[COMPLETED] Untouchable B

By afireselu

117K 6K 2.6K

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano ni Baekhyun sa buhay? Will the Untouchable B remains... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanta
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikalabing-dalawampung Kabanata
Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't dalawang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata
Wakas
Untouchable B Book Two: Unreachable C
Unang Kabanata
체리's 💙 note
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
체리's announcements:
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Wakas

Ikalabing-isang Kabanata

2.3K 137 46
By afireselu



Byun Baekhyun.

Simula noong lumabas si Krystal at Jessica sa leisure room tahimik lang si Chanyeol. May dalawang oras pa kami bago magsimula ang klase at may kanya-kanyang ginagawa iyong mga kasama ko dito sa leisure room pwera sa aming dalawa. Sa totoo lang nabo-bother ako. Hindi kasi ako sanay na hindi siya nagsasalita o hindi niya ako kinukulit eh. At hindi ako natututawa sa inaakto niya. Tatayo sana ako para lapitan siya kaso parang inaasahan niya iyong gagawin ko kaya mas mabilis siyang nakatayo at nagsabing lalabas muna raw siya. Magpapahangin daw. Napabuntong hininga na lang ako. May nagawa ba ako?

"Hayaan mo na muna siya," napatingin ako kay Suho hyung na seryosong nakatingin kay Kai at Sehun. Kanina pa nagpapractice iyang dalawa na iyan. "Takot kasi sa Daddy niya iyon kaya ganyan siya ngayon."

"B-bakit? Ano ba iyong sasabihin ni Jessica?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala akong karapatang sagutin ang tanong mo. Hintayin mo na lang na bumalik si Chanyeol sa dati. Hindi ka rin matitiis niyan. Mahal ka kaya niyan," napangiti ako. Hindi naman kasi iyon ang iniisip ko. Worried lang ako sa kanya.

-

-

Mali si Suho hyung. Maling-mali. Isang lingo na ang nakakalipas simula noong araw na iyon pero hindi bumalik sa dati si Chanyeol. Isang tanong, isang sagot kaming dalawa kapag nagkakaroon ng pagkakataon para mag-usap. Nabalitaan ko ring nakabalik na sa mansion nila si Chanyeol. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa na lang ako, at least hindi na niya kaylangang magtiis doon sa apartment niya. Noong dumalaw din kami ni Sehun sa fast food chain na pinagta-trabahuhan ni Chanyeol bigla na lang nalungkot iyong manager nila, nag-resign na raw kasi si Chanyeol. Bukod sa nawalan sila ng masipag na crew, bumaba din iyong sales nila.

Nandito kami sa leisure room ngayon, hinihintay naming dumating si Chanyeol. May practice kasi kami ngayon para sa ipe-perform namin bukas. Oo natuloy kami, ang ganda nga ng tono na nilapat ng kakilala ni Suho hyung eh.

Nagpapaturo ako kay Sehun ng isang step na hindi ko makuha nang biglang pumasok si Chanyeol at hindi siya nag-iisa. Naka-angkla sa braso niya ang braso ni Krystal. Diretso lang ang mukha ni Chanyeol habang si Krystal naman ay halos mapunit na ang bibig sa lapad ng ngiti. At mas lalo kaming nagulat nang biglang hinalikan ni Chanyeol si Krystal. Hindi naman torrid, peck nga lang. Parang hindi pa nagdampi iyong labi nila sa bilis. Ewan ko kung ako lang ba pero nakita kong nakangiting pang-asar sa akin si Krystal? Umiwas na lang ako ng tingin. Naiirita kasi ako kay Krystal.

Jogeuman nalgaetjit neol hyanghan ikkeullim naege ttaraora sonjitan geot gataseo

Aejeolhan nunbitgwa mueonui iyagi gaseume hoeoriga morachideon geunal bam

Medyo malayo ang pwesto ko sa pwesto ni Chanyeol. Si Sehun kasi iyong katabi ko ngayon. Gusto kong makatabi si Chanyeol. Gusto kong tanungin bakit niya ako iniiwasan. Bakit magkasama sila ni Krystal? Bakit niya hinalikan si Krystal kanina?

Omyohan geudaeui moseube neogseul noko hanappunin yeonghoneul ppaetgigo

Geudaeui momjise wanjeonhi chwihaeseo sum swineun geotjocha ijeobeorin nainde

Walcheucheoreom sappunhi anja nuneul ttel su eobseo siseoni jayeonseure georeummada neol ttaragajanha

First shifting namin at nahuli kong napatingin sa akin si Chanyeol habang lumilipat sa pwesto ni Suho hyung na nasa likuran ko lang. Nginitian ko siya pero hindi niya iyon ibinalik. Akala ko kasi ako iyong tinitignan niya, si Krystal pala. Medyo nadistract pa nga kami nang bigla siyang tumili.

Nal annaehaejwo

Yeah geudaega salgo inneun gose nado hamkke deryeogajwo

Oh, sesangui kkeuchirado dwittaragal teni

Budi nae siyaeseo beoseonaji marajwo achimi wado sarajiji marajwo oh

Kkumeul kkuneun georeum geudaen namanui areumdaun nabi

Oh, woo-hoo-hoo oh yeah- woo-hoo-hoo yeah woo-hoo-hoo

Hindi ko alam kung sinadya ni Chanyeol pero bahagyang nagtama iyong kamay namin sa buttefly part ng choreography na ginawa nila Sehun at Kai. Para akong nakaramdam ng kuryente. Nakakamiss rin si Chanyeol. Medyo sanay na kasi akong hindi na kami gano'n ka-clingy ni Sehun kasi busy sila ni Kai. Pero nalulungkot na naman ako kasi wala rin si Chanyeol sa tabi ko kapag kaylangan ko ng kausap.

Eodiseo wanneunji eodiro ganeunji chinjeolhi yeogikkaji majungeul wajun neo

Gapareun oreumak kkakkajin jeolbyeokdo geokjeongma mueotdo duryeoul geosi eobseuni

Gusto ko siyang kausapin mamaya pag-alis ni Krystal, kaso mukhang wala naman siyang balak umalis sa tabi ni Chanyeol. Nabalitaan ko ngang nag-transfer na raw si Krystal dito eh. Ayaw ko namang lumapit sa kanya kapag nandyan si Krystal, traumatized kasi talaga ako sa ginawa niya sa akin noon.

Anong nangyari sa Stay with me and you'll be safe spiel mo Chanyeol?

Natuwa na lang ako noong natapos na iyong kanta, isa lang kasi ibig sabihin nito, pwede na akong lumabas dito. Feeling ko nasu-suffocate na ako rito, ni hindi ako makahinga ng maayos. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na pinupunasan ni Krystal ng pawis si Chanyeol. Hindi ko na talaga kaya. Mabilis akong tumakbo papalabas ng leisure room dala lahat ng gamit ko. Mamaya pa naman iyong next class namin eh. At saka magpapahinga muna ako bago maligo. Gusto ko lang ng sariwang hangin.

Dinala ako ng mga paa ko papunta sa puno ni Chanyeol sa soccer field. Napapikit na lang ako noong naalala ko iyong eksena naming dalawa ni Chanyeol dito. Sobrang nami-miss ko na talaga siyaㅡsilang dalawa ni Sehun. Bakit ba lagi na lang akong iniiwan kapag may bago na silang kaibigan? Am I not worthy of a little bit of friendship?

"Baekhyun," halos malaglag ako sa sanga na inuupuan ko nang mapagsino ko iyong tumawag sa pangalan ko. Akala ko si Chanyeol but to my dismay, si Krystal pala. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Nag-aalinlangan ako kung bababa ako at makikipag-usap sa kanya o papaalisin ko siya. But the latter would be rude kaya kahit na kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni Krsytal ay bumaba na ako. Marami naman sigurong makakapansin sa amin kung sasaktan niya ako diba? Soccer field kasi ito. Maraming tao.

Napapikit na lang ako noong lumapit siya sa akin. Akala ko sasampalin niya ako pero niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi niya nga ako sinampal pero mukhang papatayin naman niya ako sa suffocation. "Sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo!"

Tinulak ko siya ng mahina at naguguluhang tinignan. "A-anong pinagsasabi mo Krsytal?"

Nag-pout naman siya at naupo sa damuhan. Nanatili akong nakatayo. Hindi ko kasi maintindihan itong babae na ito eh. "Nagso-sorry na nga ako eh."

"Okay, sige napatawad na kita kung para iyan sa pananakit mo sa akin noon. Pero bakit nga?"

"Anong bakit?" Napakunot ang noo niya, halatang hindi naintindihan iyong sinabi ko.

"Bakit ka biglang bumait? Sinong sumapi sayo?" I didn't meant to sound rude, though.

"Mabait naman talaga ako Baekhyun," napayuko siya. Wow. Mabait pa siya sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin? "Kaya lang naman kita nasaktan kasi akala ko may gusto sayo si Chanyeol eh," bakit? Wala ba? "Pero mali pala ako. Sinabi niya sa akin na nacha-challenge lang siya sayo datiㅡna infatuation lang ang nararamdaman niya," hindi ko alam pero biglang may kumirot sa dibdib ko. Infatuation lang? Sa loob ng dalawang taon? Akala ko ba nabihag ko iyong puso niya? Akala ko ba mahal ako ni Chanyeol sabi ni Suho hyung? Pero ano itong lumalabas sa bibig ni Krystal ngayon? "Sabi niya lalayuan ka na raw niya kasi baka umasa ka raw sa kanya. Sorry talaga, ha?" Nang-iinis ba siya?

Bigla na lang tumulo iyong luha ko pero mabilis ko iyong pinunasan dahil baka makita ni Krystal. Hindi ko namalayan na umaasa na nga ako. Kasalanan ko naman, sabi ko sa sarili ko noong unang beses akong tumapak dito hindi ko sila papansinin diba? Apat na taon lang naman akong magtitiis sa pangbu-bully nila dahil scholar lang ako. Pero hindi eh, hindi ko kasi hawak iyong future. Pinapasok ko si Sehun sa buhay ko, pati na rin si Chanyeol. Kaya eto ako ngayon, nagugulo iyong dating tahimik kong buhay. Kasalanan ko. Sana hindi na lang ako naging pilingero. Edi sana hindi ako nakakaramdam ng sakit na ganito. Edi sana makakatapos ako ng hindi napapansin ng sinoman. Tanga ka rin Baekhyun, eh. Tatanga-tanga.

"A-ah. H-hindi naman. Ayos lang," manhid, martyr, at sinungaling, ano pa ba, Byun Baekhyun?

"So friends?" Ayaw ko naman na magmukhang rude kaya tinanggap ko na rin iyong kamay niya.

Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Byun Baekhyun? Bakit ang martyr mo? Huh? Martyr? Hindi. Hindi pwede. Sana hindi. Sana wala lang itong nararamdaman ko na ito. Baka nalulungkot lang ako dahil naagawan na naman ako ng atensyon. Oo, iyong lang.

-

-

Papunta ako sa shower room ngayon. Malapit na kasing magsimula iyong first class ko. At ayaw ko namang mag-amoy pawis. Air conditioned kaya iyong mga facilities dito. Scholar na nga lang ako, magiging madungis at mabaho pa ba ako? Hindi naman ata pwede iyon. Nakasalubong ako ng mga kumakaripas palabas ng shower room. Sabi nila 'wag na raw akong tumuloy at hayaan na lang na mag-amoy pawis ako. Pero hindi ko talaga kaya eh. Naalibadbaran ako. Pagpasok ko sa shower room wala namang tao. Bakit sila umalis? May multo kaya? Napatili ako nang biglang may nagsalita galing sa isa sa mga cubicles dito.

"Diba sinabi kong walang papasok dito? Kaya lumabas ka na hangga't maari," ang lamig ng boses niya. Hindi naman ganyan iyong boses niya dati. Oo, malalim iyong boses niya pero hindi ganito iyong epekto nito sa akin. Para akong nanlalamig sa mga sinabi niya. "Ano? Lalabas ka ba o hihilahin kita palabas ng kwarto na ito?" Kung ibang tao siguro ito baka kumaripas na rin ako ng takbo palabas. Pero si Chanyeol ito eh.

Nagulat ako nang sipain niya iyong pintuan dahilan para tumama sa akin iyon dahil hindi ko alam na nasa tapat na cubicle ko pala siya. Napaaray na lang ako kasi tumama iyong braso ko sa pader tapos nadaganan ko pa noong bumagsak ako. Natatakot ako, hindi ito iyong Chanyeol na nakilala ko. Nanlilisik iyong mga mata niya at nakasara ang dalawang kamao niya. Akala ko itatayo niya ako kaya siya lumapit sa akin pero nagulat ako noong tumama iyong kamao niya sa tiles ng kwarto. Nagsimula nang mag-tubig ang mga mata ko. Doble na iyong nararamdaman kong takot ngayon. Gusto ko ng tumakbo palabas dito pero nakaharang si Chanyeol sa akin at masakit ang braso ko.

"S-suntukin mo a-ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Pumikit siya saglit at malalim ang paghinga niya. Sa muling pagbubukas ng mga mata niya ay nagbalik iyong ekspresyon ng kilala kong Chanyeol. Nawala na rin iyong nakakakilabot niyang aura. Akmang hahawakan niya ako pero mabilis akong umiwas. "'W-wag mo akong hawakan."

"Baekhyun," nagsusumamo iyong boses niya. Kung hindi lang siguro ako nakakaramdam ng matinding takot sa kanya ngayon ay baka dinamba ko na siya at niyakap. Pero nangingibabaw ang galit sa akin. Hindi na nga niya ako pinapansin ng ilang araw, sasaktan niya pa ako?

"A-alis na ako. Padaanin mo—ah! A-aray!" Noong sinubukan ko kasing tumayo nahawakan niya iyong braso kong masakit. Nagkukulay ube na rin iyon, senyales na masama iyong pagkakatama sa pader at iyong pagkabagsak ko.

"S-sorry," yumuko na lang siya at nagbigay daan para makaalis ako. Mabilis naman akong tumakbo palabas habang hawak-hawak iyong kamay kong namamaga. Gusto ko ng umuwi dahil hindi ko na ata kayang pumasok pa ngayon. Siguro naman kahit hindi kami in good terms ni Chanyeol itatabi niya iyong mga naiwan kong gamit sa shower room diba?

Siya pa rin naman iyong Chanyeol naminㅡiyong Chanyeol ko na nag-confess sa akin pero binawi rin sa harapan ng ibang tao. Kaylangan ko lang talagang mapag-isa ngayon. Dahil kung hindi ko mapapag-isipan ng maayos kung bakit gano'n si Chanyeol ay baka kamuhian ko siya habang buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 162 17
"Maghanda ka sa paparating na bagyo- at mahuhulog ka sa gitna nito. Ilang taong pangungulila sa kanyang asawa, gagawin lahat ni Markus ang lahat upan...
6.8K 474 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
785K 30K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]