Trigger and Bullets

By seveinnah

219K 4.9K 1.3K

Mine isn't your kind of tale. I am not to kiss and expect a happily-ever-after. But certainly, I am destined... More

Trigger and Bullets
bullet 1 - hellhole
bullet 2 - losing grip
bullet 3 - two orbs
bullet 4 - flame and frost
bullet 5 - in the shadows
bullet 6 - caught
bullet 8 - lied
bullet 9 - the calm before the storm
bullet 10 - before the worst
bullet 11 - in for the kill
bullet 12 - desensitized
bullet 13 - darker path
bullet 14 - dusk to dawn
bullet 15 - touch move
bullet 16 - bloodstained (part 1)
bullet 17 - bloodstained (part 2)
bullet 18 - memories
bullet 19 - poison sip
bullet 20 - after the masquerade
bullet 21 - the lost chapter
bullet 22 - underneath
bullet 23 - death-kissed
bullet 24 - sunlight shadows
bullet 25 - skull and bones
bullet 26 - an epilogue
bullet 27 - unanswered
bullet 28 - harrowing touches (part 1)
bullet 29 - harrowing touches (part 2)
bullet 30 - enigma
bullet 31 - hide and seek
bullet 32 - dungeon and dragon
bullet 33 - sicilian defense
I wish I could tell you how much I want to bleed but I can't write right now.
Untitled

bullet 7 - resurface

6.5K 151 31
By seveinnah

Dear Sev,

Take your sadness and jot it on a page.

Yours truly,

Sev.

 

+++

Bullet seven

This moment made me realize two things. First, death on the horizon is not the end itself, it’s a query line. Would you let your feet step across the horizon or would you do brave thing to turn the wheels and continue fighting? Second, even if you had chosen to spin the wheels but your anchor was down you’d eventually die. There’s no more when your time is up.

Ang pangalawa ang mas makatotohanan ngunit may parte sa akin, maybe just my body, na gusto ilutang ang una. Sumuko na ang utak ko ngunit hindi ang katawan. Patunay nito ang mahigpit kong paghawak sa manibela, alas tres at alas nuwebe ang posisyon ng aking mga kamay at hinintay ang pagbagsak namin sa tubig. I was worried like hell about Dana but I didn’t have time to help her. Darn. I didn’t have time to help myself either. We were going to die… hard.

Bam!

The seatbelt was useless from the impact, my head still knocked the car’s ceiling but it wasn’t enough to make me unconscious. Or kill the life out of me. Bakit hindi pa ako nawalan ng malay sa lakas ng pagkakauntog ko? Parang sinipa ng sampung beses ang sakit ng ulo ko. Ugh! Hardheaded girls die slow—but eventually will die. The paranoia of waiting for death to arrive intensified as water began filling up the car from the open skylight.

The emergency balloon that bloated after the impact thwarted me to move even after unlocking my seatbelt. Holly freaking bloody shitty hell! Masyadong maraming airbag! Pati sa paanan ko may airbag! Nararamdaman ko na ang tubig na mabilis na umaakyat sa aking tuhod while I pushed and punched the airbag to no avail. I needed something sharp… Lumingalinga ako sa loob ng sasakyan. There was no time to go shopping for knives so I used what I had in me. I bit the balloon in front of me. Lumabas ang hangin kasabay ng pagdurugo ng aking gilagid. The water reached my waist as I pulled Dana and I began shaking as I took in what I was planning… I don’t know how to swim. I can’t freaking swim!

Nasa leeg ko na ang tubig and I gave up. Hindi ko dapat tinakasan ang mga swimming lessons ko noong bata ako, hindi ko naman alam na kakailanganin ko pala ang mga iyon.

Totoo na ito ngayon, kung hindi ako namatay sa kamay ng demonyong iyon sa tubig sigurado na akong wala na akong takas.  Hinawakan ko ang kamay ni Dana and twitched her fingers, hoping she’ll wake up. But she didn’t. I can’t even tell if she’s alive or not. Tears escaped from eyes as I digested the possibility.

I closed my eyes and imagined happy things. At least I wanted my mind to be happy before I give up my last breath. The faces of my Mom and Dad danced in my mind. Magkayakap silang dalawa na parang tunay na nagmamahalan. The scene changed, I saw my Dad and I doing boogie dance steps as my Mom clapped her hands. We were in pyjamas and bare foot.

I looked happy and complete.

If death is as sweet as this, let it be.

The sudden pressure of water galloping my face forced me to open my eyes. Nakita ko ang dalawang silhouette ng tao sa windshield as I gasped for air (but I took in water). My badboy came. Did he come to finish my life on his own hands? Bakit pa siya nag-abala, mamatay naman na rin lang ako?

I felt it coming, wala na akong hangin at masakit na ang magpigil hininga. I did not care to fight, I stayed stiff under the water, pumikit at nag-antay ng katapusan. Nang hindi ko na kaya, huminga ako kahit na alam kong tubig ang papasok sa akin. I took in water from my nose and mouth and it hurt! Then I felt a hold on my nape and a flesh crashed my mouth. Pumasok ang mainit na hangin sa bibig ko as I opened my eyes and saw his face close to mine. The badboy was giving me air.

Hinila niya ako mula sa upuan at inilabas mula sa pintuan. Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa aking batok at bewang habang humihinga ako sa kanya.

Anong ginagawa niya? Ano ba talaga siya? Ano ba talaga ang gusto niya? Bakit hindi niya ako hinayaang malunod? Hindi ba napunta kami sa sitwasyong ganito dahil gusto niyang kitilin ang buhay ko?

Inilangoy niya ako pataas.

Nakaahon kami at buong bigat ko dala ni Devin, I could freely breathe from my nose but his soft lips were still attached to mine.  Itinatangay kaming dalawa ng alon pero wala siyang pakialam. His lips started to move, slowly and careful to seeking and dominating. He tasted like mint, first dew drop and Juicy Fruit gum. Nakakapagtakang narehistro sa utak ko ang lasa ng mga labi niya kung sobrang hinang-hina na ako.

“Lorraine…” he whispered after breaking the uncalled-for kiss, before I lost consciousness.

***

 

I woke up from a nightmare. Actually it wasn’t a nightmare, it was just a feeling. I thought I was really drowning. I was breathing hard and my eyes were staring at the unfamiliar ceiling. For a second I was confused. Hindi kulay asul ang aking kisame at hindi bumbilya ang ilaw ng sarili kong kwarto. Hindi rin kasing tigas ng hinihigaan ko ang aking kama. Nasaan ako?

Babalikwas na sana ako sa matigas na papag nang sabay-sabay pumasok sa aking isipan ang mga nangyari. Mula sa pagpasok ko sa Equipment room, pagtatago sa ilalim ng mesa, pagsaksi kung paano niya balatan ng buhay ang isang lalake, pagsaksak ko sa kanya ng scalpel, pakikipagunahan ko sa itim na sedan, pakikipagbarilan ni Dana, ang takot na mukha ng isang babae na may kargang bata, ang pagtalon ng sasakyan sa malalim na ilog, ang pagsuko ko na iligtas ang buhay namin, ang halik na bumuhay sa akin.

Dahan-dahan akong umupo sa papag. Nanlamig ako at kinabahan nang mapansin kong wala akong ibang suot kun’di panloob at manipis na t-shirt ng lalake. Nang ibababa ko na ang paa ko sa kawayang kama naramdaman ko na may nakatali sa paa ko. Itinaas ko ang kumot at nakita ang handcuff na nakakabit sa akin, may mahabang bakal na kadena itong katuloy. Sinundan ko ng tingin ang kadena at tumigil ang mga mata ko sa dulo ng kwarto.

Pinaglalaruan ni Devin ang kapares ng handcuff, pinapaikot niya ito sa kanyang hintuturo habang tahimik na nakaupo sa isang sofa at nakatitig sa akin.

Nakipagtitigan muna ako sa kanya bago nagsalita. “Nasaan ako…? Bakit ako nandito? Si Dana?”

“Sa punong himpilan. We abducted you. Si Dana nasa morge,” simpleng sagot niya.

“Stop shitting around Devin! And if you may, can you please take this handcuff off?”

“Who’s shitting around?” He mockingly looked over his shoulders. “She’s dead. Dylan was able to get her off the car but she didn’t make it. You wanna see her corpse?”

Parang may napiglas sa puso ko nang marinig iyon, my hands started to shake involuntarily so I clenched my fist as tears started to leak. “Dana is stronger than what you think Devin. She’s not dead. She can’t be dead.”

“Stop moping for the dead. Start moping for your life.” Hinila niya ang kadena at sumunod ang aking paa.

“Tanggalin mo nga ito. Hindi ako hayop!” sigaw ko na may halong iyak. Dana can’t be dead. Iyong matalinong amasona na iyon hindi madaling mamatay. Hindi niya ako pwedeng iwan. Lalo na ngayon.

Hinila niya pa lalo kaya nahulog na ako ng tuluyan sa sahig. Hinawakan ko ang kadena at hinila ko rin iyon gamit ang buong lakas ko. Hindi niya inasahan ang pagganti ko kaya halos matanggal ko siya sa kanyang inuupuan. I was sobbing and he was smiling that lopsided smile. Hihilain ko na sana ulit siya pero naunahan niya ako. He towed me and as a reflex naghanap ako ng makakapitan. Screw this! Sahig lang ang nahawakan ko kaya walang kahirap-hirap niya akong nahila papunta sa paanan niya.

He laughed.

Hinawakan ko ang gitna ng kadena at mabilis na tumayo para sa pagbabalak na sakalin siya gamit nito. Kaso nahawakan niya ang aking mga kamay bago ko pa maipulupot sa kanyang leeg. Ang pagitan ng mga mukha namin ay ang bakal na hawak ko. Umiling siya habang nakangiti. “Kung ako sa iyo, I’ll behave like a slave. Hawak ko ang buhay mo ngayon, Lor--”

“Bakit mo pinutol? Lorraine? Who’s that b!tch? Someone who ripped off your heart?”

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng nakakapangilabot na titig mula sa kanyang mga mata. Unexpectedly, he knocked me down on the floor. “Ouch! Screw you, you maggot!” He hovered above me. Sheeeet!  Inangat niya ang T-shirt na suot ko hanggang sa aking bewang. I punched and slapped his bare chest as hard as I could. “Don’t touch me with your filthy hands!”

“Behave, my Venice,” bulong niya sa aking leeg. Kinilabutan ako sa tono ng boses niya. Balak ba niya akong-- naputol ang pag-iisip ko nang marining kong bumukas ang pinto.

“Get off her,” sabi ng isang tinig. I continued to slap Devin until he moved out above me. Tinulungan ako ng lalake na makatayo at ayusin ang damit ko.

“I am Dexter. Pleased to finally meet the heiress. Ako na ang hihingi ng tawad sa ugali ng aking nakababatang pinsan.” Iniabot niya sa akin ang kanyang kaliwang kamay. Ibinulsa niya ito nang hindi na niya mahintay ang aking pagtanggap. Hindi ito ang oras para makipag-meet and greet sa kapamilya ng demonyo. Sigurado ako na demonyo rin ito.

“Dana said you’ve eaten nothing since yesterday kaya dinalhan kita ng mamakain.” Sumulyap siya sa kama ngunit hindi ko sinundan ang kanyang mga mata.

“S-s-he’s alive? Where’s she?” I couldn’t hide the desperation in my voice.

"Very much alive,” aniya. Tiningnan ko ng masama si Devin. “Ika’y aking ihahatid sa kanyang kinaroroonan pagkatapos mong kumain,” wika ulit ni Dexter.

“Wala akong gana, maaari na tayong umalis ngayon.”

“Hindi ko nais ang may nasasayang na pagkain, kung iyong mamarapatin maaari mo na bang simulan ang nakahain?” magalang ngunit puno ng otoridad niyang wika. Tumango na lamang ako. He’s… intimidating. Siguro dahil sa kanyang napakapormal na buhok at pananalita.

“Devin, keep it in your pants. Dana will kill all of us if you touch her.”

“Ha Ha,” Devin faked a laugh. "I was just teasing her."

Bigla ko na lamang naramdaman ang hapdi ng sikmura ko pagkalabas ni Dexter sa kwarto. Dahil doon tiningnan ko ang nasa kama; baked macaroni, brownies, fruit salad at Ponta ang nasa tray. Buhay si Dana, hindi nagkataon na paborito ko ang mga naihain sa akin, siya ang nagsabi ng ibibigay sa akin. Sinimulan ko ang pagkain at hindi pinansin ang isa pang nilalang na kasama ko sa silid.

Bang.

Halos mahulog ko ang tray na nasa kanlungan ko dahil sa gulat. “What’s wrong with you? Kung papatayin mo ako, sige na! Wala naman akong kalaban-laban ‘di ba?” sigaw ko kay Devin. Nagpaputok siya ng baril at malapit sa akin ang pinuntirya niya.

“Tinanggal ko lang ang kadena.”

Napatingin ako sa paa ko, nakakapit parin sa akin ang handcuff pero putol na ang kadena. May isang pulgada ang natira sa akin.

“Hindi magandang tanawin.”

I didn’t understand the last one that he said so I just rolled my eyes at him. Bloody hell, muntik na ako kanina. Ano ba ang problema ng taong ito at napakarahas niya? And damn so suggestive. “Mapapatay na talaga kita sa susunod na dumampi pa ang balat mo sa akin." Tinapangan ko ang boses ko. Was he trying to-- crap. Kapag hindi ba dumating si Dexter--

"Huwag kang mangarap na totohanin ko iyon, Fronda. You're not tempting, and not even cute."

"What are you up to, Devin?” tanong ko, hindi ko pinansin ang huli niyang binigkas. I devoured at my baked mac habang nagaantay ng kasagutan. When was my last meal? Nasa kuta na ako ng mga demonyo nagagawa ko paring kumain.

“It’s not for you to know.”

“That sucks, you know. Patay na kayong lahat ngayon.”

“Care to enlighten me on why, please?” Kinuha niya ang monoblock chair na malapit sa kama at umupo sa tapat ko.

“Ilang milyon ang kelangan niyo?” They won’t kidnapped me for nothing. Maybe he spared my life for a ransom.

Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsimulang tumawa. Nagpatuloy ako sa pagsubo. “We are not after your money, Venice. You really amuse me,” wika niya. Napalunok ako habang napapansin kung paano manginig ang kanyang abdominal muscles dahil sa kanyang pagtawa. Ohh! I shook my head then took a mouthful of salad.

“Then why did you spare my life? Pinapatay ninyo lahat ng konektado sa FDI, why?”

“As much as I want to kill you, I can’t,” he said grimly.

Ngumisi ako. “Ilang beses ka na muntik magtagumpay, Devin. Now, tell me. Why are you hunting my men?”

“Hindi kakayanin ng konsensya at kaluluwa mo ang sagot sa tanong na iyan. Mas mabuti pang wala ka na lang alam.”

“This is so frustrating, you know,” I complained. “If you haven’t noticed yet I was always there each time you slaughter people. May mas karumaldumal pa ba roon na hindi kakayanin ng utak ko? The last time I checked hindi pa ako baliw.” Itinabi ko ang tray sa kama.

He studied my face, maybe contemplating on what I said. “We are not the bad guys here, Venice.” He finally answered in dark yet smooth whisper. “FDI is the bad guy.”

Bigla ko naalala kung paano niya binalatan ang kawawang mama sa Equipment room and I shivered. “You are the bad guy,” I emphasized.

“FDI killed millions of people. Wala ang bilang ng pinatay ko kung ikukumpara sa minamahal ninyong kumpanya. And there’s no way to stop them but to kill everyone who made this fvcking company the worst murderer of all time. Hanggat hindi nauubos ang nasa listahan hindi titigil ang inyong kasamaan,” he countered acidly.

Napatayo na ako. “I’m sorry but I think you are wrong. Wala kang alam.”

“See… hindi pa ako tapos sa aking sasabihin ganyan na ang iyong reaksyon.”

Hindi ko namalayang hawak ko na gamit ang aking dalawang kamay ang leeg ni Devin. I loosen my grip at him. Walang katotohanan ang kanyang mga paratang. FDI is the biggest gift the world has. We cure cancer. We develop medicines to cure other lethal diseases. How could FDI murder people kung napaka sagrado ng kanyang misyon?

“Lie. You’re lying.”

Boom!

Kasabay ng malakas na pagsabog niyakap ako ni Devin at natumba kaming dalawa sa sahig, tumama ang aking ulo sa paanan ng kama. Ang pagsabog ay nagdulot ng makapal na usok sa kwarto at ang isang dingding ay nagiba.  May kinalas si Devin sa ilalim ng kama, isang mahabang baril. Habang tinatakpan niya parin ako sinimulan niyang ratratin ang pinagmulan ng pagsabog. Tinakpan ko ang aking tenga dahil sa ingay.

Patuloy pa rin si Devin sa pagpindot sa baril kahit na ubos na ang bala niya. “Fvck it! He’s here!”

Sa gitna ng usok may pigura ng dalawang tao ang lumilinaw nang lumilinaw habang papalapit sila nang papalapit sa amin.

+++

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 34
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Whe...
210K 10.9K 26
Magkakaibigang magkakasama sa saya, lungkot at pakikipagsapalaran. Pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. Pag-iibigan na pilit hinahadlangan. Tun...
1M 60.3K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
443 89 18
A woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, s...