Sweet Lies (Sweet Series Book...

By vanessabree

185K 4.7K 2.6K

Book 2 of Sweet Series More

Sweet Lies
Simula
Sweet Lies 1
Sweet Lies 2
Sweet Lies 3
Sweet Lies 4
Sweet Lies 5
Sweet Lies 6
Sweet Lies 7
Sweet Lies 8
Sweet Lies 9
Sweet Lies 10
Sweet Lies 11
Sweet Lies 12
Sweet Lies 13
Sweet Lies 14
Sweet Lies 15
Sweet Lies 16
Sweet Lies 17
Sweet Lies 18
Sweet Lies 19
Sweet Lies 20
Sweet Lies 21
Sweet Lies 22
Sweet Lies 24
Sweet Lies 25
Sweet Lies 26
Sweet Lies 27
Sweet Lies 28
Sweet Lies 29
Sweet Lies 30
Sweet Lies 31
Sweet Lies 32
Sweet Lies 33
Sweet Lies 34
Sweet Lies 35
Sweet Lies 36
Sweet Lies 37
Sweet Lies 38
Sweet Lies 39
Sweet Lies 40
Sweet Lies 41
Sweet Lies 42
Sweet Lies 43
Sweet Lies 44
Sweet Lies 45
Sweet Lies 46
Sweet Lies 47
Sweet Lies 48
Sweet Lies 49
Sweet Lies 50
Sweet Lies 51
Sweet Lies 52
Sweet Lies 53
Sweet Lies 54
Sweet Lies 55
Sweet Lies 56
Sweet Lies 57
Sweet Lies 58
Sweet Lies 59
Sweet Lies 60
Bonus Chapter
Wakas

Sweet Lies 23

2.4K 64 60
By vanessabree

23




"Pagod ka na ba?"

Nilingon niya ako habang nauuna siya sa paglalakad.

Bitbit niya ang nasa labinlimang paper bags. Iba pa ang mga laruang nasa supot.

Umiling ako. "Hindi pa naman."

Bakit ba niya tinatanong kung pagod na ako? E siya ang mukhang kanina pa pagod.

Sinabi ko naman kasi sa kanyang ayos lang na magdala ako ng ilan sa paper bags. But he keeps on insisting.

Aniya'y sapat na raw na ako ang pumipili ng mga damit at laruan para sa mga bata.

"Dito muna tayo. Last stop." Huminto siya sa tapat ng isang kid's apparel outlet. "We need uhh... extra beddings and clothes for Chichi."

"Chichi?" kunot noong tanong ko. Huminto rin ako sa gilid niya.

"Yea." Nilingon niya ako. "She's my favorite." Sumilay ang isang ngisi sa labi niya.

And in split seconds, he's inside. Nagkibit ako ng balikat at sumunod rin agad sa kanya.

Sinusundan ko lang siya ng tingin habang sinusuyod niya ang kabuuan ng outlet.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Para siyang tatay na may sampung anak.

At ang lahat ng iyon, naghihintay para sa mga pinamili niyang pasalubong.

He seems so fond with this whole thing. Lalo pa akong napangiti nang i-angat niya ang dalawang dress na pambata.

Nang matauhan ako sa pagngiti-ngiti ay agad kong sinipat ang pisngi ko.

"My gosh, Paris!" bulong-bulong ko.

Paulit-ulit kong sinipat ang magkabilang pisngi ko. Nalingunan ko pa ang ang isang sales lady na weirdong nakatingin sa akin.

Nginisian ko na lang siya bago ako naglakad uli. Nakakahiya!

Sinundan ko na lang si Vince. Naroon pa rin siya sa mga dress na pambata.

Napansin niyang papalapit na ako kaya siya na mismo ang humakbang sa direksyon ko.

"Paris. Yellow or pink?"

Tinapat niya sa akin ang dalawang dress. Ganito ang ginagawa ko kanina pa.

Kukuha siya ng tatlo o dalawang choice at ako ang bahala kung alin ang bibilhin.

"Uhm...." Tinuro ko ang napili ko. "Yellow."

Napangiti siya saka tumango.

"Thanks. Chichi will love this."

Umiwas ako ng tingin at bumaling sa hilera ng mga jumper sa gilid ko.

Sumulyap lang ako at tipid na ngumiti. As much as possible, I don't want to keep staring at him.

Ewan ko. Pakiramdam ko nagrarambulan lahat ng laman-loob ko sa katawan.

Lalo na kapag tumatagal ng limang segundo ang titig ko sa kanya. Parang may kumikiliti sa kabuuan ko.

Ganito ba talaga? Kasi kung ito na nga iyon, gusto ko mawala na ito agad.

I'm officially calling all the saints right now. Please lang po, pabilisin niyo na ang oras.

Naglakad na kami palabas ng outlet na iyon at hindi na ako mapakali sa sobrang bagal ng oras.

Aalma na sana ako nang tumigil at pumasok siya sa Blue Magic. Kung saan makikita mo ang iba't ibang stuffed toys.

Akala ko ba last stop na iyong kid's apparel? Wala na akong nagawa, sinundan ko na lang siya.

Naagaw agad ng mga fluffy at cute na teddy bears ang atensyon ko. Gustong-gusto ko na sila noon pa.

Sa bungad pa lang ng kwarto naming dalawa ni Vidette, you'll immediately conclude that we're into teddy bears and the like.

Hinanap ng mga mata ko si Vince. He's on the dolphin's corner.

Nagkibit ako ng balikat at dumiretso sa section ng mga stuffed toy.

Inangat ko ang isa sa mga iyon. Napangiti ako. Ganito ang isa sa mga nasa kwarto namin.

I was bedazzled on how the kid inside me suddenly wanted to buy all these. I'm 21, pero napapangiti pa rin ako sa ganito.

Namangha ako sa isang kulay baby blue na teddy bear. Inabot ko iyon kahit medyo nasa mataas na parte siya ng section.

I struggled reaching it. Halos ma-disarrange ang suot kong sheer blouse. Nang sa wakas ay maabot ko iyon...

"Cute naman niyan."

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot siya bigla sa likuran ko. I held my chest.

"God you scared me..." utas ko habang hawak ko pa rin ang dibdib ko.

Malalim akong suminghap at bumuga ng hangin.

"Sorry." Halos matawa siya.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumilis na naman ang kabog sa loob. He's damn near me.

Halos sumubsob ako sa dibdib niya nang nilingon ko siya kanina, kaya inilihis ko na lang ang katawan ko.

"I already chose one for Chi." Pinakita niya sa akin ang isang stuffed dolphin. "Do you... like that?"

Itinuro niya ang teddy bear na unconsciouly, mahigpit kong hinahawakan.

"A-Ah? Ito?" Inangat ko iyon. "H-Hindi ah." Umiling ako. "Tiningnan ko lang baka magustuhan din ni Chichi." I lied.

Okay that's lame. That is so lame, Julia Parisha.

Baka kasi sabihin niya, ang tanda ko na pero gusto ko pa rin sa mga laruan. Ugh!

Ibinaba ko iyon sa built-in cabinet ng mga teddy bears.

Iniwanan ko siyang nakatayo roon. Hindi ko na tiningnan kung anong reaksyon niya.

"Nakakahiya ka talaga!" bulong na saway ko sa sarili ko.

Halos mapapikit ako sa mga pinag-gagawa ko. Why can't I get my acts together? Like seriously Paris?

Sa sobrang hiya sa sarili ay lumabas na lang ako ng outlet. Hinintay ko na lang siya sa exit.

Napaayos ako ng tayo nang maaninag ko na siyang naglalakad palabas.

Saglit akong natulala habang kinukuha niya ang mga bags sa baggage counter.

How can someone look incredibly... handsome?

When he's actually holding fifteen freaking paper bags?

Nagulo nang kaunti ang buhok niya. Bagay sa kanya iyong sobrang maayos na buhok.

Pero mas nagiging gwapo siya kapag nagugulo iyon nang bahagya.

Gosh. How can you resist staring at...

"Paris." Kumaway siya sa tapat ng mata ko.

Pasimple ko na lang winaglit lahat ng kalokohang nasa isip ko.

"A-Ahh t-tara na." Sabay talikod at pikit.

Naglakad ako nang mabilis palayo sa kanya. Napagsalubong ko ang labi ko sa sobrang inis na naman sa sarili.

Ayaw ko na! Suko na ako! Ayaw ko na siyang tingnan o lapitan!

"Paris!" I heard him shout. "Wait!" dugtong niya. "Hey! Paris!"

"What?" Naisigaw ko iyon nang bahagya.

Hindi ko siya nilingon, patuloy ako sa paglalakad. Nasaan ba kasi iyong exit ng mall na ito?

Iritable na ako sa sarili ko. Gusto kong umuwi at maligo. Baka sakaling matanggal lahat ng kahihiyan ko sa katawan.

"Uy. Teka. Ba't ka ba nagmamadali?"

Natigil ako sa paglalakad. Bilog ang mga mata kong pumukol sa kanya.

Nasa harapan ko na siya ngayon. Ba't ba lagi siyang sumusulpot? Ugh!

"A-Ano ba kasi 'yon? Can we just make it fast so we—"

"Here."

Kumunot ang noo ko nang itapat niya sa akin ang isang malaking Blue Magic paper bag.

"A-Ano 'yan?" tanong ko.

"Take it." Inilapit niya pa iyon sa akin.

Silly, Paris! Kunin mo! Malamang binibigay niya 'yan sa'yo kasi marami na siyang dala!

"Ah sorry." Inagaw ko iyon sa kanya. "Kay Chichi 'to?" Sinubukan kong dungawin ang nasa loob. "I'm sure she'll like it."

"That's yours."

Gulat akong nag-angat ng tingin. Naabutan ko siyang nakangiti.

"Mine?" mahina kong tanong.

"Go check it out." He bit his lips. Damn that move.

So I checked it out. Napaawang ang bibig ko nang tuluyang makita ang laman.

It's the baby blue teddy bear. But this one's bigger. A lot bigger.

Nang inangat ko ang tingin sa kanya, hindi ko na siya naabutan.

Naglalakad na siya palayo sa akin. He's now walking towards a bench.

"Vince!" sigaw ko.

Lumingon siya agad. Nagtaas siya ng kilay.

"Why did you buy this?" dugtong ko. Naglalakad na ako palapit sa kanya.

Bakit niya ba ito binili? It's freaking expensive! Sana ay binili niya na lang ng ibang laruan para sa mga bata.

"Do I need to have a reason?" He giggled. Oh come, on. That giggle.

Kumunot ang noo ko. Trying to understand what's so funny about that.

"That's your reward." dagdag niya. "It's never easy walking around the mall using those heels."

Nginuso niya ang suot kong high heels. Napahinto ako.

Ngumisi siya at napailing. Tumalikod siya uli at tinuloy ang paglalakad.

Dinungaw ko ang suot kong sapatos. Hindi naman masakit ang paa ko. Sanay na ako sa ganitong heels.

I unconsciously smiled like an idiot there.

Pinigilan ko iyon pero hindi ko nakaya. Napailing na lang ako.

I'm amazed when people notice the small details. It makes you feel somewhat special.

Ano ba 'to? Ang contradicting minsan ng ginagawa ko sa mga iniisip ko. Nakakairita!

Nang matapos kaming kumain ay saglit kaming nagpahinga sa isang bench. Katapat no'n ang isang fountain.

I'm sternly looking at my watch. Alas-dose na ng tanghali.

Tatlong oras pa lang kami rito? Bakit parang ang bagal?

And then it hit me. Alas-dose na. Lunch na. Allan is probably looking for me by now.

"Vince..." utas ko. Habang nakatingin pa rin sa relo ko.

Parang isang signal ang ginawa kong iyon. Paglingon ko ay may dina-dial na siyang number sa kanyang cellphone.

"Hello? Yea. Allan. She's with me... Paris. Yup." Nilingon niya ako. Umangat ang dulo ng kanyang labi. "No. I don't... Yea I'm not really sure." Bahagya siyang humalakhak. Tumingin uli siya sa fountain. "Alright. I will. Bye. What the hell, man? You're crazy. Sige na." Binaba niya ang tawag. Umiiling siya habang nakangiti.

Kumunot ang noo ko.

"Ano sabi niya?" tanong ko.

"Well..." Lumingon siya. "He said you're cleared for today."

He stood up. Dala ang mga paper bags at mga supot na may lamang mga laruan.

"I am?" Tumingala ako sa kanya. Nagtaas ako ng kilay.

Tumango siya. "You are. Tinext ko na rin naman siya kanina kung bakit tayo magkasama." Ngumiti siya. "Tara na. Chichi's waiting for you since yesterday."

Sasagot pa sana ako pero pumihit na siya sa direksyon ng exit.

Wala na akong nagawa, sumunod na lang ako hanggang sa marating namin ang car park.

Pinusod ko ang kaninang nakalugay kong buhok. Naiinitan ako.

Kung alam ko lang na isang oras lamang ang itatagal ko sa opisina, hindi sana ako nag-skirt at nag-sheer blouse.

"You can sleep." utas niya. Bumaling ako agad.

"Matulog? Bakit? Malayo ba 'yong pupuntahan natin?" tanong ko.

"Medyo," saglit siyang sumulyap. "But you'll love it there. I promise." Ngumiti siya.

Binalik niya ang tingin sa daan. Hindi ko muna inalis ang mga mata ko sa kanya.

Posible bang maging masaya at kabahan nang sabay?

Or is it even possible to get nervous and excited at the same time?

Because right now, I'm figuring out if that could happen. Ang tuwa at takot sa iisang bagsakan.

Aaminin kong masaya akong katabi ko siya. Pero alam mo 'yon? Hindi talaga pwede, e.

Kanina pa ako tinatraydor ng isip at galaw ko. Kanina pa hindi magkasundo iyong dalawang importanteng organs sa katawan ko.

Puso at utak. I want to just jump out of this car.

How can you catch feelings for someone you barely see? We even barely speak for God's sake.

Pero siguro nga, siguro nga... Ganoon talaga. Ganoon talaga sa madayang mundo.

You catch feelings for someone you wish you hadn't.

"Do you do that often?"

Bumilog ang dalawang mata ko nang magsalita siya sa gitna ng pag-iisip ko.

"H-Ha?" Bumaling ako sa daan. "A-Anong... Ibig mong sabihin?"

Pinatong ko ang aking siko sa may glass window. I cupped my mouth with my hand. Napapikit na lang ako.

"Stare at your driver."

Kunot-noo akong lumingon sa kanya. Ugh! Ayan! Ayan Paris! Titig pa, sige pa!

"E-Excuse me?"

Ngumisi siya at umiling. What the... I quit! I quit!

"Wala." Saglit siyang sumulyap. Napaiwas ako ng tingin. "Matulog ka muna. I'll wake you up after uhh... say thirty to forty minutes."

Mabuti pa ngang matulog. Siguro iyon ang kailangan ko para mawala lahat ng kaweirduhan ko sa katawan.

"Sshhh... She still sleeping. Pumasok muna kayo sa loob."

"Kuya Vince. Siya ba si ate? Ang ganda ganda niya!"

"Oo nga po ang haba pa ng buhok!"

"Ang ingay ingay niyo! Sabi ni Kuya pasok na tayo sa loob!"

"Oo nga lika na! Lika naaaa!"

"Chi... Huwag na makulit. Susunod kami agad." I heard giggles.

Those murmurs and loud enough whispers woke me up. Sino bang mga nagbubulungan iyon?

I slowly opened my eyes. Muntik akong mahulog sa kinauupuan ko nang bumungad ang mukha ni Vince.

Two inches? Two inches ang layo ng mukha niya!

Bumilog rin ang mga mata niya. Bahagya siyang lumayo sa akin at agad tumayo. Umayos ako sa pagkakaupo.

"Hi ate!" sabay sabay na bati ng tatlong bata.

Nakabukas na pala ang pintuan ko. Nasa tapat no'n si Vince at doon din sumiksik ang tatlong bata.

"Hi..." bati ko pabalik. Ngumisi ako sa kanila.

"Mauuna na ako sa loob." Nilingon ko si Vince. "Hintayin niyo na si ate Paris." Nginitian niya ako.

Muli akong bumaling sa tatlong bata. Ang isa ay nilalaro na ang dulo ng buhok ko.

Napangisi ako lalo. I really love kids. I could stay in one house and be with kids lalo na kung ganito sila ka-adorable.

Ang isa ay pinipilit nang magpakalong sa akin. Kinalong ko na lang. Napailing ako sa sobrang tuwa.

"Ate! Ang bango bango niyo po!" utas ng batang babae na kumalong sa akin.

"Chichi bumaba ka nga diyan. Wag ka magpakalong!" suway ng isa pang batang babae sa nagpakalong sa akin.

"Ikaw si Chichi?" I can't hide the excitement.

Tumango siya. Ang cute! Ang sarap iuwi!

"Kilala mo po ako ate?" eksayted niyang tanong.

Tumango rin ako kasabay ang isang ngiti. I pinched her nose.

"Ang cute cute mo pala!"

"Kami ate? Hindi ba kami cute?" tanong ng batang lalaki. Umakto siyang parang nagtatampo.

Bahagya akong napahalakhak. "Syempre cute rin kayo! Cute kayong lahat." I wiggled my eyebrows.

Bakit ba hindi ko naisipang may ganitong charity home rito sa Pangasinan? Ngayon ko lang tuloy sila nakilala.

Sabay sabay silang yumakap sa akin. Lalo akong natuwa. So sweet!

"Kids... Tama na 'yan. Di na siya makahinga oh?"

Napabaling ako kay Vince. Nakapamulsa siyang nakatingin sa aming apat. He's smiling. I smiled back.

Kumalas ang mga bata sa akin. I tapped their heads.

"Sunod ka sa loob ate, ha? Hintayin ka namin!" utas ni Chichi.

Tumango ako. Sabay sabay silang kumaway. Nagsitakbuhan sila paloob sa malaking pintuan.

"Oh, ingat! Don't run too fast!"

Narinig kong suway ni Vince habang bumababa ako sa kotse. I closed the door. Bumaling ako sa kanya.

"Ready?"

Nagtaas siya ng kilay. Nakabulsa pa rin ang mga kamay niya. Tumango ako.

Naglakad ako palapit at sabay kaming pumasok sa loob.

Hindi gaanong malaki ang organization house. But you will immediately feel welcome dahil sa light ambiance.

Maaliwalas at nakangiti lahat ng masasalubong mo. Maririnig mo agad ang mga batang nagtatawanan.

"Matagal ka na bang tumutulong dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga bata sa playground.

"Hmmm." Sabay kaming napalingon. "Tatlong taon na rin. Since I graduated college."

Tumango ako at bumaling uli sa mga naglalaro. I guess they're ranging from four to eight years old?

I saw Chichi. She's waving at me. I waved back and smiled.

"I knew it. She'll definitely like you."

"Si Chichi?" Nakangiti pa rin akong lumingon sa kanya.

"Yup. And all the other kids seem to like you, too." dagdag niya. Tumango ako.

"They're all cute and adorable." Nilingon ko uli ang mga bata.

"Parang ikaw..."

"Ha?" Kunot noo uli akong bumaling sa kanya.

"Ha? W-Wala." Ngumisi siya habang hinahaplos ang kanyang batok.

Umiwas siya ng tingin at lumiko patungo sa playground.

Binagalan ko ang paglalakad. Pinauna ko siya. Pinilig ko ang ulo ko.

What the hell is happening to you, Paris? Kung anu-ano na rin naririnig mo!

Continue Reading

You'll Also Like

379K 11K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
690K 12K 22
She fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius
1.3M 23.6K 38
Hindi naniniwala si Min sa love. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang maiahon ang pamilya niya sa hirap. Kaya naman nang makilala niya si Lee...
763 66 5
I'm Prince Lazlo's number 1 and ultimate fan. From his favorite color down to the last meal he ate, alam ko. Pati yata bilang ng eyelashes ng gwapo a...