[COMPLETED] Untouchable B

By afireselu

117K 6K 2.6K

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano ni Baekhyun sa buhay? Will the Untouchable B remains... More

Panimula
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanta
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikalabing-dalawampung Kabanata
Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't dalawang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata
Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata
Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata
Wakas
Untouchable B Book Two: Unreachable C
Unang Kabanata
체리's 💙 note
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
체리's announcements:
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Wakas

Unang Kabanata

5.6K 258 83
By afireselu



Park Chanyeol.

"Park Chanyeol, nasaan ka?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko, iyong prinicipal pala at nakatayo siya sa tapat ng pintuan namin.

"Mrs. Park, bakit po?" Iyong president naming napakamapapel, kababaeng tao. Sabi nila may crush sa akin kaso natuturn off ako sa mga ganitong klaseng babae. Tsaka isa lang naman ang gusto ko eh.

"Mrs. Park, bakit niyo po ako pinapatawag?" Tita ko iyong principal namin dito pero hindi ko iyon pinagkakalat at hindi ako nagtetake-advantage sa pagiging pamangkin niya.

"Ah, maari mo bang ihatid itong class attendance ng 2B sa classroom nila?" Bago pa man ako makasagot at makatanggi ay umalis na siya.

Hays, si Tita talaga. Close kasi kami at alam niyang may nagugustuhan akong estudyante sa 2B kaya kapag may kaylangan siya sa kanila, ako lagi iyong ginagawa niyang messenger. Nawawalan ng silbe yung president namin dahil sa ginagawa niya. Katabing classroom lang naman namin iyong 2B kaya rinig na rinig ko iyong ingay na nanggagaling sa room nila.

Binubully na naman siya. Pero parang invisible lahat ng tao sa paligid niya. Iyong para bang hindi niya naririnig iyong mga pasaring para sa kanya. Isang tao lang naman ang pinapansin niya dito sa schoolㅡsi Oh Sehun. Noong una hindi niya rin naman pinapansin iyon, kalaunan nagulat na lang kami na close na pala sila. Ano bang meron sa kaniya na wala sa akin para hindi niya ako pansinin? Maging bulol na rin kaya ako?

"Hi, Chanyeol!" Hindi ko alam na may nagbukas na pala ng pintuan ng classroom nila. Bukas iyong first two buttons ng uniform nitong babae na ito. Ano bang akala niya sa school namin?

"Pwede ko bang makausap president niyo?" Pero imbis na sagutin ako ay mas lumapit siya sa akin. No, mas nilapit niya sa akin iyong dibdib niya. Sa totoo lang naiilang ako, hindi ako naaakit sa ginagawa niya kaya tinulak ko na lang siya ng bahagya at diretsong pumasok sa room nila.

Natahimik naman sila dahil sa biglaang pagpasok ko. May naabutan pa akong may hawak ng eraser at nakatutok sa ulo si Baekhyunㅡna kasalukuyang nakadukdok ang ulo sa arm rest ng kanyang upuan.

"Ipagpaumanhin mo na ang pangingielam ko pero maari kang ipasuspend sa school na ito sa loob ng isang linggo dahil sa pananakit ng kapwa mo kaklase," mukhang natakot naman siya sa sinabi ko at naupo na sa upuan niya. Mabuti naman.

"Hey, Chanyeol! What brings you here?" Nginitian ko si Tiffany. Siya iyong class president ng 2B, medyo annoying pero we somehow get along kasi mabait naman siya.

"Tiffany, may pinapaabot kasi si Mrs. Park, class attendance niyo raw."

"Ay, gano'n ba? Pero hindi na kasi ako iyong president ng class namin kaya wala na akong karapatan na kunin iyan sayo. Wait lang, tawagin ko," dali-dali naman siyang naglakad sa kinaroonan ni Baekhyun.

Si Baekhyun ang bago nilang president?!

"Uy, Baek! Pwede bang pakikuha ng class attendance natin kay Chanyeol? Since ikaw yung bagong na-elect na president, isa sa mga responsibilidad mo iyon," akala ko dededmahin niya lang si Tiffany pero nagulat ako nang tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa kinaroroonan ko.

Ako lang ba o parang kumikinang siya at bumabagal ang lahat ng mga kumikilos dito? Madalas ko siyang pinagmamasdan pero kakaiba yung aura niya ngayon. Ang ganda. Sobra.

"Uhm? Pwede ko na bang makuha?" Pinagmasdan ko muna iyong kamay niya, ang ganda talaga nito. No wonder napagdidiskitahan palagi ito ni Kai kapag sinusundan ko siya.

"A-ahh, sure," nanginginig kamay kong inabot sa kanya iyong folder na naglalaman ng class attendance nila.

"Salamat," kung pwede lang akong tumalon, ginawa ko na! Nginitian niya ako! Ni minsan hindi ko nga naisip na kakausapin niya ako dahil nga siya si Untouchable B tapos nginitian niya pa ako? Pero syempre bawal akong tumalon at magsisigaw dito kasi baka matakot sila kaya lumabas ako ng room nang pigil ang hininga at namumula ang tenga.

Kinikilig ako!

Pagpasok ko ng classroom naabutan kong nag-aannounce iyong president namin na wala raw kaming first subject dahil may meeting si Mrs. Kim, kaya itong anak niyang si Kai hinila ako pabalik sa labas ng room kasama si Chen.

"Hoy, kapre! Bakit namumula iyang tenga mong malaki? Sinong kumagat niyan, ha? Ha?!" Binatukan ko na lang si Chen dahil tinawag na naman niya akong kapre, palibhasa inggit kasi sa height ko eh.

"Ay! Oo nga, Chanyeol hyung! Bakit namumula iyong tenga mo?" Inirapan ko na lang si Kai, gagatong pa kasi.

"Wala! Bakit ba tayo nandito sa labas? Mamaya may makakita sa ating faculty eh!"

"Sus! Alam ko namang hindi hahayaan ni Tita na ma-detention iyong paborito niyang pamangkin!" Kita mo itong si Chen, palibhasa silang dalawa at iyong iba pa naming kaibigan lang nakakaalam na Tita ko si Mrs. Park kaya ganito makaasta eh.

"Iniiba ni Chanyeol hyung ang usapan! Bakit nga kasi namumula iyong tenga mo?"

"Haynako Kai, 'wag ka ngang makulit. Pasakan ko ng manok iyang bibig mo ng matahimik ka," bigla namang nagningning iyong mata niya dahil sa manok na iyan. "Lumayu-layo ka nga ng kaonti kay Chen! Nahahawa ka sa pagiging abnormal eh!" Tinulak ko ng mahina si Kai.

"Hoy, Chanyeol! It runs in the blood kaya!" Pagbawi ni Chen.

"Eh bakit si Suho hyung at Minseok hyung hindi naman abnormal katulad mo?" Magpipinsan kasi silang apat nila Suho hyung, Minseok hyung, at Kai. Ewan ko ba dito kay Chen bakit ganyan iyan.

"Chanyeol hyung, kung sinasabi mo na lang kasi iyong rason bakit namumula ang tenga mo edi sana hindi ka na binubwisit nitong si Chen hyung, diba hyung?!" Siniko naman ni Kai si Chen at nakangising tumango.

Tignan mo itong si Chen uto-uto pa. "Oo nga, Chanyeol! Edi sana—hoy Kai! Anong sinasabi mong binubwisit ko si Chanyeol, ha?!" At ayan na naman silang magpinsan, nagbabangayan na naman.

Tumigil lang sila noong dumating si Kyungsoo kasi parehas na takot iyang dalawa sa kanyaㅡno screw it, actually lahat kaming magkakaibigan takot kay Kyungsoo. Isang malutong na batok sa ulo ang inabot ni Chen kay Kyungsoo." Bakit sinasaktan mo na naman si Kai ha?!"

"Hoy, Kyungsoo! Hyung mo pa rin ako kaya 'wag mo akong binabatukan, ha! Tsaka si Kai naman ang nanguna, eh. Diba Chanyeol? Diba?" Umiling ako dahilan para mas sumama iyong tingin ni Kyungsoo kay Chen. Hanggang ganyan lang naman iyang dalawa na iyan, walang personalan.

Nakaramdam ako na parang may nagmamasid sa aming apat. Paglingon ko nakita ko si Baekhyun na nakadungaw sa bintana at nakangiti sa direksyon namin. Ibig sabihin kanina niya pa kami pinapanood dito?! Agad naman siyang napabalik sa katinuan nang magtama iyong mga mata namin at namula siya. Ang cute! Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang hinila ni Sehun paupo at sinarado iyong sliding door.

-

-

Pagkatapos ng saglit na eye contact namin ni Baekhyun noong nakaraan ay wala ng sumunod pang pangyayari. Masyadong busy dito sa school kasi final examinations noong nakaraan. Hindi naman por que may gusto ako kay Baekhyun ay hahayaan ko na lang na makuha niya sa akin yung rank #1 kaya nagpakabusy din ako sa pagrereview. Ngayong araw nila ilalabas iyong bagong listahan ng rankings ng bawat year level. Ngayon din malalaman kung sino iyong mga maaalis sa mga star sections bawat year at kung sino rin naman iyong madadagdag. Expected ko na naman na ako pa rin iyong rank #1 dahil kami ni Tita iyong nag-puyat kagabi para ayusin iyong rankings per year level. Minsan nagi-guilty na rin ako kasi parang walang thrill iyong buhay ko. Given na agad na ako iyong rank #1 kasi nga richest family kami sa buong bansa.

"Baekhyun hyung, congratulationth! Namaintain mo yung pagiging rank #2! Pathok ka na sa 1A!" Isa lang naman ang natatanging ganyan magsalita dito sa schoolㅡsi Sehun.

At bakit hindi ko nga ba napansin na qualified si Baekhyun makapasok sa section namin? Apat na semester ko na rin kasi siyang runner up. Wow, magiging classmates na kami.

"Ayaw ko doon, Sehun. Mas gusto ko sa 2B. Bakit kasi hindi ka nag-aral ng mabuti?" Isa ito sa mga rare moments na nakapout si Baekhyun. Sa tanang buhay kasi ng pag-sstalk ko sa kanya, it's either nakayuko siya or emotionless lang iyong mukha niya. Si Sehun lang talaga may kayang magpabago ng mood ng Untouchable B na ito.

"Thorry, hyung! Thi Luhan hyung kathi hindi ako tinuturuan ng maayoth eh!" Napailing na lang si Baekhyun at ginulo ang buhok ni Sehun.

Napansin ata nila na nakatingin ako sa kanila kaya napatingin sila sa gawi ko at nagtago si Sehun sa likod ni Baekhyun. "C-Chanyeol hyung. . ."

"Sehun," nginitian ko na lang siya, ewan ko diyan bakit natatakot sa akin iyan, wala naman akong matandaan na may mali akong ginawa sa kanya. "Baekhyun."

"Tara na Sehun," ni hindi man lang niya ako nilingon at dali-dali na niyang hinila si Sehun palayo.

-

-

Sa sobrang pagkadismaya ko sa ginawa ni Baekhyun kanina, hindi ako pumasok buong araw. Tumambay lang ako sa puno sa soccer field at natulog.

Byun Baekhyun, bakit ang hirap magpapansin sayo?

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 405 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
985 159 23
Sa bawat pag-indayog ng musika, bagong kabanata ang naisusulat. Mga kabanatang hindi natin alam ang magiging simula at wakas, ngunit tayo ay patuloy...
315K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
128K 5.1K 50
Something That We're Not written by:post_it_girl Genius vs. Genius Malalaman kaya nilang mahal nila ang isa't isa? Anong papairalin nila? Ang dinidik...