Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

24. Bue's Secrets

25.3K 1.1K 58
By iamrurumonster

Buhay pa pala ang traydor na sumira sa buhay namin. Ang batang inaruga at inalagaan ni amang Lucas ngunit ipinagkanulo din sa huli at naging dahilan ng kamatayan nito. Siya ang dahilan kung bakit kami natunton ng mga sundalo ng Alpha. Siya ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon at nakikipaglaban para mabuhay.

May pinagsamahan naman kami ni Bue kahit papaano. Magkasama kaming lumaki nito at nagturingang magkapatid. Pero lahat ng 'yon naglaho simula nang ipahamak niya kaming lahat dahil sa pansarili niyang interes. Nilimot ko na ang lahat ng alaala kong kasama siya. Ngayo'y isa na siyang estranghero para saakin, isang estrangherong babagsak sa kamay ko ilang sandali lamang.

Mabilis kong pinaikot ang mga sanga ng aking chains upang habulin ang tila hindi mapakaling si Bue. Lapastangan. Hanggang ngayo'y wala parin siyang alam gawin kundi ang tumakbo at mang-iwan ng mga kasama niyang nasa gitna ng panganib. Kailangan nang matapos ang kaduwagan niya. Kailangan na niyangmamatay!

Sa sobrang gigil ko ay mas pinabilis ko ang takbo ng aking mga kadena naumiikot na para salubungin sa iisang ako si Bue. Nakakapagtakang parang nararamdaman o nakikita niya ang mga paparating kong pag-atake dahil naiiwasan nito ang direksyon kung saan patungo ang aking mga kadena. Nagawa pa nitong tumalon ng mataas at saka mabilis na bumagsak sa lupa sabay hampas sa hawak nitong malaking double sided axe. Isang malakas na pwersa ang nabuo no'n dahilan para maputol ang kga kadenang naroon. Napansin kong sa pagkakahampas niya sa mga nakaambang kong chains ay nakagawa ito ng isang nakakakuryenteng pwersa pabalik sa kinaroroonan ko. Nagulat ako. Walang nakakaalam ng kahinaan ko. Pati si Levi o si amang Lucas ay hindi alam na pwedeng putulin ng isang malakas at mabilis na pwersa ng isang metal ang aking chains. Papaano nalaman ni Bue ang lahat ng 'yon?

Dahil sa pabalik na kuryenteng dumaan mula sa aking mga chains, mabilis kong binitawan ang pwersang humahawak sa aking kakayahan. Pakiramdam ko'y para akong nabunutan ng ilang daang tarak sa dibdib at kusang gumaan ang aking pakiramdam. Nabitawan ko na rin ang dalawang alius na taga Tulsah. mabilis silang tumakbo palayo sa kung saan man sila pwedeng magtago at hindi kayang hagilapin ng mga nakakamatay kong kadena.

"Alora! Jamesid! Bilis!" narinig kong sigaw ni Bue na dinig hanggang sa dako namin.

Humakbang ako paharap pero bigla akong pinigilan ng kanang braso ni Sheryl. Seryoso ang tingin nito na parang may naisip gawin para hindi makatakas ang tatlo.

Bumalik na ang dating Sheryl. Bulong ko sa hangin.

"Alison, ikukulong ko sila at paghihiwalayin gamit ang aking illusion powers. Make sure to hold the absolute illusion user na sa tingin ko'y tinawag ni Bue na Alora. While Alora and the other guy is on your hold, Reid and Souk will try to chase and capture Bue. Panahon na para magbayad siya sa lahat ng katarantaduhang ginawa niya saatin," galit na sambit nito habang nakahawak sa kanyang sintido na parang pinapagana na ang kanyang illusion manipulation.

"What about the absolute illusion user and barrier wielder?" naiintriga kong tanong.

"Alison, I need to step up my game in order to survive this hell. Hindi ko hahayaang mag-isa ka sa labang 'to. There is a belief na kapag nakapatay ako ng illusion manipulator na mas malakas at mas makapangyarihan saakin, mapapasakin ang kanyang absolute ability. I need her ability for Claremur." makahulugan nitong tugon. Muli itong nag-concentrate para sa binabalak.

"Aye aye Alison! Handa na kaming lumaban para sa Claremur at para sa buhay nating lahat diba Souk?" bulalas naman ni Reid na nasa likuran ko lang na tinapik-tapik pa ang likuran ni Souk na kaagad namang napatango. 

Lumipas ang ilang segundo ay muling nagsalita ang kanina'y abalang si Sheryl. "Connect your chains to my brain Ali, I will show you where they are trapped para mas mabilis mo silang mahuli gamit ang mga kadena mo. Then connect your chains to Reid and show him where your chains are going. Reid will break the atomic composition of the force field na maaaring buoin ng lalaking may kakayahang gumawa ng harang. After Reid successfully breaks the force field, it's your time to get a hold of them. You can kill the barrier wielder or even Bue but leave the absolute illusion user to me."

I have never seen Sheryl as serious as this. Matagal ko nang alam ang pagiging maabilidad niya pagdating sa mga puzzles at strategies. Isa itong highly skilled tactician sa isla noong nasa Alpha pa kami. Lahat ng division of labor noon ay siya ang namamahala dahil mabilis nitong napaplano ang bawat gawain base sa bilang ng tao at lokasyon. Ang kakayahan niyang planuhin ang bawat kilos na parang domino effect ay matagal nang nakita noon ni amang Lucas kaya simula't sapol ay nahasa na ito sa iba't ibang stratehiya. I can confirm that Sheryl has moved on from her traumatic experiences in Chelsee because she's now acting like the old tactician that's gone for days. Malaki ang tiwala ko sa mga plano niya at hindi na ako nagdalawang isip pa na sundin ito.

"Souk, cover us up while we chase the enemies," suhestiyon ko sa tahimik lang at nagmamasid na si Souk.

Tumango naman ang huli. Napansin ko pa ang paglunok nito bago unti-unting nagbago ang itsura. Ilang saglit lang ay naging isang metallic giant na ito na bago sa aming paningin. Tila balot na balot sa isang matibay na metal ang balat ni Souk na sa tingin ko'y ngayon lang niya ipinakita. Sa paghakbang nito ay isang malakas na pagyanig ang nabuo. Nakapagitan na kami sa mga binti nito nang maglaon. Mabuti't naging maganda ang ensayo nila sa pamumuno ni Alec at nagagamit nila ngayon ang kanilang mas pinalakas na kakayahan para ipagtanggol ang grupo.

"Ate Alison, your chains!" hudyat ni Sheryl na sa tingin ko'y nagsisimula nang palawigin ang illusion na binubuo.

Kaagad kong pinatakbo patungo sa katawan ng dalaga ang aking mga chains. Umabot ito sa bahagi ng kanyang utak kung saan pinapatakbo ni Sheryl ang sakop ng kanyang illusion. Ginagawang isang masukal na kagubatan ni Sheryl ang buong lugar. Naroon ang mga matatayog na puno, mga baging, mga ligaw na damo at mababangis na hayop. Narinig ko pa ang huni ng mga ibon at kulisap sa kagubatang binuo ni Sheryl. Halos madala ako dahil parang totoo ang nakikita ko.

"Don't let yourself fall into my illusion Alison. Pwede mo nang ipakita kay Reid ang location at ang running chains mo.

I remain steady while my chains are connected to Sheryl. Nakapasok na rin ako sa sistema ni Reid na nakatayo lang sa tabi ni Sheryl. Nagulat pa ang binata nang dumikit sa kanyang utak ang dulo ng aking kadena at nakita marahil ang ilusyong binuo ni Sheryl at ang pagtakbo ng aking mga chains na naghahalungkat sa mga kalaban. Hindi naman tumigil sa mabilis na paglalakbay ang iba ko pang mga kadena paikot sa parameters kung saan malapit lang ang grupo nina Bue. Napakuyom muli ako ng palad nang pinabilis ko ang takbo ng mga kadena. Pigil ang bawat paghinga habang nagngingitngit ang sarili kong mga bagang, nahagilap ko ang biochemical colors ng tatlong kalabang palayo sa kinaroroonan namin. Muling umikot ang ilang mga kadena upang palibutan ang tatlo.

Sa ilusyong dulot ni Sheryl, humiwalay ang force field wielder kina Bue at sa babaeng absolute illusion user. Umatras ito at nalito sa nakitang masukal na kagubatan. Hindi naman ako nagkamali sa hinuha nang akmang lalapitan na ito ng mga nag-ngingitngit kong connecting chains dahil kaagad niyang punalibutan ang sarili ng harang. "Reid, your turn!" utos ko sa binata na nakikita rin ang kaganapan.

Mabilis itong humakbang paharap upang lumapit sa direksyon kung nasaan ang lalaking tinawag na Jamesid, ang force field wielder. Parang isang malakas na ihip ng hangin ang binuo nito sa kawalan habang gumagalaw ang kanyang mga daliri. Mula sa vapor na nakolekta nito ay nakabuo siya ng isang malakas na bombang babasag sa harang na binuo ng kalaban. Sa paghampas ng kanyang mga palad paharap ay tila hinagis ang nabuo nitong bomba mula sa hangin. Dumikit ang mga bomba sa harang ng lalaki at kaagad na sumabog ng malakas ang bomba. Dinig namin ang nakakabingi na explosion ilang kilometro mula sa kalaban.

"H-ha?! Hindi nawasak!" bulalas ni Reid na nagulat din sa nangyari. Sa reaksyon nito'y tila uulit pa siya sa gagawing atomikinesis ng vapor para muling basagin ang harang.

"Alison! Plan A didn't work. Kailangan ng alternate plan!" narinig kong muli si Sheryl.

"Take Bue Ali. I'll handle the wielder of shield. Souk and Sheryl you have to team-up and take down the girl." Isang suhestiyon ang mabilis na sinabi ni Reid na tila naasar sa kalaban dahil hindi niya nagawang basagin ang harang. Inihipan pa nito ang nahulog na buhok sa kanan niyang talukap bago tumakbong parang susugod na sa kalaban.

"W-wait! Reid!" pigil ni Sheryl pero sadyang hindi na papapigil pa ang lalaki. Narinig nito ang pagtawag ni Sheryl pero hindi man lang ito lumingon at nagpatuloy parin sa pagsugod. "Ali, take down Bue, para kay amang Lucas, sa mga bata... for us!"

'Yon ang huling sinabi ni Sheryl saka ito tumakbo na rin pasugod sa kalabang si Alora. Kaagad na sumunod si Souk sa babae. Hindi ko na nagawang pigilan ang mga ito dahil sa nakaambang panganib. Parang wala rin kaming nagawa kundi sundin ang plano ni Reid -ang gapiin ang mga kalaban, isa-isa.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka kaagad tinungo ang kinaroroonan ni Bue na nakatayo katabi ng illusion wielder habang pinagmamasdan ang kasamahan nilang binabalot ng harang. Nakahanda na rin ang dalawa sa kung ano mang paparating sa kanila.

Unang nakarating si Reid sa harap ng mga kalaban. Nabasa ko pa sa utak nito ang sobrang iritasyon nang makita ang nakakainsultong ngiti ni Jamesid. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil sa nakita kong tagpo sa utak ni Reid. Baka kung anong mangyari kay Reid kapag hindi ako nagmadali.

Narinig kong tumawa ng pagak si Jamesid bago nagsalita, "Sa tingin mo mawawasak mo ang harang na ginawa ko gamit yang mga pipitsugin mong explosives?" sarkastiko nitong sabi.

Napaismid si Reid. Mukhang hindi ito natinag sa tatlong nasa harapan. Hindi ko inaasahan ang sumunod nitong binulong sa sarili. "Alison, make it fast. I will totally break this guy's shield of shit! Take a hold of them and I will do the rest. On three, I'm breaking the shield."

Shit! Anong binabalak ni Reid? Mukhang walang pasabi at bigla na lang akong uutusan?

"Alison." Muli akong kinausap ni Reid gamit ang kanyang utak. Matalino ang naisip ng lalaki na kausapin ako gamit ang nakakabit na kadena sa kanyang utak. "Run your chains. On three Alison!"

"One!" Bulong ng binata sa sarili.

Awtomatiko ko namang pinatakbo ang mga kadena palapit sa force field wielder. Kasabay ng mabilis kong pagtakbo ang papalakas na kabog ng aking dibdib. Pigil ang aking paghinga habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan ni Reid at ng tatlo pang kalaban.

"Two!" Muling kausap saakin ng lalaki.

Nakapalibot na ang mga kadena ko sa harang na binuo ng lalaki. Tinangka ko pang pasukin ang sistema ni Bue at ng illusion user ngunit parang nagawa na rin itong lagyan ng harang ni Jamesid.

"Three!" Malakas ang pagkakasabi ni Reid sa pangatlong numero.

Biglang nawala ang harang. Mabilis na gumapang ang mga kadena palapit sa force field wielder. Kaagad kong napasok ang katawan nito at hindi naman ako nabigong puluputin ang puso at utak ng kalaban.

Ilang metro na lang. Tanaw ko na sina Reid. Laking gulat ko nang naroon din sina Sheryl at Souk na nasa normal na anyo. Reid, nasaan na sila? Tanong ko sa lalaki. Wala akong narinig na sagot. Inilang hakbang ko pa ang distansya hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa tatlo na parang estatwa lang na nakatayo. Naguluhan ako sa nangyayari. Bakit kanina'y kaharap lang ni Reid ang tatlong pangahas? Imposible! Imposibleng gano'n na lang kabilis na nakaalis ang tatlo!

"Sheryl! Souk! Reid!" malakas kong tawag sa tatlo habang papalapit ako at hinahabol ang paghinga. Tinangka kong hawakan ang tulalang si Souk at niyugyog ang katawan nito. Hindi ito sumagot. Hindi kumurap ang babae na parang kontrolado ng isang pwersa.

Lalapitan ko pa sana si Sheryl nang biglang isang malakas na palo sa aking likuran ang dumapo. Biglang nanginig ang aking mga tuhod at nanghina ang buo kong katawan sa sobrang lakas ng hampas. Sinundan pa iyon ng isang malakas na suntok sa aking sikmura na hindi ko makita kung kanino at saan nagmula. Halos maubusan ako ng hangin sa baga sa lakas ng suntok na 'yon. Wala akong makita. Anong nangyayari?

Isang malakas na tawa ng babae ang sumunod kong narinig bago unti-unting nagbago ang kapaligiran na kanina'y binuo ni Sheryl. Kinutuban ako. Nagawa nang talunin ni Alora ang illusion ni Sheryl. Pero bakit hindi ko makita ang tatlong kalaban? Nassan sila? Nananaginip ba ako?

Kinutuban ako. Nasa isang makapangyarihang ilusyon nga ako. Kontrolado ni Alora ang paligid at kaya hindi ko sila makita ay dahil baka nasa loob ng isang harang na pinatungan ng ilusyon ang mga ito. Nagawa niyang pasukin ang utak ni Reid kaya pati ako ay nagawa niyang pasunurin sa mga gusto niya. Lagot na! Kailangan kong pakiramdaman ng mabuti ang paligid ko. Dahil kapag tumagal ang dumami ang mga natatamo kong mga suntok ay baka bumigay ang katawan ko. "Show yourselves! Mga duwag!" asik ko habang sapo ang aking sikmura.

Naramdaman ko ang isang malakas na hampas na paparating sa aking likuran. I ducked down at crawled to my left para makaiwas. Sa kasamaang palad, isang malakas na tadyak ang sumunod kong naramdaman. Huli na nang tangkain kong muling umilag dahil dumikit na ang pwersang iyon sa aking tagiliran dahilan para tumilapon ako sa buhanginan. Tinangka kong bumangon kahit na matindi ang kirot sa aking tagiliran at halos paputol-putol ang suplay ng hangin sa aking baga. Nagawa kong muling makatayo at pinakiramdaman ang buong paligid.

Tahimik. Walang maririnig kundi ang sipol ng hangin. Sinasampal ako ng malakas na ihip ng hangin. Pumikit ako at hinayaang ang aking pandinig at pandama ang magsilbing mga mata ko. Ilang segundo na nanatili akong nakatayo sa gitna ng disyerto na binuo ng absolute illusion user. Bilang ang bawat paghinga ko. Naramdaman kong bahagyang natigil ang pagsampa ng hangin sa pisngi ko. May tao, sigurado akong may papasugod sa harap ko. Maliksi akong yumuko at saka isinandal ang kaliwa kong bisig sa buhanginan. Inipon ko ang aking lakas sa kanan kong binti saka paharap na inihampas ito paikot. Sumagi ang paa ko sa isang matigas na bagay. Masakit ang pagtama ng aking binti sa hinampas kong nagtangkang sumugod.

Biglang sumulpot sa kawalan ang tumilapon na si Bue na napagtanto kong siya ngang sumugod. Tinamaan ko ito sa kanyang kaliwang binti na sapo niya nang siya'y bumagsak. Nagtama ang aming mga paningin. Nakita ko ang gulat at takot sa mga mata nito bago siya kumaripas ng takbo palayo saakin. Hindi ako nagsayang ng oras at hinabol ko siya gamit ang aking mga kadena. Pinabilis ko ang takbo ng aking mga chains at halos magdugo ang aking bibig nang makagat ko ito sa sobrang gigil.

Marahil ay hindi inaasahan ni Bue na matisod sa isang matigas na bagay. Natumba ito at sa pagbagsak niya sa lupa ay nasalo na siya ng mga chains ko. Kaagad ko siyang nahawakan sa puso at sa utak dahilan para manatili itong nakasalampa sa buhangin. Dala ng matindi kong galit, hinigpitan ko ang pagkakapulupot ng kadena ko sa kanyang puso dahilan para ngumiwi ito sa sobrang kirot.

"A-Alison!" sumamo nito na parang sa isang pihit ko pa sa aking chains ay mapuputulan na ito ng hininga.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumigaw ang isa nitong kasamahan.

"Kill him and I will kill her!" Nasa kabilang dako si Alora na kontrolado si Souk. Walang malay ang huli na parang pinatulog ni Alora gamit ang kanyag kakayahan. Nasa likuran nila ang force field wielder na halatang kinakabahan na rin sa posible kong gawin.

Lihim kong pinatakbo ang iba ko pang mga kadena patungo sa babae. Ang akala ko'y mahihirapan akong sakupin ang sistema nito dahil sa katabing si Jamesid pero nagtagumpay akong sakupin siya -puso at utak. They let their guard down when they saw Bue was in trouble? Or is there something that's happening behind this sudden surrender?

"Ah-anong n-nangyayari?" gulat ang babaeng illusion user dahil sa paghigpit ng kanyang dibdib.

"Kill her and I will kill you both!" usal ko habang nakalahad ang aking kanang palad. Sa isang pagkuyom lang ng aking kamay, tiyak kong mamamatay silang dalawa. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ang kung sino mang magtatangka sa buhay ng mga kaibigan ko.

"Bue! B-bue! H-huwag kang pumayag!" muling sabi ng babae. Sa tingin ko'y may espesyal na namamagitan kay Bue at kay Alora kaya ganoon na lang ang ikinikilos ng bawat isa. "Kapag pinatay mo siya, hinding-hindi mo na malalaman ang isang lihim na dapat mong malaman. Bue has all the secrets behind your creation Alison!"

Nililinlang ba ako ng babaeng ito? Anong sikreto ang sinasabi niya na kailangan kong malaman? On that sudden moment, my mind becomes idle. Hindi ko alam kung maniniwala ako o magmamatigas at tatapusin ko na ang buhay nilang dalawa.

"Read his mind! Alam kong kayang-kaya mong gawin 'yon!" utos ni Alora na nahihirapan paring huminga at kumilos. Nabitawan na nito si Souk at nasa kamay na ng kasama nilang lalaki ang babae na wala paring malay.

Alam kong kapag nagpalinlang ako ay maaaring maging katumbas 'yon ng buhay ni Souk. Pero papaano kung may katotohanan nga ang sinasabi ni Alora at ni Bue. Papaano kung may mga sikreto palang dapat kong malaman? Papaano?

Wala akong nagawa. Nagpadala ako sa udyok ng aking puso. Napapikit ako kasabay ng pagdikit ng dulo ng aking kadena sa sulok ng utak ni Bue kung saan nakalagay ang lahat ng kanyang memorya. Bigla akong napamulagat nang makita ko ang lahat ng nalalaman nito tungkol saakin, tungkol sa aming lahat, tungkol sa libro ni amang Lucas at tungkol sa Delta.

Hindi maaari. Imposible... hindi, posible! Posible nga pero papaano? Inuulit-ulit na banggit ng aking utak matapos kong halungkatin ang memorya ni Bue.

###

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 60K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
1.8K 115 4
✯ONGOING | The Lost Relics of Death (Mythos 1) HELA AVRIL DAYANGHIRANG doesn't have a good reputation unlike her father, a history professor in Unive...
733K 38.5K 35
GIFTED SERIES #3 Hey. Have you heard about the Principal? It is said that she's a little girl with a blonde hair. And she always walks with a cup of...
90.3K 1.6K 115
[COMPLETED] a Forthsky Padrigao and ThatsBella Fan Fiction #WPEndGame ©️Full Credits to the owner of the pictures used in the story