[COMPLETED] Untouchable B

By afireselu

117K 6K 2.6K

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano ni Baekhyun sa buhay? Will the Untouchable B remains... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanta
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikalabing-dalawampung Kabanata
Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't dalawang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata
Wakas
Untouchable B Book Two: Unreachable C
Unang Kabanata
체리's 💙 note
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
체리's announcements:
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Wakas

Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata

1.7K 98 52
By afireselu



Byun Baekhyun.

Hindi ko na hinintay sumagot si Chanyeol bagkus agad kong kinuha iyong cellphone ko sa bulsa ng suot kong shorts at tinignan kung sino iyong tumatawag. Napakunot naman ang noo ko ng biglang lumitaw iyong pangalan ni Papa sa caller ID. Bakit niya ako tatawagan ng ganitong oras?

"Hello, Papa? May problema po ba?"

"Baekhyun, anak. . ." Nagsimula na akong kabahan. Kay Mama ko namana iyong pagiging madaldal, makulit, at mood-maker pero hindi naman ako sanay na ganito kaseryoso si Papa. "Kaylangan mo ng makipaghiwalay kay Chanyeol."

"P-Papa. . ." Hindi ba talaga kami karapat-dapat ni Chanyeol? Bakit ganito iyong tadhana sa amin? Masyado naman atang kinakarir iyong pagpapahirap sa aming dalawa. "H-hindi ko po kaya."

"Baekhyun, makinig ka na lang kay Papa mo, ha? Para sayo rin naman ito. Kung kayo talaga ni Chanyeol ang nakatakda, kahit anong pagsubok pa ang dumating sa buhay niyo, sa huli, kayong dalawa pa rin ang magtatagpo. Basta makipaghiwalay ka na muna kay Chanyeol, anak, magma-migrate na kasi tayo sa ibang bansa."

"A-ano po? Hindi ko po maintindihan, Papa!" Ang pagkakaalam ko kasi mahirap lang kami kaya paano kami magma-migrate sa ibang bansa kung dito pa lang sa Pilipinas ay naghihikahos na kami?

"Anak, mahabang kwento pero to cut it short, namatay iyong CEO ng kumpanya na pinapasukan ko at iniwan niya sa pangalan ko iyong buong kumpanya at ako ang inatasan niyang magpatuloy ng nasimulan niya," kahit na gulong-gulo ako sa nangyayari, tipid kong nginitian si Chanyeol na ngayo'y nakaupo sa couch habang mataman akong tinitignan.

"Pero bakit ko po kaylangang hiwalayan si Chanyeol?" Mukhang tensed naman si Chanyeol sa narinig niya kaya agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Iyong mga mata niya, nababasa ko kung anong pinaparating nito. Gusto niyang malaman kung bakit ako pinipilit ni Papa na makipaghiwalay sa kanya.

"Anak, nahihiya ako kay Chanyeol. Sa dami ng naitulong niya sa pamilya natin, hindi ko ata masisikmura na masasaktan siya sa biglaan nating pag-alis kaya mabuti pa kung maghiwalay na muna kayo ng panandalian," hindi na ako sumagot pang muli bagkus ibinaba ko na iyong tawag at ibinalik iyong mataman na tingin sa akin ni Chanyeol.

Sorry Chanyeol, pero hayaan mong ako naman iyong lumaban para sa ating dalawa ngayon.















"Chanyeol, maghiwalay na tayo."



Park Chanyeol.

Nagulat ako sa sinabi ni Baekhyun. Hinihintay kong bawiin niya iyong pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin siya tumatawa, diretso pa rin siyang nakatingin sa akin.

"B-Baekhyun," nagsimula ng tumulo iyong mga luha mula sa mga mata ko at mas lalo lang akong nasaktan nang maramdaman ko iyong hapdi sa bawat pagdampi ng luha ko sa parteng may sugat sa mukha ko.

Bakit kami maghihiwalay? Ngayon pa ba na nalampasan na namin iyong unang pagsubok sa amin? Hindi naman ito iyong unang pagkakataon na natali ako sa ibang babae diba? Nalampasan naman naming dalawa iyon, bakit siya nakikipaghiwalay sa akin?

"Chanyeol, kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, kahit maghiwalay pa tayo ng ilang taon, magku-krus at magku-krus muli ang landas natin. Sa ngayon, siguro kaylangan na muna nating magparaya. Kumpanya niyo ang nakasalalay dito, Chanyeol," wala na akong pakielam kung magmukha akong kaawa-awa sa mata niya kaya lumuhod na ako sa harap niya at mahigpit na hinawakan iyong mga tuhod niya.

"Baek, bakit ngayon pa? Kaylangan kita ngayon. 'Wag mo naman akong iwanan oh. Mababaliw na ata ako kapag nangyari iyon," pero tila naglaho iyon Baekhyun na kilala ko. Parang ibang tao itong nasa harapan ko ngayon. Siguro dahil sobrang pagod na ako kaya napakalas ako ng yakap nang bigla niyang ginalaw iyong mga binti niya.

"Chanyeol, don't make it hard for the both of us. Maghiwalay na tayo."

"Baek! Hindi pwede!" Akmang aakyat na siya ng hagdan pero mabilis ko siyang hinila pabalik at niyakap ng mahigpit. "Promise natin sa isa't-isa na malalampasan natin ito, diba?" Nagpupumiglas siya sa yakap ko pero hindi ako bumibitaw, mas lalo ko lang hinihigpitan iyon dahil kapag nakawala siya sa mga bisig ko, alam kong kasabay noon ay ang pagkawala niya ng tuluyan sa buong buhay ko.

"I never promised you something like that. Kaya pwede ba umalis ka na? Ayaw na kitang makita," nanlambot ako sa huli niyang sinabi at kinuha niya iyon pagkakataon na iyon para makaalis sa mga bisig ko. "'Wag kang mag-alala, I'll make it easy for you to move on. Hinding-hindi na kita muli pang kakausapin. Let's go back to where we started at all kasi kung hindi naman tayo sumugal, wala sanang ganitong problema ngayon. Hindi sana nagulo iyong tahimik kong buhay."

-

-

Kahit na may mga pasa pa rin ako sa mukha at braso ko ngayon ay pinilit kong pumasok. Mas bumibigat lang kasi iyong pakiramdam ko kapag nagkulong ako sa bahay. Pagkatapos noong sinabi sa akin ni Baekhyun kagabi ay mabilis pa sa alas kwatro akong umalis ng bahay ni Sehun. Alam kong mahal ako ni Baekhyun pero hindi ko maiwaksi sa sarili ko na masaktan sa mga sinabi niya lalo na't diretso siyang nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang nagpaguho ng mundo ko ng tuluyan.

"Sige na Chanyeol, umalis ka na. Hindi na kita kaylangan sa buhay ko."

-

-

Nandito ako sa tapat ng classroom ng 2B ngayon at naghihintay ng labasan nila. Gusto kong makausap si Baekhyun. Baka kasi may problema lang talaga siya kagabi kaya niya nasabi iyong mga bagay na iyon. "Chanyeol, tara na sa leisure room, gagamutin ko iyang sugat mo."

"Susunod ako, Suho hyung. Kakausapin ko lang saglit si Baekhyun," nakayuko lang ako at tahimik na tinitignan iyong sapatos ko. Hindi ko kasi kayang makipaglabanan ng tingin ngayon sa kahit kanino dahil pakiramdam ko kaawa-awa ako.

"Chanyeol, hayaan mo muna siya," this time napaangat na ako ng ulo at malungkot na tinignan si Suho hyung ng mata sa mata.

"Hayaan? Hayaan ko na lang siyang iwan ako ng walang maayos na dahilan? Bullshit naman, Suho hyung. Hind ako pumayag na makipaghiwalay dahil may karapatan akong mabigyan ng maayos na rason," napabuntong-hininga na lang si Suho hyung at sinabing mauuna na siya sa leisure room at kaylangan ko raw sumunod doon dahil gagamutin niya iyong mga sugat sa mukha at sa braso ko.

Agad naman akong kumilos nang biglang bumukas iyong pintuan ng 2B at nauna pang lumabas sina Baekhyun at Sehun. "Baek, mag-usap tayo please," pero mabilis niya ring binawi iyong kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Baekhyun, please naman," ngunit hindi niya ako pinansin at hinawakan ng mahigpit si Sehun sa kamay.

"Sehun, tara na," pero hindi nagpahila sa kanya si Sehun at sinabing susunod na lang daw siya dahil may naiwan pa siyang libro sa loob ng room na agad namang sinang-ayunan ni Baekhyun at iniwan kaming dalawa ni Sehun dito.

"Hyung? Anong nangyayari? Bakit ka iniiwathan ni Baekhyun hyung?" Napahilamos ako ng mga palad ko sa mukha.

"Hindi ko rin alam, Sehun. Gulong-gulo na ako," nakaramdam ako ng mahinang tapik sa braso at tinignan ko si Sehun, may inaabot siya sakin na isang puting envelope.

"Mauna na ako, hyung. Bathahin mo iyan kapag maayoth na iyong ithip mo, ha?" Iniwan akong nakatanga ni Sehun dito sa corridor habang hawak-hawak iyong envelope na binigay niya sa akin. Sabi niya buksan ko kapag maayos na iyong isip ko diba? So, hindi ko pa ito mabubuksan anytime dahil gulong-gulo na ako ngayon?

-

-

Naglalakad ako papunta ng leisure room nang biglang may nakabangga sa akin na isang babae, medyo napalakas pa iyon dahil natumba siya habang nanatili akong nakatingin sa kaniya ng diretso. "Chanyeol!" Si Tiffany palaㅡiyong dating president ng 2B. Wala sa sarili ko siyang tinulungan na tumayo at akmang aalis na ako nang bigla niyang hinila iyong braso ko.

"Aray!" Sakto kasing nadampian ng matulis niyang kuko iyong sugat ko sa braso.

"Sorry! Pero kaylangan mong pumunta sa soccer field! Sinasaktan ni Chaelin si Baekhyun doon!" Mabilis naman akong tumakbo patungo sa soccer field habang nakasunod sa akin si Tiffany. Malayong nandoon si Sehun dahil hindi pa nagtatagal mula noong iniwan niya ako sa corridor.

Hindi pa ba nakuntento si Chaelin sa ginawa niyang pananakit kay Baekhyun noong nakaraan? Miski na rin sa ginawa niyang pananakit sa akin kahapon para mag-eskandalo pa siya dito?

-

-

Pagdating naming dalawa sa soccer field nadatnan namin na nakaluhod si Baekhyun sa gitna ng field at medyo sira-sira na iyong uniform niya. Mukhang pilit na pinunit iyon ni Chaelin at ng tatlo niya pang kasama. "Chaelin! Itigil mo iyan!" Napatingin silang lahat sa gawi ko at tila nanigas sila dahil sa sama ng tingin na ipinupukaw ko sa kanila.

"C-Chanyeol! S-sinaktan niya kasi ako kaya t-tama lang naman siguro na d-depensehan ko yung sarili ko d-diba?"

"Kailan ka ba titigil?! Kayo?! Hindi ba kayo napapagod, ha?! Kasi ako pagod na pagod na ako! Tangina! One day you came into my life saying na ikaw ang mapapangasawa ko tapos ngayon sinasaktan mo na naman si Baekhyun?! Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mong pananakit sa akin kagabi?!" Tila naman sila nakakita ng multo dahil sa sinabi ko, ngayon lang din siguro nila napansin na marami akong kalmot at pasa sa buong mukha ko miski na rin sa braso ko. "'Wag mo akong lalapitan Chaelin, ngayong unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko baka makalimutan kong babae ka pala," hindi na niya naituloy pa ang tangkang paghakbang at mabilis silang nagtakbuhan ng mga kasama niya palayo ng soccer field.

Ni hindi ko man lang nalapitan si Baekhyun dahil kusa na akong napaluhod sa grass field. Pagod na pagod na ako. Parang gusto ko na lang sumuko pero may kakaunting pakiramdam ako na hindi ko dapat gawin iyon. "Chanyeol, tara na," hindi ko pinansin iyong nagsalita dahil alam ko namang hindi siya iyong makakapagpatayo sa akin dito ngayon sa kinalalagyan ko. Pagtingin ko sa pwesto ni Baekhyun kanina, nakita ko na lang na inaalalayan na siya ni Sehun at Kai na makatayo. Napansin ko rin na nandito na pala lahat ng mga kaibigan ko sa grass field.

"Iwan niyo na muna ako," pero tila naman hindi nila ako narinig at patuloy lang sila sa pagpo-protesta na kaylangan kong madala sa clinic dahil sa mga sugat ko at inaapoy na ako ng lagnat, ni hindi ko nga naramdaman na may lagnat na pala ako. "Please lang! Iwan niyo muna ako!" Ngunit hindi pa nagtatagal ay bigla na lang akong nakaramdam ng pag-ikot ng paningin ko and in just a split of second, everything went black.

-

-

"Hindi niyo ba talaga matawagan si Baekhyun?"

"Hindi hyung, eh. Naka-off ata iyong cellphone niya dahil out of coverage area iyong number niya."

"Ano bang nangyari sa kanila? Parang noong isang araw lang kulang na lang langgamin sila sa sobrang sweetness tapos ngayon problemado na naman silang dalawa?"

"Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko may kinalaman ito sa nangyayari sa kumpanya nila sa China ngayon."

"Kawawa naman si Chanyeol hyung, ang dami na nga niyang problema tapos broken hearted pa siya."

"Kaylangan nating madala si Baekhyun dito dahil siya lang naman ang nakikita kong dahilan bakit ganito kagulo si Chanyeol ngayon."

"Shit! Hindi ko na crush si Chaelin! Maganda nga siya at sexy pero wala namang kasing sama iyong ugali niya."

Nagising ako sa usapan ng mga kaibigan ko pero nanatili lang na nakapikit iyong mga mata ko. Aware naman ako na nasa ospital ako nila Suho hyung ngayon dahil hinimatay ako kanina sa grass field. Usually hindi naman talaga ako hinihimatay kapag nakakaramdam ako ng pagod pero naalala kong hindi pa pala ako kumakain simula kahapon ng umaga kaya siguro ako nahimatay. At mas lalong ayaw ko atang idilat iyong mga mata ko dahil ayaw kong makumpirma na wala talaga dito si Baekhyun sa tabi ko ngayonㅡna hinayaan niya lang na sila hyung ang magdala sa akin dito sa ospital dahil hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay iyong sakit na mararamdaman ko.

"Chanyeol, alam kong gising ka na kaya idilat mo na iyan mga mata mo."

"Wala akong naririnig, Suho hyung," nakatanggap naman ako ng isang mahinang batok galing kay Kyungsoo. Kahit nakapikit ako, alam na alam kong siya iyon dahil siya lang naman ang mahilig mambatok sa aming magkakaibigan.

"Didilat ka o ako mismo magdidilat ng mata mo, Chanyeol?" Kahit na ayaw ko ay pinilit kong dumilat at bumangad sa akin ang nanlalaking mata ni Kyungsoo. Muntik ko pa siyang masuntok dahil siya iyong pinakahuli kong inaasahan na una kong makikita the moment na buksan ko iyong mga mata ko.

"Hoy! Ilayo mo nga iyong mukha mo sakin! The last time I checked ayaw mo ng masyadong malapit sa akin ah!"

"At hindi pa rin nagbabago iyon, Chanyeol. But I had to do this dahil masasaktan ka lang the moment na makita mong wala si Baekhyun dito sa tabi mo ngayon."

Continue Reading

You'll Also Like

320K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
128K 5.1K 50
Something That We're Not written by:post_it_girl Genius vs. Genius Malalaman kaya nilang mahal nila ang isa't isa? Anong papairalin nila? Ang dinidik...
128K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
985 159 23
Sa bawat pag-indayog ng musika, bagong kabanata ang naisusulat. Mga kabanatang hindi natin alam ang magiging simula at wakas, ngunit tayo ay patuloy...