Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 4] - Post It
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 4 [Part 3] - Courage
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 4] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning

141K 1.2K 99
By iloveaxclu

[Laureen's POV]

~There are times when I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times when I just want to feel your embrace

In the cold night

 

I just can't believe that you are mine now ~

Tinatapik ni Luigi ang balikat ni Migs ng dumapo ang tingin ko sa harap ng altar para tignan ang reaksyon ni Migs habang naglalakad ng mabagal ang mangiyak-ngiyak na si Bianca papalapit sa kanya.

Bestmen sina Luigi at Paul na bestfriend ni Migs.

Napakagwapo ni Luigi kanina habang naglalakad sya papuntang altar. Nakangiti lang sya buong paglalakad nya at lalong ngumiti pa ng mapatapat sya sa akin. Nginitian ko din sya, at para bang biglang miss na miss ko na agad sya kahit na magkasama lang kami kanina sa hotel kung saan nag-stay si Migs at naghiwalay lang kami ni Luigi dahil sasabay sya sa sasakyan ni Migs.

Part din ng entourage si Xavier na ring bearer. At si Jake na isa sa mga groomsmen.

Nakatayo ako at ang lahat ng guests sa simbahan simula ng sumara ang pinto ng simbahan at tumunog ang bridal song. Sa pagpasok ni Bianca, para bang tumayo ang mga balahibo ko ng hindi maipaliwanag.

Napaka-gandang bride ni Bianca sa suot nitong sleeveless white wedding gown na see-through ang design sa bandang taas ng dibdib hanggang sa leeg nito. Hawak-hawak nito ang isang bouquet ng pinaghalong red at pink roses.

~You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world

You're all I need to be here with

Forevermore~

Nakangiti si Migs sa kabilang dulo ng simbahan, at may kung ano sa expression ng mukha nya na para bang naiiyak sya at namamangha at the same time sa babaeng mabagal na lumalakad papunta sa kanya.

Humarap si Migs kay Luigi at hinawakan nito ang kamay ni Luigi na tumatapik ng marahan sa balikat nya. At tinapik din pabalik ang kamay ni Luigi.

Nag-ngitian silang mag-pinsan. Binalik ni Migs ang tingin nya kay Bianca at si Luigi naman ay tumingin sa akin.  Pinisil-pisil nya ang kaliwang tenga nya.

Napangiti ako doon. At pinisil ko din ang kaliwang tenga ko para sagutin sya.

Yun ang senyas nya sa akin. Naalala ko tuloy kung paano yun nagsimula.

*********************FLASHBACK***********************

"Okay lang ba talaga ang itsura ko Luigi?"

Ngumiti muna sa akin si Luigi bago ako hinaplos sa pisngi ng marahan at nagsalita, "You're beautiful Laureen. Wag ka ng kabahan. You're with me."

Tumango ako sa kanya.

"Halika na?", hinawakan ako ni Luigi sa kamay at inintertwine ang mga daliri namin.

Nasa labas kami ng pinto ng bahay ng mga Lim noon. Meron silang salu-salo na pinlano ng Lolo Luis ni Luigi at invited kami ni Lolo Lauro. Nasa loob na si Lolo dahil sabay na silang dumerecho dito ni Tito Nilo from work.

"Sige", mahinang sabi ko kay Luigi at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

Naramdaman yun ni Luigi kaya tumingin sya sa akin at huminto sa pagbukas ng pinto, "Ang hon ko masyadong kinakabahan yata, sige para hindi ka na kabahan", nilapit nya ang mukha nya sa may mukha ko, hinalikan ako ng marahan sa noo, pagkatapos ay hahalikan nya sana ako sa labi pero --

"Mommy can I open my eyes now? Are Tita Woreen and Tito Wiji done?"

Pakiramdam ko namutla ako sa hiya dahil paglingon namin parehas ni Luigi ay nakita ko si Xavier na nakatakip ang mga kamay nya sa mga mata nya habang si Ate April naman ay nasa likuran ng bata at nakatakip din ang mga kamay ni April sa mga mata ni Xavier.

"Pril! Kanina pa kayo dyan?", tanong ni Luigi sa kanya.

"Ah eh, hindi naman. Ito kasing makulit na bata na 'to biglang tumakbo eh. Hehe", sagot ni April sa kanya.

"Aaah. Hehe", nangangamot-ulo na sagot ni Luigi.

"Hi Laureen!", nakangiting bati ni April sa akin.

"Hi Ate April", nahihiya kong bati sa kanya.

"Mommy, can I open my eyes now?", malambing na tanong ni Xavier.

"Ah eh kuya Xave oo naman", sabi ni April at binitiwan na ang mata ng anak nya.

Nakakahiya.

"Hi Xave!", lumapit si Luigi at binuhat si Xavier.

"Hi Tito Wiji!", narinig kong sabi ni Xave, nilapit nya ang bibig nya sa tenga ni Luigi at may sinabi sya pero hindi ko na narinig yun, ang narinig ko na lang ay ang pagtawa ng malakas ni Luigi at ang sinabi nyang "No, no. Hahahaha. She's just scared that's why"

"Hoy kayong mag-Tito ha, ano na naman yan?", pagsaway ni April sa kanila.

"Nothing Pril", sab ni Luigi, "Go, greet Tita Laureen"

Lumapit si Luigi sa akin at hinarap si Xavier sa akin, "Hi Xavier!", bati ko sa kanya at kiniss sya sa pisngi.

"Hello Tita Woreen!", sabi nito sa akin at ngumiti ng sobrang cute. "Are you still scared? Xavier is Superman, you can hold my hand if you want to. Para di ka na takot going inside the house", sabi pa nya.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay nya na inabot nya sa akin, "Thank you baby."

"Hi everyone", bati ni Luigi sa lahat ng taong nasa loob ng bahay.

Sabay-sabay sila sa pag-hello at pag-hi sa amin.

Ngumingiti lang ako sa lahat ng taong ngumingiti at nakatingin sa akin.

"Si Laureen po.... Girlfriend ko", sabi ni Luigi ng nakangiti sa kanilang lahat.

Pakiramdam ko namula ang mga pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko na uminit ang mga ito.

Girlfriend. Unang beses na ipapakilala nya ako sa buong pamilya nya as girlfriend.

For real.

Mas nakakakaba pa pala 'to kesa nung nagpapanggap pa lang kami.

"Ooooooooh!", narinig kong sabi nung isang babae na nakaupo sa sofa. Hindi ko sya kilala.

"Uy, Riz! Ang haba non ah!", tumatawang sabi ni Luigi sa kanya.

"Hehe, binata na talaga si Luigi", sabi nung Riz.

"Haha, loko ka Riz. Laureen, si Riz, pinsan ko", pagpapakilala ni Luigi sa amin.

Ngumiti lang kami sa isa't-isa ni Riz.

Andon din si Hanna na kumaway sa akin at nilapitan ako ng makita ako.

"Laureen!"

Tumatakbong lumapit si Hanna sa amin ni Luigi at agad-agad na bumeso sa akin, "Kamusta ka? Gumaganda ka lalo ah!", sabi nya.

"Ikaw talaga", nahihiyang sabi ko sa kanya.

Nung naiwanan ako ni Luigi sa mga pinsan nyang mga babae dahil sa pangungulit nila na gusto nila akong ma-interrogate, wala ng nagawa si Luigi nung mismong si Tito Nilo na ang humatak sa kanya para makapag-bonding sila with the males, including Lolo Lauro and Lolo Luis, "You're couzins are harmless, diba girls?", sabi pa ni Tito Nilo sa kanila.

Tumawa lang silang lahat at sabay-sabay sumagot ng "Naman!"

Kung anu-ano ang mga tinanong nila sa akin. School, sports, perfume at kung anu-ano pa. Pero naconfuse ako sa isang tanong nila.

Okay lang daw ba sa aking manood ng horror? Kasi daw si Luigi, favorite ang horror, silang magpi-pinsan actually. At si Luigi ang promotor ng mga horror nights nilang magpi-pinsan.

Malaking question mark sa akin.

Ang alam ko matatakutin si Luigi. Paanong favorite nya ang horror?

Sinagot ko sila ng, "Oo naman, hindi naman ako masyadong matatakutin."

"Pwede!", sabi ng isa sa mga pinsan nya, "Sama ka sa amin minsan mag-marathon, lights off!"

Naguguluhan na talaga ako, alam ko ayaw ni Luigi ng madilim. Nagla-lamp shade nga kami dati sa kwarto ko pag matutulog na kasi ayaw daw nya ng madilim. Pinahirapan nya akong matulog noong unang gabing magkasabay kaming natulog sa kwarto ko dahil hindi ako nakakatulog ng may ilaw. Na eventually kinasanayan ko na din kasi nga gusto ni Luigi may ilaw mula sa lampshade.

Tumingin ako sa gawi ni Luigi na sakto namang nakatingin pala sa akin. Nakakunot ang noo ko. Biglang tumunog ang iphone ko at galing kay Luigi ang message:

[From: Pogipie Luigi Lim]

You fine? Ginigisa ka ba nila?

Yes, pogipie. At si Luigi mismo ang naglagay nyan sa iphone ko.

Nireplyan ko sya ng: "Hindi naman."

Agad naman syang nagreply.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Bakit nakakunot noo ng hon ko?

"Naguluhan lang ako, sabi nila favorite mo horror. E diba matatakutin ka?", text ko sa kanya.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Hahahaha. Nope!

"ANO? Diba ayaw mo nga ng madilim?", reply ko sa kanya.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Hahaha

"Luigi naman eh, diba ayaw mo ngang matulog ng patay ang ilaw?", text ko ulit sa kanya.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Hahaha. Pag kasama ka lang :)

"Ano?", I replied.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Pag kasama ka lang. Masyado kasi akong macho. Baka ma-rape mo ko :)

Natawa naman ako sa text nya, kaya nagreply ako ng: "Hahaha. Asa! Baket nga?"

[From: Pogipie Luigi Lim]

Kasi nga kasama kita, nung first night na natulog ako sa room mo, hindi ako mapakali.

"Eh bakit di ka mapakali?", reply ko.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Honey ko talaga o! Baka nga kasi ma-rape mo ko. Alam mo na yun hon. Wag mo ng ipa-detalye.

 

 

Uminit ang pisngi ko sa nabasa kong reply nya. Di ako makapagreply tuloy.

Tumunog na lang ulit ang iphone ko.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Namumula ka, I can see from here. Haha. Kasi naman kasi ikaw hon eh :)

 

 

Napangiti na lang ako at nagreply: "Hehe adik ka!"

[From: Pogipie Luigi Lim]

Adik sayo! ;) Look at me!

Hindi ko maitatanggi, kinilig ako kahit na gasgas na yung linya na yun. Tumingin ako sa kanya.

Pinisil-pisil nya ang kaliwang tenga nya.

Tumunog ulit ang iphone ko at nakitang may message ulit si Luigi.

[From: Pogipie Luigi Lim]

That means.... I miss you already. I love you.

Napangiti na naman ako. Nag-reply ako: "Me too :)"

[From: Pogipie Luigi Lim]

Nope nope! Whenever I do that, I want you to come near me and give me a hug :)

"Adik! Paano, eh hindi nga ako makaalis dito. Haha", reply ko sa kanya.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Hahaha. Basta kung kaya mo lang. Kasi, ibigsabihin nagseselos na ko kasi hindi ako ang kausap o kasama mo :)

Ano ba 'to hindi na maawat ang ngiti ko. Gusto ko tuloy syang lapitan at yakapin agad-agad.

Nagreply ako sa kanya: "Opo! :) Pero pano pag hindi kaya?"

[From: Pogipie Luigi Lim]

Do the same. Alam ko na yun. Na --- miss mo na ako and gusto mong sabihing 'I love you' :)

"Hehe. Sige. :)", reply ko sa kanya.

[From: Pogipie Luigi Lim]

Tumingin ka sa akin!

Kaya lumingon ako ulit sa kanya. Pinisil nya muli ang kaliwang tenga nya.

At pinisil ko din ang kaliwang tenga ko ng nakangiti sa kanya.

*****************End of Flashback******************

"Let's all welcome Mr. and Mrs. Miguel Lim!", sabi ng emcee sa reception ng kasal nina Migs at Bianca ng magsimulang pumasok ang bagong kasal sa reception hall.

Gaya ng sa simbahan, pula at pink roses ang mga bulaklak. May malalaking ribbon na pula at pink din ang mga upuan.

Gaya ng sa tradition, ginawa ang pagpapalipad ng kalapati, ang wine, ang cake, first dance at kung anu-ano pang pang firsts ng bagong kasal na couple.

Sa throwing of boquet, na halos hindi naman talaga tinapon n Bianca, parang inabot lang nya ito sa isang babae na ka-officemate daw nya sabi ni Luigi. Tapos si Migs naman ay inabot ang garter ni Bianca sa isang lalaki. Naghiyawan ang kalapit na table namin. Siguro kilala nila ang dalawang yun at talagang pinag-kaisahan nila.

Si Luigi at Paul ang nagbigay ng toast. Sabay silang tumayo.

"Congrats Migs and Goodluck Biancs", paunang sabi ni Paul.

Nagtawanan ang mga tao dahil don.

"Huy, pinsan ko yan!", pakunwaring pagsasaway ni Luigi kay Paul. Natatawa si Luigi habang sinasabi nya yun.

"O, baket? Naaalala ko dati, ikaw ang nagsabi non ah, nung sine-celebrate natin ang pag-propose ni Migs kay Biancs", makulit na sabi ni Paul.

"Haha. Oo nga no!", sagot ni Luigi.

Natawa ako at pati na din ang iba pang mga guests.

"Araaay", napunta ang attention namin kay Migs na tumayo pala at ngayon ay may hawak na din na mic.

Lalo akong natawa dahil don.

"Haha. Alam nyo po dati aligaga si Migs dahil hindi sya makaisip ng best gimmick para magpropose kay Biancs, at halos araw-araw nya kaming kinukulit kung may naisip na kami. Kaya one night, nung nagsimula na naman si Migs sa topic na yun, lahat kami sa barkada tumahimik lang", sabi ni Paul sa mic.

"No one was talking that night", dugtong ni Luigi.

"Haynaku, alam ko na 'to", narinig naming sabi ni Migs sa mic. At mukhang may kaunting pagbabanta doon.

Tumawa lang si Luigi at Paul.

"Lahat kami were just drinking", pagpapatuloy ulit ni Paul.

"And Migs was like 'Guys, ano, mag-react naman kayo!'", dugtong ni Luigi.

"And because he looks frustrated already, Luigi here ----", naputol sa pagsasalita si Paul dahil pinutol sya ni Luigi.

"No, it's Paul", sabi ni Luigi ng natatawa.

"Okay si Jake yun", sabi ulit ni Paul.

Para silang mga bata na nagtuturuan at naglalaro lang sa harap.

"Anong ako?", narinig kong pagre-react ni Jake na nasa tapat ko lang. Magka-table kami.

"Hindi si Jake yun! Ikaw yun Paul", sabi ni Migs sa mic finally, "Si Jake nga lang ang hindi nakisali sa inyo. Tsk."

"Hahaha. Fine! Ako na. Hahaha. So it was me.... Sabi ko Migs, are you sure pare? Kasi si Biancs galing lang dito kani-kanina lang. Ayaw ka na daw nyang kausapin. Sinosoli yung kwintas mo. Tapos inabot ko sa kanya yung kwintas na binigay ni Migs kay Biancs dati nung first anniversary nila as boyfriend-girlfriend. Sorry daw sa lahat ng nagawa nyang pagkakamali, sa pagseselos palagi. Sorry daw kung nakakasakal na sya. Sagabal lang daw sya sayo sa pag-abot mo ng mga dreams mo. Di daw nya kayang makitang nasasaktan ka nya kasi sobra syang magselos. You deserve someone better daw. Thank you daw na tinanggap mo sya ulit kahit na sya naman ang unang nakipag-break. Pero nung hindi mo daw tinuloy ang pagpunta mo ng France dahil nasabi nya sayong ayaw ka nyang pumunta don kasi andon yung ex mong model. Ramdam naman daw nyang mahal na mahal mo sya, pero sya na mismo yung may problema. Baka kelangan daw nya muna ng space para makapag-isip isip. She's flying to Australia na", pagkukwento ni Paul.

"Sabi ni Migs, bakit daw, eh sabi daw ni Biancs sa kanya, hindi na itutuloy ni Biancs yun", dugtong ni Luigi na natatawa.

"Sabi ko kay Migs alam ko papunta na sina Biancs ngayon sa airport. Next thing we knew, tumakbo na si Migs palabas ng condo ko papunta sa parking lot. Lahat kami tumakbo at sinundan sya. There he was, hindi nya maipasok ang susi ng kotse nya sa sobrang taranta. We tried to calm him pero ayaw papigil. Haha. Nagulat na lang kami ng tinadyakan na ni Migs ang kotse nya. Hindi talaga kasi shu-shoot yung susi dahil hindi naman sa kanya yun. Kay Luigi na susi yun. Haha", tumatawang kwento ni Paul.

"It was Paul's idea", depensa ni Luigi.

"Haha. Tinatawag-tawagan pa ni Migs si Biancs habang tumatakbo sya papunta sa parking lot. Pero hindi nagri-ring yung phone ni Biancs. Cannot be reached. Talagang hindi magri-ring 'yon. Dahil iniba ko ang pangalan ni Biancs sa contacts ni Migs. Pinapalit ko ang mga pangalan namin. At nakapatay ang phone ko. Hahaha", pagpapatuloy ni Paul.

"Again, idea pa din yun ni Paul",  nakangiting sabi ni Luigi.

"Bakit? It was a brilliant idea! Aminin nyo! Hahaha. Look Gi, si Biancs natatawa na. Hahaha", patuloy na sabi ni Paul at tawa sya ng tawa sa harap.

Umiling na lang si Migs.

Si Jake natatawa na lang sa table namin.

"Umiiyak na si Migs sa parking lot", si Luigi ang nagsalita, "So I grabbed him at tinuro ko ang kotse ni Paul. And we drove to the airport. There, nakita namin si Biancs and her family habang binababa ang mga gamit sa kotse. Tumakbo si Migs and hugged Biancs from the back and Migs just cried. Nagtataka si Biancs kung bakit", sabi ni Luigi.

"And Migs being a drama king that day, hahahaha, went down on his knees, still crying and hugging Biancs' waist, said 'Biancs, please don't do this, I love you. Please don't leave, wala akong paki kung araw-araw ka pang magselos, o araw-araw pa kitang suyuin. Life and dreams would be meaningless without you. Wag mo kong iwanan Biancs'. Migs, made Biancs turn around to face him and reached out for his pocket, nilabas ang ring sa box impatiently and said, 'Please spend the rest of your life with me. Allow me to take care of you. Please say yes Biancs.', pagtatapos ng kwento ni Paul.

Si Luigi ang sumunod na nagsalita, "Biancs was crying, she didn't say anything, tumango-tango lang sya, na-slow ata ang pinsan ko kaya mga ilang seconds pa bago sya tumayo at niyakap si Biancs. And there, the whole group witnessed a heartfelt proposal, no gimmicks", nakangiting sabi ni Luigi.

Tumingin ako kay Biancs na nagpupunas ng mata nya.

"Heartfelt? Parang ang bakla, Gi!", tumatawang sabi ni Paul.

Natawa lang si Migs at Luigi. Pati si Jake sa tabi ko natawa din.

"Ganyan ba pag inlove?", dugtong pa ni Paul.

"Okaaay. This is Migs' wedding", pagsasaway ni Luigi kay Paul.

Tumingin sa akin si Jake at tumawa.

"Haha. Fine. But really. Biancs, you're one lucky girl. Di ka nagkamali nung nag-'Yes' ka kay Migs nung araw na yun. Mahal na mahal ka nyan. May you live a happy life together. Stay inlove you two. Cheers!", pagtatapos ni Paul.

"Bumawi si Paul! Hahaha", sabi ni Luigi sa mic, "But yeah, I agree with Paul. Minsan lang yan magsabi ng may sense, totoo pa. To the newly weds", pagtatapos ni Luigi at ini-angat ang baso ng wine na hawak nya. Lahat kami ginaya silang dalawa ni Paul.

"Thanks, Paul pare. Buti bumawi ka", sabi ni Migs sa mic.

Nagtawanan ang mga tao dahil doon. Pati si Biancs tumatawa din.

"Wife, nakikitawa ka din sa kanila?", patampong tanong kunwari ni Migs kay Bianca sa mic.

"Sorry husband, di ko napigilan. They really got you there. Naniwala ka talaga sa mga imbento ni Paul. Simula nung magkabati tayo, mas super naging okay tayo diba? Tsaka naiwan ko lang sa condo ni Paul yung necklace na yun kasi hinubad ko dahil nalagkitan na ko sa sarili after nating mag-jog tatlo. Pero wala din naman akong kinalaman don, wala din akong alam", sagot ni Bianca na natatawa sa mic.

"Hahaha", nagtawanan si Migs at Biancs.

"Thanks din Gi. Yeah, minsan lang humirit si Paul, pero laki ng epekto. Hi Laureen, where are you?", sabi ni Migs sa mic.

Nagulat ako ng biglang binanggit ni Migs ang pangalan ko. Nahihiya akong kumaway sa kanya.

"Ah there! Hi again Laureen. Paul is the guy. Kung di dahil dyan di kayo magtatagpo ni Luigi for the first time. Haha. Cheers!", sabi ni Migs.

****

"Ang kulit nyo ni Paul kanina don Gi ah!", sabi ni Jake na nag-apir pa kay Luigi pagkadating nito sa table namin.

"Haha. Pinlano ni Paul 'yon. Nanglalaglag pa nga ang loko. Haha", sabi ni Luigi habang umuupo sa upuan sa tabi ko, "Honey....", malambing na sabi nya sa akin, kinuha nya ang kamay ko na nasa lap ko, hinaplos iyon ng thumb nya at hinalikan ng marahan.

Ngumiti ako sa kanya, "Ang cute ni Bianca, nakikitukso pa kanina."

"Oo, cool yun si Biancs", sabi ni Luigi, "Kumain ka ng maayos?", tanong nya sa akin.

"Konti lang", sabi ko sa kanya.

"Bakit konti lang? Masama ba pakiramdam mo?"

"Hindi naman, hinihintay kasi kita eh", malambing na sabi ko sa kanya.

"Ang daming langgam dito, aray!", sabi ni Jake ng pabiro.

"Haha. Si Jake inggit", pang-aasar ni Luigi.

"Hindi no!", sagot ni Jake.

"Naka-sipat ka na ba ng chick?", tanong ni Luigi na tinaas-taas pa ang kilay niya kay Jake.

"Tinulad mo pa ako sayo!", ganti ni Jake.

"Oooops! Ano yon?", tanong ko kay Luigi, siningkitan ko sya ng mga mata ko.

"Lagot ka Gi!", pang-aasar ni Jake.

"Ha? Wala! Dati yon Laureen. Hindi na ngayon. Takot ko lang sayo!", malambing na sabi ni Luigi at pagkatapos ay hinatak ako papalapit sa kanya para yakapin.

"Hmmmm", kunwari ay hindi ako kumbinsido sa sinabi nya.

"Huy Jake, umayos ka. Ayusin mo 'to. Honey, wala akong ginagawa", pagpapaliwanag ni Luigi sa akin.

"Hahahaha. Joke lang yun Laureen. Gumaganti lang ako sa pang-aasar ni Luigi. Believe me, wala yun", sabi ni Jake tapos inangat nya ang basong hawak nya na wari mo ay nakikipag-toast sa akin.

Ngumiti ako kay Jake, "Hehehe. Alam ko naman yun. Jino-joke lang din kita Luigi", tinusok ko pa ang tagiliran nito, "Pero oo nga Jake, anong petsa na? Wala pa din? Kanina ko pa nga yan binubuyo hon eh, wala choosy talaga", dugtong ko pa.

"Ang kulit nyo ding mag-jowa kayo no. Alam nyo. Don't chase love nga daw, let it chase you, find you", sabi ni Jake sa amin, "Iiwan ko na nga kayong dalawa. Dun na lang ako kina Hanna muna."

"Hahaha. Tatakas na naman pag sya ang pinaguusapan. Sige pare", sabi ni Luigi in surrender. Kumuha si Luigi ng tinidor at iniikot yun sa pasta na nasa plato ko. Susubuan sana ako ni Luigi ng pasta ng natigil kami sa pagkukulitan dahil may humigit sa dress ko.

"Tita Woreen!", Xavier beamed.

"Baby!", sobrang tuwa kong nakita sya, tumayo ako at kinarga sya, "Ang pogi-pogi naman ni Xave kanina don habang nagma-march sa simbahan. Pinaka-handsome ring bearer ever!", sabi ko pa, hinalikan ko sya sa ilong ng mabilis. Ang cute-cute talaga ng batang ito.

"Xave! Come here", Binaba ni Luigi ang plate at tinidor na hawak nya at kinuha si Xavier mula sa akin at kinarga ito sa mga braso nya at sinayaw-sayaw si Xave, "Ang bigat-bigat na talaga! Yuckie, nagde-dede pa", tumatawang sabi ni Luigi sa kanya.

Lumukot ang mukha ni Xavier na para bang mapapaiyak ito.

"Ikaw talaga Luigi, inaaway mo si Xave! Halika Xave, sa akin ka na lang", kinuha ko ulit si Xave mula kay Luigi at ako naman ang kumarga rito.

"Ang sinasabi ko lang kasi Tita Woreen", panimula ni Luigi ng nakangiti, "Dapat hindi na masyadong baby si Xave kasi magiging KUYA na sya, diba kuya Xave?", sabi ni Luigi ng natatawa.

"Kuya?", nakangiting tanong ko kay Xavier, "Magiging kuya na si Xave? Wow!"

"Yup! April's pregnant", masayang sabi ni Luigi.

"Pero bakit nakasimangot si kuya Xave?", tanong ko kay Xavier na parang hindi masaya sa pinaguusapan namin ni Luigi.

"'Coz I'm not going to be Mommy's baby na. And daddy's favorite", mangiyak-ngiyak na sabi ni Xavier na kinusot pa ang mga mata nya.

"Hahahaha", malakas na tawa ni Luigi.

"Luigi!", pagsasaway ko sa kanya.

"Sorry Tita Woreen", pagpapa-cute ni Luigi.

"Kuya Xave, wag ka na malungkot. Hindi mangyayari yun. Love ka pa din ng mommy at daddy mo kahit magkaron ka pa ng baby sister o brother. Dapat happy ka nga eh kasi magkakaron ka na ng kalaro. If brother, you can play ball or cars or action figure together. Pag baby sister naman, then, pwedeng board games, you can play in the park together. And of course you are to take care and protect her from other kids", pagpapaliwanag ko sa kanya.

"I'll have a playmate?", mahinang tanong ni Xave pero mukhang nagliwanag ang mukha nya sa sinabi ko.

"Yes po. And you'll go to school together. Swim together. Go biking----", naputol ang sinabi ko kasi pinutol ako ni Xavier.

"Take care of Chi-chi?", nakangiting tanong ni Xavier sa akin.

"Chi-chi?", balik tanong ko sa kanya.

"Chi-chi yung dog ni April", sagot ni Luigi ng nakangiti.

"Of course! Pero syempre pag medyo lumaki na si baby", paga-assure ko kay Xavier, kiniss ko sya sa magkabilang pisngi nya.

"Tama na yang lambingan nyong tatlo", tumingin kaming tatlo sa bagong dating. Si April.

"Mommy! Karga!", excited na sabi ni Xavier kay April.

"Hmmm, no kuya Xave", saway sa kanya ni Luigi, "No karga, kasi maiipit si baby", nakangiting sabi ni Luigi.

"Ow! Alright Tito Wiji!", sabi ni Xavier na tumatango-tango pa ang ulo.

"Kayo kelan kayong dalawa?", tumatawang tanong ni April sa amin.

"Hehe", yun lang ang sinagot ko.

Niyakap ako ni Luigi mula sa likod ko habang karga-karga ko Xavier, "Pwede na ba kaming tatlo as family 'Pril?"

"Oo naman!", sagot ni April.

"Smile hon, smile kuya Xave", pinwesto ni Luigi ang iphone nya sa harapan namin at ngumiti kaming tatlo doon.

Click. At nagflash na ang camera ng iphone nya. Dahil sa malapit masyado iyon sa amin, napapikit ako.

Tinignan naming tatlo ang picture namin.

Tumawa kami ng sabay-sabay dahil pare-parehas kaming tatlo na nakapikit doon.

"Haha. Ang cute nyo!", sabi ni April, "Pero hinahanap ng daddy nya si Xave, kaya tara na kuya Xave, hayaan na natin sina Tito Wiji at Tita Woreen, tignan mo nagda-dance na silang lahat. Come, mag-dance tayo, baka magda-dance din si Tito Luigi at Tita Laureen."

"Opo Mommy", sagot ni Xave, kaya naman binaba ko na sya.

Agad-agad itong humawak sa kamay ni April at nag-wave sa amin ni Luigi.

"Ba-bye Tita Woreen", sabi nya.

"Ba-bye Xave", sagot ko sa kanya.

Tumingin ako kay Luigi na nakatingin din pala sa akin. Nag-ngitian lang kami ng mga ilang segundo bago sya nagsalita.

"Apat", sabi nya with a wide smile.

"Apat ang alin?", naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Isa every two years", sabi pa ni Luigi ng nakangiti. Hinawakan nya ang kamay ko at niyakag akong maglakad papunta sa gitna kung saan pumupunta din ang ibang tao.

"Anong sinasabi mo?", natatawa ako sa kanya kasi parang may iniisip syang kalokohan.

"Anak. Apat na anak. Apat ang magiging anak natin Laureen", sabi nya finally.

"Ha? Ang dami namaaaan!", reklamo ko.

"Hahaha. Konti lang yun hon", tumatawang sabi nya habang naglalakad kami.

"Ayoko. Dalawa lang!", sabi ko sa kanya sabay palo sa braso nya ng mahina.

Tumahimik si Luigi at binitiwan ang kamay ko. Lumungkot din ang mukha nya.

"Luigi naman eh", pag-aamo ko sa kanya, "Ang dami naman kasi non eh", pagpapaliwanag ko.

"Sabi mo eh", sabi lang sa akin ni Luigi.

"Luigi, huy... Tignan mo 'to, napaka-matampuhin", tinusok ko ang tagiliran nya, pero hindi sya nagre-react. Kaya sumuko na ako, "Sige na nga apat na, fine", sabi ko sa kanya.

At ganon-ganon lang, bigla na syang ngumiti ng malapad.

"Talaga?", pagtatanong nya pa sabay kindat sa akin.

"Hahaha. Adik ka talaga. Oo na, oo na", sabi ko sa kanya ng natatawa.

"Start now na?", tanong ni Luigi na tinaas-taas pa ang kilay nya sa akin.

"Anong now na? Umayos ka nga Luigi! Hahaha", piningot ko sya sa kanang tenga nya.

"Hahaha. Kidding. Ikaw talaga Laureen!", sabi nya sa akin ng tumatawa.

Nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko.

"Namumula ka Laureen. Hahahaha!"

"Che! Nakakainis ka Luigi!", sa pagkakataon na yun ako naman ang bumitiw sa kamay nya at tumalikod sa kanya. Maglalakad na ako papalayo pero niyakap nya ako mula sa likod ko.

"Hehe. Binibiro lang eh. Sorry na honey. I love you", sabi nito sa akin.

"Hmp!"

"Nagpapalambing ang bata. Yihee. Sorry na. Sorry na Laureen. Sige na pleease", pagpapacute nya sa akin. Hinarap nya ako sa kanya.

Pag ganyan si Luigi, hindi ko talaga sya nare-resist. Hehe

"Sige na nga, pasalamat ka cute ka", sabi ko sa kanya.

"Pogi, hindi cute", sabi nya pa.

Narinig naming nag-start na ang music.

 

 

~It's always been a mystery to me~

 

 

"May I have this dance?"

 

 

Ngumiti ako sa napakalambing na boses ni Luigi. Naka-extend ang kamay nya sa akin.

 

 

~How two hearts can come together

And love can last forever~

"Sorry, seloso kasi ang boyfriend ko eh", sabi ko sa kanya at kunwaring inirapan sya.

"Ganon ba? Well, naiintindihan ko naman sya kung bakit.", sabi sa akin ni Luigi.

~And now that I have found you I believe~

 

"Bakit?", nakangiti kong tanong sa kanya.

~ That a miracle has come~

 

"Kasi Miss, natatakot lang yun na baka mawala ka sa buhay nya", sabi nya sa akin ng nakangiti at pinisil ang pisngi ko.

~When God sends the perfect one~

Hindi ako nakasagot doon. Parang pumintig ang puso ko sa sinabi nya. Nahihiyang ngumiti ako kay Luigi.

"Pwede ba?", tinatanong ako ni Luigi kung pwede ba nyang ilagay ang mga kamay nya sa bewang ko.

~Now gone are all my questions about why~

Naalala ko tuloy ang unang pagkakataon na nagsayaw kami. Nagpaalam din sya sa akin non. Tumango ako sa kanya kasabay ng paglagay ko ng mga kamay ko sa balikat nya.

Nakita kong ngumiti si Luigi. Kaya tinanong ko sya.

"Bakit ngumingiti ka?", tanong ko sa kanya.

~And I've never been so sure of anything in my life~

"Naalala ko lang kasi nung first time kitang sinayaw", sabi nya sa akin.

Naalala din pala nya. Napangiti ako don. "Hehe. Oo nga naiilang ako non sayo e", sagot ko.

~Oh I wonder what God was thinking~

 

"Hmmm. Bakit naman?", tanong ni Luigi sabay kindat sa akin, "Crush mo na kasi ako non no?"

Pinalo ko sya ng mahina sa balikat, "Mukha mo!", sabi ko sa kanya.

"Pogi", sabi naman nya. Tapos tumawa sya ng malakas.

~When he created you~

"Naalala mo nung una tayong nagsayaw nung engagement ni Migs at Biancs, ang bait-bait mo non, sabi mo pa hindi mo na ko papaiyakin. Hehe", pagrereminisce ko.

~I wonder if He knew everything I would need~

Hindi agad nagsalita si Luigi, nakatingin lang sya sa mga mata ko, tinrace nya ang guhit ng ilong ko atsaka sya nagsalita, "Yes, every detail.... from your make up", hinaplos ni Luigi ang gilid ng pisngi ko.

~ Because he made all my dreams come true~

"....To your perfume", pagpapatuloy ni Luigi at nilapit nya ang ilong nya sa may leeg ko, "....To the dress you were wearing....", naramdaman kong hinigpitan nya ang

hawak nya sa bewang ko.

~When God made you~

 

 "....You're very beautiful that night. Thanks to Migs, kung di dahil sa kanya baka nawalan ako nglakas ng loob sunduin ka sa bahay nyo", sabi nya ng mahina habang nakatingin sa mga mata ko.

~He must have been thinking about me~

 

"Migs? Bakit anong meron non? Bakit bigla ka kasing umalis ng bahay? Akala ko talaga hindi ka na dadating non e", mahinang sabi ko sa kanya.

~Ooooh Ooooh~

Ngumiti lang si Luigi at hinaplos ang pisngi ko tsaka nagsalita, "I was just glad na sinundo kita, para kang batang umiiyak non, ineexpect kong magagalit ka sa akin dahil late ako pero hindi, niyakap mo pa ako. You really never fail to surprise me. It was a turning point"

~I promise that wherever you may go~

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Masyadong malalim", nangingiting sabi ko kay Luigi.

~Wherever life may lead you,

With all my heart I'll be there too~

"Kaya wag mo ng halukayin, okay?", nakangiting sabi ni Luigi.

Ngumiti ako at tumango bilang pag-sang ayon.

"I love you Laureen", sabi nya sa akin at hinalikan ako sa noo.

~And from this moment on I want you to know~

"I love you too Luigi", sagot ko sa kanya. Yumakap ako ng mahigpit at bahagyang hiniga ang ulo ko sa may dibdib nya.

~I'll let nothing come between us

And I will love the ones you love~

"I love you more", narinig kong sabi ni Luigi at hinaplos ang buhok ko. Ramdam ko ang sinseridad sa boses at haplos nya.

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

~Now gone are all my questions about why~

 

 

"Thank you", narinig kong sabi ni Luigi.

~And I've never been so sure of anything in my life~

"Para saan?" tanong ko sa kanya ng mahina.

"Sa lahat-lahat", mahinang sabi ni Luigi habang mabagal kaming sumasayaw, "For loving me, for allowing me to be with you, to take care of you Laureen."

Napangiti ako sa sinabi nya at inayos ang pwesto ng ulo ko sa dibdib ni Luigi.

~Oh I wonder what God was thinking

When he created you~

 

"Who would have thought that on this day.... I'll be in this place with you?", mahinang sabi ni Luigi. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya, para bang napi-picture kong nakangiti sya dahil sa tono ng boses nya and the way he caresses my back.

~I wonder if He knew everything I would need~

 

 

"Hmmm. You're right", sagot ko sa kanya ng mahina at hinaplos din ang likod nya.

~Because He made all my dreams come true~

 

 

"After all the not so good decisions and things I've done,", he paused, at hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya, "What made me so lucky to have a very kind and pure and beautiful person with me tonight?", dugtong nya pa.

~When God made you He must've been thinking about me~

Nakatingin sya sa mga mata ko at ganon din ako sa kanya.

Hindi ako makapagsalita.

~He made the sun

He made the moon~

"Dati si Laureen ka LANG", sabi nya ng mahina habang nakatingin sya sa mga mata ko."

~To harmonize a perfect tune~

 

Kumunot ang noo ko.

~One can't do without the other

They just have to be together~

 

"A beautiful stranger who embarassed me in front of my friends one night when I was at a bar ", dugtong nya at hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

~And that is how I know it's true,

You're for me and i'm for you~

 

 

Ngumiti ako sa kanya at malambing na hinaplos ang kanang pisngi nya.

~Coz my world just can't be right without you in my life ~

Ipinatong nya ang isang kamay nya sa kamay ko na humahaplos sa pisngi nya, "Ngayon, si LAUREEN KA NA. Laureen ni Luigi", buong pagmamahal nyang sabi at pagkatapos ay kinuha nya ang kamay ko na humahaplos sa pisngi nya at hinalikan iyon.

~Oh I wonder what God was thinking,

When he created you~

Para akong napi-pipi sa sinasabi ni Luigi. Tumatagos lahat sa puso ko at hindi nagpapaawat ang dibdib ko sa pagkabog sa saya at sa pagmamahal sa lalaking kaharap ko.

~I wonder if He knew everything I would need~

"Migs was right", sabi nya ng mahina.

~Because he made all my dreams come true~

Ngumiti si Luigi ng bahagya at muling nagsalita, "One day, may darating sa buhay mo, and that person will make you realize why it never worked out with anyone else", dinikit nya ang noo nya sa noo ko at pumikit sya.

Pumikit din ako.

~He must have heard every prayer I've been praying

"Kaya thank you....", narinig kong sabi ni Luigi, nakadikit pa din ang noo nya sa noo ko.

~He must've knew everything I would need~

Nakapikit pa din ako ng sumagot ako sa kanya, "Wag kang mag-thank you. Wala akong ibang nanaisin na makasama ngayon o bukas o sa iba pang mga araw kundi ikaw lang Luigi",  pagkatapos ay inangat ako ang ulo ko at hinaplos ko ang gilid ng mukha nya.

~When God made you~

When dreams come true

When God made you~

Tumingin sya sa mga mata ko at hindi ko maipaliwanag pero parang kakaiba ang mga titig nya na yun. Puno ng hindi maipaliwanag na nararamdaman, at para bang nangungusap. Finally ay ngumiti sya sa akin at hinalikan ako ng marahan sa labi. At pagkatapos ay muling hiniga ang ulo ko sa dibdib nya.

~He must've been thinking about me~

-------------------------------------------------------------

Biancs' bridal song: Forevermore by Side A

LaureenGi's dance song: When God Made you by NewSong and Natalie Grant

;) 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
141K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...