Playing with the Player

zycine tarafından

46.3K 952 98

A true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabb... Daha Fazla

" Dare "
PROLOGUE
Chapter 1 - The Prince
Chapter 2 - The weirdo
Chapter 3 - Typhoon or Cyclone
Chapter 4 - 1st out lesson
Chapter 5 - Something or Something?
Chapter 6 - At the Coffee shop
Chapter 7 - Dandy
Chapter 8 - Unexpected Breakfast
Chapter 9 - The Cover Story
Chapter 11 - Date or date
Chapter 11 - Used to be popular
Chapter 13 - Hero to Zero
Chapter 14 - A boy and A girl
Chapter 15 - Sa Isang Sulyap
Chapter 16 - Push over
Chapter 17 - Weird feelings
Chapter 18 - A date with Haring Nuknukan
Chapter 19 - Angel in disguise
Chapter 20 - This is me.
Chapter 21 - A found new feeling
Chapter 21 - The Park
Chapter 22 - Boys
Chapter 23 - On and On
Chapter 24 - A friend
Chapter 25 - Truth are Lies
Chapter 26 - Tangled fate
Chapter 27 - Araw - Gabi
Chapter 28 - Yuri (Ryder) Honda Servano
Chapter 29 - The old and new
Chapter 30 - My past and my present
Chapter 31 - Odds

Chapter 12 - Intimidated Gabby

1.1K 29 3
zycine tarafından

Gabby

Nasa office ako ngayon. I decided to go dahil marami akong dapat ayusin. I spend my hours reading and signing some of the contracts and do bunch of paper works.

Ring! Ring! Ring

Tumigil ako sa ginagawa kong pagbabasa at sinagot ang telepono na nasa harapan ko

"What?" Hindi na ako nag-abalang magpaka pormal dahil alam ko naman na si Orly lang ang nasa kabilang line

" Sir nandito po ang Mommy nyo" dinig kong sabi nya. Bahagya akong bumuntong hininga it's been a week since nag decide ako na i-ignore lahat ng tawag nila ni Lola

" Orly I know my son put you up to this pero papasok na ako" dinig kong sabi ng aking ina sa kabilang linya

" Ma'am wait po.. Sir Gabby..." nag-aalalang sabi nya

" It's okay Orly " yun lang ang sinabi ko sa kanya bago ko ibaba ang phone kasunod din noon ang pagbukas ng pinto ng akin office at iniluwa noon ang aking ina at ang aking mahal na Lola kaya agad akong tumayo para salubungin sila

" Ganito na ba kahirap makita ka ngayon Juan Gabriel Amoroso III?" bungad na bati ni Mommy na binanggit pa ang buong pangalan ko

" Hi, Ma!" I give her a kiss on her chick 

" Ikaw na bata ka pati kami ng Mommy mo pinagtataguan mo" sabi naman ng Lola ko

" Hello La" nakangiting bati ko naman sa kanya tapos ay hinalikan ko rin sya sa pisngi at niyakap

" Hello-Hello Ka dyan Gabby bakit hindi ka na naman umuuwi? San ka ba ngayon nakatira? Ilang gabi na kami nagpapabalik balik sa town house mo pero palagi kang wala dun. We're so worried about you Iho"

" I'm okay Mom. You don't have to be worried all the time"

" Apo hindi mo maaalis sa Mommy mo ang mag alala. Palagi ka kasing hindi sumasagot sa phone. kaya hindi ka mawala sa isip namin."

" Anak bumalik ka na lang sa bahay, Ha? Please umuwi ka na lang ulit at  sa amin kana ulit tumira"

" Mom I can't. Alam nyo naman diba? Magka- clash lang kami ni Daddy tuwing magkikita kami besides okay lang po ako. I'm good, I'm okay. I'm happy. Kaya please wag na kayo mag worry"

Tinignan ako ng Lola ko at ng Mommy ko na puno ng pag-aalala. Hindi sila kombinsido sa mga sinasabi ko. Well sino ba kasi ang hindi mag-aalala sa akin kung na-witness nila lahat ng nangyari sa akin before siguro nga mahirap para sa kanila ang hindi mag alala.

" Mom believe me. I'm better now. Wala po kayong dapat ipag-alala"

" Okay. Promise me na bibisitahin mo kami palagi ng Lola mo. Mag promise ka din na everyday tatawag ka at sasagutin mo palagi ang mga calls and text ko sayo"

" Okay, I try promise" sabi ko tapos ay niyakap ko sya ng mahigpit " I love you Mom"

" Love you too" dinig kong sabi nya tapos ay hinawakan nya ang pisngi ko at kinurot " Don't you dare break that promise Understood?"

" Opo"

I love my parents most especially my mother ganun din ang grandparents ko kahit nahahati kami sa dalawang team dahil hindi ko kasundo ang Daddy at Lolo siguro ganun talaga ang mga lalake pagdating sa business magkaiba palagi ang pananaw. Well hindi ko din sila masisisi dahil wala talaga akong planong maging tulad nila.

Pagdating ng gabi pumayag akong sumama mag dinner kayla Lola at Mommy sa isang hotel pansin na pansin ko ang hindi maitagong saya sa mga mukha nila noong napapayag nila ako at dahil doon bahagya akong nakonsensya. You are an Idiot! Why do you have to cause them so much pain Gabby? tanong ng boses sa loob ko

" Anak anong gusto mong kainin?"

" Kahit ano po Lola"

" Steak? Well done?" excited na tanong ng Mommy ko " That's your favorite here diba?"

" Opo Mom" nakangiting sagot ko. Ang totoo matagal na noong huling beses na pumunta ako dito I like this place I used to go here to eat pero that was a long time ago.

Nakita kong tinawag na ni Mommy ang isang server na mabilis naming lumapit para kuhanin ang order ng akin ina at pagkatapos nun ay magalang na itong nagpaalam

" I really missed you anak. It's been so long simula noong huli tayong lumabas"

" Mom. Kung magsalita naman kayo parang hindi nyo ako palagi nakikita I'm always on the magazine and news paper"

" I know. That's the thing sa mga magazine at TV na lang kita palagi nakikita but we never go out! Namimis ko na yung anak ko na palagi akong dini-date at pinagluluto" Bahagya akong ngumiti My Mom is so cute. Kahit na 45 na sya she always look young and beautiful

Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay ang pagkain namin. Masaya na sana kaso natapos agad

" Sorry we're late" Dinig kong sabi ng isang lalake at noong tignan ko ito ay nakita ko ang aking ama na kasama ang Lolo ko they were in their business suit

" Nahirapan kami sa traffic" dinig ko naman na sabi ng Lolo pagkatapos nyang humalik kay Lola

" Okay lang yun. Ang importante nakarating kayo" sabi ni Mommy

Nakita ko si Mommy na sinenyasan akong bumati kaya ang ginawa ko ay tumayo ako para mag mano sa lolo ko at ibeso ang Daddy ko

" Oh Gabby it's good that you're here" tawag sa akin ng aking ama in a business manner na hindi man lang nag abalang mangumusta

"Bakit po?

" I need you to meet someone, anak sya ng matalik kong kaibigan noong high school pa ako"

" When you say meet? do you mean date?"

" Yes. Go out with her. take her to a nice place for dinner. Get to know her" Ramdam ko ang utos at otoridad sa boses ng Daddy ko. Ganito na kami palagi pag nagkikita kahit wala kami sa opisina ang relasyon namin dalawa ay parang boss and employee lang.

" I can't" sagot ko

" I'm not asking you, Gabriel"

" Well even if I want to, I still can't because I'm too busy managing your business"

" Then make time. Naka kompromiso na ako sa kaibigan ko" mataas na ang boses ngayon ng Daddy. Nakita ko naman si Mommy na ipinatong ang kamay nya sa balikat ng ama ko na tila pinapakalma ito.

" Gabby anak. Kikilalanin mo lang naman. Isa pa matagal na rin simula noong huli kang nakipag-date diba? siguro its about time for you to go out and have an actual date with someone."

" Oo nga apo. Isa pa balita ko maganda daw yung anak ng kaibigan nitong tatay mo"

" Kaya nyo ba talaga ako pinapunta dito para i-set up ng date sa isang babaing hindi ko pa nakikita?"

" Iho we just want you to go back into dating someone. We want you to be happy again" singit naman ng Lolo ko na kanina pa tahimik at busy sa paglalambing sa lola ko

" Look guys, I appreciate all the effort but kung hindi nyo napapansin I'm happy. I have plenty of girls to date with and I enjoy being at this state so please do me a favor and let me be."

" Dating? Alin yung mga babaing nakikilala mo sa mga party na pinupuntahan mo at iniiwan mo nalang pag sawa ka na? If that is what you call dating then you better wake up young man." 

" Masama bang maging mapili? Besides I'm not ready to settle down just yet so I'm enjoying my youth"

" If you're fine that's good but please anak can you cook for us again. Miss na namin ang mga luto mo iho" paglalambing ng Lola ko na sinang-ayunan naman ng aking ina

" Oo nga anak. matagal ko na hinahanap ang mga luto mo"

Hindi ako sumagot. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti.

"Maybe next time po"

" Gabriel I'm serious about earlier. Clear your schedule this last Friday of the month and meet this girl" seryosong utos ng aking ama

Bumuntong hinina na lang ako. Hindi ako sumagot basta tinapos ko na lang ang pagkain ko ng mabilis at agad na akong nag excuse sa kanila para umalis na. I just kiss my Mom and Lola bago ako tuluyang umalis kahit na alam ko na tutol sila.

Badtrip ako. Sobra. I hate it when my family interfering  in to my lovelife. Naiinis ako at sa sobrang badtrip ko ay nagpa cool down muna ako  sa Riverview Park kung saan ako madalas magpunta. Binitbit ko ang camera ko ganito ako palagi, ginagamit ko ang hilig ko sa photography para matanggal ang bad mood or ang stress ko sa mga bagay- bagay. Kumukuha lang ako ng mga litrato kahit na ang totoo wala naman akong subject. Hindi ko ma-explain pero when I do this parang magic lang na kumakalma ang utak ko at nagiging payapa ang pakiramdam ko na kahit papano ay nagagawa ko na ulit mag-isip-isip.  Tahimik akong naka upo sa wooden bench habang nakatingin sa paligid its a regular day and almost 10:00PM kaya wala na gaanong tao.

"Gabby ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"

Yun ang madalas itanong sa akin ni Anya. Ang isa sa matalik kong kaibigan simula noong Collage. Sya ang ex girlfried ng bestfriend kong si Ace-sin.

" I don't know Anya. I just can't do it anymore. Pakiramdam ko para akong zombie. daig ko pa ang naka auto pilot. I just don't feel anything anymore."

" Hang in there. Kaya mo yan"  sabi pa nya habang nakangiti sa akin.

My Best friend Ace-sin hurt her. At alam ko kahit almost 6 years na ang lumipas ay  hanggang ngayon masakit parin ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa pero bakit parang kayang-kaya nyang labanan ang lungkot.

" How can you do that Anya?"

"Do what?" confused na tanong nya

" Smile. Like everything looks fine. Kahit na alam nating pareho na hindi naman."

" I'm not sure....  Siguro kasi  ayokong makita na malungkot kayong mga kaibigan ko tuwing nakikita nyo na nasasaktan ako kaya kahit mahirap sinusubukan kong maging masaya ulit"

" Anya, I.... Believe me, I'm trying.... But it's too hard"

" Don't rush it. Magkaiba tayo Gabby. Naniniwala parin ako na time can heal all wounds"

Napangiti ako noong maalala ko ang sandaling iyon. Isa si Anya sa naging saksi sa mga nangyari sa buhay ko bukod kay Ace-sin, Rei at Unique. Silang apat ang tumulong sa aking lagpasan ang isang yugto sa buhay ko na halos ikamatay ko na. Ang mga kaibigan ko na kahit anong mangyari hindi ako iniwan pero patuloy kong nilalayuan at iniiwasan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at muling naglakad. Ayoko mag- emo ngayon dahil ang tanging gusto ko lang ay mawala ang stress ko. Muli akong naglakad-lakad sa paligid at kumuha ng mga litrato hanggang sa napansin ko ang isang babaing sobrang pamilyar. That girl. She's Jessie isang writer sa Spotlight. The weird one. 

Nagtalo ang isip ko kung lalapitan ko sya o iiwas na lang pero mas pinili ko ang una. Pero noong nakalapit na ako hindi ko naman alam kung paano ko sya babatiin kaya ang ending.....

" You" sambit ko at lumabas iyon na para akong naiinis imbis na dapat parang gulat na casual lang. " What are you doing here?"

" Wala. Ikaw? bakit nandito ka?"  kunot noong tanong nya sa akin

" Working obviously" sagot ko at itinaas ko ang camera ko para makita nya defensive mode lang

" At this hour? Ang sipag mo ha!"

" Unlike you hawak ko ang oras ko  I need a night theme for the next issue kaya nandito ako. E ikaw? Don't you think its past your bedtime?" pang-aasar ko. The weird part is parang biglang naging light ang mode ko

" What am I 12? its only  10 o'clock" dinig kong sabi nya pero wala na doon ang atensyon ko dahil natutuwa ako sa mga reaksyon nya kaya bigla ko syang kinuhanan ng litrato

" Classic!"

" Ang rude mo! bakit mo ginawa yun?" matapang na sabi nya pero nginisihan ko lang sya

" 3rd time!"sabi ko

"Ano?"

" Ito yung 3rd time na nag blush ka sa harapan ko. Tell me may gusto ka ba sa akin?"


Bigla syang natahimik sa tanong ko at kahit hindi nya sabihin alam ko na may mali sa reaksyon nya. Kaya muli ko syang kinuhanan ng picture para maging ice breaker lang.

" Ano ba itigil mo nga yan" saway nya sa akin pero dahil ayokong maramdaman nya na nababasa ko sya ay muli ko syang inasar

" Why? Nakakalibang pagmasdan ang mga reaksyon mo"

"Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi nya tapos ay nag walk out na sya sa akin.  Akalain mo yun ang tulad nyang baduy may lakas ng loob mag walk out sa gwapong katulad ko.

"Wait"awat ko sa kanya.

" Bakit ba?"tanong nya at hindi ko alam ang isasagot ko dahil kahit ako nagulat din dahil inawat ko syang umalis. Kailangan ko mag alibi hanggang sa nakita ko ang dalang tao sa di kalayuan

"Look" sinundan ng mata nya ang itinuturo ko sa bandang unahan namin na isang babae at isang lalake na parang magkarelasyon. "Wag ka mainggit maghihiwalay din sila"  nasabi ko sa kanya

"Cynical na playboy pa! nasa sayo na pala lahat eh" dinig kong pang-aasar nya.

" Wag kang magpatawa hindi ka cute" inis na sabi ko.

RING!

RING!

" Your phone?" dinig kong sabi nya

" Yeah Wait" Kinuha ko ang cellphone ko at agad iyong sinagot noong makita ko na si Dandy ang tumatwag

" Bakit?" agad na sabi ko

" Hello din ha" Sabi ni Dandy*note the sarcasm* 

" Bakit nga?" tanong ko ulit

" Come here! Nasa Typhoon kami come join us"

" Oo nga Dude. lets go fishing!"  Si Seth yun na kahit hindi ko derektang kausap alam kong medyo may tama na ng alak

" Sunod kana Gab boring kapag si Seth lang ang kasama ko" pamimilit ni Dandy. Actually hindi naman nya kailangang mamilit dahil kanina ko pa gustong uminom after ng meeting namin ni Daddy

" Sure count me in" yun lang ang sinabi ko then I ended the call

" Pano I'll go a head" paalam ko kay... What's her name again?  right It's Jessie

" Sure" sabi nya tapos ay naglakad na sya palayo sa akin. Napailing na lang ako kakaiba talaga sya. Weirdo.

Naglakad na ako pabalik sa sasakyan ko. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay muling tumunog ang phone ko kaya muli ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag at pangalan ng Mommy ko ang nag registered doon. Nagpakawala akong malalim na buntong hininga dahil ang totoo ayoko muna sila makausap kaya I cancelled the call. Ibinato ko sa dashboard ng sasakyan ang phone ko pagpasok ko sa loob ng sasakyan. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at sinimulang iyong paandarin

Malapit na ako sa exit ng park noong napansin ko ang isang babae na pinalilibutan ng dalawang lalake na parang hinaharas. Biglang gumana ang instinct ko agad akong lumabas ng kotse paglapit ko ay doon ko lang napagtanto na si Jessie pala ang babaing ginugulo ng dalawang lalake kaya lalo akong nagmadali papunta sa kinaroroonan nila

" Hoy! bitiwan nyo sya" sigaw ko umahon ng husto ang galit ko

" Gabriel" Dinig kong tawag ni Jessie tapos ay agad syang tumakbo papunta sa akin

" Sino ka ba? Bakit nakikialam ka sa amin?" Galit na sabi ng isa sa kanila

" Kapatid nya ako bakit?"

" E Sira ka pala eh. Suntukan na lang!

Handa akong lumaban. Lalo na ngayon na kanina pa ako badtrip pero bigla inawat ni Jessie ang braso ko

" Tama na wag mo na sila patulan."

Narinig ko na nagtawanan yung dalawang lalake

" Makinig ka sa kapatid mo baka mabasag pa namin yang mukha mo" pang-aasar nila habang tumatawa." 

" Halika na. Umalis na tayo" Sabi ni Jessie hawak parin nya ang braso ko pero this time hinahatak na nya ako palayo kaya kahit gigil na gigil na akong patulan ang dalawang lalaking iyon ay sinunod ko nalang si Jessie 

" Tama yan. Tumakbo ka na. Sama mo yang pokpok na masarap ipulutan"

Biglang nagdilim ang paningin ko noong marinig ko ang kabastusan nila kaya hindi ako nakapagpigil binalikan ko yung dalawang lalake at inupakan.  Binigyan ko ng isang suntok ang isang lalake habang sinipa ko naman ang ikawala pero kahit lasing sila ay kaya din nilang makipagsuntukan.  Tuwing lumalanding ang sunto ko sa katawan nila ay naibabalik din nila iyon sa akin ng doble kaya natutumba ako sa lupa.

" Gabriel. Tama na yan' dinig kong awat ni Jessie para tuloy gusto kong mainis sa kanya. Hindi nya ba nakikita na ako ang nabubugbug dito.

" Saklolo Tulungan nyo kami!.. Tulong po!" dinig ko pang sabi nya. at noong nagtama ang mga mata namin ay nakita ko na umiiyak na sya " Gabriel"

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero hindi ko gusto na umiiyak si Jessie sa harap ko kaya pinilit kong lumaban. May nakapa akong isang matigas na bagay isa iyong bato kaya agad ko iyong kinuha at pilit na tumayo. Kasabay ng pagtayo ko ay agad kong ihinampas ang bato na hawak ko sa isa sa lalaking gumugulpi sa akin na naging dahilan para matumba ito. Nakita ko naman na susuntukin ako sa tagiliran ng kasama nya pero bigla nalang kumilos ang katawan ko naiwasan ko ang impact ng suntok na iyon na naging dahilan para mapunta ako sa likuran nya agad ko syang sinipa kaya lumipad sya at sumubsub sa gater ng kalsada. Akala ko tapos na pero muling itong bumangon. Inipon ko na ang lahat ng lakas na natitira sa akin muli ko syang sinipa kaya tumumba ulit sya. Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na bato dahil balak ko na iyong ibato sa ulo nya para matapas na pero bigla akong niyakap ni Jessie

" Stop!.. Please tama na" umiiyak na sabi nya

" Jessie" Wala akong masabi. Tinignan ko lang sya habang yakap nya ako at doon ko lang napagtanto na nanginginig ang katawan nya habang umiiyak. Pakiramdam ko tuloy biglang nanghina ang katawan ko. Agad kong binitiwan ang hawak kong bato at niyakap ko na rin sya. Doon ako bahagyang kumalma kaya napansin ko sa paligid ang ilang tao na nanunood. May tao pala sa paligid bakit hindi sila nakialam o umawat naramdaman ko ulit ang tensyon at inis kaya muli kong nilingon yung dalawang lalake at nakita ko na nahihirapan silang tumayo dahil sa sakit ng katawan.

" I'm sorry" dinig kong sabi ni Jessie " dahil sa akin nasakta ka" hindi ko maintindihan pero parang gusto kong mainis sa sarili ko dahil nabugbug ako ng mga lalaking yun kaya umiyak sya ngayon

"It's OK Jessie. I'm OK. Let's go home"

Masakit ang katawan ko pero pinilit kong lumakad. Nakaalalay si Jessie sa kanang braso ko. Tinutulungan nya akong maglakad. Pinaupo ako ni Jessie sa Passenger seat ng sasakyan ko.

" Who's driving?" Takang tanong ko noong nakaupo na ako sa loob

" I will. Asan ang susi mo?"

" On my left pocket" sagot ko masakit na ang katawan ko hindi ko na kayang ikilos ang mga braso ko " Kunin mo na lang" Agad naman nya iyong kinuha. Nakatingin lang ako sa mukha nya, gusto kong makita ang reaksyon nya sa gagawin nya pero wala akong makitang kahit konting hint na pagkailang baliktad pa ang nangyari parang ako pa ang nakaramdam ng ganoong pakiramdam. For the first time I feel intimidated kaya nag-iwas ako ng tingin habang pinapasok nya ang maliit na kamay nya sa bulsa ng pantalon ko " Matagal pa ba yan?"

" Nakuha ko na" sabi nya tapos umalis na sya sa harap ko. isinara na nya ang pinto ng kotse at mabilis na pumihit sa driver side. Pagpasok nya sa loob ng sasakyan ay agad nya na itong pinaandar

" Pano ang sasakyan mo?"

" Babalikan ko na lang bukas. Dadalhin muna kita sa ospital para magamot yung mga sugat mo. I think you need X-ray"

" No. Hatid mo ako sa bahay. Hindi ko kailangang ma-check I can handle myself"

" Pero masyado kang nabugbug kanina at...."

" Hindi ako nabugbug okay? sa bahay tayo" masungit na sabi ko para agad nya akong sundin

" Ang tigas ng ulo mo" sagot naman nya

Hindi na sya nagsalita pa She drive in silence hanggang makarating kami sa building. inalalayan nya ako hanggang condo unit. Inalalayan nya ako hanggang kwarto.

" Thank you Jessie. Pwede mo na akong iwanan kaya ko na"

" May kukunin lang ako sa bahay. Wait me here"

" Bakit? Okay na nga ako. Pwede kana umuwi para magpahinga"

Pero hindi nya ako pinansin kinuha nya ang card key ko

" Babalik ako agad." sabi nya tapos ay tuluyan na syang umalis.

Bumuntong hininga nalang ako tapos ay humiga ako sa kama. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero hindi mawala sa isip ko si Jessie. She's weird. I never met someone like her who could careless of what people think of her. Yung parang ang carefree nya lang dahil parang wala syang kinatatakutan at kahit ayoko little by little nagiging curious ako sa pagkatao nya.





Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7M 170K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
50.9K 3.5K 10
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING