ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)

By SweetKitkat

143K 3.1K 379

ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Al... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 (18+)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 19

3.9K 164 17
By SweetKitkat

MIRABELLA

5 years later...

"Donat! Ligpitin mo nga ang mga laruan mo," mataas ang aking boses ni Krome dahil muntik na siyang madulas nang matapakan ang laruan nito, Kauuwi lang nito galing school.

"Kuya Krome! Naglalaro pa ako!" Tumalon-talon si Donat dahil ginugulo ni Krome ang paglalaro niya.

"Hindi na kita tuturuan na mag-bike. Napakakalat mo. Hindi mo naman nilalaro yung rubber horse at mini cars mo! Ang sakit mo sa mata!"

Tumakbo palapit si Donat sa akin at yumakap sa aking bewang. Pinilit niyang makaakyat at makaupo sa aking hita.

"Mama! Inaaway na naman ako ni Kuya Krome!" Nagsusumbong ang mga mata nito.

"Donovon Nathan, sundin mo ang utos ng Kuya Krome mo. Susundin mo ang mas nakakatanda sa iyo."

"Hmp!"

Bumaba ito at nakasimangot habang nilalagay ang mini cars sa plastic storage. Pagkatapos ay hinawakan nito sa tenga ang plastic horse at binato iyon kay Krome.

"Donovon Nathan!" Sita ko sa kanya dahil mali ang ginawa nito.

"Hmp! Kaya mabaho ang paa mo, Kuya, kasi sumbungero ka!"

"Ate, name-mersonal itong bansot na ito!"

"Hay nako, sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa." Bumalik ako sa harapan ng pc at isinuot ang headphones.

Limang taon na ang nakakaraan at marami na ang nagbago. Noong pinagbubuntis ko si Donat, alam kong maraming tanong si Krome ngunit pinili nalang niya manahimik.

Tinanggap lang din niya na lilipat na naman siya ng skwelahan. Minor pa rin si Krome kaya hindi pa rin siya permitted na makabisita kay Itay. Magkagayunman, sinusulatan nila ang isa't-isa at ako ang naging mensahera ng mga ito.

I know that I made the situation more difficult for Krome. Lalo na noong manganganak ako at siya lang ang maasahan ko sa mga bagay-bagay. Tinulungan namin ang isa't-isa.

But somehow, I felt like I'm the one who pushed him to grow up. Kakaiba na ito mag-isip and I see that he's level-headed now.

But I am happy to know that he loves Donat so much.

"Mama, ano ang ulam? Tocino po ba? Gusto ko po ng tocino."

"Bawal," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa monitor.

Tumayo siya sa gilid ng table ko. "Bakit?"

"Kasi nag-tocino ka na kahapon."

"Mama, ang damot."

Tumingkayad ito at kinuha ang mga lapis at krayola na nasa aking mesa. Sigurado na magdo-drawing ito ng kung ano-ano para mag-sorry kay Krome.

Puno na ang pader ng kwarto ni Krome sa dami ng sketch ni Donat.

"Doon ka nga sa Kuya Krome mo, nakakaabala ka."

"Mama, huwag ka masyadong nagagalit. Maaga kang papangit."

"Donat, please, gusto ni Mama ng katahimikan, okay?"

Umalis na ito sa tabi ko at rinig ko ang papalayong yabag ng mga paa nito.

"Kuya Krome, sabi ni Mama, hindi daw tocino ang ulam."

"Bakit?"

"Malangis ka na raw kasi."

Bigla akong natawa at hindi ko na napigilan.

"Ate!"

"Ikaw ang nagtuturo diyan, Krome. Huwag ako ang sisihin mo."

Marami sa mga kapit-bahay namin na nagtatanong kung sino ang ama no Donat dahil sa itsura nito. Ang mahaba niyang pilik-mata, ang brownish na buhok nito, at pati na rin ang hugis-puso nitong labi.

Noong sanggol palang siya, akala ko ay ako ang kamukha niya. Ngunit habang lumalaki ito ay nakakahawig niya si Alesteir.

Pagkatapos ng shift ko ay nagluto na ako at lumabas na si Krome ng room niya. Tumabi sa akin si Donat at nilagyan ko ng pagkain ang pangbatang plato niya.

Kinuha nito ang kutsara at sumalok ng pagkain bago ko siya pigilan.

"Donat, ano ang sabi ko sa iyo?"

"Bawal umutot kapag nasa harap ng pagkain."

Mariing nagdikit ang aking labi. "Si Kuya Krome ang nagturo sa iyo niyan."

"Hinugasan ko na 'yong kamay niya, ate. Dinawdaw ko sa tabo dahil hindi naman abot ng bansot na iyan ang lababo."

Paminsan-minsan ay sumasakit na ang ulo ko sa away ng dalawa na ito. Gustong-gusto lang talaga ni Krome na iniinis itong si Donat.

"Krome, sa sabado ang laban mo sa division?"

"Yes po."

"Maikukuha mo ba kami ng ticket para makapanood kami ni Donut?"

"Sige, ate, itatanong ko kay Ma'am Agatha. Pero bawal ang maingay doon, ate, kasi chess match iyon."

"Paano ako, kuya?" Tanong ni Donat.

Inabot ko ang pisngi nito at inalis ang kanin doon.

"Ilalagay ka muna namin sa basurahan kasi roon ka napulot."

Nanginig ang labi ni Donat at namuo ang luha sa mga mata niya. "M-Mama..."

Nagbuntong-hininga ako at naisampal ang palad sa noon samantalang si Krome ay malawak ang ngiti dahil napaiyak nito si Donat.

Kinabukasan ay maagang umalis si Krome dahil may practice match siya. Pagkatapos magtanghalian ni Donat ay inantok na ito kaya pinatulog ko na muna siya sa silid ni Krome dahil mas malapit iyon sa work area ko— maririnig ko kung iiyak ito.

Inayos ko ang virtual meeting ng boss ko dahil may merging sila sa company. Nag-send siya sa akin ng email ng lawyers niya at pati na rin sa mga partners.

Furthermore, I also prepared his presentations and proposal. Ni-compile ko iyon in a simple, straight-forward, and informative presentation.

Pinagdadasal ko na sana ay hindi magising si Donat. Naglalagay naman ako ng background para safe.

Nag-start ang meeting at pinapasok ko na ang lahat ng invited. Required na open ang cam ko kaya naka-corporate ako at nag-ayos ng buhok.

Nag-pop-up ang message ng boss ko. 'I know it's a short notice but I invited another important person in the meeting.'

'No worries, Mr Freidrich. Let me know his name so I could approve his entry,' reply ko.

'Alesteir Delgado.'

Nanigas ang mga kamay ko. Hindi ko pa rin inalis ang ngiti dahil naka-on na ang aking cam. Pumunta ako sa waiting list at nanindig ang mga balahibo sa braso ko nang makita ang pangalan ni Alesteir.

I approved the call and his cam is already on. Tila bumalik ang lahat sa aking alaala.

"Good morning, everyone," bati nito.

Habang nagmi-meeting sila ay nagte-take notes lang ako para sa minutes. I acted professionally because I am required to do so. Pinakita ko na hindi na ako naaapektuhan kahit na kaharapnko siya.

"Thank you for your time," Mr Freidrich said.

"Mama..."

Narinig ko ang boses ni Donat at lumingon ako. Nagmamadali at nanginginig ang kamay ko para mapindot ang mouse at nawala na ang call. Nawala ang screen ng meeting at lumitak ang desktop wallpaper ko. Tinanggal ko ang aking headphones.

"What's wrong, baby?"

Kinarga ko ito at inilagay sa aking hita. Iyak pa rin ito ng iyak. Niyakap ko siya. Pinatong nito ang baba sa aking balikat at tumalikod ako sa screen.

"Mama... nanaginip ako ng teddy bear."

"Awiee, nandito na si Mama. Huwag na umiyak ang Donat ko."

Umiiyak pa rin ito habang nakayakap sa akin. Dahan-dahan kong inikot ang swivel chair upanh pakalmahin ito.

"Huwag na umiyak. Strong 'yan. Ano ang gusto ng baby?"

"G-gusto ko ng mik-mik."

"Uubuhin ka naman doon."

"Gusto ko ng kropek saka milk."

"Bawal."

"Bakit... wala akong... papa..."

Naramdaman ko ang pagkalma nito at bumigat ang katawan. Napapikit ako at nagpasalamat na nakatulog na itong muli.

Inikot ko ang swivel chair at humarap sa PC. Nasa mga braso ko pa rin si Donat. Pumindot ako upang i-check kung may pending emails pa ako.

Namutla ako nang mapansin sa task bar ang app na ginamit para virtual meeting. Hindi ko ba iyon na-close? Na-minimize ko lang ba iyon?

Kumabog ang aking dibdib. Lumunok ako.

Pinindot ko iyon at bumunga sa akin ang mukha ni Alesteir. Nakasandal ito sa upuan at nakamasid sa amin.

Hindi ko na nabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha dahil agad kong in-end ang call.

Sumiksik si Donat sa leeg ko at payapang natutulog habang ako ay may kakaibang kabog sa dibdib.

******
Hanggang sa susunod na update. 👋🏻
Sweetkitkat.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...