Sweet Lies (Sweet Series Book...

Oleh vanessabree

185K 4.7K 2.6K

Book 2 of Sweet Series Lebih Banyak

Sweet Lies
Simula
Sweet Lies 1
Sweet Lies 2
Sweet Lies 3
Sweet Lies 4
Sweet Lies 5
Sweet Lies 6
Sweet Lies 7
Sweet Lies 8
Sweet Lies 9
Sweet Lies 10
Sweet Lies 11
Sweet Lies 12
Sweet Lies 13
Sweet Lies 14
Sweet Lies 15
Sweet Lies 16
Sweet Lies 17
Sweet Lies 18
Sweet Lies 19
Sweet Lies 20
Sweet Lies 21
Sweet Lies 22
Sweet Lies 23
Sweet Lies 24
Sweet Lies 25
Sweet Lies 26
Sweet Lies 27
Sweet Lies 28
Sweet Lies 29
Sweet Lies 30
Sweet Lies 31
Sweet Lies 32
Sweet Lies 34
Sweet Lies 35
Sweet Lies 36
Sweet Lies 37
Sweet Lies 38
Sweet Lies 39
Sweet Lies 40
Sweet Lies 41
Sweet Lies 42
Sweet Lies 43
Sweet Lies 44
Sweet Lies 45
Sweet Lies 46
Sweet Lies 47
Sweet Lies 48
Sweet Lies 49
Sweet Lies 50
Sweet Lies 51
Sweet Lies 52
Sweet Lies 53
Sweet Lies 54
Sweet Lies 55
Sweet Lies 56
Sweet Lies 57
Sweet Lies 58
Sweet Lies 59
Sweet Lies 60
Bonus Chapter
Wakas

Sweet Lies 33

2.5K 75 41
Oleh vanessabree

33



"Dadaanan ba namin si Allan?"

Tumango ako kay Debbie. Nakadungaw siya sa bintana ng aking Fresto. Ipinagmaneho sila ni Manong Selyo ngayon dahil kay Vince ako sasabay.

"Basta dumiretso na kayo sa Maxine's."

"E, kayo? Hindi pa kayo aalis? Baka mang-indian kayong dalawa ha?" Sumilip rin si Vidette.

Umiling ako. "Aalis na rin kami. Dadaan lang siguro sa GNS."

Nilingon ko si Vince. He's checking his tire. Aniya'y parang may singaw kaya baka sasaglit muna kami sa GNS para magpa-vulcanize ng gulong.

"O, sige. Basta bilisan niyo ha? Hihintayin namin kayo."

Tumango ako at kumaway. Umandar na sila agad palabas ng kanto namin.

Weekend ngayon. Vince invited us over dinner. And my friends, of course, gladly agreed.

Sino raw bang tatanggi sa sushi party? Iyon kasi ang sinabi ni Vince, puro Japanese dish ang nakahanda para sa dinner.

"Tara na rin? Nakaalis na sina Vidette..."

Humakbang ako palapit sa kanya. He immediately stood up from checking his tires. Binuksan niya ang frontseat at iginiya ako roon.

Napangiti ako. He doesn't need to say anything.

"Dadaan muna tayo sa GNS?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Hawak pa rin niya ang headrest at ang isa niyang kamay ay nasa bukas na pinto.

He's still standing in front of me. Parang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ko.

"You're too beautiful tonight. Parang..." He bit his lips. "Parang ayaw kitang ilabas." Umangat ang kabilang dulo ng kanyang labi.

Ngumiwi ako at natawa. Ayan na naman siya sa mga ganyang banat niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga ganoon. He's just...

"People will stare..." he added.

"They have eyes. Hindi mo iyon mapipigilan..."

Ngumisi ako at umiling. Saglit kaming nagkatitigan. His eyes are of deep black. Parang may mga nakatago pa roon. I want to know...

"I don't want people staring at you. Dapat... ako lang."

Tuluyan na akong natawa. Pabiro ko siyang sinipat. He laughed, too.

I know he's just kidding but there's something... Something in his words that make me in awe all the time.

Isinara niya ang pintuan ng frontseat. Pinanood ko siya habang siya'y naglalakad patungo sa driver's side.

"GNS muna?" Inulit ko ang tanong kanina nang nasa loob na siya.

Umiling siya habang binubuhay ang makina ng kanyang kotse.

"Ayos naman iyong mga gulong..."

"Okay... Maxine's na tayo kung ganoon?" My eyebrows shot up.

Umandar ang kotse. I was waiting for an answer when he handed me a kind-of like an invitation.

"Not yet." Nilingon niya ako. "Dyan muna tayo pupunta. Saglit lang tayo and then we'll go."

Binasa ko ang nasa loob ng invitation. Kumunot ang noo ko. It's an Art and Photo Exhibit near Garcia Boulevard.

"Mga Likha ng Norte?" utas ko.

"Artworks from the North. That's the Exhibit name." 

Sumulyap siya at ngumiti. Bumaling ako uli sa invitation at binasa ang mga nakasulat sa loob. Tumaas ang dalawa kong kilay.

"You're included in the group of artists?"

Halos hindi ako makapaniwala nang sabihin ko iyon. Seryoso ba ito? Posible pa bang magkaroon ng ganito ka-talentadong lalaki? He is too versatile. Nakakamangha ang mga kaya niyang gawin.

I showed him his written name. Ngumiti siya at tumango roon.

"I have entries. One painting and three photos for photography section."

"Wala ka bang hindi kayang gawin?" tanong ko sa kanya.

"What?" Halos matawa siya.

"Masyado kang talented..."

Para tuloy akong nahiya sa kanya. Ang dami niyang kayang gawin. He can even make his own mustard. Inisip ko tuloy kung may tinatago pa siyang skills na hindi ko alam.

"I don't know how to dance, though. And I'm a bad singer. Very very bad." He chuckled.

"Bawing bawi naman sa iba. Siguro noong college maraming kang sinalihan na orgs and competitions."

Bumaling ako sa kanya. He's buried in his deep thoughts. Maybe remembering his college days. Napangiti ako. I wasn't active with extra curricular back in college. Naka-focus lang ako sa pag-aaral.

"Dalawa lang. Org ng Business Management at Sketch Club." Sumulyap siya ng isang beses.

"Teatro? Hmm... Pageants? Hindi ka sumasali?"

Napahalakhak siya sa tanong ko. My eyebrows furrowed. Bakit? Hindi naman imposibleng sumali siya sa mga pageant.

He has this too good to be true body built. Modelo siya ng isang foreign magazine. Hindi imposibleng may mga handler na humikayat sa kanyang sumali sa mga ganoon.

"Theater arts when I was in HS. Dalawa kami ng kakambal ko. Pageants? I have never joined any. Ikaw? Have you?" Nilingon niya ako. "Your height speaks for it..."

"Hindi rin... Tsaka hindi naman porke't matangkad, sumasali na sa pageant." I giggled.

"Good..."

"Good?" Nalukot ang noo ko.

"Masyado kang maganda para sa mga pageant. You don't need to walk up on runways. Dapat sa'yo..."

"Ano?"

Tinanong ko siya na parang naghahamon. Isang beses siyang sumulyap. I raised my eyebrows.

"Dapat sa'yo hindi sa runway naglalakad."

Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

"Dapat sa altar... Papunta sa akin," he added.

His lips shot up. My cheeks automatically turned red and I immediately hit his arms jokingly.

"A-Anong altar? Baliw ka na!"

Lalo siyang natawa. Umiwas ako ng tingin at palihim na suminghap. Why would he even say that? Nasa isip na ba talaga niya iyon?

"I was joking..."

Naiba ang tono ng kanyang tinig. Nilingon ko siya at naabutang diretso lang ang kanyang tingin sa daan.

"But one day, if I'd take those altar jokes seriously..."

Bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang kasunod ng sasabihin niya. Napalunok ako at mahigpit na napahawak sa aking bag.

Natauhan ako sa paghihintay ng huminto ang kotse sa tapat ng isang convention center.

Napabaling ako sa labas. Mariin akong napapikit dahil sa mga imposibleng bagay sa aking isip.

"Sa'yo ko uli sasabihin ang mga iyon."

My jaw slightly dropped. Natigilan ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon. He flashed me a weak smile.

"You want to marry a terrible girl who can't even cook good food?"

I almost laughed even though my lips are trembling. Bakit ba ganito ang naging topic? It makes me anxious.

"At least that girl bakes good cookies." He shrugged.

"I snore. I'm a messy eater sometimes. Hindi ako magaling mag-saing. I'm bad at sports. I don't... even know how to sing or dance." I shooked my head as I giggle.

I was trying to escape his piercing eyes but I couldn't. Like he was seeing through me. Nalulunod talaga ako sa mga titig niya.

"Tell me every terrible thing you ever did." He bit his lips. Sandali siyang tumigil. "And let me anyway. Let me love you anyway..."

It wasn't indirect. Sinabi niya iyon mismo sa harapan ko. Ilang beses akong kumurap habang sinusubukan kong tunawin sa sistema ko ang sinabi niya.

Love.

I have never used that word to anyone. My parents used to tell me that they love me, Aldrev also told me that. But it never brought anxiety like this. Parang tuwa at kaba sa iisang bagsakan.

What do other people tell about it?

Love... It's an ugly business. A business practiced by fools. It will only trample your heart and leave you bleeding on the floor.

And what does it get you in the end? Memories. Painful memories that could slowly kill you.

But with him... Maybe it's not about breaking. Maybe it's about being whole. Maybe it's not just about the heartaches.

With him... Maybe it's a whole different story.

"This is Joey, right?"

Nilingon ko siya sa aking likuran. Tumango siya at ngumiti. Manghang-mangha ako sa entry niyang ito.

It's Joey and his family. They were happily eating siomai in front of a kiosk. It's a stolen shot but it's so dramatic and so natural.

He really is into photography. Hindi ako masyadong technical pagdating sa ganito, pero masasabi kong ang galing niya. Kahit sino ay mahuhuli niya ang damdamin dahil sa litratong ito.

"I miss Chichi..." utas ko.

"Dadalaw tayo sa kanya next week."

Chichi is the subject of his second photo entry. Nagpapalobo siya ng bubbles sa picture. This photo will surely remind everyone about their childhood.

Humakbang ako ng isa pang beses para sa pangatlo niyang photo entry. Nasa likuran ko lang siya. I was smiling widely at the photos inside the exhibit.

Bumagal ang lakad ko pagdating sa huling frame. It's his third photo entry.

Bahagyang umawang ang aking bibig dahil doon. Saka ako unti-unting napangiti.

I was the subject.

Sa litrato ay nilalanghap ko ang halimuyak ng isang tulip. It's a close-up photo but the flowers at the background were familiar.

"Sa garden namin ito?"

Dumampi ang aking daliri sa frame bago ko siya nilingon.

Napahaplos siya sa kanyang batok at hindi makatingin sa akin ng diretso. Napangiti ako sa kanya.

"I was supposed to ring the doorbell that time but... you were..."

"But I was smelling a tulip. And you took a stolen photo of me."

Pabiro akong umirap. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago siya nangiti. Napangiti rin ako sa kanya.

"It's beautiful, though..." Nilingon ko uli ang nakaw kong litrato.

"It wasn't."

Kumunot ang noo ko. Bumaling ako sa kanya.

"You didn't look beautiful here. You..." He bit lips. "You looked like an art."

"Oh yeah?"

Ngumisi ako sa kanya. Trying to tease him because of his metaphors.

"No, really. You looked like an art in this photo. You didn't look beautiful. And art... wasn't supposed to look beautiful. It's supposed to make you feel something."

Tumigil ang mga mata niya sa mga mata ko.

"What did you feel?" I asked him.

"Reverie..."

Napangiti ako. He is too overwhelming me. Tumalikod na lang ako uli at itinuon ang pansin sa larawan.

.........

We walked again towards the right wing of the venue. Mga painting naman ang naroon. Bumungad ang ilang media at mga elites. Mas maraming entry para sa paintings kaya siguro narito ang media.

Humawak ako sa kanyang braso. My heels are high. Medyo maraming tao kaya't wala akong nagawa kundi humawak.

He seemed a little surprise when I held his arm. Dinungaw niya ako saka siya ngumiti.

"Ang daming artworks. Ang sarap tingnan, 'no? Ang gaganda. Nakakarelax..."

Ngumiti ako pabalik. Pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming obra.

Naaninaw ko ang pagkibit niya ng balikat mula sa gilid ng mga mata ko. Nilingon ko siya at naabutan siyang nakayuko.

"In a room full of art. I'd still stare at you."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Napaiwas ang mga mata ko.

"B-Bolero ka..."

Narinig ko siyang tahimik na tumawa sa gilid ko. I can already feel the abnormal heartbeat inside.

Sana nararamdaman niya ang ganitong kabog sa loob. Sana nayayanig din siya sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ng ganoon. Lalo na kapag may mga gano'n siyang banat. Lalo na kapag malapit siya sa akin.

"Here it is..."

Huminto kaming dalawa sa medyo may kalakihang frame. Pareho kaming nakatingin doon.

This must be his entry for the paintings. One word for his masterpiece.... Majestic.

Ipininta niya ang paglubog ng araw sa dagat. Naghalu-halong kulay kahel... berde... asul... indigo. It's just impressively beautiful.

Not being a biased because I love sunsets. But this... this is exceptional. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa tanawing ipininta niya.

Saglit akong sumulyap sa gilid ko. He's already looking at me. Ngumiti ako sa kanya.

"Ang ganda. Ang galing mong magpaint."

"Look closely..." Nginuso niya ang painting.

Nabigla ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at inilapit ako paharap sa painting. Nasa likuran ko siya.

Tumaas ang dalawa kong kilay at saka tinuon uli ang pansin sa kabuuan ng larawang nasa harap ko.

"Have you seen it?" dugtong na tanong niya.

Kumunot ang noo ko habang mariing sinusuri ang bawat detalye ng painting. Huminto ang mga mata ko sa ibabang bahagi ng larawan.

Sa gilid ng dagat ay may dalawang nakatayo. Isang lalaki at isang babae. I knew that by their silhouette. The girl is some kind-of wearing a long beach skirt. The guy is half naked.

"Two people are standing... here." I pointed the part where they're standing.

Naramdaman ko siyang gumalaw. Next thing I know? Nasa gilid na ng kanang tainga ko ang kanyang mukha. Ramdam ko ang mabababaw niyang pag-hinga.

"That's... us. Watching the sunset." He almost whispered.

Umawang ang aking bibig. Some memories came rushing in my head. Hanggang sa matauhan ako. Hanggang sa maalala kong ito na nga iyon.

This is exaclty how we looked like last December while watching the sunset. Noong nasa iisang resort kami sa Bolinao.

"Sa wakas! Ang tagal niyo grabe! Isang oras! Halos isang oras kayong late!"

Naaninag kong tumayo si Vidette mula sa pagkakaupo at tinalakan kami agad. I know she's just goofing around. Tinawanan ko lang siya.

The whole gazebo was lit with small incandescent lights. Unang bumungad ang table nina Vidette, Allan, at Debbie. Nasa isang bilog na mesa sila. Naririnig ko ang hampas ng mga alon sa seaside mula rito.

"Sorry. May dinaanan lang..."

Ngumisi ako bago bumeso sa kanilang tatlo. Jaycee is not around, though. Ani Allan ay natanggap na siya sa isang French Cuisine sa Manila kaya't lumuwas na siya kahapon.

"Saan kayo dumaan? Simbahan? Omg guys baka naman kasal na kayo? Patingin nga!"

Inagaw ni Allan ang kamay ko. He checked if there's any wedding ring. Humalakhak kaming lahat.

"Paano naman sila ikakasal? E wala nga silang label..." Debbie said.

I sensed her mockery. Pinandilatan ko siya ng mata saka ko nilingon si Vince. Ngumiti lang siya sa akin.

"You can stay here with them. Pupuntahan ko lang sila doon."

Tinuro niya ang kabilang table kaya't nilingon ko iyon. Saka ko lang napagtantong naroon ang kanyang kaibigian.

Andrion, Dino, who happens to be Manong Selyo's son, and three other guys. I wonder why Ecker is not around, though.

"Sige lang..." Tumango ako sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Vidette nang naglakad na siya papunta sa mesa nina Andrion.

Hindi pa lumilipas ang tatlong minuto nang tumunog ang message alert tone ng aking cellphone. Two messages popped on my lockscreen.

Parehong galing iyon ay Vince. Kunot-noo akong napangisi. I swiped for it.

From V.E. : I can only see the back of your hair. Sit beside Allan so I can stare at you.

From V.E. : Tsss. Not beside Vidette. Sit beside Allan.

Nilingon ko siya at naabutan siyang nakatingin na sa akin. Nakaangat ang dulo ng kanyang labi. I rolled my eyes.

I remained sitting beside Vidette. Ilang saglit ay tumunog uli ang cellphone ko.

From V.E. : You're hurting me.

Nilingon ko uli siya ng isang beses at naabutan siyang nakanguso.

God, he's impossible. How can he pull off those cute stunts?

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.3M 23.6K 38
Hindi naniniwala si Min sa love. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang maiahon ang pamilya niya sa hirap. Kaya naman nang makilala niya si Lee...
27.4K 954 32
Lumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi...
1.3M 42.7K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa...
255K 8.5K 78
My name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin...