Maid Ako Ng Bad Boy Triplets

By MsDeJo

2.2M 93.2K 13.4K

Maging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Ma... More

Prologue
Chapter 1 (Alexandra Guevara)
Chapter 2 (Mga Hudas)
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 ( Meet the bungangerang Hera!)
Chapter 8 (Improkritang Insekyora)
Chapter 9 ( Zyron! why o why?!)
Chapter 10
Chapter 11 (Famewhore)
Chapter 12 ( Word Of Wisdom Ni Sean)
Chapter 13 ( Zane, piggy back ride)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Dance Performance)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 (Away Gangstah)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27 (Finding Ziann)
Chapter 28 ( Stick-O)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 (Ziann)
Chapter 32 (Zane)
Chapter 33
Chapter 34 (Field Trip)
Chapter 35 (Hug pa more)
Chapter 35.5
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42 (She Chosen, who?)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 (The Truth)
Chapter 50
Chapter 51 (Bye)
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2 (Proposal)
Announcement Ng Magandang Author!

Chapter 3

48.7K 1.9K 57
By MsDeJo

Dedicated to:


Alexandra's POV

Pangalawang araw ko na sa mga Pesteng nilalang na ito pero puro sakit parin ng ulo at dagdag sa trabaho ko ang mga pinagagawa nila. Gaya na lang ngayun.

"Oyy! Zyron, wag ka ngang mabilis tumakbo. Hoy yung tablet ko" sigaw ni Zane sa tumatakbong si Zyron.

Yan, nagtatakbuhan sila dito sa kwarto ni Zane, mas malaki nga ito kaya mas maraming lilinisin. Pero yung kay Ziann na kwarto, malaki din pero madaling linisin pero dgahil sa mga ka tarantaduhang bagay na ginawa ng magkakambal na yun. Inabot ako ng gabi sa paglilinis. -_-

"Hahaha..... patingin lang may titignan lang" sigaw ni Zyron habang natakbo.

"Tss...... ayoko!!"

"Hoy teka, ps4 ko yan Zane! Wag kang makealam"

Ngayun si Ziann ay nakisali sa mga kalaro niya. -_-

Napapikit ako at binitawan saglit yung walis at dustpan.
"Tumiiigiiillllll kaaaayooooo!!"

Malakas kong sigaw na dahilan para ikahinto nila.

"Nakikita niyo bang naglilinis ako?!" nakapamewang kong tanong. Nagpasahan ng tingin yung tatlo at nagkibit balikat sabay kuha ng pagkain sa mini fridge daw. Sosyal.

"Yan, makikinig naman pala eh" masaya kong sabi at nagwalis uli, ng may tumama sa akin na kung ano.

Chips? tapos may tumama ulit at chips ulit yun. Hanggang sa dumami ito. Tinignan ko yung tatlo na kumakain ng chips at maya maya ay ibabato sa akin na parang wala lang.

"Hoy Yaya, nauuhaw kami. Kunan mo kami ng anin na softdrinks...... At sampung balot ng Potato Chips tapos 2 gallons ng Ice cream na double dutch" tinignan ko yung nag utos sa akin na si Ziann.

"Bakit? Ibubuhos niyo na naman sa sahig? Tapos babasagin ninyo? Hoy mga Hudas kayo! Kayo kaya maglinis dito ng malaman niyo yung hirap na nararanasan ko" magdramaba naman daw?

"Diba sabi mo sanay ka sa hirap? Kaya bat ka nagrereklamo na mahirap. Edi sana pala di ka na lang nag-apply na maging Ma----"

Di ko na pinatapos sa pagsasalita si Zane at padabog na umalis sa kwarto para kumuha ng softdrinks nila.

Padabog akong naglakad at sumunod pala si Zyron na mukhang tanga na may headban na bunny sa ulo.

"Tagal mo naman, bilisan mo kaya" reklamo niya.

"Eh kung tinulungan mo ako diba? Ang dami nitong pinapakuha niyo tas dalawa lang kamay ko diba?" sarcastic na pananalita ko.

"Bakit kita tutulungan? BOSS mo ako, ang BOSS ay nang- uutos hindi inuutusan"

Napairap na lang ako sa kanya at dabog na isinara gamit ang paa ko yung pinto ng ref.

"Hoy, bat mo ginanun yun?! Kaya mo ba bumili nyan! Eh mas mahal pa ata yan sa buhay mo" sigaw niya sa akin, hinarap ko siya at tinignan.

"Eh ayaw mo namang utusan kita diba? Kasi ikaw ang BOSS! ko, bat ka nagrereklamo?" mataray kong sabi at inalisan siya.

"Aba..... Hoy!!" sigaw niya pero di ko siya pinansin at lumakad na lang papuntang kwarto ni Ziann.

"Oh eto na" padabog kong nilapag yung mga pinapakuha nila.

Tinignan lang ako ni Ziann at Zane, na ikinaangat ng isa kong kilay.

"Baket?" tanong ko.

"Nakuha mo lahat? Teka nga....... Anim na bote ng softdrinks, sampung balot ng Potato Chips, at two gallons ng Ice cream at double dutch nga" parang di makapaniwalang sabi ni Zane.

"Nabuhat mo ito lahat? Ng isahang puntahan lang dito? Di kaya nagpatulong ka?" turo sa akin ni Ziann.

Binigyan ko lang sila ng 'ano-daw-look' .....

"Tanga, oo maraming maids akong nasalubong pero lahat sila busy sa paglilinis ng mansion ninyo. Kaya paano ako makakahinge ng tulong?" sarkastiko kong tanong.

Nagtinginan yung dalawa at hinarap ulit ako.

"Si Zyron....... Tinulungan ka ba niya?" napa poker face na lang ako sa tanong ni Ziann.

"Lalong lalong HINDE! Tinignan nga lang ako eh" sigaw ko at kuha ng walis at dustpan sabay linis ulit.

Nagbalik ako sa paglilinis at nahahagilap ko namang nakatitig sa akin yung dalawa. Nakakabilib na ba yung nakabuhat ka ng ganoong kadaming pagkain ng hindi pabalik balik? Mga baliw. Nakakailang nga lang yung titig nila.

Natigil naman ako sa paglilinis ng makita si Zyron sa pintuan at umiinom ng ......... Shake na may Ice Cream.... T-teka! Wag mo sabihing ibubuhos niya yan sa sahig?!! Malagkit masyado yan!

"Waaaaagggggg!!!" parang slowmo akong tumakbo sa harapan niya pero huli na ang lahat.

Ngumiti naman ng pandemonyong ngiti si Zyron na ikikulo na naman! ng dugo ko.

"Ikaww!!" sigaw ko at nilapitan siya sabay....

"H-Hoy anong ginagaw----- Awww!!..... A-an---- Awww"

Tili siya ngayun ng tili dahil sa pag pingot ko sa tainga niya. Bwisit na lalaking ito.

"Alam mo ikaw, pasaway ka eh!" suway ko sa kanya, habang pinipingot parin ang tenga niya.

Nilingon ko yung dalawa na nakaupo sa sofa dahil baka may gawin silang di kanais-nais.

"Subukan niyo talagang magkalat, sa singit ko kayo kukurutin" pagbabanta ko sa kanila.

"Pervert" sabi ni Zane na simaan ko ng tingin.

"Edi sa tenga na lang din" sabi ko at hinarap naman si Zyron

Binitawan ko ang tainga ni Zyron at hinimas-himas niya iyon.

"Tss, ang sakit hah! See? Namula!" pagrereklamo niya at patuloy sa paghimas ng tenga niya.

"Pasaway ka kasi" sabi ko at umalis ulit! para kumuha ulit! ng basahan ulit! -_-

*
Pagbalik ko ay wala na yung tatlo sa kwarto pero kinalat nila ang mga chips sa sahig. Mga lintikan talaga yung mga yun. Sarap iprito.

Lumuhod ako sa sahig at piniga yung basahan na nasa planggana na may tubig at pinunasan yung shake na binuhos.

Sarap sumuko sa trabahong ito pero hindi pwede kaya tiis lang Alexandra.

"Nahihirapan ka na ba?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nadatnan ko si Manang Ellie.

"Hah?" pagtatanong ko, inilingan lang ako ni Manang Ellie at lumapit sa akin sabay luhod din at may basahang hawak sabay pinunasan din yung shake na nasa sahig.

"Kailangan ko pa ba ulitin yung sinabi ko na narinig mo na?" napa pout na lang ako sa pagkasungit ni Manang Ellie, for sure menopause na'to.

"Hehehe sabi ko nga po hinde..... Pero po, oo aaminin ko mahirap nga kasi kakaiba mga ugali nila na parang maypagka demonyo, pero po ano pa ba magagawa ko? Ito lang ang choice ko" sabi ko habang pinupunasan yung sahig.

"Sabagay, oh siya..... Ako na dito, magwalis ka na at ayusin ang kwarto" nagulat naman ako sa sinabi ni Manang Ellie.

"Talaga po?!" Gulat kong sabi at tumango lang si Manang Ellie sabay agaw sa akin ng pamunas.

Napangiti ako at......

"Thank you po!"

****

"Paa!" sigaw ko sabay batok sa paa ni Zane.

"Awwwttccchh!" sigaw din niya sabay napatayo sa sofa.

"Bweset! Bat mo ba ginawa yun? Tska di mo ba nakikita? Naglalaro ako, naglalaro!" reklamo niya at nilapit pa ang hawak niyang tablet.

"Eh ikaw, di mo ba din nakikita? Naglilinis ako! Naglilinis" ganti ko naman sa kanya.

"Tss, puro ka na lang linis!" sabi niya sabay dabog na umupo sa sofa.

"Eh ano bang ginagawa ng Maid?! Diba maglinis! Saan ka nakakita ng Maid na nakaupo lang? Bobo" sambit ko ng nakapamewang.

"Alam mo, fired kana! Di kita gusto. Get Lost!" sigaw niya at nakatingin sa akin. Aba.

"Hala? Sino nagsabi gusto kita? gusto ko kayo? Na gusto ko maging Maid niyo? WALA!" sagot ko pabalik.

Tumayo naman siya at inihagis sa lapag yung tablet niya. Aba? Ganun na lang yun.... Naglakad siya at kinuha ang hawak kong walis sabay hagis palabas sa kwarto niya, at oo di pa ako tapos maglinis, matatapos pa lang.

"Oyyh bastos ka hah!" sigaw ko, nilapitan niya ako at hinagit yung braso ko sabay hila sa akin palabas ng kwarto niya at sinaraduhan ng pinto.

"HUDASSSSS!!" sapok ko sa pintuan ng kwarto niya at inis na inis. Walang Modo!!

"Uggghhh!!" sigaw ko ulit at ginulo ang buhok ko.

Maya-maya ay bumukas ang pinto tapos......

O_o

"Kumalat ulit, maglinis ka ulit"

Yung kaninang malinis, makintab na sahig, maayos na kama at mga damit na nakatupi ng maayos at pati yung mga kabinet na nakaayos ang sara ay bumalik sa dating makalat.

Tinignan ko siya ng masama at nginisihan niya lang ako.

"Maglinis ka mag-isa mo! Leche!" sigaw ko at inihagis sa kanya yung walis at dustpan pero mabilis niyang nailagan.

Dabog akong naglakad sa hallway dito sa second floor nila dahil sa bwiset na Zane na yun. Grrrrr!! Makakapatay ako ngayun eh, alam niyo kasi yung feeling na inayos ko lahat tapos siya sisirain na lang bigla?! Kainis diba?!

"Awww!" hinawakan ko ang noo ko ng may makabangga ako.

"Oh Yaya" pagkaangat ko ng tingin, isa ding Hudas.

"Leche tabi!" pag-alis ko sa kanya sa daraanan ko pero napatigil ako.

"Teka lang, may iuutos ako!" sigaw ni Zyron. Di ko sana siya papansinin at patuloy na naglakad ng ..

"Susumbong kita kay Dad pag di ka tumigil, may iuutos ako!" inis akong humarap sa kanya na ngayun ay nakangisi

Bakit ba ang gwapo nila kahit nakakainis na?!

"Ano ba yun?!" sigaw ko.

"Pakikuha yung headset ko sa baba, dun sa kitchen. Naiwan ko eh, tska tinatamad ako kunin kaya ikaw na lang" sabi niya sabay cross arm at sumandal sa pader.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi..... Naaahh!! Oo na kukunin na.

Sa totoo lang nakakapagod pala ang maala palasyong bahay. Kaya ngayun, hindi ko na pinapangarap na magkaroon ng Mansion dahil baka mamatay pa ako sa pagod kakalakad.

Pagdating ko sa kitchen nila, may nakita naman akong nakaupo sa stool. Hindi porke laki ako sa hirap, di ko na alam ang stool. Syempre ako pa ba?

Pagkalapit ko sa kanya, si Ziann pala. Umiinom? Teka nainom siya? Hindi kaya masyado pa siyang bata para dyaan diba?

"Hoy bat ka nainom?" agaw pansin kong sabi, napalingon naman siya sa akin.

"Pake mo? Namiss ko yung alak eh" tugon niya, bastos talaga.

"Tss, masyado ka pang bata. Amin na" sabay hagit ko sa bote ng wine.

"Wag ka ngang pakalamera" suway niya sa akin at pilit inaagaw yung alak.

"Manahimik ka, since birth na akong pakalamera. Bat ka ba nag aalak?" Tanong ko habang pilit na nilalayo sa kanya yung alak.

"Namiss ko nga, bobo nito ba" binobo pa talaga ako -_-

"Ziann, Alex what's happening?" bigla naman kaming napatigil sa pag aagawan ng dumating si Mr.Jimenez

"Wala po" agad kong inunahan si Ziann, at tinago sa likod ko yung Wine.

Tinignan niya lang ako dahil sa sagot ko at binigyan ng look na 'makisakay-ka' ...

"Naiinom po kasi siya ng tubig tapos may inutos sa akin si Zyron" sabi ko ulit.

"Oo Dad, sige akyat na po ako" sabi niya sabay mano sa Dad niya, magalang naman pala.

Sakto namang dumating si Zyron.

"Dad!" sabi niya at nagmano din sa Dad niya.

"Headset ko?" lapit niya sa akin, binigay ko naman ang headset at nakita niya ata yung wine. Tinignan ko si Ziann na nasa tabi at napatingin din sa kanya si Zyron sabay sa akin ulit.

"Halika na Bro" lapit ni Zyron kay Ziann sabay akbay dito at akyat pataas.

Ng mawala yung dalawa hinarap ko naman si Mr.Jimenez pero humarap siya kay Manong Eddie kaya nakahanap ako ng tiyempo para maitago yung wine.

"How was your second day?" Ngiting tanong ni Mr.Jimenez

"Ayos lang po" sagot ko.

"Good.... Akala ko kanina ng makita ko si Ziann dito nag aalak na naman siya, pinagbawalan ko kasi siya nun" napa ismid naman ako dahil sa sinabi ni Mr.Jimenez

"Ah ganun po ba hehehe." Awkward kong tugon.

"Oo, by the way. I have a good news! Napa enroll na kita sa University ng Triplets" bigla naman ako nakaramdam ng saya kahit papaano dahil sa katotohanang makakapag aral ako.

"Thankk you pooo!" naluluha kong sabi.

"Hahaha, welcome. By the way here's your uniform at pinagbili na kita ng panggamit mo"

Alam niyo yung word na. 'Ang saya saya ko' ? Ako yan!
"Waaaaahhh thankk you po talaga!" sigaw ko at patalon talon sa tuwa.

"Hahah. Welcome again. Babantayan mo pa rin ang mga anak ko Alex hah? Sana ilayo mo sila sa mga ikakapahamak nila at ikaw ng bahalang tumingin sa kanila? Okay?"

Sarap magsalita na ayoko pero no choice. Kaya in the end:

"Opo, makakaasa kayo"



Continue Reading

You'll Also Like

38.6K 863 35
๐‘บ๐’‰๐’†'๐’” ๐’€๐’–๐’“๐’‚ ๐‘ฒ๐’†๐’Š๐’ˆ๐’‰๐’• ๐‘ฏ๐’๐’Œ๐’‚๐’ˆ๐’† ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’๐’† ๐’‚๐’๐’… ๐’๐’๐’๐’š ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘บ๐‘ป๐‘ฌ๐‘น'๐‘บ ๐‘ท๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ช๐‘ฌ๐‘บ๐‘บ 8๐™ผ๐š˜๐š›๐šŽ๐šƒ๐š˜๐š˜๐™ฑ๐™ฒ๐š‘๐šž๐š‹๐š‹๐š’๐šŽ
179K 4.6K 78
[COMPLETED] Meet Cindy. Isang babaeng magulo ang ugali. Minsan mabait, minsan hindi. Slowpoke na exaggerated mag-isip. Mayroon siyang pinagpapantasya...
406K 10.7K 51
She's not beautiful. She's not rich. She's not popular. She's a NERD. There's nothing interesting in her. Then she met 'THIS man. Handsome, popular...
658K 13.5K 82
*- BoOk 1 and 2 na ito... maiksi lang pero sana magustuhan nyo poh... vote and comment din po sana ... Thanks poh -*