The Innocent Mafia

By SimpleGears

17.3K 666 62

Siana is just a Typical High School Student only, She's so Friendly, Active and a Positive thinker. She is a... More

Chapter 1 - Mafia
Chapter 2 - Masquerade Party
Chapter 3 - Innocent
Chapter 4 - Skills
Chapter 5 - Kidnapped
Chapter 6 - Two Person
Chapter 7 - Dead
Chapter 9 - Pregnant
Chapter 10 - The Moment of Truth
Chapter 11 - Stress
Chapter 12 - The Moment of Truth (Part 2)
Chapter 13 - Reason
Chapter 14 - Wala na
Chapter 15 - Change
Chapter 16 - Bes kong Tunay
Chapter 17 - BANG!
Chapter 18 - Blood
Chapter 19 - The Real Mother
Chapter 20 - Crush
Chapter 21 - Past
Chapter 22 - Celebration
Chapter 23 - Propose
Chapter 24 - Wedding
Chapter 25 - Dati
Chapter 26 - First day
Chapter 27 - Operation
Chapter 28 - Lovenat
Chapter 29 - President
Chapter 30 - Fortin is Back
Chapter 31 - May the Best President Win
Chapter 32 - Ticket Selling

Chapter 8 - Logan

568 27 0
By SimpleGears

Letisiana's PoV.



Pagkatapos ng uwian ..



Umuwi agad ako ng bahay , Papasok palang ako ng bahay nang may mapansin akong kakaiba.



Parang may nagmamasid saken?



Ugh! Di ako makalingon sa likuran ko, feeling ko may tao sa likod ko. Dali dali kong binubuksan yung pinto ng bahay namin.



Pero shet! Kakamadali ko yata at dahil sa paranoid ako. Nahulog yung susi sa sahig.



Nung pupulutin ko na ito. May dalawang paa akong nakita na nasa harapan ko.



"Letisiana?" Pagtingala ko sa lalaking iyon. Potek! Napahawak ako sa dibdib ko at napahinga ng maluwag dahil sa sobrang kinabahan ako. Akala ko kung sino na.



"Logan? Bat ka nandito?" Tanong ko sakanya pagkakuha ko ng susi ng bahay at binuksan iyon saka tumingin ulit ako kay logan.



"May hinahanap kasi akong bahay. Bahay ng kaibigan ko, kaso naligaw ako kaya ayun, nakita ko ang isang magandang babaeng pamilyar saken. Haha. Tapos ikaw pala yan." Sabi nito saken.



"Ahh. Haha. Salamat! Gusto mo bang pumasok sa loob ng bahay? Tutal friends narin naman tayo eh. Hehe." Pagyayaya ko sakanya.



May naalala tuloy ako bigla. Naalala ko yung sinabi ni Bespren saken.



"Huwag kang nakikipag usap sa kahit na sinong di mo kakilala."




"Basta Siana. Wag kang nakikipag usap kung kani kanino. Madami ng Plastik na nagkakalat sa pilipinas siana."



Pero magaan naman ang loob ko kay Logan e. Kaya nagtitiwala ako kay logan na wala syang gagawing masama saken.



"Sige." Sabi ni logan saken kaya naman pinatuloy ko sya sa loob, sya naman ay nangalikot ng gamit don kung saan saan.


Nagikot sya sa maliit naming bahay. Nagtititingin sa mga picture frames at kung ano ano pa.



Nasa kusina muna ako at nagtimpla ng juice para sakanya. Pagkatapos ay binigay ko iyon sakanya.



"Ah. Salamat. Nag-abala ka pa siana." Sabi nya saken at uminom dun sa juice na tinimpla ko.



"Asan nga pala mga magulang mo ? Ikaw lang ba mag isa dito sa bahay nyo?" Tanong nya saken.


"Hindi. Yung magulang ko nasa states. Bibisitahin nila ang lola ko dun na may saket." Sabi ko dito at mukhang nagulat sya.



"M-may magulang ka?"



"Malamang. Pano ako mabubuo kung wala akong magulang?" Natatawang sabi ko pa sakanya.



"Anong pangalan ng magulang mo?"



"Katchie and Charles Alfonso."



"Hmmm, tunay na magulang mo?"



Anong klaseng tanong ba tong mga tinatanong saken netong si logan. Kanina tinatanong nya kung may magulang ako? Tapos ngayon tinatanong nya kung tunay ko silang magulang? Anong akala nya saken? Inampon? XD



"Oo naman noh! Mga tanong mo naman Logan e." Sabi ko sakanya. Tapos ay kinuha ko yung remote control at naupo sa sofa para manood ng tv.



Sya naman, nakatayo lang at naglilibot parin sa buong bahay namin.



"Ano tong mga files natoh?" Tanong ni logan at may mga hawak na syang folder. Yun ang mga folder na sobrang tagal ng hindi nagagalaw. Siguro mga 10 years na yata?



"Ah! Wala yan. Files yan nung dating naospital ako dahil nagkasakit daw ako nung 4 years old ako." Sabi ko.



"Ow? Anong saket?"



"Kinulangan daw ako ng dugo. Eh ang type pa naman ng blood ko eh sobrang hirap hanapin. Kaya nahirapan sila mama at papa maghanap ng kadugo ko non. Muntikan pa nga daw akong mamatay non e." Kwento ko kay logan.



"Ganun? Anong blood type mo ba?"



"Type A."


"Type A?"




"Oo, paulit ulit? Haha. Ikaw anong type blood mo?"



"Secret."



"Grabeh ka! Secret secret ka pa dyang nalalaman. Siguro type O ka? Yun kasi karamihang dugo ng mga tao e. Hahahaaha!"



"Hahaha. Anyways, ilang taon kana?"



"15. Eh ikaw?"




"19."



"Mas matanda ka pa pala saken ng apat na taon eh? Dapat pala Kuya ang tinatawag ko sayo e. Hehe. Kuya logan? Pwede ba? Ahaha."



"Oo naman. Kahit ano itawag mo sakin. Ayos lang."



"Sige sige. Kuya Logan."



* Kring Kring *



Medyo lumayo si kuya logan saken pagkasagot ng tawag neto. Tapos maya maya ay bumalik ito at sinabing uuwi na daw sya.



"Kailangan ko ng umuwi siana." Sabi nito saken kaya tumayo ako.



"Ganon ba? S-sige. Bye Kuya Logan." Sabi ko saknya at pinagbuksan ko pa sya ng pinto ng bahay.



Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin ng sobrang higpit. Ganun din ba nafefeel nya? Yung parang gusto nya kong yakapin ng sobrang higpit?



Feel nya din ba na nagkita na kami dati pa? Kaya naman niyakap ko na din sya.



Hindi ko alam pero, Sobrang gaan ng loob ko sakanya. Feeling ko safe ako sakanya.



"Goodbye Siana." Narinig kong bulong nya saken. Atsaka naramdaman kong hinalikan nya ko sa noo ko bago sya umalis.




Hindi ko alam kung baket di ako nagalit sa ginawa nya. Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa sarili ko.




Sylvestre's PoV.



"Whooooh! May araw ka rin saken Ong!" Sabi saken nitong si Warren na kalaro ko sa chess. Palibhasa talo ko sya lagi ng chess e.


"Ikaw naman, May Buwan ka saken! Whoooh!" Bawi ko. Kung sya, may araw saken. Pwes may buwan ako sakanya. Haha. Kala nya ah. XD



"Pilosopo mo talaga Tol!" Sabay hagis saken ng unan ni Lyndon na nakikinood samen ni warren habang naglalaro kami ng chess.



" The Chess Master "
Name: Lyndon Bouchard
- He Likes to play Chess and he can Master it.
Age: 19 y/old



Di ko na sya pinansin dahil focus ako sa chess na nilalaro namin ni warren.



"Potek ka Hendrix. Natatakot nako sayo! Kanina ka pa ngumingiti mag isa dyan! HAHAHA!" Narinig kong Sabi ni Virus kay Hendrix. Napatingin ako sakanya. Nakangiti nga ang loko. Anong meron dun?



"Palibhasa, nakaharap nya yung HOT EX NYA! HAHAHAHA!" Asar ni warren kay hendrix.



"Hot Ex?" Tanong ko naman.



"Si KURYENTE! Tanga neto. Isa lang naman naging Ex nyan e!"



"Ahh, Si electra?"



"Oo! Diba? Nung lumusob sila dito dahil kinidnap naten si Letisian-----" di natuloy ni warren yung dapat nyang ikekwento dahil bigla kaming napatingin lahat sa pumasok sa pinto.



"LOGAN! LONG TIME NO SEE!"



"Logan! Tol! Mustaa?"



"Potek ka Logan di ka kasama sa Adventur--"



"Sya na nga." Natahimik kami sa pagsasalita lahat nung nagsalita si logan.


"Sya na nga?"



"Ang alin?"



"Sino?"

"Pano?"



Sunod sunod na tanong namin sakanya. Tapos bigla syang ngumiti. Potek nababakla ako sa ngiti ni logan. Dejoke mga readers! Di ako nababakla noh?! XD ASA!



"Si Letisiana. Sya na nga yung hinahanap ko."



" Co-Leader Of The Villa's "
Name: Logan Martinez
- He is The most Closest to the Leader. One of the greatest Shooter.
Age: 19 y/old


Letisiana's PoV.


7:30 Pm.



*Krung Kruuuung*



Shete! Nakaramdam ako bigla ng gutom. Makababa nga muna para kumuha ng pagkain. Pagkababa ko sa kusina. Binuksan ko yung Ref. Yumuko ako para sumilip ng pagkain don sa Ref.



"Ayun! YES!" Sabi ko bigla nung nakakita ako ng isang De Latang pagkain dun na bubuksan nalang at ready to eat na. Agad kong inabot yun at pagka abot ko nun.



Naramdaman kong may tumutok ng baril sa Ulo ko. Napalunok ako bigla. Nasa likod ko sya, di ako makalingon kasi baka barilin nya ko.



Hindi naman sya nagsasalita. :/ Pero agad akong nakaisip ng paraan. Agad kong hinampas yung de latang hawak ko sa hawak hawak na baril nya. Kaya naman tumalsik yung baril nya sa sahig.



Nakuha ko pa yung kutsilyo sa ibabaw ng lamesa kaya agad ko yun isasaksak dapat sakanya pero nakuha nya agad yung kamay ko at isinandal ako sa pader saka hinigpitan yung pagkakahawak nya sa kamay ko.



Hindi ko pa naman makita yung kalaban kong toh kung sino dahil hindi ko naman binuhay yung ilaw sa kusina.



Bigla ko syang sinipa para mabitawan nya ko. At pagkabitaw nya saken at pagsipa ko sakanya, bigla syang nadulas sa sahig at nakuha nya yung baril nya agad agad.



Nung nakatalikod palang sya. Sasaksakin ko na sana sya pero hinampas nya ng baril yung kamay ko dahilan para mabitawan ko yung kutsilyo.



At bigla nya na kong tinutukan ng baril sa ulo.



"Tsk. Hindi ka pa masyadong magaling Siana." Nagulat ako nung marinig ko yung boses ni chattie. Tapos binaba nya na yung baril na tinutok nya saken kanina.



"C-chattie? Pano ka nakapasok dito sa loob ng bahay ko?" Tanong ko sakanya. Halos mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba kanina.



"Tsk! Di ka nagsasara ng pinto mo noh! Pano nalang kung Villa's or Bad Ass ang nakapasok hah?! Edi binuburol ka na?! Mag iingat ka na Siana, Di mo alam na dahil sa Mafia ka na ngayon, nasa panganib na ang buhay mo." Sabi nito saken atsaka binuksan yung ilaw sa kusina at kumuha sya ng tubig para uminom.



"Ah. Eh, bat ka nga pala pumunta dito?"




"Im just checking you kung safe ka dito. Then nakita kita na kausap yung ref. Dapat marunong ka ng makiramdam kung may tao sa likod mo or kung may nagmamasid sayo."



"A-ah, Yes. Minsan naman nakakadama ako."


"Pero, kanina di mo ko naramdaman na nakapasok na ko sa loob ng bahay mo? Tsk!"



"S-sorry. Papraktisin ko ng makiramdam pramis."



"Tsk! Osige. Aalis nako siana. Magsara ka na ng mga bintana at pinto ng bahay mo kung gusto mo pang mabuhay." Tumungo nalang ako atsaka sinundan ko sya nung papalabas na sya ng bahay.




"And Siana, Bukas nga pala .. Punta ka sa bahay ni Mam ok?"




"Sure. Sige!"



- Kinabukasan



( Tuesday )



Nandito ako ngayon sa Bahay ni Mam, nagmeeting kami na mas maganda daw kung nasa iisang bahay na lang daw kaming lahat.



Di ako sang-ayon, baka kasi mamaya si Besren magtaka kung baket wala ako sa bahay kapag bibisita sya dun.



Pero ok lang din naman. Hinayaan nako ni mam. Pero yung iba, sa mga gustong mag stay don. Mag stay, sa ayaw. Edi wag daw.




* Kring Kring *



Napatingin kaming lahat kay Nia nung biglang magring ang phone nito. Agad na kinuha yun ni nia atsaka umalis para sagutin yung phone nya.



Nakita ko si Electra na sobrang sama ng tingin kay Nia. Ewan ko, parang nakakatakot yung tingin nya kay Nia.



"Siana! Tawag ka ni mam sa taas." Napatingin ako kay diana na nakataas ang isa nyang kilay saken. Minsan nawiweirduhan ako kay diana. Di ko alam kung may galit batoh saken o ano.



Di ko na sya pinansin, umakyat nako sa room ni mam at pag akyat ko don ay pinapasok nya ko sa kwarto nito.



"Letis. Can we talk?" Tanong nito saken. Tumango naman ako at pinaupo nya ko sa isang upuan don malapit sakanya. Minsan di ko alam dito kay mam kung baket Letis ang tawag nito saken. 'Siana' kaya ang nickname ko. Ayoko ng Letis.



"Mam, ano po bang pag uusapan po naten?" Paninimula ko. Habang si mam ay nakatingin sa laptop nya at may binabasa sya. Maya maya ay nagsalita ito.



"Letis, gusto ko sanang tanungin ka tungkol sa parents mo? May i know the name of your parents?" Tanong nito saken.



"Uhm, Katchie and Charles Alfonso po. Mam, bakit po?"



"Nothing. Gusto ko lang malaman. Anyways, Letis ano ba an----" natigilan si mam sa pagsasalita nang bigla itong mapahawak sa tyan nya at napatakip sa bibig nya para syang naduduwal o nasusuka.



"M-mam? Ok lang po ba kayo?" Tanong ko saknya. Lalapitan ko sana sya pero agad na syang tumakbo sa may Cr at agad na sumuka sa inidoro.




Lumapit ako rito at hinimas ang likod ni mam. Habang suka padin sya ng suka.



"M-mam? May nakain po ba kayong hindi maganda? Mam? Ok lang po ba kayo?" Tanong ko dito habang hinihimas himas ang likod nya.




"Mam?" Pagkatapos nitong masuka ay finlush nya yung inidoro atsaka nagmumog at nagpunas ng bibig.



"Ok na ko, Letis. Pwede ka ng umalis." Sabi nito saken pero feeling ko ay nanghihina sya at mukhang nahihilo sya dahil nakahawak pa sya sa sentido nya.



"Mam? Sigurado po kayo? Mukhang hindi po kayo ok. Namumutla po kayo mam. Dito na po muna ako, aalalayan ko po kayo." Sabi ko sakanya atsaka tinulungan syang maglakad papunta sa kama nya at nahiga sya don ng maayos.



"Ok lang ako letis. Wag mo na kong intindihin."



"Hindi mam. Hindi ko po kayo iiwan dito. Aalagaan ko po muna kayo." Sabi ko sakanya pagkaayos nya ng higa sa kama nya.



Maya maya, ay pumikit na ito at mahimbing na nakatulog. Nung tiningnan ko sya. Parang gusto ko syang yakapin pero di ko magawa.



To be Continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

487K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
143K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...