Cupcake

Від hello_kate

8.6K 508 349

DO NOT READ May crush ka ba? Si Jinky, meron. At ito ang story niya. [EDITING] Більше

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Epilogue

Chapter 7

464 31 25
Від hello_kate

First Year High School (August 2010)

Birthday ko! Yay! As usual, makulimlim at parang uulan sa labas. Ganyan naman palagi kapag birthday ko. Kung hindi umaambon, umuulan. Kung hindi umuulan, bumabagyo. August 18, tandaan niyo yan. Uulan. Kung hindi...                                                                                                                             edi hindi.

Trip ni Mama na manlibre noon. Hindi ko yun idea pero bago pa ako humindi, nag-invite na siya ng mga pupunta. Akala niya kasi katulad parin ng dati ang mga friendships ko. Okay lang din, para naman magbonding kami.

Nandoon kami sa KFC, inaantay si Kate. Late comer pala talaga yung babaeng yun. Kasama si Kenneth, okay. Ayoko sanang sabihin pero kinilig ako. Buti ininvite sila ni Mama.

Lahat sila with parents, except Izzy.

"Si Kate, oh!" narinig kong sabi ng isa sa kanila.

Pinuntahan ko siya. "Hello, Happy Birthday!" bati niya sakin.

"Thanks." Wala man lang siyang regalo. Jusko! "Hoy, 20 minutes na kami dito. Ang tagal mo," pagtataray ko.

"20 minutes lang. Haha, thank God."

LANG?! Gutom na kami tapos 20 minutes lang?! Pambihira naman.

Umorder na si Mama at kumain nalang kami. Medyo OP sina Kate at Heidee, kapatid niya. Swerte nila kasi wala silang kasamang parents, Kami bantay sarado pa. Baby pa raw eh. Napakawkward kaya kapag kasama parents.

Pagkatapos nun, naglaro kami sa Tom's World. Nag roller coaster sila pero naiwan ako sa baba kasi hindi ako pinayagan ni Mama. "Dangerous" daw. Hmp! Ang saya-saya nila dun tapos ako hindi. Birthday ko kaya! Ang KJ ni Mama!

Nagmukmok lang ako dun sa harap ng skill crane dahil kahit anong gawin ko, hindi ko makuha yung cupcake na stuff toy. Ang cute pa naman. And it reminds me of someone...

"Di ka sumakay?"

Akala ko kung sino. Si Kenneth lang pala. Bigla-bigla kasi nagsasalita.

"Bat nandito ka?" tanong ko.

"Nauna ako magtanong."

Ang taray ni Kuya. Birthday girl kausap niya. "'Di ako pinayagan ni Mama," asar kong sagot.

"Awww. Baby!" pang-iinis niya pa sakin.

"Aba! Bat ikaw?! 'Di ka rin pinayagan!" tumawa pa ko.

"Hindi yun." May sasabihin pa sana siya pero umiling sila.

"Eh ano?" Nakaka-intriga.

"Uhhh, kasi... basta may acrophobia ako," madali niyang sagot, sabay punta sa token booth para bumili ng tokens.

Anu raw? Acrophobia? Ano yun? Feeling ko alam ko yun pero di ko lang maalala. Bahala na nga siya.

Naggala lang kami. Kumain kami ng ice cream kahit ayaw ni Mama. Nagkaasaran din. When it was time to say goodbye, sinabi sakin ni Kate ang kanyang napakagandang birthday message.

"Jinky, patangkad ka ah."

Anu bang problema sa height ko?! 4'9 na kaya ako! Ang yabang. Matangkad lang siya eh, sarap tisudin.

Nagsimba muna kami ni Mama bago umuwi. Thank you Lord dahil buhay pa 'ko. Thank you din po sa mga "bisita" ko. Thank you din po kasi may mga nagregalo sakin.

Pag-uwi namin nagresearch ako. Hindi para sa school. Gusto ko lang talaga kasi malaman kung saan natatakot si Kenneth. Malay mo makatulong ako. Hindi ko lang alam kung may phobia ako basta madali akong magulat o matakot. Duwag.

Acrophobia. Yun pala yung fear of heights. Bakit kasi 'di nalang niya sinabing, "Takot ako sa heights." Pinahirapan pa 'ko. 

Bakit kaya takot siya sa heights? Opinion ko lang pero parang pambata masyado yung fear na yun. Nung bata kasi ako, mga 6 years old siguro, natatakot akong tumawid sa hanging bridge sa Tagaytay. Nakakasuka na parang umiikot yung paningin ko kapag titingin sa baba. Nawala rin yung takot ko nung tumanda ako ng konti.

Baka ganun din siya. O baka naman natatakot siya mahulog?

First Year High School (October 2010)

 

Field trip namin. Ang ingay-ingay sa bus. Wala na ngang pumansin sa movie na naka-play. Puro kabangagan ang inaatupag ng mga tao. May mga kumakaway sa bintana, may mga tulog, may mga nagchi-chikahan, nakikipagtext at nakikipagtawagan sa mga taong nandun din naman sa bus, may mga tinataasan ng middle finger yung mga nasa kalsada. Ako, ayun, kumakain. Dun ako magaling.

Katabi ko si Kate. Kain din siya ng kain. Ang pinagkaiba lang namin, hindi siya tumataba kahit mas matakaw pa siya sakin. Kaasar yung ganun!

Wait, kung akala niyo ay bestfriend ko si Kate dahil palagi kaming magkasama, sinasabi ko sa inyong hindi kami magbestfriend noon. Ang bestfiend niya ay si Carly. Ewan ko pero sila palagi magkasama mula nung July pa. Saka sinabi rin ni Carly sakin na bestfriend niya si Kate. Inis nga ako sa dalawang yun kasi palagi akong asar-talo sa kanila. Ang gagaling nila mang-asar.

Masaklap kasi ako yung palagi nilang target. Mangingiliti sila ng basta-basta lalo na kapag tahimik sa classroom. Sumisigaw pa naman ako kapag nakikiliti. OA ako eh, massanay ka na.

So ayun, katabi ko yun kasi magkasunod yung surname namin. 

"Oy, wag ka susuka ah," sigaw sakin ni Vic. Bwiset, di parin nakakalimot.

Tumawa sila. Tumawa rin naman yung baliw kong katabi.

"May nakakatawa?" pagtataray ko sa kanila.

"Tatawa ba kami kung walang nakakatawa," sagot ni Vic.

Lalo pa silang tumawa kasi napahiya ako. HIndi ko na pinatulan kasi for sure, talo na ko.

Thirty minutes early kami dun sa theater. Okay rin kasi ang ganda ng pwesto namin. Nanood kami nun ng stage play ng Ibong Adarna para sa project sa Filipino. Swerte ko kasi katabi ko si Kenneth. Malas ko kasi katabi ko si Kate sa isa pang side. Nagdadaldalan sila ni Carly. Nakakaasar.

Nagstart na yung play. Maganda yung pagkakagawa kaso medyo boring. Konti ang action. Pasulyap-sulyap lang ako kay Kenneth. Ang cute niya kasi tingnan. Naka-focus siya sa play kaya hindi niya ko napapansin. Atleast may gwapong katabi kaya nakakatuwa.

Tumingin siya sakin bigla. Gosh, nahuli ako sa akto. Medyo pahiya ako kaya tingin kaagad ako sa harap. 

Narinig kong tumawa siya ng mahina. Nakakatawa na pala ako. O baka naman feeling niya mas gwapo pa siya kay Francicso Lachowski. Kapal! Sorry mas gwapo si Francicso, mas crush ko lang si Kenneth.

Pagkatapos ng play, naglunch muna kami sa bus then pumunta na kami sa museum. Ang boring kasi bawal hawakan halos lahat ng nakalagay dun. Pumunta kami sunod sa isang science fair. Ang gagaling ng mga gawa nila. Pinakagusto ko yung part na nasa green screen kami tapos in-edit para kunyare daw lumilipad kami.

Nakita ko sina Carly at Kate na nandoon sa movie part. Ang alam ko kasi, mahilig si Kate sa paggawa ng mga videos. Mas trip niya magvideo kaysa magpicture. Tinuturuan sila ng parang camera tricks ata.

Nakatingin lang ako sa gilid ng may narinig akong ingay. Nandoon yung tropa nina Kenneth sa tabi ng booth kung nasaan sina Carly. Pinagtutulakan nila si Kenneth sa booth ng movie making. 

"Aminin mo na kasi!" narinig kong sigaw ni Vic. 

"Mahiya naman kayo," sabi ni Kenneth habang lumalayo sa kanila. Binatukan niya si Vic.

"Kate oh!" sigaw ni Vic kay Kate.

Napatingin lang si Kate kay Vic. Hindi niya alam na may crush sa kanya si Kenneth. Nakita niya akong nakatingin kaya ngumiti siya at kinawayan niya 'ko.

Nakaka-inggit naman. Bakit kasi hindi nalang ako yung nagustuhan niya? Ano bang meron sa kanila na wala ako? 

Height, sabi ng inner voice ko.

Oo na! Ako na ang 4'9! Hindi ko kasi alam kung saan ako pinaglihi ng nanay ko. Sabi niya gusto niya raw yung Snow White noong pinagbubuntis niya ko. Sana kasi kay Snow White nalang ako pinaglihi. Feeling ko kasi dun sa seven dwarfs, lalo na yung Grumpy. Maliit, moody at malaki ang ilong. Ugh!

Pumunta pa kami sa Mall of Asia para lang tumambay. First time ko nun kaya tuwang-tuwa pa ko. Nakakatamad pala talagang lakarin yung lugar kasi ang laki. Ang maganda lang, maraming kainan!  Sayang lang kasi sandali lang kami dun kundi nag try na ko sa halos lahat ng pwedeng kainan.

Maraming tulog sa bus pauwi. Nakakapagod din naman kasi maglakad. Si Kate patulog na. Hmmmm....

Tinapik ko siya. "Kate, may plastic ka ba?"

I saw the horror in her face. Naghanap agad siya sa bag niya ng plastic. "Wait, wag ka muna susuka!" madali niyang sabi.

Kinuha niya yung lalagyan ng binili niyang souvenirs kanina. "Eto oh!"

Nakakatawa yung mukha niya! Tumawa na 'ko ng malakas. Maraming napatingin sa pwesto namin.

"Hahahahaha! Grabe nakakatawa ka!" sabi ko na parang mamamatay na sa kakatawa.

"What the hell? Kala ko susuka ka!" asar na sabi niya sakin.

Natatawa parin ako. "Joke lang!"

"Bahala ka nga dyan." 

Pagod na pagod ako pag-uwi. Naghilamos lang ako at kumain then deresto na ko sa kama. Pagod nga ako pero hindi naman ako makatulog.

Naisip ko yung nangyari sa movie making booth. Ano bang pwedeng gawin para tumangkad? Na try ko na ata lahat. Gatas every night, check. Cherifer, check. Growee, check. Maaga matutulog, check. Exercise, check. 

Pero wala parin.

 

Cupcakes kaya nakakatangkad?

First Year High School (March 2011)

Recognition day. Wala akong idea kung anong rank ko dahil sa highschool dun, walang rankings. Basta 92 pataas ang average grade, pasok ka sa awardees. Syempre kasama ako dun. Ako pa! Kaso hindi naman ako nag-iisa. Malay ko bang matino rin pala ang pag-iisip nun ni Kate kaya kahit pa easy-easy lang, nakapasok pa. Si Marc Reyes pa. HIndi ko alam pero bongga rin pala yun. Basta marami pa.

Hindi na ko pinapansin ni Kenneth mula nung Christmas break. Three months niya ko di pinapansin. Wala akong naalalang nagawa ko para magalit siya o ano. Promise! Mula nung magpasukan ulit ng January, hindi na siya namamansin. Nagtext ako sa kanya nung Christmas pero walang reply kahit "TY" o "tnx" manlang, Postpaid siya kaya hindi excuse ang walang load. 

Kumalat pa yung balita na crush daw ni Arriane si Kenneth. Wow. Close pa naman sila. Ewan ko lang kung alam ni Kenneth pero kung alam man niya, wala siyang pake. May kaagaw nanaman tuloy ako.

Hindi siya pumasok nung recognition day kahit may award siya. Sayang yung award. Nagsorry naman ako kahit alam kong wala akong kasalanan. Ganun eh. Dapat may magbaba ng pride. Kaso wala parin.

Feeling ko kasi may pinagdadaanan yun. Hindi na rin kasi siya palakibo masyado sa iba niyang friends. 

Miss ko na siya. 

Hindi siya pwede maging akin kaya nagpabili nalang ako kay Mama ng cupcakes. Sabi ko pa nga red velvet. Favorite ko yun!

Продовжити читання

Вам також сподобається

Play The King: Act Two Від akosiibarra

Підліткова література

391K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
heaven has gained an angel Від nekoys

Підліткова література

57.4K 923 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
Project: Yngrid Від Alesana Marie

Наукова фантастика

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
Hell University (PUBLISHED) Від KIB

Детективи / Трилер

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...