[COMPLETED] Untouchable B

By afireselu

117K 6K 2.6K

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano ni Baekhyun sa buhay? Will the Untouchable B remains... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanta
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikalabing-dalawampung Kabanata
Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't dalawang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata
Untouchable B Book Two: Unreachable C
Unang Kabanata
체리's 💙 note
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
체리's announcements:
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Wakas

Wakas

2K 114 46
By afireselu



Byun Baekhyun.

Nandito kami ni Chanyeol sa bahay na pinagawa ng Mommy at Daddy niya para sa kanila sana ni Chaelin. Hindi na natuloy iyong reception dahil pagtapos ng kasal ay mabilis niya akong iniwan sa simbahan. Inaasahan ko na naman na ganito iyong magiging reaksyon niya kaya somehow nakapag-handa for the worse na ako. Mabuti na lang at kahit alam kong gulong-gulo siya sa mga nangyayari kanina ay hindi niya ako tinakbuhan habang on going pa yung kasal.

Muntikan na akong malaglag sa kamang inuupuan ko nang makarinig ako ng nabasag na vase sa bed side table namin. Pagtingin ko kay Chanyeol isang matalim na tingin ang ipinupukaw niya sa gawi ko at kahit papaano ay nagsisimula na akong makaramdam ng takot dahil itsura niya ngayon. Lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan iyong bagang ko. Kahit na sobra akong nasasaktan sa higpit ng hawak niya ay pilit kong itinatago iyon. Kaylangan kong maging matatag dahil mahaba-habang eksplanasiyon ang gagawin ko.

"Tangina, Baekhyun. Anong klaseng pakulo ito?"

"I can explain. Pero bitawan mo muna ako dahil nasasaktan ako," mas lalo na akong kinabahan dahil mas humigpit lang iyong hawak niya sa bagang ko.

"Explain? After all the pain you've caused? Alam mo ba kung anong nangyari sa akin dahil sa mga pinag-gagawa mo?" Oo, alam ko every single detail, dahil ni minsan hindi naman kita iniwan, palagi lang akong nakatanaw sayo sa malayo. "You fucking left me tapos ngayong nakabangon na ako babalik ka na parang wala kang ginawang kasalanan sa akin?!" Gusto ko siyang sigawan at sumbatan. Hindi ba't ganito rin iyong ginawa niya dati noong problema pa namin si Krystal at Jessica? Hindi ba't naglihim din siya sa akin? Pero inintindi ko iyon dahil somehow sobrang thankful ako sa heroic stunt niya na iyon. Tapos ngayon pagsasalitaan niya ako ng ganito? Pero I guess this is not the right time para sumbatan siya, pilit kong ipapaintindi sa kanya ang lahat.

"Chanyeol, let me explain," sa wakas ay binitawan niya na iyong bagang ko dahil pakiramdam ko sobrang namumula na iyon dahil sa higpit ng hawak niya. Naupo siya sa tabi ko pero sobrang layo ng distansya namin dalawa.

"I won't promise to be the Chanyeol you've known before upon hearing your explanations pero sige, I'll try to digest every-fucking-thing," may kung anong-kumikirot sa dibdib ko kapag naririnig ko siyang nagmumura. Yes he cuss but not in a regular basis. Sa ilang linggong pagsunod ko sa kanya kahit masaya siya ay nagmumura siya.

-

-

"Chanyeol, maghiwalay na tayo," sobrang sakit sa pakiramdam na nanggagaling iyan sa bibig ko, ayaw ko mang gawin pero kaylangan kong piliting magpakatatag para sa aming dalawa. Lalayuan ko muna siya at ako naman ang lalaban para sa relasyon namin ngayon. It's time for me to stand up and let him rest for a while. It's time for me to man up and give him back every little thing he sacrificed for the both of us.

"B-Baekhyun. . ." I wanted to hug him right now. Ngayon pa lang ay parang sinasaksak na ako ng paulit-ulit dahil umiiyak si Chanyeol sa harapan ko. Alam kong masyadong padalos-dalos ang desisyon ko pero kaunting oras na lang ang natitira sa akin dahil malapit na ang kasal nila ni Chaelin.

"Chanyeol, kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, kahit maghiwalay pa tayo ng ilang taon, magku-krus at magku-krus muli ang landas natin. Sa ngayon, siguro kaylangan na muna nating magparaya. Kumpanya niyo ang nakasalalay dito, Chanyeol," I had to fight back those tears trying to stream down on my face. Sobrang gusto kong umiyak at tumakbo sa mga bisig niya dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi ko at sa nagiging reaksyon niya. I hate seeing him cry pero ito lang iyong naiisip kong paraan para ako naman iyong makatulong sa kanila.Napaiwas ako ng tingin nang lumuhod siya sa harapan ko habang mahigpit na hinahawakan iyong dalawa kong kamay.

"Baek, bakit ngayon pa? Kaylangan kita ngayon. 'Wag mo naman akong iwanan, oh. Mababaliw na ata ako kapag nangyari iyon."

"Chanyeol, don't make it hard for the both of us. Maghiwalay na tayo," pero hindi ba't nahihirapan at nasasaktan na ako ngayon dahil sa ginagawa ko? I hate being away from him pero I have to endure the pain and longing dahil alam kong dadating iyong araw na magiging maayos din ang lahat, lalo na't ngayon na may hawak na akong alas para maisalba iyong kumpanya nila at hindi matuloy iyong kasal nila ni Chaelin.

"Baek! Hindi pwede!" Hinila niya ako pabalik dahil aakyat na sana ako sa kwarto ko para magpahinga. "Promise natin sa isa't-isa na malalampasan natin ito, diba?" Saglit kong ninamnam iyon mga bisig niya at pasimipleng tumango ako sa isip ko. Oo, Chanyeol, malalampasan natin ito pero as of now kaylangan muna nating mahirapan at maging malayo sa isa't-isa. Sana maintindihan mo ako balang araw dahil katulad ng rason mo sa akin datipara sa ating dalawa rin naman itong gagawin ko.

"I never promised you something like that. Kaya pwede ba umalis ka na? Ayaw na kitang makita," sorry Chanyeol, sorry dahil kaylangan ko pang magbitaw ng mga masasakit na salita kasi alam kong hinding-hindi ka bibitiw sa akin kapag sinabi kong gusto ko lang makipaghiwalay sayo. "'Wag kang mag-alala, I'll make it easy for you to move on. Hinding-hindi na kita muli pang kakausapin. Let's go back to where we started at all kasi kung hindi naman tayo sumugal, wala sanang ganitong problema ngayon. Hindi sana nagulo iyon tahimik kong buhay."

Gagawin ko nga bang mabilis para sa aming dalawa ang lahat ng mga bagay-bagay o mas lalo ko lang papahirapan ang sarili namin sa paglayong gagawin ko? At hinding-hindi ko pinagsisihan na pinapasok ko siya sa buhay ko. Isa siya sa mga magagandang bagay na nangyari sa tanang buhay ko kaya hinding-hindi siya naging o magiging panggulo sa buhay ko. He even transformed me into a one fine man.

"Sige na Chanyeol, umalis ka na. Hindi na kita kaylangan sa buhay ko," napabagsak ako mula sa pagkakatayo ko noong nakaalis na si Chanyeol sa bahay nila Sehun. Hindi ako tanga dahil alam kong sobra ko siyang sinaktan sa huli kong sinabi pero ayos na rin dahil umalis na siya kasi kung hindi pa siya aalis baka masira na lahat ng plano ko at magkaroon ito ng detour. Pansamantala lang naman ito Chanyeol, tiwala lang, maayos din ang lahat. Magiging masaya rin tayo ng pangmatagalan.

-

-

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil sa natanggap kong impormasyon mula sa inutusan kong mag-imbestiga laban sa pamilya nila Chaelin. Ganito pala ang nagagawa ng pera, ano? Oo masaya lalo na't kaya mong makuha lahat ng gusto mo in just a snap of finger pero at the same time malungkot din dahil wala sa tabi ko si Chanyeol para suportahan ako sa heroic stunt ko na ito. May inabot na isang long brown envelope sa akin si Tyroneiyong investigator. Pagbukas ko nito ay halos maduling at mahilo ako sa lahat ng mga nakikita ko. Pwede ko itong gamitin kay Chaelin para siya na mismo iyong umurong sa kasal nila ni Chanyeol. Alam ko namang hindi niya talaga gusto si Chanyeol, isa lang siya sa mga babaeng isda na challenged sa lalaking isda na si Chanyeol sa isang malawak na dagat dahil hindi niya pinapansin iyong mga babaeng nasa paligid niya at siguro gusto niyang matamasa iyong kasikatan ni Chanyeol dito sa school namin.

"Salamat, Ty. Job well done," nagpunya ako sa room para basahin muli lahat ng mga impormasyon na binigay sa akin ni Tyrone nang biglang pumasok sa room si Chaelin. Great, kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Tamang-tama dahil ayaw ko nang patagalin pa ang pagpapanggap na ginagawa niya. Remember nauubusan na ako ng oras?

"Ang kapal din naman ng mukha mong saktan si Chanyeol kagabi, Chaelin!" Hindi ako nananakit ng babae pero hindi ko na napigilan iyong sarili ko na sampalin siya dahil sa dami ng kalmot at sugat sa mukha at braso ni Chanyeol kagabi. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya agad nakabawi ng kompustura at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para itapon sa mukha niya iyong envelope na naglalaman ng baho niya. "Iuurong mo ang kasal o malalaman ng buong mundo pati na rin ng mga magulang mo ang mabaho mong sikreto?" Tila naubusan siya ng dugo sa buong katawan dahil sa pamumutla niya sa mga nakikita niya ngayon.

Ano nga ba ang laman ng envelope na binigay sa akin ni Tyrone? Litrato lang naman iyon ng mga moment niya kasama ang isang bata na kamukhang-kamukha niya. Base sa note na nilagay ni Tyrone, anak daw ni Chaelin iyon sa ex niya na pinapatago sa isang kaibigan niya ngayon dahil papalayasin at itatakwil daw siya ng mga magulang niya kapag nalaman nilang maagang nagkaanak ang nag-iisa nilang anak at unica hija pa na inaasahang magpapatuloy ng nasimulan nila. Aaminin ko na medyo nakaramdam ako ng konsensya sa ginagawa ko dahil bulag iyong isang mata ng anak ni Chaelin. Sabi ni Tyrone sa note, naaksidente raw kasi si Chaelin noong dadalhin niya sana sa mall iyong anak niya para ipamili ng school supplies nang biglang may sumulpot na ten-wheeler truck at napasukan ng maraming bubog iyong kaliwang mata ng bata kaya tuluyan na itong nabulag.

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong niyakap ni Chaelin iyong tuhod ko. Pagtingin ko sa kaniya umiiyak na siya. "Baekhyun, please. 'Wag mong ipapaalam sa mga magulang ko ito. Ipapapatay ako ni Daddy kapag nalaman niya ito. Gagawin ko lahat ng gusto mong gawin ko, lahat as in. 'Wag mo lang talagang ipapakalat ito."

"Tumayo ka nga dyan," tinulungan ko pa siyang magpagpag ng tuhod niya. Hindi ko naman talaga ipapakalat iyon kahit na hindi siya pumayag, may iba pa akong alas laban sa kanya pero hindi ko alam na titiklop agad siya sa unang alas ko. "Gagawin ko iyan pero gusto kong gawin mo lahat ng ipag-uutos ko sayo."

"S-Salamat! Sige ipapaurong ko na iyong k-kasal!" Pinanood ko lang siya habang may kinakausap siya sa cellphone niya, probably her Dad or Mom. "B-Baekhyun, ayos na. Ano pang gusto mong ipagawa sa akin?"

"Saktan mo ako sa soccer field mamaya. I want you to make every thing look like it's real. Gusto kong ma-convince si Chanyeol na dapat niya na akong iwanan. Kung kaylangan mo akong sampalin, just do it. I want him to realize that I am not worthy of even the tiniest part of himself," mukhang naguluhan naman siya sa sinabi ko pero pinili na lang niyang manahimik dahil nagsimula ng magpasukan iyong mga kaklase namin.

-

-

Hindi na ako nagulat nang makita ko si Chanyeol na nakatayo sa labas ng room namin. Inaasahan ko ng he wouldn't give up easily kaya miski si Sehun ay hindi ko kinakausap kahit kating-kati na akong mag-kwento sa kanya. Alam ko kasing madaldal siya lalo na't maganda ang layunin ng plano ko kaya hindi malayong mai-kwento niya iyon kay Chanyeol kaya hindi ko na lang din siya pinapansin.

"Baek, mag-usap tayo please," mabilis pa sa alas kwatro kong binawi iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Baekhyun, please naman," hindi ko siya pinansin bagkus hinawakan ko ng mahigpit iyong kamay ni Sehun at niyaya na siyang umalis pero sabi niya may naiwan pa siyang gamit doon sa room kaya susunod na lang daw siya sa akin which is a very good thing para hindi niya malaman iyong plano ko. Sana lang ibigay ni Sehun iyong puting envelope na pinapaabot ko kay Chanyeol at sana hindi rin buksan agad iyon ni Chanyeol dahil masisira lahat ng plano ko kapag nagkataon.

Iniwan ko silang dalawa at nagtungo sa soccer field at naabutan kong nakaupo sa bench sina Chaelin, Minzy, Sandara, at Bom. Lumuhod ako sa mga tuhod ko at nagsimula nang punitin iyong uniporme ko. Agad namang naglapitan sa akin sina Chaelin at iyong mga kaibigan niya. "Baekhyun! Anong ginagawa mo?" Nginisihan ko sila dahil mula sa peripheral view ko ay nakita kong tumatakbo si Chanyeol at Tiffany dito.

"Gumawa ka na lang ng kwento at sakyan mo ang gagawin ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" Hindi naman nagtagal ay dumating na si Chanyeol at Tiffany dito sa pwesto namin at sigurado akong mukhang sinaktan at pinagtulungan ako nila Chaelin dahil sa hitsura ko ngayon.

"Chaelin! Itigil mo iyan!" Umakto akong nagulat sa biglaang pagsigaw ni Chanyeol miski na rin iyong mga kaibigan ni Chaelin. Mukhang nataranta naman si Chaelin dahil sa sama ng tingin ni Chanyeol sa kanya.

"C-Chanyeol. S-sinaktan niya kasi ako kaya t-tama lang naman siguro na d-depensehan ko ang sarili ko d-diba?" Nanatili lang akong nakayuko dahil nakokonsensya ako sa ginagawa kong drama.

"Kailan ka ba titigil?! Kayo?! Hindi ba kayo napapagod, ha?! Kasi ako pagod na pagod na ako! Tangina! One day you came into my life saying na ikaw ang mapapangasawa ko tapos ngayon sinasaktan mo na naman si Baekhyun?! Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mong pananakit sa akin kagabi?!" Miski ako natatakot na rin kay Chanyeol, ibang klase talaga kasi siya magalit. Iyong parang gugustuhin mo na lang na mahati iyong lupa at lamunin ka nito dahil nakakakaba si Chanyeol kapag galit. Parang hindi siya iyong masayahing Chanyeol na nakilala ko. "'Wag mo akong lalapitan Chaelin, ngayong unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko baka makalimutan kong babae ka pala," at dahil sa sinabi ni Chanyeol na iyan ay mabilis na nagtakbuhan sina Chaelin paalis ng field.

Gusto ko siyang lapitan ngayon dahil sa itsura niya. Ang dami niyang kalmot sa mukha tapos nanghihiluka pa iyong mga mata niya, ni hindi ata siya nakatulog ng maayos. Tanga ka rin Baekhyun, sino ba namang makakatulog ng maayos sa ginagawa mo diba? Hays. Kaunting tiis lang, Chanyeol. Kukunin din kita pabalik.

Nakaramdam ako ng mga bisig na umaalalay sa akin patayo at pagtingin ko ay nasilayan ko ang mukha ni Sehun. Noong napatingin naman ako sa gawi ni Chanyeol parang gusto ko na lang sabunutan iyonh sarili ko dahil sa nakita ko. Bitbit ni Minseok hyung, Kai, at Chen si Chanyeol dahil mukhang nawalan siya ng malay.

-

-

Sa mga araw na nasa hospital si Chanyeol ay sobrang pagpipigil sa sarili ang ginawa ko. Kahit kasi hindi ko kinakausap si Sehun, palagi niya sa akin sinasabi na lagi akong hinahanap ni Chanyeol sa kanya pero hindi ako nagko-komento. Iyong nurse kasi na naka-assign kay Chanyeol ang binabayaran ko para magbigay sa akin ng mga balita tungkol kay Chanyeol. Minsan daw nagigising na lang iyong mga kaibigan ni Chanyeol dahil sa ingay na ginagawa niya kapag tulog siya. Sabi niya nananaginip daw si Chnayeol ng tungkol sa akin. Tapos bantay sarado pa raw si Chanyeol kay Suho hyung, na miski cellphone niya kinumpiska na. Nawalan ako ng balita tungkol kay Chanyeol dahil nalaman ni Suho hyung na binabayaran ko iyong isang nurse para balitaan ako. Napailing na lang ako dahil hindi ko inaasahan na magagalit sa akin si Suho hyung. Sabagay, sino ba namang hindi diba? Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko eh. Minsan gusto ko na lang sumuko pero sayang naman iyong nasimulan ko na diba?

Nabalitaan ko na lang na nakalabas na ng ospital si Chanyeol dahil sa sinabi sa akin ni Sehun at saka bantay sarado raw siya nina Minseok hyung, Kris hyung, at Suho hyung. Mabilis akong nag-file ng tuluyang pagliban sa buong school year dahil kaylangan kong pumunta na agad sa China para ayusin iyong kasal namin ni Chanyeol. Ni hindi na nga ako nagbigay ng maayos na rason dahil basta na lang akong umalis ng school at hindi nila alam na nagpunta na rin ako sa China.

Nakausap ko na si Chaelin dito na kukumbinsihin niyang makisali sa drama namin iyong mga magulang niya. Miski mga magulang ni Chanyeol ay hindi alam na kumpanya talaga namin iyong tumulong sa kumpanya nila na makaahon. Sa loob ng isang linggo na pagtira ko sa China, hindi ako tinantanan ni Sehun kaka-message sa Viber kung anong ginagawa ni Chanyeol sa buhay niya.

Sobra akong nasasaktan sa mga sinsend niyang pictures. Iyong iba may kahalikan si Chanyeol, iyong iba naman may kasayawan siya sa isang night bar, tapos iyong iba ay mga litratong wasted na wasted siya kaya napilitan akong umuwi sa Pilipinas noon para bantayan siya kapag nalalasing na siya. Ako iyong palaging nakakabunggo niya kapag tipsy na siya. Sinasakto ko talagang tipsy siya para hindi niya ako makilala. Ako rin iyong nagse-send ng mga message kay Suho hyung para sunduin na si Chanyeol. Kaunting tiis na lang, Chanyeol.

Pinadala ko na rin si Jarrediyong mag-susukat ng mga suit na isusuot nila Chanyeol. At si Lilyiyong wedding planner na binayaran ko pero mahigpit kong ipinagbabawal na banggitin nila ang pangalan ko kay Chanyeol. Natawa pa nga ako noong sinabi ni Lily sa akin na gusto raw ni Chanyeol na sampu iyonh maging best man niya kaya hinayaan ko na lang. Nagpunta rin kami ni Chaelin sa Paris para magpagawa ng trahe de boda na isusuot naming dalawa. Medyo close na rin kami at siya pa iyong nag-suggest na magsuot din ako ng gown at wig para hindi agad ako makilala ni Chanyeol. Ako rin iyong nagluto ng mga dish na hinain kay Chanyeol at Sehun nung food tasting, nag-aral talaga akong magluto para lang doon. Kaya medyo nalungkot ako nang malaman kong isang dish lang pala iyong tinikman ni Chanyeol pero okay na rin siguro iyon kaysa naman wala.

-

-

Halos matumba naman ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nakakunot iyong noo ni Chanyeol habang mataman akong tinitignan. Hindi niya siguro ako nakilala sa suot ko ngayong araw ng kasal namin pero masaya ako na kahit naguguluhan siya ay hindi niya ipinatigil iyong kasal bagkus nanahimik lang siya sa tabi ko habang dinaraos yung kasal. Kinakabahan na nga ako sa reaksyon niya pero sana naman maintindihan niya iyon rason ko kung bakit ko nagawa iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

354 61 11
My mind knows you are in better place, where there is no pain. You are at peace. I understand that, I just wish I could explain that to my heart.
8.9K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
985 159 23
Sa bawat pag-indayog ng musika, bagong kabanata ang naisusulat. Mga kabanatang hindi natin alam ang magiging simula at wakas, ngunit tayo ay patuloy...