BHO CAMP #5: Syntax Error

By MsButterfly

3.6M 89.7K 9.1K

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 3 ~ Nothing ~
CHAPTER 4 ~ Breaking ~
CHAPTER 5 ~ Battle ~
CHAPTER 6 ~ Flaw ~
CHAPTER 7 ~ Lips ~
CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 9 ~ Possibility ~
CHAPTER 10 ~ More ~
CHAPTER 11 ~ Result ~
CHAPTER 12 ~ Calculation~
CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 14 ~ Dour ~
CHAPTER 16 ~ Positive ~
CHAPTER 17 ~ Try ~
CHAPTER 18 ~ Dispatch ~
CHAPTER 19 ~ Restrain ~
CHAPTER 20 ~ Want ~
CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 26 ~ Confab ~
CHAPTER 27 ~ Rose ~
CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 29 ~ Fluff ~
CHAPTER 30 ~ Martins ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter
Up Next

CHAPTER 15 ~ Yes ~

89.8K 2.6K 334
By MsButterfly

CHAPTER 15

SNOW'S POV

Sinag ng araw ang gumising sa akin. Gumulong ako at ibinaon ko ang mukha ko sa unan para makabalik sa tulog pero gising na gising na ang diwa ko. Gusto ko pang matulog dahil sa totoo lang halos hindi naman ako na tulog.

Madaling araw na ata ako dinalaw ng antok at paputol-putol ang tulog ko. I know it's because of stress. Hindi naman ako ganto dati. Idagdag pa na iniisip ko ang resulta ng test na pinagawa ni Athena. .

Napabuntong-hininga ako at tumayo. Hindi na rin naman ako makakabalik sa pagtulog. Nag-iinat na naglakad ako palabas ng kwarto at tinungo ko ang kusina. Bahagyang akong napangiti nang makita kong may naka styro na pagkain doon.

Mukhang dumaan sila Kuya. Malamang nag-aalala na hindi ako kumakain. Nakangiting umupo ako sa stool at binuksan ko ang styro. Lumawak ang pagkakangiti ko ng makita kong pancake, sausage at may manggo slices sa ibabaw iyon. Hindi ko man aminin ng malakas pero namimiss ko na ang pagkain ng mangga.

Maganang sinimulan ko na ang pagkain pero unti-unting bumagal ang pagnguya ko ng makita ko ang maliit na post it note na nakita kong nakadikit sa paper bag na pinaglagyan ng styro.

You need to eat. Pumapayat ka na. Hindi lang ikaw ang pwedeng mag-alala. I'm worried for you. So eat. I'm serious.

-Phoenix

Muli akong napangiti pero sa pagkakataon na ito ay nabahiran iyon ng lungkot. Siguro nakalabas na siya ng BHO CAMP Hospital. Hindi ko na rin siya kasi nagawang dalawin. Una, dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. At pangalawa ayoko ng makigulo sa kanila ni Mira.

Marahang pinadaanan ko ng hintuturo ang sulat ni Phoenix. Katulad ng dati kapag hindi kami magkasama ay paborito niyang gawin ang padalan ako ng post it note. Bihira lang mangyari dahil lagi naman kaming magkasama noon.

"How can I ever move on if you keep on doing this?"

Pero siguro tama lang ito. Na maramdaman ko 'to. Because all along I've been putting him on this kind of situation too. Because I was too afraid. Kung sana lang hindi ko agad sinirado ang sarili ko sa posibilidad. Kung sana kahit 1% chance lang binigay ko para sa aming dalawa..

Mga bata pa lang kami pangarap na ni Phoenix ng isang buong pamilya. Sa lahat sa amin siya ang naunang maisip ang bagay na iyon. Madami siyang pangarap para sa babaeng makakasama niya hanggang tumanda siya. At hindi iilang beses na pinaramdam niya sa akin na ako iyon. Na ako ang pinipili niya.

Hindi iilang beses na sinubukan niya. But I was too scared. Ayoko ng pagbabago. Ayoko ng hindi ko nakasanayan. I can't blame him from trying to move on. Dahil kahit sa huli inintay niya akong magdesisyon.

Kapag binabalikan ko ang mga sandaling iyon sa tree house, hindi ko maiwasang hindi siya sisihin. Bakit hindi niya ako pinaglaban? Bakit tinuloy pa rin niya? Bakit ako ang pinapipili niya? But then I realize that it was not just about me. That I can't selfishly say that he's only in love me with me. It was too late for both of us.

Pagak na tumawa ako. "Nakakainis ka naman Nix nix eh! Nakakainis ka..." Tila bukal na bumalong ang luha mula sa mga mata ko. Naiinis na pinahid ko ang mga iyon. "Ang aga-aga pinapaiyak mo na ako!"

Bumaba ako mula sa stool at padabog na kinuha ko ang styro. Inalis ko roon ang post it at pagkatapos ay naglakad ako patungo sa maliit na bintana ng kusina ng flat ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at doon ko pa napagpasiyahan na itapon ang hawak ko imbis na sa basurahan pero marahas na binuksan ko ang bintana at akmang ihahagis na doon ang styro ng may marinig akong mga boses.

Tumingin ako sa baba at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko doon ang lalaki na kanina ko pa iniisip. At...at kasama niya si Mira.

Huminga ako ng malalalim at tatalikod na sana ng marinig ko ang boses ng babae. "Wala nga akong problema!"

Natigilan ako. Kahit kailan hindi pa sumigaw ng ganiyan si Mira. Lalo na kay Phoenix. Phoenix is one of the most level headed person I've met. Bihira ang taong sisigawan siya dahil bihira din siyang masuong sa pagtatalo.

"Mira..." Hindi ko naririnig ang boses ni Phoenix dahil obviously hindi siya sumisigaw. Pero nababasa ko ang mga labi niya. "You can't make me believe that nothing is wrong. Ilang araw ka ng hindi umiimik."

"I'm fine. I-I...I just have a lot in my head right now."

"Then talk to me about it. Asawa mo ako hindi ba?"

"Phoenix, please! Ikaw ba sinasabi mo sa akin ang lahat? Please! Please...hayaan mo na lang muna ako."

This is wrong. Hindi ako dapat nakikinig sa pagtatalo ng mag-asawa. Pero hindi ko mautusan ang sarili ko na umalis sa kinatatayuan ko. Tila ba napako ako roon at nanatiling nakikinig.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Mira? You're not acting like yourself."

"Ikaw din naman hindi ba? Hindi mo nga ako kinakausap maliban na lang kapag may itinatanong ako sa'yo. Kung hindi pa kita tatawagan, hindi ka uuwi. Ganto naman talaga tayo di ba? Masaya ka lang kapag nandiyan si Snow. Noong kasama natin siya. Pero ngayong lumalayo na siya sa ating dalawa para ka ng naglalakad na patay."

"Mira!"

"Just...just leave me be for a while."

"You know. You know that you're important to me. Kagabi nagising ka mula sa pagtulog ng umiiyak. That's why I'm making sure you're all right."

"Dahil asawa mo ko o dahil mahal mo ako?"

Stop listening, Snow. Come on! Get away from the window. Masokista ata ako. Dahil imbis na umalis roon ay nanatiling akong nakatingin at nakikinig sa kanila. Kasalukuyang nakatingin si Mira kay Phoenix na bumuka ang labi pero hindi makasagot.

"Mahal mo ba talaga ako? Sabihin mo...sabihin mo sa'kin." basa ko sa mga labi ni Mira.

"Mira..."

"Kaya mo bang sabihin sa akin na ako lang ang mahal mo?"

I closed my eyes and finally moved away. Sinarado ang bintana at tila nauupos na kandila na napaupo ako sa sahig.

I guess this is life. Kahit na anong pigil mo...kahit anong iwas mo na makasakit at masaktan, iyon pa rin ang mangyayari sa huli.

"You fought for her battle, not yours."



PINAGMASDAN ko ang natutulog na anyo ni Serenity. Sa tabi ko ay nandoon si Kuya Waine na nakatingin din sa babae. Saglit lang siyang umalis kanina para maligo at magpalit ng damit habang ako naman ang nagbantay sa babae.

"Is she getting better?" I asked Waine.

"Walang pagbabago. Hindi lumulubha at hindi din bumubuti."

Tinignan ko ulit si Serenity. Pumunta na ang mga magulang niya pero ang sabi sa akin ni Storm kanina ay nawalan daw ng malay ang ginang na Hunt at pinatutulog muna daw sa isang villa ngayon.

Bakas sa mukha ni Serenity ang matinding paghihirap kahit wala siyang malay. Hindi ko magawang isaboses na maaaring ang paghihirap niya ay hindi lang dahil sa dinanas niya...kung hindi maging ang paghihirap ng taong malapit sa kaniya.

And I hate to think about it, but what if...what if their son is not alive?

"Hinahanda ko ang sarili ko." Nilingon ko si Kuya Waine ng magsalita siya. "Hinahanda ko ang sarili ko sa mangyayari. But God, I'm so frightened knowing that all I can do is wait. Hindi siya makita, Snow. Hindi namin matunton ang Claw at hindi din namin mahanap ang anak ko."

"Kuya..."

"I can feel it, you know?" Waine said, his hands tightening into a fist. "I can feel it, Snow. He's not okay. Pero anong ginagawa ko? Wala."

Pinalakpak ko ang kamay ko at kinumpas-kumpas ko iyon sa tapat ng mukha niya. "Gagaling si Serenity, magigising siya at malalaman natin ang lahat. One step at a time. Hindi makakatulong kung bibigay ka ngayon. Kung sakali...kung sakali na mangyari ang kinakatakot mo, you need to be strong for her. Kailangan ka niya. Masyado na kayong nagdusa. 'Wag mong hayaan na pati ang isa't isa mawala sa inyo dahil kay Wyatt Claw."

Namuo ang luha sa mga mata ni Kuya Waine pero hindi iyon tumulo. He's struggling to stop himself from breaking down. "Snow?"

"What?"

Umangat ang sulok ng labi niya pagkatapos ay marahang tinapik ang ulo ko. "I'm proud of you. Mukhang tanggupay na ang pagiging guardian angel ko sa'yo."

"Ano ka ba..." sabi ko sa boses na nagsisimula ng mabasag.

"I can't be with you now, Snow. Kaya natutuwa ako na alam kong kaya mo na ang sarili mo ngayon. Just be true to yourself and you'll be okay."

"Kuya-"

"Meeting Storm was the best thing that happened to me. She freed me and give me someone to be there for me ng mawala ang nanay ko. And meeting Storm, I able to meet you and everyone around here. Dito, naramdaman ko na may pamilya ako."

Pakiramdam ko alam na niya kung bakit ako talaga nandito. Dahil magpapaalam ako sa kaniya. Kahit hindi ko sabihin pakiramdam ko alam na niya.

"You're like a little sister to me, you know that right? And as your big brother, I want you to get out of here, get a life, and be free."

"Okay ka lang ba rito?" bulong ko.

"I'll be fine." he said. "How long did you tell them that you'll be away?"

"Two months." I whispered.

"At gaano katagal ba talaga?"

Nagbaba ako ng tingin at umiling ako. "Hindi ko alam. Siguro...hanggang kaya ko. Kasi pakiramdam ko kapag hindi ako umalis, magiging selfish na naman ako at pipilitin kong maibalik siya sa'kin. At alam kong mali. Hindi dapat."

Bago pa siya makapagsalita ay nag-angat ako ng tingin at bahagyang ngumiti. Itinuro ko ang kinaroroonan ni Serenity. "Pwede ba akong pumasok sa loob?"

Matamang tinitigan niya ako at ilang sandali at walang salita na tumango siya. Binukksan ko ang salamin na pintuan at lumapit ako kay Serenity. Umupo ako upuan sa tabi ng kama niya.

"Serenity? Sana naririnig mo ako. Makinig ka sa akin ha?" Bulong ko sa kaniya. "Kailangan mo ng magising. Alam ko na mahirap, na natatakot ka. Pero nahihirapan na si Kuya Waine. Kailangan niyo ang isa't isa. Minsan parang mas maganda na piliin na lang na unti-unting maglaho sa mundo na 'to. Kasi mahirap...masakit. Pero hindi pwede. Kasi may mga nagmamahal sa atin na naghihintay na bumalik tayo. Kaya please, bumalik ka na kay kuya Waine. Kasi mahal na mahal ka niya. Kasi kailangan ka niya at alam kong kailangan mo siya."

Bahagya kong pinisil ang kamay niya na walang pinsala bago ako tumayo at lumabas. Nagtama ang mga mata namin ni Kuya Waine pero walang salitang namagitan sa amin. Hinila niya ako palapit sa kaniya at napapikit ako nang mahigpit na niyakap niya ako. Pagkaraan ay tahimik na naglakad ako palayo sa kaniya at hindi na ako lumingon pa.

That's why I didn't see. I didn't see that Serenity's hand moved. I didn't see the commotion in the ICU when finally...she opened her eyes.



NAKAPAG-PAALAM na ako sa mga magulang at mga kapatid ko. Nakahinga rin ako ng maluwag ng sabihin sa akin ni Freezale na hindi na nila ako bibigyan ng palugit sa pagsasabi kaila Momma.

Si Athena naman ay nagpaalam na rin sa pamilya niya. Hindi siya sasama sa akin pero may sarili daw siyang balak. Basta babalik siya pagkatapos ng dalawang buwan at sasabihin niya na pinauna ko na siya.

Dahil hindi pa ako babalik. Dahil hindi ko alam kung kailan ako babalik.

Tumingin ako sa kalangitan at bahagyang ngumiti. Kasalukuyang akong naglalakad patungo sa lugar na matagal ko ng iniiwasan. Mula ng huli kaming magkita roon at sabihin niya sa akin na mahal niya ako.

Lugar kung saan nabuo lahat ng pangarap namin.

Nag-angat ako ng tingin at huminto ng matunton ko ang lugar na iyon. The tree house. Our tree house.

Taking my time, I climb my way up the tree house. Pinagmasdan ko ang mga pamilyar na bagay na naroon...mga bagay na kami ang bumuo.

Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang pintuan ng tree house. Isang sandali ang lumipas at pakiramdam ko ay naulit lahat. Nang gabing magkita kami rito ni Phoenix. Gabi bago siya ikasal at tuluyang nawala sa akin. It was just weeks ago pero pakiramdam ko ang tagal-tagal na. Siguro ganoon talaga pagbinibilang mo bawat segundo habang humihiling na sana lumipas ang oras at tumigil na ang pagdurusa mo. Ang patuloy na paghiling na sana masanay ka na sa sakit na nararamdaman.

Ipinikit ko ang mga mata ko sa hiling na mawala na ang imaheng nakikita ko pagmulat ng mga mata ko. Pero nang buksan ko ulit ang mga iyon ay si Phoenix pa rin ang nakikita ko.

"Phoenix?" I whispered.

"Hi."

Naikuyom ko ang mga kamay ko nang marinig ko ang boses niya. Sa nanginginig na mga tuhod ay pumasok ako sa loob ng tree house. Umupo ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Nag-iisip. Ikaw?"

"Just want to look at it for the last time."

Sandaling hindi siya umimik. Nagbaba siya ng tingin sa mga sariling kamay bago tahimik na nagsalita, "Sinabi nga nila sa akin na aalis ka raw."

"Two months lang naman. Biglaang lakad lang namin ni Athena."

Sinalubong niya ang mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung alam niya na hindi na ako babalik, kung nababasa ba niya sa mga mata ko, pero kung alam man niya ay wala siyang sinabi.

"I remember the last time we were here." I whispered and look away.

"Snow...don't."

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Kailangan."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Pagkaraan ay humiga ako sa sahig ng tree house at hindi nagtagal ay ganoon din ang ginawa niya. Walang nagsasalita...pero pakiramdam ko naririnig ko siya at ang sarili ko. Because deep inside, we're both crying for something that will never happened.

"Phoenix..."

"Yes?" he said in a quiet voice.

"Ask me not to go tomorrow. Ask me not to get married...ask me not to leave you. Ask me to stay here with you."

"Wag kang tumuloy bukas." bulong ko sa basag na boses. "Wag kang magpakasal, 'wag mo kong iwan. Dito ka lang...dito ka lang sa akin."

Tumingin siya sa akin at kita ang sakit sa mga mata niya. Tuluyan ng kumawala ang mga luhang pinipigil ko habang nakatingin sa kaniya. Walang nabago sa nararamdaman niya. I can see that.

But it's too late.

"When we were young, I told you that my dream is to be married to you. But you said that that is not possible."

"Sabi mo pangarap mo na pakasalan ako, sabi ko imposible pero...pero posible. I never treated you like you're my brother. You were always special to me."

"When we're teenagers I asked you if it's possible for us to date. But then you said we should stay as friends. Dahil ayaw mo na magulo kung ano ang meron tayo."

"We could date...we could go anywhere we want. Ikaw ang best friend ko, natatakot lang ako na mawala ka."

"The problem is I cannot stay as your friend when I know that I want more from you."

"I want more from you too...I want more than what we have."

"Do you love me?"

"Yes."

Marahang pinahid ko ang mga luha ko. Sinalubong ko ang tingin ni Phoenix. Alam kong naiintindihan niya bawat katagang sinabi ko. Alam kong naririnig niya ang sariling tanong na siyang sinagot ko sa pagkakataon na ito.

Umangat ang kamay ko para marahang takpan ang mga labi nang akmang magsasalita siya. "I love you, Nix Nix. Sorry kung ngayon ko lang tinanggap. Sorry na huli na. I love you and thank you for loving me. For still loving me."

Pilit na pinatili ko ang ngiti ko kahit halos hindi ko na siya makita dahil sa mga luha ko nang maramdaman ko ang pamamasa ng kamay ko dahil sa sarili niyang luha.

"Nahihirapan ako na makita ka. Nahihirapan ako na nakikita kita araw-araw. Nahihirapan ako kasi wala ka sa tabi ko. Kasi gusto ko na ako lang ulit. Ako lang ang binabantayan mo, iniintindi...minamahal. Kaya...kaya kapag nagkita tayo ulit, gusto ko masabi ko sa'yo na kaya ko na. Na kaya ko ng mabuhay ng wala ka. Na nahanap ko na ang sarili ko at hindi ko na kailangan na mabuhay bilang si Snow na laging kasama mo."

Umangat ang kamay niya at hinawakan niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Ibinaba niya iyon at binigyan ng magaan na halik.

Sa tree house na 'to...nabuo ang pangarap namin, tumatag ang pagkakaibigan namin. Sa lugar na ito, minahal niya ako. Sa lugar na to...nasaktan namin ang isa't-isa. At sa tree house na ito, maiiwan ang Snow at Phoenix na nagmamahalan. Dito...mabubuhay sila kahit na gaanong katagal.

They can stay here together no matter how long. Even if in reality, in the real world...it will never come true.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
3.5K 128 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...
2.3M 48K 44
| COMPLETED | 22 August 2016 - 5 October 2016 | Stonehearts Series #2 | Due to her bitter past and her dad's unfortunate marriage, Amorr Amethyst Bue...