Cupcake

By hello_kate

8.6K 508 349

DO NOT READ May crush ka ba? Si Jinky, meron. At ito ang story niya. [EDITING] More

Author's Note
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Epilogue

Chapter 1

661 49 29
By hello_kate

Grade 5 (August 2008)

"Jinky, Jinky, Jinky,"

"Wait nga lang. May ginagawa pa ko," sabi ko na medyo naiinis na.

"Jinky, importante to!" Ang kulit naman.

"Alam mo yung mamaya," tanong ko. Bwisit naman 'to. Busy nga eh! BUSY!

"Jink-," Bwiset! Hindi talaga ako matatapos dito eh. "ANO BA KASI YUN," sigaw ko.

Tumingin na ako sa kanya. Sana obvious noon na asar na 'ko.

"Naka isip na ko ng pet name natin." 

"JUSKO KENNETH! BUSY AKO! Kala ko ba importante?"

Ang baliw talaga ng lalaking yun! Deadline na ng essay ko noon tapos may manggugulo pa.

"Kasi lahat sila may pet name na. Tayo nalang ata yung wala!" sabi ni Kenneth.

Uhmmm, si Kenneth nga pala yun. Naalala nyo yung recognition? Siya yung magaling na nagpahiya sakin. Dapat hate ko siya, diba? Hate ko siya noong una pero may nangyaring bonggang milagro at naging close pa kami. 

Tungkol naman sa pet name na yan, hindi ako PET. At hindi kami LOVERS. Uso kasi noon na ang mga friends ay may mga corning pet names o tawagan. Ewan ko kung sino nag pauso nun pero ang galing niya kasi halos lahat nakiuso. Pati iyong lalaking nasa tabi ko noon na grabe maka-panggulo.

"Wala yang kwenta," sabi ko. Hindi kasi ako yung taong kapag hindi nakasunod sa uso feeling end of the world na.

Yung tingin niya sakin noon talagang nagmamaka-awa. Maawain pa naman akong tao. "Fine. Ano ba yun," bumigay na ko, nakakabwiset.

"Cupcake! Cupcake!" Tuwang-tuwa pa siya sa ka-cornihan niya. WOW!

"Wala na bang iba?"

"Yun na lang. Dali na."  Kawawa naman.

"Bahala ka na nga," sabi ko. Wala akong pake at ayoko na makipag-away. May essay pa 'ko.

  

Kinabukasan, Cupcake na ang tawag niya sakin. Ewan ko ba pero ang ganda-ganda na ng pangalan ko, bakit gusto niya pa palitan ng pagkain?! Pasalamat siya cute siya kaya pinagbigyan ko. 

Classmate ko siya noong year na 'yon. Ang malas ko nga eh. Naalala ko pa nung first day of classes, bakante pa yung katabi ng upuan ko kasi may isa daw na late. First row kasi yun, alam niyo namang ayaw ng mga tao dun maliban sa'kin. Maya-maya, may pinapasok yung adviser namin at pinaupo sa tabi ko. "Miss naman, wag niyo ako itabi kay Wee Wee Girl."  Nagtawanan ang mga kaklase ko. Ang sarap talaga manakal! Hindi man lang siya nagsorry sa pagpapahiya niya sakin nung recognition tapos ngayon panibago nanamang kahihiyan.

Palagi niya ring tinuturo sakin yung CR kapag dumadaan kami malapit doon. Umihi na daw ako kasi baka daw hindi ako ulit makapagpigil. Gusto ko na talaga siyang sipain sa ano niya eh. Hindi ko talaga expected na magiging close kami. Himala.

Siguro napagod na kami sa bangayan namin araw-araw kaya napilitan nalang kaming magkasundo.

Tumingin ako kay Cupcake. (Eww. Ang pangit talaga! Pero atleast mas okay kaysa Wee-wee girl ang tawag niya sakin.) Nasa harapan ko siya. Nainis ata yung adviser namin kasi lagi kaming nag-aaway nung magkatabi pa kami kaya pinalipat ako sa susunod na row. 

Nakatingin siya kay Izzy na nasa left side niya. 

"Psst. Kenneth," sabi ko. Di ko pa feel natawagin siyang Cupcake.

Hindi siya lumingon. Tinawag ko ulit. "Psssssssssst!"

Wala parin. Wow. Ang bingi naman niya. Nasa claasroom kami noon at naglelecture yung boring na teacher. Papikit na yung mga mata ko sa antok pero nakita ko pa rin yung nangyari. May inabot na pink na papel si Izzy kay Kenneth. Todo ngiti si Cupcake habang binabasa niya.

Nabuhayan ako ng diwa kasi may something juicy na naganap. Hindi na ako nakapakinig sa teacher. My whole attention was dedicated to the spectacle before me! Muahahaha!

Ano kayang nakasulat? Gusto kong iurong yung upuan ko para makita ko sana pero baka marinig niya. Sana sinulat ni Izzy nakakaasar yung mukha niya.

Pagkatapos ng ilang minutes, may inabot si Cupcake na heart-shaped na papel kay Izzy. Color white na may stripes, parang ginupit lang sa notebook.

Tuwang-tuwa naman itong si Izzy. Pa-simple akong tumingin-tingin sa kanila. Paulit-ulit lang ang nangyari. Pasahan lang sila ng papel at mukhang nag-eenjoy sila sa kung ano mang nakasulat sa mga love notes nila. Feeling ko mga ka-cheesihan ang nakasulat dun kasi mukhang kilig na kilig sila.

Haaaay. Nakaka-inggit. Bakit kaya sakin walang nakikipagpasahan ng love notes? Hindi ako yung tipong kasing perfect ni Izzy, maganda na, matalino pa. Pero tulad nga ng sinabi ko dati, hindi naman ako ganun ka pangit. Oo, pandak ako. Oo, pango ako. Tanggap ko naman yun. Hindi lang talaga mawawala sa isang babae na maghangad ng attention mula sa boys. Normal yun.

Hindi ko na talaga pinansin yung teacher kahit mukhan importante yung sinasabi niya. Tiningnan ko lang sila. 

Paano kaya kung sakin nagbibigay ng notes si Cupcake? Ang cute siguro namin!  Love love!

Nagulat ako ng bongga sa naisip ko. Ano bang problema ko? My God! Sana hindi halata sa mukha ko kasi baka may nakatingin. Jinky, hindi mo sya type. Umayos ka nga! Friends lang kami, no more, no less. Saka engaged na ako sa isang artista sa panaginip ko. Wala kang pakialam sa mga love notes na yan. Aral muna! Kahit ba mabait sya, nakakatawa, at syempre may itsura din nam-

"Cupcake, hindi ka na ba tatayo dyan," nagulat ako kay Kenneth.

Hindi ko man lang namalayan na nag-ring na pala yung bell. Ang baliw ko talaga. 

"Ayy wait lang," habol ko sa kanya. Nagmamadali siya eh. Natatae na ata.

"Ayiiiiiie, " pang-asar ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang gate, "Cupcake, ano yung ka-cheesihan niyo kanina?"

"Ano sinasabi mo jan?" deny niya pero obvious na sa mga mata niya na may tinatago.

"Kenneth, Izzy sitting on a tree. K-I-S-S-," naputol yung kanta ko dahil tinakpan niya yung bibig ko.

"Wag ka nga maingay! Maraming tao," bulong niya sakin.

"Bakit? Nung recognition ba naisipan mong hinaan boses mo," ganti ko sa kanya.

"Hindi kasama yun," seryoso niyang sinabi. Binilisan nya yung lakad nya pero pinilit kong habulin kahit mabigat yung bag ko.

"So, ano nga meron kanina," sabi ko na mas mahina.

"Wala yun," sabi niya na hindi nakatingin sakin.

"Crush mo siya, noh," sabi ko na parang nang-aasar.

"HINDI AH," mabilis niyang sagot. Halatang-halata. Ang defensive eh. Wala pa nga akong binabanggit sa pangalan. 

"Sige. Sabi mo eh," sabi ko na nakingiti.

"Bahala ka nga dyan," sabi niya tapos tumakbo na siya palayo.

Great. Iniwan niya ko. Wala tuloy akong kasamang maghintay ng service sa gate.

Sabagay, kasalanan ko rin naman kasi ako 'tong chismosa at magaling mag asar.

Pumunta sa amin si Angel, yung best friend ko. Isang street lang kasi ang pagitan ng bahay naming dalawa kaya pinapayagan siya kahit mag-overnight pa siya sa bahay. BFF ko na yan since nung lumipat sila dito. 5 years old palang ata ako noon. Mas matanda siya sakin ng 2 years. Hindi kami magka-school ngayon pero mas masaya siguro kung ganun.

“Alam mo Angel, naiinis ako kay Cup- I mean, kay Kenneth,” sabi ko habang gumagawa kami scrapbook.

“Eh? Diba nga okay na kayo? Umihi ka ulit?” Sira ulo talaga to!

“SHUNGA!” Hindi nga talaga ako umihi dun. “Hindi yun,” sabi ko.

Napatingin siya sakin. “Bakit ang lungkot mo bigla?”

“Nagalit ata or nainis. Ewan. Iniwan niya ko kanina eh.” Kinwento ko sa kanya yung nakita ko kaninang Science class.

Nakatingin siya sa malayo. Nag-iisip yun kapag ganun. “Bakit parang hindi ka masaya para sa kanya,” tanong niya bigla.

“Masaya naman ako pero-,” hindi pa ako tapos, bigla na siyang nagreact.

“OMG OMG OMG! Crush mo yun? OMG!” sigaw niya.

“May sinabi ba ako,” defense ko.

Oo na, cute naman si Kenneth. Medyo mabait siya sakin. Matalino. Tapos ang galing niya pa sumayaw. Hindi ko pa siya naririnig kumanta pero baka maganda boses nya. Ang ganda-ganda ng mata niya, grabe, ang cute! Best asset niya siguro eyes niya. Masaya siya kasama kasi nakakatawa siya. Siya lang ang nakakapagpasaya sa’kin ng ganoon sa school. Kahit inaasar niya ko, okay lang kasi masaya ako kapag kasama siya. Parang matagal ko na siya ka-close kahit ilang months palang nung una kaming nagmeet. Nung Recognition, six months ago. Ang cool niya makipag-usap. Masaya pero may meaning sa mga words niya, minsan. Siya yung kapatid na gustong-gusto ko magkaroon.

“Hoy, nakikinig ka ba,” sabi ni Angel. Nako, may sinabi pala siya. Second time na noong araw na yun na nahuli ko sarili ko na nananaginip ng gising.

“Huh,” hindi ko talaga narinig, “hehe, sorry!”

“Uulitin ko pa ba o mananaginip ka nalang dyan,” tanong niyang mataray. Wag sana siya magalit. Ayaw ko mawalan ng BFF. Hindi masaya.

“Sorry."

“Sabi ko nga kanina, bakit masyado ka affected? Nagseselos ka ata kay Izzy kasi ang sabi ng nanay ko, pag nagseselos ang isang babae,” SELOS? What the hell? “hindi siya masaya para sa iba, lalo na sa pinag seselosan niya. Mukha kasing hindi ka masaya na kasama ni Izzy si Kenneth kaya ganyan mga sinasabi mo. Saka kung inggit ka na crush ni Kenneth si Izzy, baka-“

Wow. Ang dami pala ng sinabi niya. Hindi ko na maalala yung iba kasi hindi na ako nakinig. Nakakalito eh. Masyado pa kong bata para mag-isip ng mga ganyan.

Crush ko si Kenneth? Hindi ah! Hindi kami exactly friends pero close kami at parang kapatid lang turing ko sa kanya. Hindi dahil cute siya para sakin eh crush ko na siya. AGAD?  Shunga talaga ‘tong best friend ko. Saka masaya naman ako dahil nag-enjoy naman si Kenneth sa pakikipag-love notes niya kay Izzy.

“Haaay nako. Tigilan mo na yan. Hindi ko crush si Kenneth, okay,” sabi ko kay Angel.

“Weh? Talaga? Ayiiieeeeee!”

“Hindi nga. Ang kulet!”

Nakangiti parin siya na parang tanga. “Okay, bahala ka,” sabi niya sabay tayo at ayos ng mga kinalat niya, “sige, uwi na ko ah. See ‘ya!”

Sana nga kasi hindi na "nagsuggest" pa si Angel ng crush crush na yan. Sana rin hindi na nagpa-pet name pet name pa 'tong si Kenneth.

Hindi ko man lang naitanong. Bakit kaya Cupcake?

Continue Reading

You'll Also Like

390K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
32.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...