Velvety Flame (Chains of Pass...

By Bb_Anastacia

1.1M 16.1K 448

SPG-18 Isang dating pag-ibig na hindi makalimutan. Isang gabi ng kapusukan. Kaya bang pawiin ng apoy ng pagna... More

Strangers in the Night
We meet again, Stranger
Rainy Days and Sympathy
Tripped
Hello, Past
The Proposal
Bonding
True Lies
The Secrets She Keeps
Disclosure
One Starry Evening
Innamorato
Breakfast in Bed
Ignorance is Bliss
When I Found You...
Patreon

Unraveling

36.8K 962 18
By Bb_Anastacia

Chapter Six

HINDI tiyak ni Belinda kung ano ang gumising sa kanya. Nang lingunin niya ang katabing si Terrence ay nakatalikod ito, nanginginig at balot na balot ng kumot hanggang leeg.

Parang nawala ang lahat ng antok sa diwa niya. Bumangon siya at inilapat ang isang palad sa noo nito. Napaurong ang kanyang kamay na tila napaso sa sobrang taas ng lagnat ni Terrence!

"Oh, my God!" kaagad siyang bumaba ng kama at naghagilap ng gamot. Bahagya na niyang napag-ukulan ng pansin na maliwanag na sa labas. Mukhang dumaan na ang bagyo at tikatik na lamang ang ulan; but then, that was the least of her concern now. Nang makakita siya ng paracetamol sa medicine cabinet ay kaagad niya iyong kinuha. Ngunit bigla rin siyang napabalik ng tingin sa cabinet nang makita niya ang sari-saring pildoras doon.

Nang maalala si Terrence ay isinantabi na muna niya ang tungkol doon at nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng tubig. Nang buksan niya ang ref ay napansin niyang bumalik na rin ang supply ng kuryente. Naglagay na rin siya ng malamig na tubig sa isang katamtamang bowl upang mapunasan ang binata.

Pansamantala ay isinantabi niya muna ang mga katanungan nang umpisahang pagyamanin si Terrence. Inalalayan niya itong paupo at ipinainom dito ang nakuha niyang gamot. Namumungay ang mga matang tumutok sa kanya habang halos kandungin na niya ito. Matapos itong mapainom ng gamot ay inumpisahan niya itong punasan ng malamig na bimpo. Panay ang ungol nito na tila nagrereklamo. Pero dahil hinang-hina ay wala itong mapagpilian kundi ang ipaubaya ang sarili sa mga kamay niya.

Nang mapunasan ang buong katawan ni Terrence ay pinalitan niya ito ng damit. Napakunot ang noo niya nang makitaan ito ng ilang pasa sa katawan. Resulta ba iyon ng mga activities nila kagabi? 

Muli ay isinantabi niya ang mga isipin at ipinagpatuloy ang pag-aasikaso rito. Naisip niya na kapag bumaba ang lagnat nito ay dadalhin niya ito sa ospital upang matingnan ng doktor. Dinama niya ang noo ni Terrence. So far, ay mukhang umeepekto na ang gamot dito. Pinagpapawisan na ito. Pinunasan niya ito ng pawis. Bago lumabas ng silid ay sinapinan niya ang likod ng binata.

Nagtungo siya sa kusina at tumingin kung ano ang puwede niyang lutuin doon na may sabaw. Kakailanganin ni Terrence ang may sabaw na pagkain para ma-replenish ang liquid sa katawan nito. Isa lamang iyon sa mga basic knowledge na natutunan niya sa kanyang ina. Kapag nagkakasakit siya ay aligaga ito. And despite her busy schedule ay isinasantabi nito ang trabaho upang intindihin siya. 

She didn't rebel because she was a neglected child. Mas tamang sabihin na frustrated siya sa mga kakulangan niya kaya siya lumayo sa mga ito. Which was unfair for her parents because they were so good to her. Bigla niyang naalalang tawagan ang mga magulang habang naghahanda ng sangkap sa kanyang lulutuin.

She called her mother.

"Belinda, nasaan ka? Pauwi ka na ba?"

"I'm okay, Mom. I'm staying with a f-friend. May sakit siya at kailangan ko muna siyang bantayan hanggang sa bumuti ang kanyang pakiramdam."

"May pangalan ba ang kaibigan mo?"

"Mom."

"Okay, okay. I won't nag you anymore. Just be home safe, I'm worried."

"I know, I'm sorry. Ahm, Mommy?"

"O?"

"P-paano ba magluto ng chicken soup?" lihim siyang napangiwi. Hindi siya sigurado na sasagot ang Mommy niya. Ngunit laking gulat niya nang magsalita ito sa kabilang linya.

"Una, dapat ay mayroon kang kumpletong sangkap."

"Of course, Mom. Looks like hi--err, my friend's fridge is well-stocked for rainy days."

"Good. Dalawa lang ba kayong kakain?"

"Opo."

Nakinig siyang mabuti nang simulang idikta ng Mommy niya ang procedure mula sa pag-chop ng mga sangkap hanggang sa pagluluto. Ginabayan siya nito hanggang sa maisalang niya ang isang medium pot sa kalan.

"Thank you, Mommy," pagkaraan ay sabi niya nang magpaalam na dito.

"Umuwi ka kaagad kapag bumuti na ang lagay ng kaibigan mo."

"I will, Mom."

Habang pinakukuluan ang mga sangkap ay nagsimula siyang mag-imis ng mga kalat nila ni Terrence sa living room. Hindi siya sigurado kung may tagapaglinis ito, pero minabuti na niyang iligpit ang pinangyarihan ng kanilang mainit na crime scene. 

Nagpupunas siya ng center table nang mapatingin siya sa isang photo album. Out of curiosity ay binuklat niya iyon. Ibig niyang makilala ang isang Terrence Lam sa likod ng very charming nitong mga ngiti. Ngunit ang unang larawang bumungad sa paningin niya ay sandaling nagpa-freeze sa kanyang paghinga.

Ingrid and Terrence?

Ipinagpatuloy niya ang pagbuklat sa mga pahina. Habang tinitingnan niya ang mga larawan ay isang panibagong katanungan ang nabuo sa isipan niya. Ano ang relasyon ni Terrence kay Ingrid?

***

"HERE."

Inilapag ni Belinda ang umuusok na chicken soup sa harapan ni Terrence.

"Wow, where did you get this?" Manghang tanong ni Terrence. Medyo nanghihina pa siya, pero so far ay wala na siyang lagnat.

"I cooked. Pinakialaman ko na ang stock mo sa fridge."

"That's okay. Thanks by the way, for taking care of me. I feel better now."

"I don't mean to pry, pero sana sagutin mo ako ng totoo. May sakit ka ba?"

Sandaling nakipagtalo si Terrence sa sarili kung ililihim kay Belinda ang lahat o hahayaan na lamang itong gumuhit ng sarili nitong konklusyon. Sa huli ay ipinasya niyang sabihin na lamang dito ang totoo.

"Yes. Leukemia."

Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ni Belinda. Hindi kaagad ito nakapagsalita.

"Ano ang r-relasyon mo kay Ingrid?" 

Siya naman ang hindi kaagad nakasagot. 

"Ano bang klaseng relasyon ang gusto mong tukuyin?"

"Depende kung anong klase ng relasyon ang nag-uugnay sa inyong dalawa."

"She's like a little sister to me."

Sandali nitong pinag-aralan ang kanyang mukha na para bang tinitiyak na nagsasabi siya ng totoo.

"I'm not lying," aniya. "Her parents took me in after I lost my parents in a vehicular accident."

"I...I see."

"I'm afraid, you don't."

"W-what?"

"They treat me like their own son. Her parents gave me the kind of love I never had with my own family. My father was a chronic womanizer at walang araw na hindi iyon ipinapamukha sa akin ng sarili kong ina. Ingrid was very precious to her parents. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng ginawa nila para sa akin, ay nangako akong aalagaan ko siya. I will do everything in my power to protect Ingrid even on my death bed."

Matagal na natigilan ang kanyang kausap.

"Isa sa malaking frustration ko sa buhay ay dahil ipinanganak akong hindi kasing-talino ng aking mga magulang," mahinang sabi ni Belinda, mahihimigan ang pait sa pagsasalita. "Pero hindi naman ako ganoon katanga para hindi maintindihan ang gusto mong sabihin. You deliberately seduced me for Ingrid's sake, correct?"

"Well, you were practically begging for it."

Napamaang ito sa sinabi niya. It was crude. Pero mas gusto pa niyang makita ang pagkamuhi sa mga mata nito kaysa awa.

"I really want to slap you right now, but I don't think it's worth it dahil magi-guilty lang ako sa huli. Ayaw ko ng dagdagan ang mga pasa mo sa katawan."

"Thank you. I should have told you earlier."

"You should've. Nakapaghanap sana ako ng lason sa daga para nagkaroon ng special flavor ang chicken soup na inihanda ko para sa'yo."

Ngumiti lang siya sa sinabi nito. Hindi siya naniniwalang kaya nitong gawin ang bagay na iyon.

***

CONNIVING bastard. 

Deep inside, Belinda was seething. Gayunpaman, pagkatapos ng mga natuklasan ay wala siyang mapagbuntunan ng nararamdamang inis.

"Puwede mo namang hindi sabihin sa akin ang totoo, pero bakit mo ginawa?" tanong niya rito.

"Dahil gaya ng sinabi mo, hindi ka ganoon katanga. Eventually you will figure it out. Besides, after everything you did for me, 'thought I owe you the truth."

"Wow, touched naman ako," madamdaming nailapat ni Belinda ang isang kamay sa dibdib.

The wretch just chuckled. Gusto niyang ipaligo dito ang kinakain nitong chicken soup. 

Pss. 

Noon din mismo ay nagpasya siyang umalis sa bahay ng walanghiya. Wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari rito. Ginawa na niya ang sa palagay niya ay makakatulong dito. Hindi niya ito kargo. Isa pa, pagkatapos ng ginawa ni Terrence ay isang malaking kagagahan ang manatili pa siya roon. Hinanap niya ang kanyang mga hinubad at saka pumasok ng banyo para magbihis. Pagharap niya sa salamin ay nagulat pa siya nang makitang may luhang bumubukal sa kanyang mga mata. Mariin niyang pinahid iyon. Naghilamos siya at tiniyak na kalmado ang sarili bago lumabas ng banyo.

"You can borrow my car. Mahirap kumuha dito ng taxi."

"No, thank you. I'll manage."

"Okay, suit yourself."

Bastard.

Nang maisuot ang kanyang stilettos ay walang paalam na tinungo na niya ang pinto. She will just charge everything to experience. She'll probably take another lover to forget everything about Terrence Lam. Soon.

Napatingala siya nang mapansing sumisinsin ang patak ng ulan. Tumakbo siya sa namataang bus stop. Ngayon niya lang na-realized na medyo malayo na sa siyudad ang lugar na iyon. Napabuntong-hininga siya sa kawalang-magawa. Naisip niyang magpasundo kay Carlotta. Tutal mukhang uugatan na siya roon ay walang magdaraang taxi sa kinatatayuan niya. Sa bihis niya ay nakakaalangang masyado kung sasakay siya ng bus o jeep. 

Binuksan niya ang kanyang handbag para kunin ang cellphone. Ngunit napamaang siya, wala roon ang cellphone niya. Naalala niya bigla, naipatong niya iyon kanina sa dining table habang nagluluto.

Shit. Ngayon ay kailangan pa niyang bumalik sa bahay ni Terrence.

'

A/N

If you're wondering what's going to happen next, save this story to your reading list so you will be updated with the upcoming chaps.

Leave your votes and comments. Let me know if you're enjoying this story^^

Bb_Anastacia











Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 3K 28
This Christmas... someone is about to be stranded in an island with the man of her dreams. **UNEDITED VERSION** **PUBLISHED LAST 2015**
376K 11.9K 35
THIRTY FIVE years old na si Arci Marie Roque at matagal na niyang tanggap na hindi para sa kaniya ang pag-aasawa. Lahat ng pagmamahal at atensiyon ni...
15.1K 417 29
GIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3
335K 9.9K 47
Kuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa...