I'm in Love with a Ghost (Com...

By DominaeScriptor

71.1K 3K 275

Ang "love" walang pinipili 'yan. Kasarian, itsura, hugis ng katawan, taas at estado sa buhay. Kahit nga isa... More

P R O L O G U E
O N E
T W O
T H R E E
Chapter 4: Her Family
Chapter 5: Jealous
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12: Itigil na natin 'to
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15: His POV
Chapter 16: His POV
Chapter 17: Her POV
Chapter 18: Her POV
Chapter 19: Her POV
Chapter 20: Her POV
Chapter 21: Her POV
Chapter 22: Her POV
Chapter 23: Her POV
Last Chapter

Chapter 6

3K 136 16
By DominaeScriptor


Gulat ang makikita sa mukha nilang dalawa. Pareho silang nanlalaki ang mga mata. Nagkatitigan at parehong hindi makagalaw.

Si Zoey ang unang nakabawi sa pagkagulat. Itinulak niya si Cyrus at mabilis siyang tumayo.

"Z-Zoey.. I- I did not mean it." nauutal na sabi ni Cyrus.

"U-uwi na ako Cy, mauuna na ako!" 'yun lang ang sinabi ni Zoey at mabilis na itong tumakbo.

"ZOEY, WAIT!" sigaw ni Cyrus pero patuloy pa rin sa pagtakbo palayo ang dalaga.

Napaupo si Cyrus sa damuhan habang hawak niya ang labi niya. Paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang mukha ni Zoey habang gulat na nakatingin sa kanyang mga mata. Pakiramdam din niya ay nakadikit pa rin sa labi niya ang malambot na labi ni Zoey.

Napangiti siya habang iniisip ang reaksyon ni Zoey kanina.

"First kiss niya siguro ako." natatawang sabi ni Cyrus.

Mabilis na Pumasok si Zoey sa bahay nila, hindi na niya napansin ang pag tawag sa kanya ng Mama n'ya at ng kuya niya. Lutang na lutang siya. Paulit ulit din na pumapasok sa isip niya ang nangyari kanina. Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay agad nyang ibinalibag kung saan ang dala niyang bag at basta basta na lang siyang humiga sa kama.

"AAAAAARRRRRRRGGGHHHHH!!! BAKIT BA KASI NANGYARI 'YUN?!" sigaw niya habang sinasabunutan ang kanyang sarili.

"ZOEY! ANONG NANGYAYARI D'YAN?! MAY PROBLEMA BA?! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" napatigil siya sa paghuhumerintado n'ya nang marinig niya ang tawag ng kanyang Kuya sa labas ng kwarto n'ya.

"ZOEY!"

"AH-ANO-WALA! WALA LANG KUYA! NAGULAT LANG AKO SA DAGA." sigaw niya. Mabilis siyang pumunta sa pintuan para buksan iyon. Bumungad naman sa kanya ang Kuya n'ya na nakakunot ang noo.

"DAGA?! Paanong magkakadaga sa bahay natin e araw araw nag ge-general cleaning si Mama?" nagtatakang tanong ng Kuya n'ya.

"M-may daga nga Kuya. Tumalon pa nga sa bintana kasi hinabol ko. Akala siguro ng dagang 'yun e kamag-anak n'ya si Superman." sabi niya at pilit na tumawa.

Napalunok siya nang Makita niyang matamang nakatitig sa mga mata niya ang Kuya n'ya dahilan naman kung bakit umiwas s'ya ng tingin at tinulak nya palabas ng kwarto ang Kuya n'ya.

"Oh sya! Lumabas ka na Kuya, matutulog pa ako. Gisingin mo na lang ako kapag nakaluto na si Mama ng hapunan." hindi na niya hinintay pang makasagot ang Kuya n'ya, agad na niyang sinarado ang pinto at pabagsak na humiga ulit sa kama.

Muli na namang sumagi sa isip n'ya ang nangyari kanina. Ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, biglang pag init ng paligid n'ya at ang pagbagal ng kanyang paghinga.

"Bakit ako nagkakaganito?"

Napahawak siya sa kanan n'yang dibdib, pinakiramdaman ang kanyang puso.

"M-mahal ko na ba s'ya?"

"P-pero kalian pa? Kailan ko pa minahal ang impaktong multong 'yon?"

"Mahal mo ako?"

Napabalikwas siya sa pagkakahiga. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Cyrus.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Zoey. Mahal mo ako?" tanong ni Cyrus habang may ngisi sa mga labi niya.

"T-tumahimik ka! W-wala akong sinasabing ganoon ah!"

"Wala? Pero malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko. Nasa labas pa nga lang ako ng bintana mo, narinig ko na sa isipan mo." natatawang sabi ni Cyrus sa kanya.

"M-mali ka ng dinig!"


(Play the video)

Nawala ang mga ngiti ni Cyrus at malungkot niyang tiningnan si Zoey sa mga mata nito.

"Hanggang kailan mo ba malalaman ang katotohanan, Zoey? Hanggang kailan mo pa ba ikakaila? Hanggang kailan ka iiwas? Kailan mo ba matatanggap ang idinidikta ng puso mo? Kailan mo ba papakinggan? Patuloy ka na lang bang iiwas sa katotohanan? Kailan mo ba haharapin ang katotohanan na mahal mo ako, Zoey? Hanggang kailan mo pipilitin ang sarili mo na maniwala sa kasinungalingan na idinidikta ng utak mo?" sunod sunod na tanong ni Cyrus

Natahimik si Zoey. Humuhugot pa siya ng lakas ng loob para makapag salita. Nakayuko siya at nakakuyom ang mga kamay niya.


"Natatakot ako." naiiyak na sabi ni Zoey.


"Saan ka natatakot Zoey? Natatakot ka dahil baka gawin ko sa'yo ang ginawa sa'yo ni Patrick noon? Natatakot ka bang masaktan ulit? Wala ka bang tiwala sa'kin Zoey? Akala mo ba ganoon lang kadali sa'kin na saktan ka?" bakas na sa tono ng boses ni Cyrus ang inis.


"Hindi ako ganon kung 'yun ang iniisip mo."  tumalikod si Cyrus pero napahinto siya dahil nag salita si Zoey.


"Hindi ako doon natatakot, Cy. Hindi ako natatakot na baka gawin mo rin sa'kin ang ginawa noon ni Patrick. Natatakot ako sa katotohanan. Natatakot ako sa katotohanan na iiwan mo ako kapag natapos na ang misyon mo. Katotohanan na mawawala ka rin sa piling ko, na pupunta ka na sa langit at iiwan mo ako. Doon ako natatakot, Cy. Kung hindi lang 'yun ang totoo, kung sana ay hindi ka na pupunta sa langit, kung sana ay mananatili ka sa tabi ko hindi ako matatakot na mahalin ka Cy. Ako pa mismo ang magtutulak sa'yo para mahalin mo ako." huminto si Zoey para humugot ng malalim na paghinga. Pigil na pigil niya ang mga luha niya.


"Minsan nga naiisip ko ang saya na mararamdaman ko kapag nakasuot ako ng wedding gown, naglalakad papunta sa altar, nakangiting nakatingin sa'yo habang nakatayo ka sa harap ng altar at hinihintay ang paglapit ko. Naiisip ko rin ang masayang buhay kasama ka habang sabay nating pinapanuod ang paglaki ng mga magiging anak natin pero Cy, kahit na isipin ko ang mga 'yon sinasampal pa rin ako ng katotohanan. Katotohanan na ang lahat ng iyon ay isang pangarap lang. Katotohanan na aalis ka, mawawala at iiwan akong nag iisa." sa mga oras na 'yon, hindi na napigilan pa ni Zoey ang mga luha niya.

"Kung pwede nga lang na maging makasarili ako Cy, gagawin ko e. Pero naisip ko, kung hindi kita tutulungan sa misyon mo, mananatili ka nga sa tabi ko pero ang tanong, paano ka? Ang misyon mo? Paano na ang langit na matagal mo ng gustong puntahan? Kung ako rin lang ang masusunod, mas gusto kong makasama ka Cy, pero paano naman ako magiging masaya kung nakikita ko namang nahihirapan ka? Sige, aaminin ko na. Mahal kita, Cy. Hindi ko alam kung kailan, bakit at paano, basta ang alam ko lang mahal na kita. Pero kung ang pagmamahal ko sa'yo ang magiging dahilan para mapunta ka sa impyerno dahil hindi mo natapos ang misyon mo, mas mabuti pang ako na lang ang mag sakripisyo. Mas mabuti pang ako na lang ang masaktan."

Nagulat si Zoey nang maramdaman niya ang mga braso ni Cyrus na nakayakap na sa kanya.


"Masyado ka ngang makasarili, Zoey. Bakit hindi mo man lang ako tinatanong? Alam mo rin ba ang nararamdaman ko? Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Patay na ako pero pakiramdam ko mabilis na tumitibok ang puso ko. Sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita, nakakausap at kapag kasama kita Zoey, parang buhay ako at kinakapos ako ng hininga."

"Mahal kita, Cy. Mahal na mahal kita pero handa akong isuko ang kaligayahan ko, 'wag ka lang mahirapan."


"Paano kung ang pagsuko mo ang dahilan para mas mahirapan ako Zoey? Ikaw lang ang nakikita kong dahilan ngayon para tapusin ang misyon ko. Ikaw lang ang dahilan kung bakit hindi pa ako sumusuko, kung bakit nananatili pa rin akong nakakapit kahit na pakiramdam ko unti unti mo na kong binibitawan."


"Hindi na kita bibitawan, Cy. Bakit pa kita bibitawan ngayong alam ko ng nakakapit ka?"


"Magtiwala ka lang, Zoey. Sigurado ako na may dahilan Siya kung bakit tayo nagkakilala at sigurado ako na may plano Siya para sa'ting dalawa."

Wala ng nagsalita pa sa kanilang dalawa. Nagkatinginan na lamang sila. Tingin na punong puno ng pagmamahal para sa isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 773 28
Sa Isang School Ay May Isang Section na Only 34 students lang. Kilala ang section na ito bilang Isang AQUA SECTION ang section na puro matatalinong s...
5.8K 1.4K 68
A Lola's girl named Mia Cariñoso, a loner yet tough, a kind yet blunt but this girl has lot's of doubts in her life but later on her doubts and lones...
21.5K 246 70
Halika mga apo mag balik tanaw tayo sa kuwento ni lola Basya at sabay-sabay natin buksan ang kanyang mahiwagang libro at maglakbay sa mundo na puno n...
10M 310K 68
(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action.