Destined with the Bad Boy

By justcallmecai

38.2M 1M 135K

[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Epilogue
Special Chapter
Book Two
SOON TO BE PUBLISHED
BOOK LAUNCH

Chapter 67

310K 8.2K 960
By justcallmecai

Chapter 67

Sweet and Sour

Seryoso ba siya sa tanong niyang iyan? Ano ba ang trip niya?

"Answer the question, Pereira." sabi pa ni Apxfel.

Nakita ko naman ang pag diretso ni Calix sa pagkakaupo niya.

"Oo. Nililigawan ko si Abigail." tahasang sagot ni Cal. He didn't even flinch.

Hindi na ako nag balak pang tignan ang reaksyon ni Apxfel. Tumayo na ako.

"Guys, balik muna ako sa kwarto. Sumama yung tiyan ko." saad ko sabay lakad ng mabilis.

Well, hindi naman talaga sumakit 'yung tiyan ko. Gusto ko na lang umiwas sa laro na 'yun! Mamaya kasi ako pa ang matapatan ng bote! Malamang sa lamang ay kung anu-ano lang rin ang itatanong nila. Wag na lang.

Nahiga na ako sa kama. Nag browse na lang ako sa phone ko.

Mayamaya lang ay dumating na rin sila Paui sa kwarto.

"Uy! Bakit hindi ka na bumalik?" tanong ni Paui.

"Ang sakit ng tiyan ko, e." sagot ko na lang dito.

"Asus! Masakit ang tiyan o may iniiwasan?" pabuling niyang sabi sa'kin.

"Masakit nga talaga!" giit ko.

Gabi na rin kaya nagdesisyon na kaming matulog. Maaga raw ang simula ng activities bukas kaya kailangan ng pahinga.

Tumunog naman yung phone ko.

Good night Abi!!! :)

Text ni Calix sa akin. Nag reply ako sa kanya bago ako pumikit.

Goodnight, Cal! :P

Nagising ako ng marining ko 'yung wake up call. Gising na rin ang iba.

Nagsiligo na kami agad dahil trenta minutos lang ang oras para sa paghahanda, kung hindi ay mahuhuli kami sa breakfast time.

Malaki iyong comfort room, sa loob noon ay maraming cubicle para sa liguan kaya naman walang problema o hassle kung sabay sabay ang lahat sa pag ligo. Halos bente din kami na nandito sa kwarto.

P.E. uniform ang ipinasuot sa amin dahil sa mga activities na gagawin ngayong araw.

Na e-excite ako!

Pagkatapos kumain ng agahan, nag karoon ulit kami ng talk. Tapos ay pinapunta na kami sa field para sa games.

Grupo grupo daw ito, kukuha sila ng dalawang representatives kada kurso.

At shit lang. Kasi hindi ko alam kung paanong nangyari na ako at si Apxfel ang naging representatives!

Sumakit na lang bigla ang ulo ko!

Sa dinami dami ng estudyante ng Business Management, kami talaga ang kinuha. Nag bibiro ba sila?!

'Yung ibang mga estudyante na hindi kasali doon sa game ay dinala sa gymnasium para sa ibang activity naman.

Sumulyap muna ako kay Calix bago sila maka alis.

"Good luck." He mouthed while smiling a little.

Tumango naman ako sakanya at ngumiti din.

"Ang unang game natin ay basag palayok. Sa bawat grupo, pipili kayo kung sino ang babasag ng palayok at kung sino naman ang mag bibigay ng directions. Ang unang makabasag ng palayok, sila ang panalo." Saad nung instructor.

Nakaka loka. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Apxfel. Ni wala nga sa hinuha ko na tanungin siya kung sino ba sa'min ang babasag ng palayok na yun!

"Ako na ang babasag ng palayok." Sabi niya sabay suot nung blindfold. Ni hindi na ako naka react.

"Ready, set.. Go!"

Pag katapos ng signal nung instructor, agad ng nag sigawan yung mga ibang players para i guide yung team mates nila.

At ito ako, tulala.

"Diretso ba o ano?" Biglang tanong ni Apxfel kaya naman natauhan na akong bigla.

Sobrang labag sa kalooban ko ang team up na 'to. Bakit ba kasi kailangan kami pang dalawa?!

"Diretso." Sabi ko.

"Ha?" Takang tanong naman niya.

"Diretso nga." Sabi ko ulit.

"Ano? Hindi tayo mag katabi kaya pwede mong lakasan yung boses mo." Hirit niya.

Huminga ako ng malalim.

"Diretso!" Sabi ko ng malakas.

Hindi naman masyadong mahina yung boses ko ah. Mahina lang, pero hindi masyado!

"Ano?" Tanong pa ni Apxfel. Hindi pa din ba niya ako naririnig?!

"Sana naging taong tenga na lang ako para marinig kita." Pang aasar pa niya.

Uso kasi ang mag cotton buds ano! Tsk!

"Diretso! Diretso! Diretso!" Sunod sunod na sigaw ko.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang nadapa!

Agad agad akong lumapit sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sabay tinitignan kung nasagutan ba siya o ano.

Hindi ko manlang nakita na may bato palang madadaanan. Napatid tuloy siya.

"Okay ka lang ba ha?" Tanong ko ulit pag katapos niyang tanggalin yung piring niya sa mata.

Bigla siyang ngumiti na mas ikinagulat ko naman!

"Uuuy... nag aalala siya." Sabi ni Apxfel kaya agad akong napatayo.

"Hindi ah!" Tanggi ko sa kanya.

Gayun pa man, ang lapad pa din talaga ng ngiti niya. Tsk! Lakas makapang asar.

"Team BSIT won the basag palayok!" Sigaw nung instructor.

May nanalo na pala. Hays. Imposible kaming manalo kung ganito kaming dalawa!

Eh ano naman ang dapat naming gawin? Mag panggap na strangers, para no feelings attach?!

Ang sumunod na laro ay may 3 stages of challenges.

Sa unang stage, isa lang ang mag lalaro. Ganoon din sa pangalawa.

Sabi ni Apxfel na siya na yung sa unang challenge. Hindi namin alam kung anu-ano yung mga challenges na yun, kaya medyo kinakabahan din ako.

Pinapwesto na kaming players.

Sa unang stage, memory challenge. May limang tanong doon. Nakita ko naman din na ang bilis sagutan ni Apxfel lahat ng yun. Siya pa.

Yung ibang members, todo cheer sa ka partner nila. Ako wala akong masabi. Eh ano ba kasing sasabihin ko? Go Apxfel? Go Christan?

Hindi ko kaya!

Si Apxfel ang unang natapos sa unang challenge, kaya naman tumungo na ako para gawin yung pangalawa.

Nang makita ko, may mga shot glass tapos maliliit na bola. Kailangan kong mag shoot ng isang bola kada shot glass.

Sinubukan kong mag shoot. Ang hirap! Jusko. Naabutan na ako ng ibang players!

"Go, Abigail!"

Narinig kong sigaw ni Apxfel. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba..

"Go! Kaya mo yan, Abigail! Focus ka lang sa shot glass. Itaas mo ang pag shoot!" Sigaw niya pa.

Hindi ko namalayan na nagawa ko na palang i shoot lahat.

Nagugulat na lang ako sa sarili ko.

A part of me was happy that he cheered me up. But a part of me also wish na sana hindi na lang niya ginawa..

Hindi na lang sana.

Nung sa third challenge naman, kaming dalawa na ang mag lalaro.

Eating challenge yun!

Kailangan na pareho kaming kakain, kaya bawat dish ay dalawa ang naka handa.

Ang unang dish ay balut!

Easy lang sa'min kainin yun. Medyo hindi kaaya aya tignan yung sisiw pero masarap naman yun. Tanda ko nung bata ako, favorite ko ito.

Doon sa pangalawang dish, pritong palaka naman! Nakaka takot nung una pero nung tinikman ko, parang lasang manok din pala!

First time kong kumain ng palaka sa buong buhay ko ano!

Ang sarap ha.

Halos sabay kaming natapos ni Apxfel sa pag kain nung palaka kaya sabay din naming binuksan yung pangatlong dish.

Hindi ko alam kung anong klaseng pag kain yun pero kasi may nakikita akong mani doon sa ibabaw niya.

Allergic ako sa mani.

Nakain na ni Apxfel yung kanya.

"Okay yung lasa, masarap. Medyo kadiri nga lang tignan." Sabi niya.

Ang tagal kong nakatitig doon sa pagkain.

Iniisip ko kasi kung anong pwede mangyari sa'kin pag kinain ko yun. It's either mangangati ako, mamumula o hindi makakahinga.

"Allergic ako sa peanuts." Mahinang sabi ko kay Apxfel.

"Shit. Oo nga pala."  He hissed.

Nagulat na lang ako nung bigla niyang kinain yung sa'kin!

"Huy! Bawal yan!" Pag awat ko sa kanya. Pero wala e, nginu-nguya niya na.

Bigla kaming may narinig na pumito.

"Team BSMGT, sabi sa rules kailangan pareho kayong kakain.. I'm sorry, but you're disqualified. Tanggal na kayo sa laro." Saad nung lumapit sa'ming instructor.

Tsk. Sabi ko na nga ba.

"Look at what you did!" I exclaimed. "Na disqualify tuloy tayo." Dagdag ko pa.

"I'm sorry. Concern lang ako sayo. Allergic ka doon, baka kung anong-"

Pinutol ko siya.

"Concern?! Hindi ko kailangan ng concern mo! Hindi ko kailangan ng kahit na ano mula sayo!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 16 1
It was fast. It was unexpected. I didn't see it coming. The moment I took a step on that school. My life totally changed. And when things are getting...
96.3K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1
Captivated By Ayu

Teen Fiction

1.8K 118 45
Epistolary A typical story, starring him and her
6.2K 208 13
Hindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, w...