So Into You (BxB)

由 Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... 更多

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 32 : Invite - Excite

17.4K 327 19
由 Ytianity

SABAW!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"Sa Puerto Galera, Par. Dun gusto ni Mommy mag-Pasko eh." sagot ni Jason nang tanungin ko sila kung saan sila magpa-Pasko.

"Kami sa Cebu. Bibisitahin namin mga kamag-anak namin dun." sagot naman ni Jomar.

"Eh ikaw Allen? Saan kayo magpa-Pasko?" tanong ko naman kay Allen na busy sa mga paperworks kahit last day na ng klase namin para sa Christmas vacation.

"Sa bahay lang. Hindi naman kami mayaman para gumala-gala eh." sagot naman niya habang busy pa rin sa pagsusulat sa isang notebook.

Hinila ko yung notebook sa kanya at tiningnan ang laman nun. Puro dates at araw tapos sa tabi nun may mga nakasulat na hindi ko malaman kung para saan.

"Ano 'to!?" tanong ko sa kanya habang sinusuri ng maigi yung notebook.

"Mga events para sa pasukan, after Christmas break. Busy kasi mga fourth year for their last term kaya kaming mga officers na lower years ang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay para sa org natin." sagot naman ni Allen tapos hinablot na niya yung notebook sa kamay ko at isinara iyon.

"Tapos ka na ba!? Nagugutom na ako." tanong ni Jason kay Allen.

"Wait lang. Ibabalik ko lang 'tong papel sa faculty room. Kung gusto niyo, mauna na kayo. Text niyo na lang ako kung nasaan kayo, susunod ako." sabi niya habang nililigpit niya ang mga gamit niya.

"Better idea, p're!" sabi naman ni Jason sabay tayo at pagpag ng puwitan.

Tumayo din si Jomar at isinukbit ang backpack sa likod.

"Mga Par. Antayin ko na si Allen. Mauna na kayo, text niyo na lang kami." sabi ko tapos ay binigay ko sa kanila ang susi ng kotse ko. Hindi kasi nagdadala ng kotse o kaya motor yang dalawang yan. Sayang daw sa gas, saka nakakasira daw ng kalikasan kung tig-i-isa pa kami ng sasakyan. Mga kups! Lokohin niyo ako! Tinatamad lang kayong mag-drive!

"Sumabay ka na sa kanila, Karl. Saglit lang naman ako eh." sabi ni Allen sa akin tapos lumakad na siya papunta sa building namin.

"Sige na, Par. Sabay na kami. Ako ng bahala. Dalhin niyo na kotse ko." sabi ko naman sa dalawa tapos dali-dali kong sinundan si Allen.

ALLEN'S POV

"Hala! Sabi ko diba, mauna na kayo? Bakit nandito ka pa?" gulat kong naitanong sa kanya nang makita kong nasa labas siya ng faculty room.

"Sabi ko diba, sasabayan kita?" sagot niya habang nagpipipindot sa cellphone niya.

"Che! Bahala ka nga." sabi ko na lang tapos nilagpasan ko siya.

"Tapos ka na ba?" tanong niya.

"Oo, nagtext na ba yung dalawa?" tanong ko naman sa kanya habang dinudukot sa bulsa ko yung cellphone ko para tignan naman kung nagtext sila sa akin.

"Hindi pa eh." sagot niya tapos ay inakbayan niya ako. Normal na sa amin yung ganito, yung akbay-akbay. Basta yung pagiging touchy! Ang awkward kasi kung magkaibigan kami tapos iilag kami pag aakbay ang isa sa amin o kaya hahawakan sa balikat o kaya, basta! Ayoko nang magpaliwanag! Understood na yun!

"So, ano? Maglalakad tayo ha? Traffic pag ganitong oras eh." tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumiti lang siya.

Pagbaba namim ng building ay napadaan kami sa CR.

Dahil mas malalaki ang hakbang niya sa akin ay nauuna siya. Bigla ko siyang hinawakan sa braso para pigilan sa paglalakad.

"Saglit lang! Naiihi ako. Antayin mo na lang ako dito." utos ko sa kanya tapos dali-dali akong pumasok sa loob.

Sa cubicle ako palaging umiihi, at eksaktong walang tao sa CR kaya dun ako sa dulong cubicle pumunta. Pagpasok ko dun ay narinig kong may lumangitngit na pinto.

Jusme! Sino yun? Walang masyadong nagsi-CR dito pag hapon. Hala!

Nagmamadali ko ng tinapos yung pag-ihi ko tapos ay lumabas agad ako.

Pag labas ko ay bumulaga sa akin si Karl.

"Ay! Gago ka! Akala ko may multo na! Lalo lang akong maiihi sa takot dahil sa'yo!" sabi ko sa kanya habang sapu-sapo ang dibdib ko.

"OA mo." sabi niya lang tapos kinutusan niya ako! Wow ha? Ang kati ng kutos mo ha!

"Ano ba kasing ginagawa mo't pumasok ka? Diba sabi ko, antayin mo ako sa labas?" sabi ko sa kanya habang kinakamot yung parte ng ulo ko na kinutusan niya at tinititigan siya ng masama.

"Sa'yo bang CR 'to? At saka, anong tingin mo sa akin? Body guard mo? Ice ka ah!" sabi naman niya tapos pinanlakihan ako ng mata! Hahaha. Nakakatawa yung itsura niya! Parang ewan!

"Ewan! Baka pwede nang sundan yung dalawa?" tanong ko sa kanya tapos tinungo ko na ang pinto para lumabas. Pero pagkahawak ko ng doorknob ay bigla niya akong niyakap mula sa likod.

Para akong yelong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Anong nangyayari?

"Uh, Karl?" medyo kinakabahan kong tanong sa kanya.

Pero hindi pa ako nakaka-recover sa biglang pagyakap niya, ay hinigpitan niya iyon at pinatong pa niya yung baba niya sa balikat ko.

"Hmmm?" ang tanging nasabi niya.

"Karl. May problema ba?" tanong ko ulit sa kanya. Wala akong masabi eh.

Oo, ginaganito ako ni Jake dati at normal pa rin ang sistema ko. Pero bakit ngayong si Karl na ang gumagawa, parang, ewan, nagugulo ang takbo ng utak ko?

"Wala naman. Parang feel ko lang yakapin ang kaibigan ko." mahina niyang sabi.

"Baka may makakita sa atin dito, Karl!" bigla kong nasabi dahil naalala kong nasa CR kami ng univ. Marami pa ring estudyante kahit last day of classes na.

"Shh, saglit na lang. Hayaan mo sila. Normal lang naman sa magkaibigan na magyakapan ah?" mahina pa rin niyang sagot na ikina-panindig-balahibo ko. Normal 'to para sa kanya? How come? Kahit sino, pag-iisipan ng masama 'tong posisyon namin eh.

"Allen, alam mo gusto kitang pasalamatan." tapos pinakawalan niya ako at iniharap sa kanya. Hindi ako makatingin sa mata niya kaya tumitig na lang ako sa baba niya.

"P-para saan naman?" ninenerbiyos kong tanong sa kanya. Nakapatong kasi yung magkabila niyang kamay sa mga balikat ko tapos feeling ko tinititigan niya rin ako.

"For always making me happy." sagot niya sa akin tapos hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko. Saktong nagtama ang paningin namin kaya insta-blush na naman ang pisngi ko!

Yumuko uli ako dahil nahiya akong makita niya yung mukha ko pero inangat niya ulit iyon.

This time ay may eye to eye contact kami at nakangiti siya. Susmaryosep! Ano nang gagawin ko? Ngingiti din ba ako? Tatawa? Tatakbo? Itutulak ko siya? Tatadyakan? Ahh! Ang gulo ng utak ko!

"Thank you, Allen." nakangiti niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi.

My gosh! Totoo ba 'to? Ilang beses na ba akong nahalikan nitong si Karl? Parang namumuro na kakahalik 'to ah?

"Ang cute mo talaga!" natatawa niyang sabi tapos pinitik ako sa noo!

Medyo aray! Hinalikan mo ako tapos bigla mo akong pipitikin? Munggo!

KARL VINCENT'S POV

Wooh! Hindi ko na napigilan eh! Hindi ko siya makikita for almost 2 weeks at hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin kapag hindi ko siya nakita sa loob ng napakahabang panahon na iyon.

Oh yeah! Genius mind! Pwede ko siyang i-invite sa Christmas dinner sa bahay! I'm sure Mommy will approve of it. Yeah! Hahaha.

Naglalakad kami ni Allen ngayon papunta ng mall. Nagtext kasi si Jason na pumunta na daw kami sa fastfood chain na gusto namin. Ang yayaman ng mga 'to, puro tagfi-50 yung kinakain! Mga kuripot!

Kanina pa siya tahimik pero hindi naman yung awkward na tahimik. Nakayuko lang siya habang naglalakad at halatang-halata yung pamumula ng mukha niya.

"Allen?" pagpukaw ko sa atensyon niya. Baka mamaya madapa pa siya pag patuloy siyang naglakad ng nakayuko eh.

Nag-angat naman siya ng mukha pero iniwasan niya yung titig ko. Ang cute talaga!

"B-bakit?" nauutal niyang tanong tapos napansin kong pinagtatama niya yung dalawa niyang hintuturo.

Nangiti ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko yung daliri niya kaya napalingon siya sa akin. Binaba ko yun at hinipan ang pisngi niya.

Napaigtad siya at lalong tumindi yung pamumula niya. Lalo iyong nagbigay ng ngiti sa labi ko dahil ngayon ko lang napansin na ganito si Allen. O baka naman nakita ko na, hindi ko lang napansin. Hahaha.

"Ang baho ng hininga mo, Karl!" bigla niyang sabi tapos yung mukha niya parang nandidiri talaga!

"Mabaho!? Kahit tumira ka pa sa bibig ko, mabubuhay ka dito forever!" sabi ko naman sa kanya, kunwari offended ako.

"Sa bibig lang? Hindi pwedeng sa puso?" bigla niyang tanong ng nakangiti.

Tama ba dinig ko? Gusto niyang mag-stay sa puso ko? Aba't! Ang corny nung line niya pero may tama eh. May tinamaan sa katawan ko eh. Hahaha.

Nawala yung ngiti ko ng bigla siyang nagkakakawag ng kamay niya sa harap ko at sinabing joke lang daw yun!

Nilayasan ko nga siya! Paaasahin ako ng taong 'to sa wala eh! Kainis!

ALLEN'S POV

"Karl, sorry na!" pagmamakaawa ko kay Karl.

Nagalit ata siya dun sa joke ko na gusto kong tumira dun sa puso niya.

Buong pagkain namin ay hindi niya ako pinapansin. Sinisiko, tinatabig yung paa, pasimpleng kinakalabit ko na siya pero ni hindi niya ako nililingon.

Ngayon ay naisipang dumaan ni Jason sa isang bookstore. Titignan niya daw kung sino cover ng FHM eh. Si Jomar nama'y bibili ng bagong ballpen kaya naiwan kami ni Karl na magkasama.

"Karl, please!? Sorry na! Ano bang gusto mong gawin ko para patawarin mo ako?" tanong ko sa kanya kahit busy siya sa pagtingin ng mga librong hindi naman siya interesado.

Biglang balikwas siya ng lingon sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Sumama ka sa akin sa Pasko, for a dinner." seryoso niyang sabi.

What daw!? Pasko? Dinner? Is he inviting me on a dinner date?

"Sa Pasko? Dinner? Hindi pwede eh. Syempre, uunahin ko yung pamilya ko." sagot ko sa kanya tapos ay kumuha ako ng isang libro, kunwari tumitingin din ako at hindi kami nag-uusap ng seryoso.

"Edi isama mo sila. Let's have a dinner. Your family and my family." sabi niya tapos ay inilapag niya ang libro at nilapitan ako.

"Hindi ko pa alam eh. Sasabihin ko muna kay Mama, baka hindi siya pumayag eh." nakayuko kong sagot dahil nahihiya ako.

Hindi naman kami, and walang kasiguraduhang mangyayari nga yun, pero bakit gusto niyang mag-dinner kami sa kanila?

"Bakit ba gusto mong mag-dinner kami sa inyo? Bakit hindi sina Jason ang imbitahin mo?" tanong ko sa kanya.

"Eh aalis sila Jason diba? Saka hindi ka pa nakikilala ni Mommy ng maayos. Kailangan niyang malaman kung sino ang mga nakapalibot sa anak niya." pagpapaliwanag naman niya.

"Hindi ko talaga alam eh. Mamaya kakausapin ko si Mama." sabi ko sa kanya tapos tinalikuran ko siya.

"Sasama ako. Ako na magsasabi sa Mama mo para malaman ko agad yung sagot niya." sabi niya.

Excited!? Bahala ka sa trip mo. Hindi ko ma-gets mga balak mo eh.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Sorry for not posting this earlier. Nagkaroon ng family gathering eh kaya hindi ko natapos agad 'to.

And sorry din kung paulit-ulit yung mga salitang nagagamit ko to describe what they were saying. Konti lang kasi vocabs ko when it comes to Tagalog eh. Pero don't worry, susubukan kong magbasa ng Tagalog dictionary to widen my knowledge. :)))

繼續閱讀

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
165K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
636K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx
262K 5.4K 20
BOYXBOY GAY YAO BROMANCE-- Tahimik ang buhay ko. Simple lang,with my father I feel complete. Namatay si Mama habang pinapanganak ako kaya si Papa ang...