back
Chapter 29- Boss
Chapter 30- Easy To Get? Hard To Get?
Chapter 31- Shoe
Chapter 32- Employee
Chapter 33- Parents
Chapter 34 (Part 1)- Meeting Them
Chapter 34 (Part 2)- Effortlessly Perfect
Chapter 35- Closer
Chapter 36- Tatlo para...
Chapter 37- Ano ba ako?
Chapter 38- Bff
Chapter 39- Melted Ice
Chapter 40- Respect
Chapter 41- First Times Together
Chapter 42- Yes
Chapter 43- Fish & Chicken
Chapter 44- Party
Chapter 45- Batch 2
Chapter 46- Sorry
Chapter 47- Out
Chapter 48- The Two of Us
Chapter 49- Unexpected
Chapter 50- Endless goodbyes
EPILOGUE

Chapter 27- Forgetting

860 27 7
By unlichaaaa

"Huy, Ircy! Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Hayden na bakas ang pagaalala sa mukha, "Osige na, libre na yang kinain mo."


Hindi ko siya pinansin. Hindi maalis yung tingin ko sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon gusto kong maniwala na hindi si Sam yun kahit alam kong siya. Gusto kong lumapit pero kumpirmahin pero hindi pwede, hindi ko kaya.


Hindi siya yun, diba?


Patuloy kong nararamdaman ang mainit na luhang tumutulo sakin. Bakit nagpapawis yung mata ko? Hindi naman dapat!


Nagkatinginan sila, pareho silang nakangiti to the point na pareho na silang walang mata. Magsama kayong chekwa kayo!


Naramdaman ko nalang na may kamay na tumakip sa mata ko na pilit kong inaalis pero masyado itong malakas. Patuloy parin ako sa paghikbi, hindi ko alam kung bakit may nakabara sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong huminga.


"Don't be in pain, Ircy. If you think he's not worthy, just let go." Bulong nung nagtakip sa mata ko. Si Kuya. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang kamay kong pilit tinatanggal ang kamay niya.


Siguro mas okay na hindi ko makita. Siguro mas okay na hindi ko malaman. Mas okay siguro na huwag kong isip o kilalanin man lang. Para sakin din naman, para hindi ako masaktan.


"Mauuna na muna kami ni Ircy umuwi. Babawi nalang kami sa inyo." Pagpapaalam ni Kuya sa kanila.

"Teka, ano bang nangyari kay Ircy?" Boses 'to ni Mio

"You owe us an explanation." Boses naman ni Rocelle, "Treat us next time! Ingat!"


Pagkalabas na pagkalabas namin ng resto ay agad inalis ni Kuya yung kamay niya sa mata ko at dire-diretsong naglakad papasok ng kotse. Agad akong nakaramdam ng lamig dahil sa ihip ng hangin pero ramdam ko din kung gaano kainit ang luhang lumalandas sa pisnge ko.


"Osige na! Pagalitan mo na ako! Pagalitan mo akong hindi ko sinabi sayo! Pagalitan mo na akong hindi ko pinakilala sayo! Pagalitan mo na ako!" Pinapangunahan ko na siya. Alam kong sesermonan niya ako sa katangahan ko.


Hindi ko naman kasalanang maging tanga ah! Hindi ko naman kasalanang umasa ah! Hindi ko din naman ginustong masaktan tsaka maloko!


Tahimik lang siya na nagdi-drive. Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ng paghikbi ang mga sasabihin ko. Hindi ko man lang mapigilang hindi masaktan. Anong klase ka, Ircy!


"Hindi kita papagalitan. Wala kang kasalanan. Kung gusto mo umiyak, umiyak ka mamaya sa kwarto mo, wag mo ipapakita sakin dahil baka hindi ko mapigil yung sarili ko na bugbugin yung intsik na yun." Napatingin ako sa kaniya

"Hindi mo ba ako sisisihin na ganito ako kasi hindi kita sinunod?"

"Sisisihin kita kung pinagsisisihan mong binigyan mo siya ng chance na makilala ka at makilala mo siya."


Napayuko ako at huminga ng malalim. I don't know what to say. Wala naman akong pinagsisisihan at masaya akong nakilala ko siya pero malungkot din ako na hanggang dun nalang pala yun.


Tama si Kristina. Wala nga talagang love na mabubuo between the computer screen. Between the wires. Between the long distance. Between us. Lahat nalang kasi may between. Wala nga talaga.


"Thank you, Kuya." Tumango lang siya

"Nasa kwarto lang ako."

"Hindi ka aalis? Akala ko ba magkikita kayo ni Zoey mamaya?"

"Hindi na. I told her that you need me." Napangiti ako bago umakyat ng kwarto


Agad kong inihagis ang sarili ko sa kama at inilabas ang bigat sa dibdib ko. Ang OA ko talaga! Pati ako naiinis na sa sarili ko sa ka-OA-an ko! Hindi naman dapat ako umiyak! Wala naman akong karapatan umiyak kasi wala naman akong dapat iyakan pero hindi ko mapigilan. Mas lalong sumisikip lang kapag pinipigilan ko. Mas lalo lang sumasakit.


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. I always end up like this, sleeping while crying. Napagdesisyunan kong pumunta kay Rain. I'll visit him. Its been a year and I miss him. I miss the guy that is always been there for me at kailangan ko siyang sisihin sa lahat ng kamalasan ko ngayon.


"Hoy Rain, wag mo nang tignan ung dalawang kamay ko. Wala akong dala para sayo. Hindi mo din naman magagamit, sayang lang allowance ko."


Umupo ako sa tabi ng lapida niya at hinaplos ang pangalan niyang nakaukit. Rain Ashton Dela Vega. Napangiti ako. Nung bata kami, hindi ko mabigkas bigkas yung pangalan niya at lagi akong nagrereklamo na bakit nagsisimula sa R yung pangalan niya.


"2nd year na ako ngayon. Interior design ang course ko. Diba yun talaga yung gusto ko dati pa? Kung andito ka ba, mage-engineer ka parin? Diba sabi mo dati mage-engineer ka para partner tayo? Kasi ayaw mo akong iwan? Pag nahihirapan na ako sa ginagawa ko, pwede mo akong tulungan."

"Ano bang dahilan mo noon? Why did you like me? Isip bata ako, walang magawang tama, lagi kang inaaway, laging umaasa sayo. Hindi ka ba napagod sakin? Bakit mo ba ako nagustuhan?"

"Alam mo, nakakainggit ka. Bago ka nawala, nakilala mo na yung taong para sayo. Actually, nakakainggit kayong lahat pero bakit ako yata ang nagbabayad sa lahat ng panloloko mo dati? Hindi mo naman ako kapatid ah!"


Humiga ako sa may damuhan at tinignan yung asul na kalangitan. Bigla nalang may tumulong luha na galing saking mata na agad kong pinunasan. Punas ako ng punas pero hindi ko alam kung bakit hindi ito tumitigil.


"Anong gagawin ko, Rain? Anong gagawin ko? Tulungan mo naman ako."

"I like him. Pinaramdam niya sakin kung gaano ako kahalaga. Pinaramdam niya sakin na andiyan siya para sakin. He even let me feel that he like me back... Siya ang unang umamin pero bakit ganito? Ako parin ang talo?"

"Anong gagawin ko? Sumagot ka naman oh!"

"Lahat nalang kayo iniiwan ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Dapat ba wala na akong magustuhan para wala na ding mangiiwan sakin?"

"Help me, Rain. Please? Please be here. Please."


Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa hindi mapigilang paghagulgol. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi nalang ako umaasa sa taong mga nasa paligid ko na tulungan ako. Kasalanan ko rin 'to eh! Bakit ba ako umasa sa kaniya?


Bakit niya ba kasi pinaramdam na maasahan ko siya...


Bakit niya ba kasi pinaramdam na andiyan siya lagi para sakin...


Bakit niya ba kasi ako nginitian? 


Bakit ang bait niya sakin? 


Bakit pinaramdam niya sakin na nagaalala siya...


Bakit niya ba kasi pinaramdam na gusto niya ako...


Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. I need to get myself together. Ngumiti ako kay Rain at pinunasan ang mga luha, "Next time na pupunta ako dito, dadalhin ko yung alam kong gusto mong makita."


Nakaramdam ako ng iilang patak ng ulan kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa sasakyan. Bakit ngayon pa umulan? Ang araw araw kanina nung kausap ko si Rain...


Bago ako sumakay sa sasakyan, tumingala ako at ngumiti. Ramdam na ramdam ko yung patak ng ulan sa mukha ko na para bang pinupunasan nito ang mga luhang lumalandas sakin. Thank you for being with me, Rain. Thank you for still being with me.


"Ircy, bakit basang basa ka?" Tanong ni Mommy pagkauwi na pagkauwi ko

"Basang basa din po kasi yung yumakap sakin eh."

"Eh asan siya? Bakit hindi mo kasama? Maligo ka na sa taas baka magkasakit ka pa."

"My, hindi ko po alam kung kasama ko ba siya o hindi. Hindi ko po alam kung hinatid niya ba ako o hindi pero hindi po ako nilalamig kasi kahit basang basa siya, ramdam na ramdam ko yung init ng yakap niya." Hinaplos niya yung basa kong buhok at kitang kita ko sa kaniya ang pagaalala, "Aakyat na po ako."


Pagkadating ko sa kwarto, napatingin ako sa side table ko kung saan umiilaw ulaw yung iPad ko. Umiwas ako ng tingin. Ayokong tignan at ayokong kunin. Alam kong siya yun pero bakit lalong mas masakit na tumatawag siya? Bakit pa siya tumatawag? Bakit pagkatapos niyang gawin yun, tatawag pa siya?!


Gusto ko siyang murahin. Gusto kong hilahin siya mula sa screen at suntukin. Gusto kong itanong kung bakit niya ginawa lahat yun. Gusto ko siyang sisihin.


Gusto kong sagutin yung tawag niya. Gusto kong pakinggan kung anong sasabihin niya. Gusto kong humingi ng explanation sa kaniya. Gusto ko mag-work out yung samin. Gusto ko siya. Nakakainis! Bakit lahat nalang ng nagugustuhan ko, iniiwan ako?


Inayos ko muna yung sarili ko bago sagutin yung tawag niya. Sinalubong niya ako ng magandang ngiti, tulad ng dati niyang ginagawa na lalong nagpasikip ng dibdib ko.


"I'm glad that you answered my call. Namiss mo yung kagwapuhan ko no?" Lalo niyang inilapit yung mukha niya sa screen, "I miss you, Ircy."

Huminga muna ako ng malalim at pumikit, "Lets stop this, Sam. Ayoko na. Lets cut connections."

"Why? Anong problema? What's the problem?"


Hindi ako sumagot. Alam kong pag nagsalita ako, hindi ko mapipigilang masira ang boses ko, alam kong hindi ko mapipigilang maiyak.


"Ano bang nangyari?!" Sigaw niya, "Dahil ba nagkita kayo nung Drox na yun? Dahil nagkaayos na kayo? Kayo na ba ulit? Ayos na ba kayo kaya ganyan ka ngayon? Naguguluhan ka? Kaya ako yung iiwan mo?"


Siya pa talaga ang may gana na magsalita sakin ng ganiyan! Naramdaman ko agad ang nagbabadyang mga luha galing sakin na hindi ko na mapipigilan at ang bara sa lalamunan ko. Ako pa ang may kasalanan ngayon? Ako pa ang may atraso? Ako pa talaga?


Sa tuwing pumipikit ako, naalala ko kung gaano kasaya yung mukha nila. Kung paano siya lumuhod. Kung paano niya niyakap yung babae. Naalala ko na wala kaming pagasa na maging ganun. Naalala ko kung gaano katigas yung ulo ko na nagbakasakaling ako yung babae na sinasabi niyang kaya niyang ipaglaban. Naalala ko siya.


"Let us forget everything."

Continue Reading

You'll Also Like

28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
1.3M 30.9K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
570K 30.7K 19
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...