Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 10

499K 9K 499
By skycharm24

XANDER

Ang saya ng simula ng araw ko kaya for the first time in a long
time, panay ang ngiti at bati ko sa mga empleyado ko.

Pasalamat sila kay Trisha dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klase ng saya.

“Lea, pakikuha nga ang proposal ng bagong client natin sa attaché case ko,” utos ko sa sekretarya ko.

“Yes, Sir,” sagot niya. “Ah, Sir? Itong sandwich?”

“What sandwich?” Inabot niya sa ’kin ang dalawang pares ng
sandwich na may note.

Napangiti ako sa nabasa ko.

Have a good day, Mahal. I love you.

“Sweety! Pagsabihan mo nga ’tong sekretarya mo. Ayaw akong papasukin!”

Napalingon ako sa nagsalita.

“I’m sorry, Sir,” paumanhin ni Lea.

“It’s okay, Lea. Iwan mo na lang kami.”

Lumapit sa akin ang bagong dating. “Miss me, sweety?”

Tinangka niya akong hawakan pero mabilis akong lumayo sa
kanya.

“What are you doing here, Choleen?” Ang lakas ng loob
niyang magbalik ngayon, ah.

“Masama bang dalawin ang husband ko?”

“Ex-husband. Nakalimot ka yata.”

“But sweety, we can start over again. Look, I’m sorry for
everything I did. I’d like to make it up to you and our daughter.”

“Akala mo ganoon lang kadali ’yon?”

“Xander, alam kong nagkamali ako. But I’m here now, asking
for your forgiveness. Hindi ko na kayo ulit iiwan.”

“Too late, Choleen. Hindi ka na namin kailangan kaya huwag
mo na kaming guluhin.”

“No! Galit ka lang. I want you back, sweety. And besides, ako
pa rin ang ina ni Chloe.”

“Get lost! Wala ka ng anak. Naaalala mo naman siguro ang
ginawa mo sa kanya, ’di ba? Kaya kong patunayan kahit saang hukuman na wala kang kuwentang ina. Kaya subukan mo lang na guluhin kami ng anak ko…” Damn her!

Pagkatapos ng lahat saka siya babalik para manggulo?

“Fine, I’ll go. But we’re not done yet. Babalik din kayo sa akin,” sabi niya saka siya nagmartsa palabas.

Tinawagan ko agad si Trisha pagkaalis niya.

“O, honey! Napatawag ka?” bati sa akin ni Trisha. Saglit pa lang kaming nagkakahiwalay pero miss ko na agad siya.

“Okay lang kayo d’yan? How’s Chloe?”

“O.A., ha! Kanina lang tayo naghiwalay. Bakit, may nangyari ba?”

“Ah, wala. Na-miss lang kita.”

“Ay, ’sus! Sige na nga, I miss you, too.” Tapos tumawa siya.

“Oo nga pala, hon. Thank you sa sandwich.”

“You’re welcome! Baka kasi magutom ang mahal ko, e.”

“I need to go, hon. Ingat kayo pauwi, ha? Please take care of
Chloe for me.”

“No need to ask me that. Anak ko na rin siya. Bye, honey ko.”

I would never let her and Chloe get hurt. Lalo na ngayong
nagbalik si Choleen.

TRISHA


Dumaan kami ni Chole sa mall dahil gusto niyang mamasyal.
Kaya tinext ko na lang ang driver na sa mall kami sunduin.

“Mommy, I want cotton candy. Please?” Idinadaan na naman
niya sa pagpapa-cute niya.

“Okay, baby. Pero isa lang, ha?”

“Yehey! Thank you, Mommy!”
Habang kumakain siya ng cotton candy ay nagpaalam muna
ako sandali sa kanya.

“Baby, dito ka lang, ha? Bibili lang si Mommy ng tubig.”

“Okay!”

Habang bumibili ako ay lingon ako nang lingon sa kanya. Baka kasi mamaya ay mawala na naman siya. Hinihintay ko na
lang ang sukli ko nang napansin kong may babaeng lumapit sa kanya. Napansin ko agad na parang kamukha ko siya, mas
sosyal lang siya manamit. Hinila nito si Chloe, na halata namang
ayaw sumama sa kanya, habang nakatingin ’to sa direksyon ko.


Nagmadali akong lumapit kay Chloe.

“Put me down! Wahhhhhhh! Mommy!” sigaw ni Chloe.

“Ma’am! Please, akin na po ang bata,” pakiusap ko sa babae. Saglit niya akong tiningnan.

“Who the hell are you? ’Wag
kang mangialam dito. Anak ko ’to.” Lalong nag-iiiyak si Chloe dahil sa pagsigaw noong babae.

“Remember me, Chloe? I’m your mommy,” baling nito sa bata.

“No! You’re not my mommy. Put me down! Wahhhhhhh!
Mommy!” Pilit kong kinuha si Chloe sa kanya pero itinulak niya ako kaya natumba ako.

Ouch lang, ha! Aba’t maldita pala ’tong kawangis kong ’to!

“You’re mean! I hate you. Don’t hurt my mommy!” Pinagpapalo ni Chloe ang mukha noong babae kaya napilitan itong ibaba ang bata. Tumakbo naman agad si Chloe papunta sa
akin.

“Mommy! Mommy!”

“Shhhh… Tama na, baby.” Binuhat ko siya at pinatahan.

“Sino kang impostora ka? Bakit ‘mommy’ ang tawag sa ’yo
ng anak ko?” Hindi ko na siya pinakinggan.

Mabilis ko na lang kinuha ang mga gamit namin at umalis na. Nakita ko naman agad si manong driver at nakaalis agad kami.

Panay pa rin ang hikbi ni Chloe habang papauwi na kami.

“Who was that woman, Mommy? Bakit ka niya itinulak? What’s
‘impostora?’”

“Tahan na, baby. Hindi naman nasaktan si Mommy, e.” Pinili
kong ’di sagutin ang mga tanong niya.

Paano ko naman kasi ’yon ipaliliwanag sa bata? Mommy niya naman talaga kasi ’yon.

Tama nga sila, magkamukha kami. Sosyalera lang ang bihis
niya at mas payat siya sa akin. Nagbalik na siya, kaya dapat ba
akong mag-alala? Pero mahal naman ako ni Xander at hiwalay na sila.

Niyakap ko si Chloe. Paano kung bawiin sila ni Choleen sa akin?

Napaiyak na lang din ako. Baka hindi ko kayanin kapag mangyari ’yon dahil napamahal na sa akin ang mag-ama.

Iututloy...

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 41.9K 36
My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Available on different bookstores nationwide. Visit my...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
1.1K 197 35
"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...