Chapter 54
The Talk
Nag punta ako sa school garden. Buti na lang at walang tao dito, gusto ko kasing mapag-isa muna saglit.
Gusto ko munang huminga.
Ang sarap panuorin ng mga punong pumapagaspas ang mga dahon dahil sa hangin. Sa mga tunog ng mumunting ibon na humuhuni.
I closed my eyes.
And it's him who I saw. Even in the dark... Siya pa din talaga ang nakikita at naiisip ko.
Kung maaari lang mamuhay sa isang imahinasyon, baka ginawa ko na.
Lalo ko pang ipinikit ang mga mata ko.
"Apxfel... mahal na mahal kita." bigkas ko.
"I love you so much too, Abigail."
Nagulat ako ng may nag salita kaya naman dumilat ako kaagad.
Lumingon ako ng makita ko si Apxfel na nakatayo malapit sa inu-upuan ko. Nanlaki ang aking mga mata.
Is this real?
Umupo ito sa tabi ko.
Akala ko at nag i-ilusyon lamang ako pero hindi. Matagal ko siyang tinitigan. I really miss him. I miss every single thing about him.
Sa totoo lang, gusto ko talagang makausap siya. Pinanghihinaan lang ako ng loob. But now, I think this is the perfect time.
Huminga ako ng malalim.
"Walang sinabi sa'kin si Calix. Wala kasi... narinig ko mismo." I told him.
Agad naman din siyang napatingin sa akin kaya naman yumuko ako.
"At alam mo ngayon? Ngayon ko lang mas nakita yung reyalidad na... Na hindi na pwede maging tayo." dagdag ko pa.
Nagpakawala ako ng isang mapait na ngiti. Kasabay noon ang pag tulo pa ng mga luha ko. I don't know but.. in a minute, I wanted to take a glance of him. And I did.
Nakita ko ding tumutlo ang luha niya. And it breaks my heart even more.
"Hindi ko 'to gusto. Ayaw ko nito, Abigail. Pero wala naman akong magawa." he said while sobbing.
Hindi ko alam ngunit mas nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Ganoon yata talaga kapag nagmamahal ka.
"I understand." mahinang tugon ko rito. "I really do... masakit pero naiintindihan ko."
"I don't want to hurt you. I never wanted to hurt you." he said.
Tumango ako. "I know."
Silence embraces us after that. We're both looking at no where, crying our hearts out.
It's a hopeless case.
Walang kami. Wala ng mangyayaring kami. Kasi hindi pwede.
Ano pa nga ba ang magagawa namin? All we can do is to just accept it... and move on.
Mahirap pero kailangan kayanin. Kailangan tanggapin!
Hinubad ko iyong kwintas ko. Sa kwintas na 'yun ay doon ko nilagay iyong singsing na binigay niya sa akin.
I stop wearing it since the day he left... And starting wearing it by the use of this necklace because I hope that one day, masusuot niya ito ulit sa daliri ko.
Pero hindi na mangyayari pa 'yon.
"I will let you go. Not because I want to... but because I have to." I said while my tears are rolling down on my face.
Kinuha ko iyong kamay niya at inilagay doon yung singsing.
"Gusto kong maging masaya ka. At gusto ko ding maging... masaya." saad ko at agad na ding tumayo.
I was about to go... but I took a final glance on him.
He's head was bowed.
"I love you." I mouthed as I pave my way out.
Naglakad ako ng nag lakad hanggang sa may nabangga ako. Tumingala ako para makita kung sino ito. Si Calix pala.
"Abigail, anong nangyari?" he asked worriedly.
"Cal, umuwi na tayo please." I said.
Sumakay na kami ni Calix sa kotse niya. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa umandar na 'yung sasakyan.
Kung anu-ano ang nag lalaro sa isipan ko.
Hindi ko namalayan na huminto na pala kami. Tumingin ako sa bintana pero hindi pa naman kami nasa tapat ng bahay.
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Calix pero nagkibit balikat lang ito at bumaba na. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya bumaba na din ako.
"Nasaan ba kasi tayo?" tanong ko ulit sa kanya.
"This is an open field. Sabi nila, maganda raw mag labas ng sama ng loob dito. Effective daw. All you have to do is to shout." ani Cal.
"Cal, ang gusto ko lang umuwi." pagod na tugon mo.
"Abigail naman. Wag mong takasan ng takasan ang lahat! Kung galit ka isigaw mo. Kung malungkot ka isigaw mo. Kung bwisit ka sa mundo isigaw mo!"
Hindi ko alam pero naiiyak nanaman ako.
"Uuwi na ko." matigas na sabi ko rito.
Maglalakad na ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"Abigail, please! Just this once. Let loose! Wag mong itago. Wag mong itanim lahat diyan sa puso mo! If you don't get it off your chest, you make it a lot harder for you!" he exclaimed.
Nagulat pa ako nung bigla na siyang nagsisisigaw. Kaya naman napasigaw na rin ako.
"Aaaaahhhh!" I shouted.
Nagpatuloy kaming dalawa sa pag sigaw. Sigaw lang kami ng sigaw.
I suddenly felt the need to stop.
Agad akong yumakap kay Calix.
"Bakit ganun? Why it is easy to get sad and why is it that hard to get happy again... ang unfair lang. Gusto ko lang naman maging masaya pero parang ang hirap." I said.
"You know, Abigail.. What makes you happy once might not make you happy now. That's life. Sabi nga nila hindi talaga unfair ang buhay. Fair siya kasi unfair siya sa lahat." he said while stroking his hands through my hair.
I know that he is trying to make me calm. Hindi ko lang alam kung bakit mas naiiyak pa ako.
"Everything heals, Abigail. Wounds heal. And so as your heart. It will heal. Your happiness is always going to come back. Always remember that bad times don't last. It never did."
And at that very moment.. I was just really thankful that I have him as my best friend.
Christan Apxfel's POV
When the love of my life spoke words of letting go... It's like my world gone completely out of hand.
Para bang binaksakan ako ng langit at lupa.
Ang bigat bigat sa pakiramdam.
I felt weak.
Naiinis ako dahil hindi ako 'to. Hindi ako mahina. Pero ito ako ngayon, walang magawa. Si Christan Apxfel Gonzalez, walang magawa. Tangina lang!
I love Abigail. I love her so much. Gusto kong ipaglaban 'yon. Pero paano? Pero kanino? Sa Mama ko na may sakit?
Ang lungkot lungkot lang kasi. The girl you've ever wanted.. hindi mo pwedeng makasama. Because you've been tied to someone you don't even know. Fuck!
Napatingin ako roon sa inabot sa'kin ni Abigail kanina... 'yung sing sing. She still have it. At ngayon binigay niya na 'to sa akin.
This slaps me more onto the reality that we can't be together. Na kailangan na lang namin i give up ang isa't isa dahil pareho lang kaming mahihirapan.
But how could I? How could I give her up?!
Hindi na ako pupunta pa sa Orientation. I'll just go to a bar instead. Wala akong pake kung maaga pa. I need to get wasted!
Pagdating ko sa bar, kaunti lang ang tao. Buti naman. I hate crowded places.
I told the bartender to give me a drink that will shut my system out. Natawa lang siya at binigyan ako ng hard.
I took a taste of it.
"Ito na 'to?" sabi ko.
Parang hindi naman yata ako tatamaan nito.
I drink after drink. Nakarami na ako pero wala pa akong nararamdamang iba. Fuck.
Kinuha ko yung phone ko. Pag bukas ko, si Abigail ang nakita ko. She's my wallpaper.
Tinitigan ko iyon.
"Loving you is like breathing. How can I stop?"
Sunod sunod pa akong uminom. Wala na bang mas may tama sa mga 'to? Mag pa sapak na lang kaya ako?!
Since these drinks doesn't helping, I got up and stormed outside.
Uuwi na sana ako pero bigla ko na lang iniliko ko ang kotse ko.
I fucking want to see her.