Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.5K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)

965 39 7
By EMPriel

"Whoever fights monsters should see to it that in the process he does not become a monster. And if you gaze long enough into an abyss, the abyss will gaze back into you."

-Friedrich Nietzsche


September 16, 2267 – De La Salle University – 8:30 AM - 10°C

Nakaupo lamang si Dylan sa isang pahabang upuan na gawa sa bakal. Suot ang isang makapal na itim na jacket na gawa sa makapal na balahibo ng isang hayop. Gamit niya din ang isang sombrero na makapal upang protektahan ang sarili mula sa lamig. Nilalaro ang paa at para bang gumuguhit ng isang larawan sa pamamagitan ng paghawi ng niyebe sa semento. Nakatayo lamang si Brigand sa kanyang harapan, posturang-postura sa kanyang tindig at suot na puting uniporme. Pinapanood din niya ang ginagawa ng bata. Maya-maya pa ay isang bungkos ng niyebe ang bumagsak sa kanyang balikat galing sa puno. Tumawa ng malakas si Dylan ngunit hindi naman gumalaw si Brigand. Ngumiti lamang ito saglit tumingin sa kanyang ama.

Sa pagkakataong iyon ay kinakausap na ni James Ford ang principal ng elementarya. Hindi maganda ang takbo ng kanilang pag-uusap, alam iyon ni Brigand. Naririnig niya kahit malayo pa ang kanilang pagitan. Muli siyang tumingin sa batang si Dylan na tawa pa rin ng tawa.

"Bakit hindi? Babayaran ko naman kayo ng malaki! Mas malaki pa sa ibinabayad ng ibang mga magulang dito!" bulyaw ni James Ford. Halata ang kanyang panggigigil dahil sa pagkakakapit niya sa kanyang tungkod. Suot niya ang isang mahaba at makapal na coat. Top hat naman ang suot niya sa kanyang ulo.

"M-Mr. Ford...maniwala po kayo, gusto naming tanggapin si Dylan para mag-aral sa eskwelahang 'to pero..."

"Pero ano? Ayaw niyo siyang tanggapin dahil inampon ko siya?!" putol ng matandang lalaki.

"Hindi po sa ganoon. Wala po kasi siyang memory gene. Baka isipin ng ibang mga teachers...mga magulang at ng mga estudyante dito eh bid siya," paliwanag ng principal. Malungkot ang guhit sa kanyang mukha. Nilalaro naman niya ang kanyang mga daliri dahil sa labis na kaba.

Tumalikod naman ang matandang lalaki at hinimas ang kanyang sintido. Maglalakad na sana si Brigand patungo sa kanya ngunit agad sumenyas ang matanda na huwag na siyang lumapit pa. Tumigil na lamang muli si Brigand at tumingin sa bata. Tila nag-alala naman si Dylan sa ipinapakita ng kanyang kinikilalang lolo. Nalukot ang kanyang mukha, yumuko na lamang at muling gumuhit sa semento gamit ang kanyang mga paa.

"Pasensya na...akala ko kasi ay hindi namimili ang eskwelahan na ito. Akala ko magandang edukasyon ang ibinibigay niyo. Mukhang nagkamali na naman ako," muling sambit ni James Ford.

Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ni Brigand ngunit napatigil din nang magsalita ang principal.

"Mr. Ford, naiintindihan ko po na marami na kayong napuntahang eskwelahan. Nagsimula na rin po ang school year. Pasensiya na po talaga kung hindi namin siya matatanggap," sambit niya.

"Kailan pa naging sukatan ang pagkakaroon ng memory gene para magkaroon ng edukasyon?" bulong niya. Naglakad nang muli ang matanda matapos bigkasin ang mga huling salitang iyon.

"Tayo na!" matigas niyang sambit. Agad namang yumuko si Brigand at nilapitan si Dylan. Tumayo naman ng mag-isa ang bata at naglakad kasabay ang kanyang lolo.

"Hindi pa rin po ba ako makakapag-aral?" bulong ng batang si Dylan. Nagsalubong naman ang kilay ng matandang lalaki habang pinagmamasdan ang mukha ng bata.

"Makakapag-aral ka, higit pa sa pinag-aaralan ng mga bata dito. Hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa maduming lipunan na 'to," tugon ni James Ford. Sa kanilang paglalakad ay nadaanan nila ang grupo ng mga estudyante at mga magulang na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga anak sa pagpasok. Lahat sila ay may kulay berde na makakapal na jacket. Tinitigan ni Dylan ang mga batang iyon habang inaabot ang kamay ni Brigand. Hinawakan naman ng butler ang kamay ng bata at tiningnan din ang mga magulang na abala sa pag-aasikaso sa kanilang mga anak. Lahat sila ay may memory gene, lahat sila ay mga bidder. Napansin ng isang bata na walang memory gene si Dylan. Agad na nagbulungan ang iba pang mga bata. Miski ang mga magulang ng mga batang iyon ay tinitigan siya. Natatawa ang iba, ang iba ay nakasimangot. Ang iba naman ay para bang nagmamalaki.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!" sigaw ni James Ford. Tila nagulat naman ang mga bata at mga magulang.

"Si Mr. Ford..."

"Oo, at yung bid na binili niya..."

"Bakit hindi pa rin niya nilipat ang memory gene niya sa batang 'yan?"

"Hindi ko alam, ang alam ko lang bawal talaga ang mga bid dito."

"Nakakahiya kung malaman ng ibang magagandang eskwelahan at ng mga estudyante na tumatanggap sila ng bid dito. Baka mag-alisan ang mga estudyante nila."

"Aba dapat lang! Bakit ba sila tatanggap ng mahirap dito..."

"Saka dapat nakulong na 'yan di 'ba?"

"Oo nga! Naniniwala pa rin akong sinadya niya yung mga aksidenteng 'yon."

"Madami kasing pera! Lahat binabayaran para lang gawing legal!"

Nag-usap sila ng tahimik ngunit dinig ni Dylan ang iba sa mga usapang iyon. Yumuko na lamang siya at ibinaba ang kanyang suot na sombrero upang takpan ang likurang bahagi ng kanyang ulo. Sa parking lot ng eskwelahan ay nakaparada ang itim at magarang hover limousine. Nag-aabang din ang driver at isang body guard. Binuksan ng body guard ang hulihang pinto ng limousine. Naunang pumasok si Dylan, sunod ang kanyang lolo at pinakahuli si Brigand. Katabi ng bata si Brigand, sa harapan naman ng bata ay ang kanyang lolo. Muling gumuhit ng isang larawan si Dylan ngunit sa pagkakataong iyon ay sa salamin ng hover limousine. Gamit ang kanyang daliri ay gumuhit siya ng isang memory gene. Sinulyapan naman iyon ni James Ford; agad binura ni Dylan ang kanyang iginuhit nang mapansin niyang nakatingin doon ang kanyang lolo. Napaiwas naman ng tingin ang matanda habang hawak pa rin ang tungkod sa pareho niyang mga kamay.

_______________________________

Sa isang sulok ng malaking hallway ay nakatingin lamang si Dylan mula sa malaking bintana. Nahaharangan iyon ng salamin at bawat buga ng kanyang hinga ay nanlalabo ang salamin na iyon. Malakas ang buhos ng niyebe sa labas ngunit tahimik naman ang loob. Hinahaplos lamang ng batang si Dylan ang malamig na salamin na iyon. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang isang papalapit na bagay sa kanya. Agad niyang inangat ang kanyang kaliwang kamay sa kinaroroonan ng bagay na iyon. Nasalo niya at nilingon, isang mansanas, mula kay Brigand. Nakatayo ang butler sa dulo ng hallway. Nasa likuran niya na ang kanyang mga kamay sa pagkakataong iyon. Napangiti na lamang siya dahil agad naramdaman ng bata at nasalo niya pa ang kanyang hinagis.

Ngumiti naman si Dylan at kumagat sa mansanas na iyon. Napatigil na lamang ang kanyang pagnguya nang biglang pinunit ng kidlat ang kalangitan. Napapikit siya ng kaunti dahil sa lakas ng kulog ngunit agad niya ding ibinukas ang kanyang mata. Wala na si Brigand sa kanyang kinaroroonan.

Ngumiti lamang siya at tumingin sa kanyang likuran, naroon na ang butler. Nakadungaw din siya sa kawalan at tinutunghayan ang pagsayaw ng mga sanga na nababalutan ng makapal na niyebe.

"Brigand..." bulong ng bata.

"Master?" tugon naman ng butler.

"Kailan ako makakalabas ulit?" tanong ni Dylan. Tila naglaro naman sa isipan ni Brigand ang ibig sabihin ng bata.

"Kapag tapos na ang bagyo..."

Humarap naman si Dylan sa kanya. May bahid ng lungkot ang kanyang mukha.

"Kailan matatapos ang bagyo?" tanong muli niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakasagot pa si Brigand. May kung anong mabigat sa kanyang pakiramdam. Hindi niya din alam kung kalian nga ba matatapos ang unos na nagaganap sa bansang iyon at sa baluktot na sistema ng buong mundo. Tumalikod na lamang siya at bumaba sa hagdan malapit sa kinaroroonan ni Dylan. Muling pumunit ang kidlat sa kalangitan at sa pagkakataong iyon ay hindi na natakot si Dylan. Kalmado siyang kumagat sa mansanas na kanyang kinakain.

________________________

September 26, 2267 – Ford Mansion, Makati Bidder City District – 4:14 PM - 15°C

"Mr. Ford...imposible ang iniisip niyo. Hindi niyo siya kadugo. Isa pa...paano masasabing bidder ang batang iyon kung sakaling lagyan siya ng memory gene? Wala siyang kapangyarihan. Sa assets and liablilities niya, bid pa rin siya!" wika ng isang lalaki na nakasuot ng isang magarang coat. Sa loob ng isang saradong kuwarto nag-uusap ang matandang lalaki at ang lalaki na iyon. Sa inis ay tatlong beses na tinuktok ni Ford ang sahig. Gumuguhit sa kanyang mukha ang panggigigil. Hindi naman nakapagsalita ang lalaki na kanyang kaharap.

"Abogado kita. Binabayaran kita para gawing possible ang imposible. Tapos 'yan ang sasabihin mo sa akin? Wala kang silbi!" matigas na sambit ng matandang lalaki.

"Pero alam mo naman na magkakaroon lang ng karapatan ang batang 'yon sa yaman mo kung..."

"Kung ano?!" putol naman ng matanda.

"K-kung ililipat mo ang memory gene mo sa kanya. Mr. Ford, napag-usapan na natin 'to noon pa. Nakapangalan sa 'yo ang bid na 'yon bilang susunod mong katawan. Ano bang dahilan at binili mo siya?" tanong naman ng lalaki. Tumagilid lamang si James Ford at tumingin sa kinaroroonan ng kanyang magara at malaking mesa na gawa sa antigong kahoy. Naglakad siya ng bahagya at tumigil sa harapan nito.

"Kung mamamatay ba ako?" bulong ng matanda.

"A-ano?! Anong ibig mong sabihin?"

"Narinig mo ang sinabi ko! Wala na akong iba pang tagapagmana. Siya lang ang pag-asa ko! Ayokong kunin ng bulok na gobyernong 'to ang mga kayamanan ko! Alam kong gagamitin lang din naman nila ang lahat sa mali!" tugon ng matanda. Napalunok naman ng kaunting laway ang kanyang abogado. Malamig sa loob ng kwartong 'yon ngunit tila pinagpawisan siya ng malamig.

"M-Mr. Ford...a-ah," hindi makapagsalita ng tuwid ang kanyang abogado. Nakatingin lamang siya sa anino ni James Ford na para bang takot at nalulungkot.

"Gawin mo ang iniuutos ko...pakiusap. Kung gusto ng mga tao na mamatay ako, gagawin ko," muling sambit ng matanda.

"P-pero..."

"Gawin mo...pakiusap. Wala na akong silbi sa mundong ito. Siya lang ang tanging pag-asa ko. Siya lang ang makakapagpabago sa sistemang ito. Siya ang gigising sa lahat para lumaban. Gusto ko na ring magpahinga," wika ng matandang lalaki at muling tumalikod. Umiling naman ang kanyang kausap bago muling magsalita.

"Marami ang mamamatay kapag nangyari 'to..." wika naman ng lalaki.

"Mamamatay sila, para mabuhay naman ang iba," wika ni James Ford. Yumuko na lamang ang lalaki na kanyang kausap. Humarap naman ng marahan ang matanda sa kanya.

"Isa ka ring bid. Alam kong naiintindihan mo kung anong sakit ang mayroon sa lipunang ito," wika niya.

Tinapangan naman ng lalaking iyon ang kanyang mukha bago nagsalita.

"Masusunod. Mr. Ford. Gagawin ko ang lahat."

Kahit na maluha-luha ang kanyang mga mata sa labis na kaba ay iyon ang nasambit niya. Alam niya sa sarili niya ang mga puwedeng mangyari ngunit ang hangarin ni James Ford ay naiintindihan niya. Napahawak na lamang siya sa kanyang sintido habang umiiling.

________________________________

September 27, 2267 – Medical City, Ortigas Bidder District – 3:14 PM - 15°C

"Master, handa na po ang lahat," sa pagbigkas ni Brigand ng hudyat ay agad na tumayo ang matandang lalaki mula sa pahabang upuan. Katabi niya sa pagkakataong iyon si Dylan. Takot na takot, nanginginig at hindi maipinta ang mukha. Gusto niyang sumigaw ngunit may pumipigil sa kanyang kalooban. Ginusto niyang maganap ang pangyayaring iyon. Matagal niyang hinintay at pinaghandaan ang lahat. Ang pagtanggap ng kapangyarihan at ng sumpa ng marahas na lipunan.

Naglabasan ang iilang mga doktor mula sa puting kuwarto. Nakaputi ang mga ito at nakaface mask. Tiningnan ni Dylan isa-isa ang mga doktor na iyon habang tumatayo. Lahat sila ay nakangiti sa kanya. Yumuyuko pa ng bahagya ang iba upang batiin siya. Ngumiti ng kaunti ang bata habang naglalakad papasok sa kwarto. Hinawakan naman ni James Ford ang kanyang likod. Inabot naman niya ang kanyang kamay kay Brigand. Hinawakan naman ng butler ang kamay niya.

Sa loob ng kuwartong iyon ay puno ng mga makabagong kagamitan. May mga bukas na hologram computer at mga mechanical arms. Sa gitna ay kapansin-pansin ang isang tila aquarium na sisidlan. May tubig ang loob ng babasaging sisidlan na iyon at makikita sa ilalim nito ang bakal na higaan ng pasyente. Mayroong mga tubo sa bandang ulunan at mayroon ding oxygen tank sa gilid.

Isang maliit na robot naman ang nagtulak ng isang maliit na mesa na nakalutang lamang sa sahig. Sa ibabaw noon ay nakita ni Dylan ang isang memory gene. Kumikintab pa ang kulay silver na aparatong iyon. Kumurap ang mga mata ni Dylan habang pinagmamasdan ang lahat. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga mangyayari ngunit nakakaramdam pa rin siya ng takot.

Isang doktor ang lumapit sa kanila. Lumayo ng kaunti si James Ford upang kausapin ang doktor. Mahina ang kanilang mga boses at malumanay ang kanilang pag-uusap.

"Dylan? Tama ba?" tanong ng doktor sa bata habang yumuyuko sa kanyang harapan at tinatanggal ang kanyang face mask. Tumango lamang ng mabagal ang bata.

"Huwag kang mag-alala ah? Saglit lang naman 'to. May mga gamot naman tayo para hindi mo maramdaman ang sakit. Kapag gumising ka na...parang wala lang nangyari. Basta lakasan mo lang ang loob mo ah?"

Muling sumagot si Dylan sa pamamagitan ng pagtango. Tumingin naman siya sa kanyang lolo. Lalo lamang kumunot ang kanyang noo at umiwas ng tingin. Si Brigand naman ay agad na humawak sa kanyang balikat. Ngumiti lamang ng marahan ang butler at tumango.

Naglakad si Dylan patungo sa kinaroroonan ng babasaging sisidlan. Isang doktor ang pumindo mula sa kanyang hologram keyboard at mula sa ilalim at sa tubig ay umangat ang bakal na higaan nito. Hinawakan naman ng doktor ang kanyang likod at pinaupo doon. Tumalikod na lamang si Brigand at tumayo sa pintuan ng kuwarto. Ang lalaki naman na may katandaan na at hawak ang kanyang ginintuang baston ay tumungo sa harapan ng bata. Umupo siya sa isang nakalutang na upuan upang ipahinga ang kanyang nangangalay na mga paa. Tiningnan niya sa mata si Dylan. Maluha-luha ito ngunit pinipigilan niya. Humihinga lamang siya ng malalim habang inilalagay ang isang pabilog na tila helmet na aparato sa kanyang ulo. Nagsimula namang maglaro sa paligid ang mga mechanical arms na mayroon lamang na tatlong daliri. Naglabas ng herenggilya ang isa at itinutok sa kaliwang balikat ni Dylan. Tiningnan ni Dylan ang herenggilyang iyon at saka muling tumingin sa kanyang ama-amahan na tinatawag niyang lolo. Nakakunot pa rin ang kanyang noo. Muli siyang umiwas ng tingin, tila nakaramdam naman ng inis ang bata ngunit muli na lamang itong pinalipas.

"Relax ka lang ha?" wika ng doktor.

Pumindot siya sa isang hologram tablet at dahan-dahan namang lumapit ang mechanical arm na nakatutok sa braso ng binata. Walang makikitang karayom sa dulo ng mechanical arm na iyon ngunit napaigtad si Dylan dahil sa may kung anong tumusok sa kanya. Lumayo ang mechanical arm at nagsimula namang kumuha ng isa pang gamot na nakalagay sa isang maliit na botelya.

Nakaramdam naman ng pagkahilo ang bata. Napasandal siya sa kanyang kinauupuan, bumigat ang kanyang ulo maging ang kanyang mga mata.

Naglagay naman ng isang pad ang isa pang doktor sa kanyang dibdib upang i-monitor ang kanyang heart rate. Ang isa naman ay naglagay isang defibrillator pad kung sakali mang may mangyaring masama.

Nagtinginan ang mgad doktor at nagtanguan isa-isa. Hudyat ng kanilang pagsisimula.

"Pasensya na Mr. Ford pero kailangan namin ng pribadong oras para sa surgery," wika ng doktor.

"Naiintindihan ko. Nandito lang naman kami para magbantay," sagot naman ng matanda. Yumuko naman ng bahagya ang doktor bago tuluyang lumayo. Sa pabilog na disenyo ng kisame ay unti-unting bumaba ang tila isang puting telon. Ginagamit iyon upang harangan at hindi makita ng iilan sa mga nasa kwarto ang operasyon. Tanging sina James Ford at Brigand lamang ang nasa labas ng telon.

_______________________

"May warrant of arrest na tayo sir! Paano kung makalabas siya ng bansa?" tanong ng isang police officer kay Inspector Robert Vega. Nakatayo lamang ang inspektor at tila nanggigigil ang kanyang mga kamay habang nakapatong sa kanyang mesa. Sa harap niya ay nakabukas ang isang hologram stick kung saan ipinapakita ang isang digital copy ng warrant of arrest.

"Hindi siya makakalabas sa bansang ito. Saan siya pupunta? Sa America? Hindi siya puwedeng pumunta doon dahil alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya," wika ng inspektor.

"Pero hindi naman ibig sabihin noon na hindi na natin siya huhulihin!" muling sagot ng police officer. Hindi naman nakapagsalita ang inspektor at umiiling na lamang ng bahagya.

"Alam kong magkaibigan kayo inspektor. Pero kailangan niyong gawin ang trabaho niyo! Ang trabaho natin sir!"

Napangiti na lamang ang inspektor nang marinig ang mga salitang iyon. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang likuran at naglakad ng bahagya.

"Alam mo ang naging trabaho ko nang unang dumating siya dito di 'ba? Ang bantayan siya. Nakakatawang isipin. Alam niya agad kung bakit ako nakipagkaibigan. Alam niyang may kaso siya at sinipa siya sa sarili niyang bansa. Matapos sa Europe, sa America...at ngayon, dito sa Pilipinas. Sa tingin mo saan siya susunod na pupulutin?" wika ng inspektor.

"P-pero...inspektor, ang utos ay galing mismo sa PNP chief. Marami na tayong ebidensya na hindi natin pwedeng bitawan. Humihingi ng hustisya ang mga kamag-anak ng mga bidder na namatay dahil sa kanya."

"Alam ko 'yon!" putol ni Inspector Vega. Napakunot ang kanyang noo habang nakapikit. Idinilat niya na lamang ang kanyang mata at naglakad patungo sa hologram stick na nasa mesa. Kinuha niya iyon at sa pinakaibabang bahagi ng warrant of arrest ay idinikit niya ang kanyang hinlalaki para sa thumbmark.

'Wala na akong magagawa Ford. Wala na. Pasensiya na talaga kaibigan.' Bulong ng inspektor sa kanyang sarili.

Inabot niya ang holograms stick sa police officer at agad namang lumabas sa kwartong iyon.

____________________________

PAatuloy pa rin ang surgery sa isang malawak na operating room. Sa pagkakataong iyon ay tila walang malay si Dylan habang nakahiga na sa bakal na tila braces at sa ilalim naman ng bakal na higaan na iyon ay ang isang malinaw na tubig. Umaagos ang tubig na iyon upang hindi maging stagnant. Nagsimula namang lagyan ng gamot ng ibang doktor ang tubig gamit ang kanilang mga computer. Pinataas din nila ang temperature ng tubig pang maging handa ang katawan ng bata.

Malapit nang maikbit ang lahat ng maliliit na kable ng memory gene na ikinakabit kay Dylan. Gamit ang halos apat na mechanical arms ay iniisa isa nila ang mga kable sa ugat sa kanyang utak. May dugo sa kanyang ulo ngunit sinasalo naman iyon ng isang bakal na tray. Isang maliit na sprayer naman ang ginagamit ng isang mechanical arm upang pigilin ang pagdurugo. May kung anong gamot sa sprayer na iyon upang pigilan ang labis na pagdurugo ng kanyang ulo.

Sa labas ng pabilog na telon naman ay nakatayo pa rin si Brigand katabi ng pintuan. Nakatayo siya ng tuwid ngunit nakapikit ang kanyang mga mata. Animo'y tulog at tila isang gwardya na nagbabantay.

Si James Ford naman ay hindi mapakali. Uupo siya at pagkatapos ay tatayo. Maglalakad patungo sa bintana at at sisilipin ang labas. Nagsisimula nang dumilim. Ang mga makakapal na ulap ang dahilan nang maagang pagdilim sa hapong iyon. Muli siyang tumingin sa telon nang marinig niya ang mahinang tunog ng pagbaba ng hinihigaan ni Dylan. Dahan-dahan namang umangat ang puting telon na nagsisilbing harang at doon ay nakita niya si Dylan na nakahiga sa malaking aquarium. Nakasuot siya ng respirator sa kanyang bibig at tila kalmadong dinadama ang maligamgam na tubig.

"Unti-unti naming pabababain ang temperature ng tubig para tumigil ang pagdurugo. Marami din ang nawalang dugo sa kanya. Maya-maya lang ay magigising na siya," wika ng doktor. Tumango naman ng marahan ang matandang lalaki at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Dylan.

Sa isang hologram screen ay makikita ang kanyang memory gene. May camera sa ilalim ng kanyang ulunan at doon ay makikita ang unti-unting pag-angat ng mga numero.

"Hihintayin muna nating maging stable ang mga numerong 'yan Mr. Ford. Baka matagalan pa. Makakapaghintay pa po ba kayo?" tanong muli ng doktor.

"Hihintayin ko ang paggising niya," wika ng matanda. Ngumiti na lamang ang doktor at naglakad palayo. Kinuha niya ang isang tray na naglalaman ng iba pang kagamitan. Ipinatong niya iyon sa isang mesa na nakalutang lamang sa sahig at lumabas na ng kwarto. Ang iba naman ay nag-asikaso na rin at naglinis ng iba pang kagamitan. Ang iba ay patuloy na gumagamit ng hologram computer upang maging maayos ang kalagayan ng bata.

Hinintay ni James Ford ang paggising ni Dylan. Paulit-ulit lamang ang kanyang ginagawa. Sisilip siya sa bintana, ang tanging nakikita niya lamang ay ang maalikabok na syudad na nababalutan ng ilang mga butyl ng niyebe at ang mga nagtataasang gusali. Maglalakad siya patungo sa malaking babasagin na sisidlan at uupo. Maya-maya pa ay naging stable na ang mga numero sa memory gene ng bata. Tumingin sa kanya ang isang doktor at tumango ng marahan. Lumapit naman ang matanda sa harapan ni Dylan. Sa pagkakataong iyon ay bukas na ang mga mata ng bata. Tila nalulunod ang kanyang mga mata dahil sa tubig. Nanginginig din ang kanyang mga kamay ngunit hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa takot na kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya siya ay nakakulong sa isang dimension. Gumising siya na iba ang kanyang nakikkita. Nalulukot ang lahat sa kanyang paningin dahil sa tubig.

"Natatakot ka ba?" tanong nito sa kanya. Tumango lamang si Dylan ng dahan-dahan at muling tumingin sa kanyang mga mata. Dahil sa tubig ay nagsimulang mapunit ang imahe ng kanyang itinuring na ama. Hinintay niyang maging kalmado ang tubig na iyon at doon niya lamang nakita ang pagiging malumanay ng guhit ng mukha nito.

"Depende sa nakikita ng mata, nalalasap ng bibig, naaamoy ng ilong, nararamdaman ng balat. Walang silbi ang takot kung hindi mo mararamdaman ang lahat."

Hindi na nakapagsalita pa si Dylan. Sinubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili. Ang heart rate na mabilis nang gumising siya ay nagsimulang bumagal.

"Kapag hindi ka na marunong matakot sa mundong ito, saka mo lang maiisip na hindi totoo ang lahat," dagdag ng matanda. Nakatitig lamang si Dylan sa kanya. Maya-maya pa ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Normal na ang kanyang heart rate at ang iba pang mga numero sa kanyang datos ay nagsimulang maging normal.

Tumalikod naman si James Ford at muling tumingin sa bintana sa labas. May kung anong naglalarong ilaw sa bintana. Naghahalong pula at asul ang mga ilaw na iyon. Mula naman sa kinatatayuan ni Brigand ay agad siyang naalerto at dumilat. May kung anong maling nangyayari sa paligid. Agad siyang lumapit sa matanda at isinandal sa pader sa gilid ng bintana. Hinawi niya ang din agad ang kurtina upang takpan ang loob ng kwartong iyon ngunit kita pa rin ang loob dahil sa maliit na siwang ng kurtina.

Lumitaw ang isang heli ship na may malakas na ilaw. Tila may hinahagilap sa bawat kwarto ng opsital. Sa ilalim ng heli ship na iyon ay makikita ang naglalarong pula at asul na ilaw. Senyales na pulis ang naghahagilap sa bawat kwarto.

"Anong nangyayari?!" tanong ng matanda.

"Pasensya na Master. Kailangan na nating umalis dito," sagot naman ng butler. Tila naalerto din ang mga doktor sa loob ng kwartong iyon dahil sa heli ship na gumagalugad sa boong ospital.

Napatingin naman si Brigand sa pintuan ng kwarto. Alam niyang may paparating kaya't agad siyang tumakbo patungo doon. Sumandal siya sa gilid ng pinto at naghintay ng pagkakataon.

"Master kailangan na talaga nating umalis!" muling pagbabanta niya. Agad namang tumungo ang matanda sa kinatatayuan ng isang doktor.

"Tanggalin niyo na siya diyan!"

"Pero sir. Hindi pa po fully recovered ang sugat niya. On process pa ang paggamot..."

"Wala akong pakialam! Tanggalin niyo siya diyan bilis!" bulyaw ng matanda.

"M-masusunod po..." tugon na lamang ng doktor na iyon. Sa pinto naman ay dahan-dahang pumasok ang isa sa mga SWAT team. Nakasuot ito ng isang itim na armor at mahabang machine gun. Unang lumitaw ang kanyang baril. Agad namang inipit ni Brigand ang baril na iyon at hinila. Dinakma niya ang batok ng pulis at ipinasok sa loob ng kwarto saka tinuhod ang kanyang baba. Sinandal niya na lamang sa kanyang tabi ang pulis na walang malay. Isinukbit sa kanyang balikat ang sariling baril at saka nag-ayos ng kwelyo at muling tumayo sa gilid ng pinto.

Nagmadali naman ang doktor habang nagpipipindot sa hologram keyboard. Isa-isa namang natatanggal ang mga kable sa gilid ng memory gene ng batang si Dylan. Dahan-dahan ding umaangat ang bakal na kanyang hinihigaan.

"Men! Dito bilis!" sigaw naman ng isa sa mga SWAT team sa labas ng pinto. Nagsunuran naman ang iba pa sa kanyang likuran. Dahan-dahan din siyang pumasok sa loob ng kwartong iyon. Lumabas naman si Brigand at umastang nagulat.

"P-pasensya na po sir! May hinahanap lang kami!" wika ng leader ng SWAT team. Ngumiti naman si Brigand at naglakad patungo sa kanilang gitna. Huminga siya ng malalim at nang ibuga niya ang kanyang hinga ay saka bumagal ang lahat. Kinuha niya ang baril ng pulis na nasa kanyang kanan. Ipinalo niya iyon sa ulo ng nasa kaliwa. Isang tadyak naman sa balikat ang ginawa niya sa kaliwa at sumirko siya paikot. Upang tapikin sa batok ang isa pa. Napatalikod naman ang leader ng SWAT at nakita na nakahiga na ang kanyang mga kasama. Ang butler naman ay nag-ayos lamang ng kurbata.

"P-paano..."

Isang hakbang lamang ang ginawa ng butler palapit sa kanya ngunit agad siyang nakarating sa harapan ng pulis.

"Pasensiya na. Pero bawal ang hindi kamag-anak ng pasyente," sambit niya. Isang hatak lang ang ginawa niya sa baril ng pulis at agad niya iyong ipinalo sa kanyang dibdib at ulo. Nawalan din siya ng malay.

Hinila niya ang dalawa sa apat na SWAT team upang isandal sa pader malapit sa pinto. Muli siyang lumabas at hinila din ang dalawa pa.

Sa pagkakataong iyon ay nakaahon na ang katawan ni Dylan mula sa likido ng salamin na sisidlan. Wala pa rin siyang malay at mano-mano nang tinatanggal ng mga doktor ang mga kable sa kanyang ulo. Sunod naman nilang inilapat ang bandage paikot sa memory gene ng bata. Pinaupo ng isang doktor ang bata kahit hindi pa ito nagigising.

"Dylan! Gising! Gumising ka Dylan!" bulyaw naman ng matandang lalaki. Nanginginig na ang kanyang mga kamay habang hawak ang kanyang baston. Napatingin siya kay Brigand na sa pagkakataong iyon ay muling naghahanda para sa susunod na mga bisita. Muli niyang inayos ang kanyang tindig at ang gusot sa kanyang damit ay kanyang ipinahid.

"May labindalawang katulad nila ang papalapit sa kwartong ito, Master. May dalawang heli ship sa himpapawid. Kailangan na nating makaalis," malumanay na sambit ng butler. Tumango naman si James Ford at kinuha ang atensyon ng isa pang doktor.

"May iba pa bang exit dito?" tanong niya.

"M-meron po sir. Pero fire exit po. Nasa dalawampung palapag po tayo sir, baka mahirapan po kayo," sagot niya.

Muli naman siyang tumingin kay Brigand. Yumuko na lamang ang butler upang kunin ang isang katawan ng miyembro ng SWAT upang isandal at ipangharang sa pinto. Pagkatapos ay tumungo siya sa kinaroroonan ni Dylan.

"Maayos na ba ang sugat niya?" tanong ng matanda.

"Ayos na po Mr. Ford."

Inakay ni Brigand ang katawan ng bata. Nasa kaliwang bisig niya ang ulunan ni Dylan at nasa kanan naman ang kanyang mga paa.

"Master, tayo na po."

Naglakad ng mabilis ang dalawa patungo sa isang pinto kung saan nakasaad sa itaas ang hologram screen na nagsasabing 'Fire Exit.'

Nauna sa pagpasok si James Ford sa pintong iyon. Sumunod naman ang butler ngunit natigilan siya.

"Master! Hindi po diyan. Sa taas tayo dadaan."

"Kasasabi mo lang na dalawang heli ship ang nasa paligid!" bulyaw naman ni James Ford. Pumikit naman si Brigand at pinakinggan ang paligid. Matapos ng ilang segundo ay muli niyang ibinukas ang kanyang mga mata.

"May isa pang SWAT team ang nasa ibaba at paakyat na. Isa pa po ay nasa 20th floor tayo. Mahihirapan na po kayo. Dalawang palapag na lamang po ang kailangan nating akyatin," paliwanag naman ng butler. Hindi naman nag-atubili ang matanda na umakyat. Sa ganitong pagkakataon ay naniniwala siya kay Brigand. Alam niya na totoo ang kanyang sinasabi at kalkulado niya ang bawat paggalaw sa paligid.

Nang makarating sa itaas ay walang kung ano mang balakid ang naroon. Walang mga pulis at wala din ni isang heli ship. Tanging ang mga maliliit na butil lamang ng hamog ang kanilang nasasaksihan. Tinanggal lamang ng matanda ang kanyang coat at ibinalot sa nilalamig nang katawan ni Dylan.

"Walang heli ship dito Brigand...w-wala," nanginginig na sambit ng matanda.

"Pasensiya na Master," wika ni Brigand. Hindi niya lubos akalain na walang nakaparadang heli ship sa roof deck ng ospital. Pumunta lamang siya sa gitna habang akay ang walang malay na katawan ng bata. Sinubukan niyang sumilip sa bawat sulok ng roof deck ngunit walang iba pang lagusan mula sa itaas kundi ang kanilang pinagmulan. Muli na lamang siyang humarap kay James Ford, malungkot ang mukha at tila bigo sa kanyang hakbang. Isang heli ship naman na may malakas na ilaw ang agad na lumipad patungo sa roofdeck. Itinutok nito ang malakas na ilaw sa kanila. Hindi nnito inalis ang ilaw sa kanilang pwesto. Napatingin naman si Brigand sa heli ship at napakunot ang kanyang noo. Napaatras naman ng kaunti ang matanda dahil sa pagkagulat.

Sa baba ng heli ship ay inilabas nito ang dalawang missile. Nakaabang ang mga ito, nagbabadya sa pagpindot ng missile lock at tila naghihintay ng susunod na magaganap.


Continue Reading

You'll Also Like

32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
196K 8.9K 43
Adopted at birth, Katherine's only birthday wish is to know more about her biological mother. But as she starts her quest, Kath finds herself in the...
3.4M 171K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...