[COMPLETED] Untouchable B

By afireselu

117K 6K 2.6K

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano ni Baekhyun sa buhay? Will the Untouchable B remains... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanta
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikalabing-dalawampung Kabanata
Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't dalawang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata
Wakas
Untouchable B Book Two: Unreachable C
Unang Kabanata
체리's 💙 note
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
체리's announcements:
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Wakas

Ika-anim na Kabanata

3.3K 184 34
By afireselu



Park Chanyeol.

"Ay, wala na po bang mas malaki pa dito?" Tanong ni Baekhyun doon sa landlady. Pang-limang apartment na itong pinuntahan namin. Sa unang apartment pa lang okay na ako, si Baekhyun lang iyong hindi. Naliliitan kasi siya. Talo niya pa ako. "Yeol, ang liliit kasi ng mga apartment dito eh. Gusto mo hanap pa tayo?"

"Y-Yeol?" Nakatangang tanong ko sa kanya, pinitik na lang niya ako sa noo bago nagpaalam doon sa landlady. Ayaw niya pa rin nung apartment na iyon Sa limang napuntahan naming apartment iyon na iyong pinakamaayos para sa akin eh. Para naman akong tuta na sumusunod sa kanya, may hawak kasi siyang listahan ng mga apartment na available.

"Yeol. . . Chanyeol. Nakakapagod kaya banggitin pangalan mo. Ang haba, parang sa akin. Baekhyun. . . Kaya Baek na lang itawag mo sa akin," napatigil ako sa paglalakad noong humarap siya sa akin at ngumisi, "Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

Hindi ko alam kung ano iyong cute. Kung iyong Baekyeol ba o si Baekhyun mismo. Ang cute cute niya kanina grabe. Ay teka, kaylan ba siya hindi naging cute sa mata ko?

"Hindi ba mas okay iyonh Chanbaek?" Mas masarap kasi pakinggan iyong Chanbaek kaysa Baekyeol eh. Kahit si Yoora noona mas trip iyong Chanbaek.

Napakamot siya sa ulo saglit at nagpatuloy sa paglalakad. Tignan mo! Cliffhanger! "Chanbaek ka, Baekyeol ako. Tara na nga!"

-

-

"Baek, pagod na ako. Kain na muna tayo," at napahawak ako sa tuhod ko dahil hinihingal na ako kakalakad. Nasa tenth apartment na kasi kami ngayon pero wala pa rin siyang nagugustuhan. Sabi ko lang naman sa kanya kanina samahan niya ako hindi siya na mismo mamili ng apartment eh.

"Hmm, sige. Fast food na lang tayo. Kumakain ka ba doon?" Umiling ako. May chef kasi kami sa bahay. Kahit doon sa room na tinatambayan namin sa school may nagseserve ng pagkainㅡchef nila Suho hyung. "Hala! Pwes ngayon kakain ka! Magtipid ka! 30 days kang abandonado ngayon ha!"

"Paano mo nalaman?" That made him startled pero he just shrugged at nauna na namang maglakad papunta sa isang fast food chain. Oh well. Baka kumalat na ang balita sa campus na pinalayas ako sa bahay. Pero up to that extent yung gossip? Unbelievable.

"Ako na lang oorder tutal naman first time mo dito," maglalabas na sana siya ng wallet pero pinigilan ko siya. Sabi ko ako na oorder at sabihin na lang niya sa akin iyong pwede naming kainin dito. Kasi for me considered first date na namin ito kaya I won't let him pay for our food.

Medyo natagalan ako sa pag-order kasi paulit-ulit iyong cashier sa pagpa-punch ng order ko. Ewan ko kung nagkakamali ba talaga siya or sinasadya niya para tumagal ako doon sa counter. I had to call their manager pa para maasikaso na yung order ko. Pag-upo ko sa table namin ni Baekhyun kulang na lang umabot sa lamesa yung nguso niya sa haba. Ugh! Bakit siya nagpapacute!

"What took you so long? Gutom na gutom na ako."

"Sorry po, Young Master Baekhyun. Ang tagal po kasi ng cashier. Masyado atang nabighani sa charms ko," kinurot na lang niya ako at nagsimulang kumain. Ang dami ng inorder ko kasi iyon lahat iyong sinabi ni Baekhyun na bilhin ko, no wonder ang chubby niyang tignan. Sunod-sunod iyong subo niya ng pagkain, ako naman nakatingin lang sa kanya habang iniinom ang cola ko.

"Hindi ka mabubusog sa kakatingin sa akin. Kumain ka nga, Yeol!" Natawa na lang ako. He's too blunt. Kakaiba talaga. Akala ko maawkward-an siya just like the usual reaction ng mga tao pero siya hindi. Grabe Baekhyun, mas lumalakas tama ko sayo.

-

-

Nauwi kami doon sa unang apartment na pinuntahan namin. Mag-gagabi na kasi kaya kaylangan ng umuwi ni Baekhyun kaya no choice na siya kundi tanungin ako kung ano ba nagustuhan ko sa mga napuntahan namin kasi wala raw talaga siyang nagustuhan para sa akin. Dapat daw sa akin condo unit hindi apartment. Para namang kaya kong bumili ng condo unit sa laman ng ATM ko. Hindi na rin naman siya nagpahatid sa akin dahil malapit ng maubos yung gasolina ng sasakyan ko. Bummer! Bakit ngayon pa! Kaya naglalakad kaming dalawa ngayon papunta sa sakayan ng taxi. Sabi niya magji-jeep na lang daw siya pero syempre hindi pwede sa akin iyon.

"Chanyeol kasi, wala ka na ngang pera tapos magbabayad ka pa sa taxi. Malayo kaya bahay namin dito. Magji-jeep na talaga ako!"

Hindi pa siya nakakalayo nang bigla ko siyang hatakin pabalik sa tabi ko. Muntik pa siyang madapa kasi napalakas pagkakahila ko. "Who cares about the money I'm going to spend? I just want you to be home safe and sound, kaya sumakay ka na," binuksan ko iyong pintuan ng taxi at tinulak siya papasok doon tapos pinicture-an ko iyong plaka ng taxi. Sunod ko namang kinausap iyong taxi driver kahit na nakaka-distract talaga iyong naka-pout na Baekhyun sa back seat. Nagta-tantrums pa ata. Inabutan ko iyong driver ng dalawang one thousand peso bill. "Drive him home. Safe and unscathed and do keep the change," sumaludo naman iyong taxi driver sa akin at nginitian ko si Baekhyun with one last glance. "Thank you, Baekhyun and please stop throwing tantrums. I just want you to be safe always. Good night," natawa na lang ako noong hindi niya ako pinansin at sinabihan iyong taxi driver na aalis na daw sila. Cute mo talaga Baekhyun. Bwiset.

-

-

Maayos naman naging buhay ko sa apartment, in fact one week na akong nakatira roon. Wala namang problema sana kaso ayaw akong lubayan ng mga boarders na babae. Kapag lalabas ako ng kwarto ko may mga nakaabang na babae sa labas. Sa loob ng one week na iyon hindi ko na rin nakakausap si Baekhyun pero nakikita ko naman silang dalawa ni Sehun. Masyado kasi akong busy bukod sa tumutulong ako kay Tita sa pag-aasikaso ng graduation ng 4th year levels at recognition ng mga undergraduate students ay nagpa-part time job ako sa fast food chain na kinainan namin ni Baekhyun. Tuwang-tuwa nga sa akin iyong manager ng fast food chain kaya binibigyan niya ako ng overtime, and OT means bigger salary!

Minsan din dinadalaw ako ni Yoora noona sa apartment, nakwento niya rin na bumalik din agad ng China sina Mommy at Daddy noong gabing pinalayas ako. Hindi raw pinapansin ni Mommy si Daddy kaya grumpy siyang umalis ng bansa. Si Yoora noona naman nagdadrama, sabi niya mas lumungkot daw sa bahay kasi siya na lang mag-isa. Parang mababaliw daw siya sa katahimikan sa bahay. Pinag-grocery niya rin pala ako. Nakakahiya nga, muntik na niyang mapuno iyong cupboard ko sa dami ng binili niya. Alam rin niyang may part time job na ako. Noong una nagalit siya pero mas nangibabaw iyong pagiging proud niya sa akin kasi daw kumikita na ako ng sarili kong pera without the influence of our family.

Duty ko ngayon nang biglang pumasok si Baekhyun at Sehun sa fast food chain. Hindi ata nila ako napansin kasi may kausap sa phone si Sehun habang si Baekhyun naman may kung anong ginagawa sa phone niya.

"Good afternoon, sir! May I take your order?" Hindi niya ako pinansin. Busy pa rin siya sa kakalikot ng phone niya kahit nasa harap na siya ng counter. "Don't you find it rude sir for ignoring me?" This time napatingin na siya sa akin at nanlaki iyong mga mata niya. Nabitiwan niya pa nga iyong phone niya eh.

"Y-Yeol?"

Tumango ako. "What's your order, Sir Baek?" Nginitian ko siya. Iyong kitang-kita niya iyong perfect set of white teeth ko. Sabi kasi nila asset ko raw ito kasi mas lalo daw akong gumagwapo kapag full smile ako.

"B-bakit? Kaylan pa?"

"We can talk sa school later. Madami ng nakapila sa likod mo oh," napatingin siya sa likuran niya at tumambad sa kanya ang mga nakahalukipkip na babae. Tanda ko na nga sila eh. Madalas na kasi silang kumain dito. Sabi ng manager namin hindi naman talaga sila kumakain dito regularly, simula noong araw na naging crew lang daw ako.

Umorder na lang si Baekhyun at madali ko ring inasikaso iyon. Dinagdagan ko pa iyong tissue niya kasi malakas talaga siya gumamit ng tissue. Pagkaupong-pagkaupo niya, tinuro niya agad ako kay Sehun at nginitian ko na lang sila parehas. Bago ko pa ialis yung tingin ko sa kanila, nahagip ng mata ko na papasok ng pintuan si Luhan hyung.

Bakit ko siya kilala? Team captain namin iyan sa soccer team sa school. Noong umalis siya ng school at lumipat sa ibang university, umalis na rin ako sa team. Ewan ko ba kay Luhan hyung. Sinayang niya iyong pinagsamahan namin as a team at bilang magkakapatid, pero wala naman akong galit sa kanya. Desisyon niya iyan eh. Sinabihan naman ako ng manager namin na pwede na raw akong mag-out. Alam niya kasing ngayon iyong recognition naming mga undergraduate students. At kaylangan kong umattend doon dahil rank #1 nga ako. Sabi ni Yoora noona aattend daw siya, ayaw niya kasi i-break iyong chain niya na sa apat na semesters na ako iyong rank #1 siya lagi iyong umaakyat sa stage para magsabit sa akin ng medal.

Lalagpasan ko na sana yung table nila Baekhyun, Luhan hyung at Sehun nang bigla akong hinatak ni Baekhyun pabalik. Improving talaga, nagiging touchy na siya sa akin ngayon. "Sehun, Luhan hyung, mauna na ako. Sasabay na ako kay Chanyeol. Sunod na lang kayo, ha! Malapit na mag-start iyong recognition. Si Chanyeol iyong rank #1! Bye!"

"What was that, Baek?"

Tumigil siya sa paghila sa akin at nagpout na naman. "Nakaka-out of place kasi si Luhan hyung at Sehun. Hindi ko naiintindihan pinag-uusapan nila."

"Haynako, Baek. Syempre, si Luhan hyung at Sehun iyan."

"Oh, ano naman ngayon?"

This time ako naman yung pumitik sa noo niya, napapikit pa. Puppy!Baekhyun talaga. "Inseperable kasi iyang dalawa na iyan noong hindi pa lumilipat si Luhan hyung ng school. Hindi mo ba alam?" Umiling naman siya kaya I faked a hurt. "Ouch lang, ha. Ganyan ba talaga kami kainvisible sayo dati, Baek?"

"Ewan ko sayo! Tara na nga! Siguraduhin mong maganda speech mo mamaya ha!" Parang bata siyang nagtatatakbo palayo sa akin. Haynako.

"Kung nakikinig ka lang kasi sa mga speech ko dati, malaman kaya lahat ng speech ko!" Sigaw ko at sumunod na lang ako sa kanya.

"Edi dapat mas malaman ngayon. More feelings!"

"Gusto mo isama kita sa speech ko para more feelings?" Parehas kaming napatigil sa pagbabatuhan ng salita. Oo, crush ko si Baekhyun pero ngayon ko lang ulit naisip iyon. Wala lang. Kapag kasama ko kasi siya nawawala ako sa sarili ko eh. Ang awkward tuloy ngayon.

"Nako! 'Wag na! Hindi bale! Next school year ako ang magbabanggit sayo sa speech ko dahil naagaw ko na sayo iyong rank #1. Tandaan mo iyan, Park Chanyeol!" And he flushed his smug grin.

Natatawang naiiling na lang ako habang naglalakad sa likuran niya. "Okay po. Scared ako. Haha!"

-

-

Pagdating namin sa function hall, nagsisimula na iyong recognition. Saglit lang naman ito kasi after nito recognition na ng 3rd year students. Tinatawag na rin iyong Magic 10. Ang baduy diba. Ewan ko ba dyan kay Tita, sa dami ng pwedeng gamitin magic pa talaga. Nakita ko namang nakaupo si Yoora noona sa tabi ni Tita kaya kumaway na lang ako sa kanya. Ang ganda talaga ni Yoora noona. Kaso wala pang boyfriend. Ilang taon na iyan ha. Ipakilala ko kaya kay Baekbom hyung? Kaso kasal na nga pala si hyung. Hindi naman pwede si Baekhyun kasi akin siya. Akin! Akin lang!

Nasa stage na iyong 6th to 10th Magics, hindi ko sila kilala lahat, ang kilala ko lang doon ay sina Kai, Minseok hyung at Kyungsoo. Tinawag naman yung 5th Magic which is si Sehun na hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik dito. Napasarap na naman siguro kwentuhan nila ni Luhan hyung. 4th Magic naman si Kwon Jiyong. Tapos ang 3rd ay si Suho hyung.

"And the 2nd Magic, Byun Baekhyun!" Konti lang iyong nagpalakpakan and mostly puro kapwa pa naming lalaki kaya sumigaw ako ng Congrats, Baek! tapos awtomatikong nagpalakpakan lahat ng tao sa function hall. Ang hard kasi nila talaga sa kanya. Nakakainis. Tumabi si Baekhyun kay Suho hyung ng may malaking ngiti sa mukha. Sa apat na semester na pagiging rank #2 niya, ngayon lang siya nakatanggap ng napakaraming palakpak sa totoo lang, at hindi ko hahayaan na yun ang maging una at huli.

"And may we call our guest, Park Yoora to hand the plaque of recognition to our 1st Magic none other than her younger brother, Park Chanyeol!" Hindi ko pinansin iyong ibang nagco-congratulate sa akin. Kasi namumukod tangi si Baekhyun sa kanila.

"Whooo!! Congratulations, Yeol!!!" Bahagya pa siyang tumatalon habang chini-cheer ako. Looks like I've got one little fanboy out there today.

"Uhm? Hello good afternoon. Pang-apat na speech ko na ito sa harap niyong lahat. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mukha ko?" Karamihan ng sumagot ay mga babae na nagsasabing Hindi pa! kaya natawa na lang ako, "Okay, sige. Pero out of those 4 speeches, including this, this will be the most memorable one. Kaya pagpansensyahan niyo na in advance kung magiging emotional ako sa speech na ito ha," huminga ako ng malalim. Sa totoo lang wala akong inihandang speech. Impromptu ito. Dati talaga nagpupuyat pa ako para sa speech ko pero ngayon hindi, parang kabisado ko na kasi lahat ng sasabihin ko.

"Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa itaas, sa Kanya. Sa panibagong taon na pinagsamahan natin. Sa panibagong taon na tatahakin nating muli. Pangalawa, gusto kong pasalamatan niyo iyong mga magulang niyo pag-uwi dahil sila ang puno't dulo bakit tayo nandito ngayon," pumikit ako. May nagbabadyang luha na kasi sa kaliwang mata ko. "Mommy, Daddy, alam ko pong ni minsan hindi kayo naka-attend ng recognition ko, pero hindi po ako nakaramdam ng tampo o galit. Naiintindihan ko po na busy kayo sa China. Pero hindi ko po maiwasang magtampo sa inyo lalo na sayo, Daddy. Hindi ko inaasahan na kaya mong gawin sa sarili mong laman at dugo iyon. Pero inintindi ko pa rin. Pilit na iniintindi. Mahal na mahal ko po kayo," hindi ko na napigilan dahil tumulo na talaga yung luha ko. Sobrang miss ko na kasi sila. Hindi sa ayaw kong kasama si Yoora noona pero kasi iba pa rin kapag mga magulang mo iyong nanonood sayo.

"Yoora noona, salamat. Salamat sa pag-titiis mo sa akin kahit napakasakit ko sa ulong kapatid. Miss na rin kita. Gustong-gusto ko ng umuwi ng bahay pero hindi pa pwede kaya magtiis na lang muna tayo," napuno ng bulong-bulungan yung function hall. Syempre, ang isang Park Chanyeol pinalayas sa bahay nila. Who would've thought diba?

"Pangatlo, sa mga kaibigan ko. Suho hyung, Minseok hyung, Chen, Kyungsoo, at Kai, salamat sa pagsuporta sakin palagi. Hindi ko na iisa-isahin iyon dahil alam kong alam niyo na iyong mga tinutukoy ko. Pang-apat at huli, sa isang tao na naging inspirasyon ko sa loob ng dalawang taon, salamat. Salamat dahil finally hinayaan mo na akong pasukin ang misteryoso mong mundo. Salamat sa pagiging dahilan ng bawat ngiti ko. Salamat sa pagsama sa akin sa paghahanap ng apartment. Salamat sa pagtuturo sa akin kumain sa fast food chain. Salamat, Byun Baekhyun."

Continue Reading

You'll Also Like

354 61 11
My mind knows you are in better place, where there is no pain. You are at peace. I understand that, I just wish I could explain that to my heart.
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
112K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
128K 5.1K 50
Something That We're Not written by:post_it_girl Genius vs. Genius Malalaman kaya nilang mahal nila ang isa't isa? Anong papairalin nila? Ang dinidik...