MARRIED TO A MAFIA BOSS Book...

By craziestamongtherest

4.1M 109K 14.3K

Paki-basa po muna ang book 1 and 2. You can find it on my profile under works. :) UTANG NA LOOB, LAST NA PO I... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
NOT AN UPDATE
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapyer 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Repost Chapter 60
Last Chapter
BOOK 4
FREE LOAD
FREE BOOK / BOOK GIVEAWAY
MTAMB Shirt

Chapter 1

244K 3.3K 356
By craziestamongtherest


Angelique's POV

"Ate hindi pa ba natin gigisingin si mommy?"

"Wag muna Sachel." Ipinaglagay ko siya ng rice at bacon sa plate. "Oh breakfast ka na. Mala-late na tayo niyan sa school."

Tinitigan niya lang yung plato at napabuntong-hininga. "Nakakamiss yung dati ate. Kahit magulo at delikado ang buhay natin, at least kumpleto naman tayo."

Hindi ko napigilang bumuntong-hininga na din. "Oo nga. Nakaka-miss.."

"Ate tingin mo ba wala ng pag-asang mabuo ang pamilya natin?"

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko dahil feeling ko babagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi din alam ni ate bunsoy e. Kung kaya ko lang solusyunan to, ginawan ko na ng paraan."

Napuno ng katahimikan ang dining area. "Isn't too early for your drama ladies?"

Sinimangutan ko siya. "Ang tagal mong maligo kuya! Late na kaya tayo. Tsk."

"Sorry na. Palibhasa wisik-wisik ka lang." He grinned.

"Psh. Ewan ko sayo. Ikaw kuya ha. Natuto ka lang magtagalog ng bongga, lakas mo na mang-asar. Tsk. Palibhasa para kang babae kung maligo."

"That's what you call cleanliness."

"kaartehan na yun kuya." Binelatan ko pa siya.

"Whatever. Tulog pa si mommy?"

"Bakit kuya nakita mo bang andito na siya?" Pambabara ko.

"I'm asking you a serious question Angelique Dame." Uh-oh. Here we go again. He is Mr. Sungit na naman. So bipolar.

"Okay sorry. Tulog pa po." Sagot ko tsaka sumubo ng rice.

"Let her rest first. Anyway, ipinagpaalam ka sakin ni Josh. May lakad daw kayo. Papayagan kita in one condition."

"What is it?"

"You'll be home by 7 pm."

"Kuya naman! Anong 7 pm? Hindi birthday party ng elementary student yung pupuntahan namin." Apila ko.

"Take it or leave it." He answered sabay inom ng coffee.

"Ang daya naman ni kuya e. First date namin yun kuya. Huhu."

"And so? You'll just eat dinner outside. Your class ends at exactly 3:30 pm. Josh can pick you up at 4:00. Assuming it's traffic, you can stroll at the mall until 5:30 pm and proceed to the restaurant." He continued.

"Assuming it's traffic kuya, ate and kuya Josh will arrive at the restaurant by 6:30 pm. Their food will be served by 6:45 pm, they only have 15 minutes to eat? Tapos diretso alis? Di kaya sila magkasakit nun kuya?"

"Woooh! Yan si attorney Sachel ko. Oh ano kuya?"

"Hmm.." He held his chin. Na animo nag-iisip. "You should thank Sachel for pointing that out. Okay. I'm giving you an extension. Be here at exactly 8 pm." What?

"Naman si kuya e. Kay mommy ako magpapaalam!" Inis na sabi ko. Di man lang gawing 9 pm e.

"Mommy!" Sakto namang pababa na pala si mommy. Yumakap si Sachel sa kanya.

"Morning. Bakit di niyo ko ginising? Hindi ko tuloy kay naipagluto. Late na ba kayo? Teka magre-ready lang ako tapos hatid ko na kayo-"

"Mom. Relax." Putol ni kuya. "We're eating already and ako na po ang magda-drive papasok. We want you to rest." Ipinaghila siya ni kuya ng upuan.

"Sorry ha. Napasarap talaga ang tulog ko." She wiped her eyes.

"Onga po mom e. Magang-maga tuloy yung eyes niyo." Kunwari ay sumandok siya ng kanin kaya hindi niya ko narinig pero alam kong she heard me. Ayaw niya lang talagang pag-usapan. Alam ko din na mula sa pag-iyak niya nakuha yung pamamaga ng mata niya.

"Mom. Don't you miss our family?" Sachel asked suddenly.

"What do you mean? Paano ko kayo mamimiss kung kasama ko naman na kayo-"

"You know what she meant by that mom." Seryosong tumingin si kuya kay mommy pero iniwas nito ang tingin.

"Bilisan niyo ng kumain diyan. Late na kayo." Tumayo si mommy. "Oo nga pala ano ba yung pinagtatalunan niyong magkakambal ha?"

"Eh kase si kuya ma. Ayaw akong payagan na hanggang 9 mamaya." Nakangusong sumbong ko.

"Eh san ba ang lakad anak?"

"Makikipag-date lang yan mom. So wag kang papayag."

"Mommy first date namin yun. Tsaka diba tanggap mo na siya? So yun yung official na first date namin na legal na. Yung wala ng pinaglilihiman. Sige na mom please. Kahit until 9 pm lang. I promise to be a good girl." Niyakap ko pa si mommy sa leeg.

"Okay."

"What?! Okay? As in pumapayag ka mom?" She nodded. "Waaaaah! I can't believe it mom. Yehey! I love you mom! You're the best!"

"Oo na. Sige na. Kumain ka na ng kumain ng makapasok na kayo."

"Yes mommy!" Masaya kong sumunod.

"Mommy naman. Hindi ka dapat pumayag. Baka masanay yang si Angelique."

"Minsan lang naman. Pagbigyan mo na. Ang strict mo no? Manang-mana ka talaga sa daddy-" Napatigil siya sa pagsasalita. "Ihahanda ko lang ang mga baon niyo."

"Mom. Naayos ko na po." I said.

"Ah ganun ba? Ichecheck ko muna yung assignments ni Sachel.."

"I already checked it mom." Kuya Premier said.

"Eh ano.. yung ano na lang.. yung-"

"Mom. Will you please stop pretending?" Tumayo na si kuya.

"I. Am. Not. Pretending."

"Yes you are. I know you still care. I know you're still hurt."

"I'm not." Tumalikod na ulit samin si mommy when Sachel shouted.

"WE MISS DADDY MOMMY! WE MISS DADDY!"

Humarap siya samin. "Napag-usapan na natin to. I already told you about my decsion." Natahimik lang kaming lahat. Wala ng gustong magsalita.

"Hello, hello! Ang tahimik niyo ata?" Nilapitan ng bagong dating si mommy at hinalikan sa pisngi.

"Lucas. What are you doing here? Ang aga mo ata." Mom asked.

"I just wanted to see you." He said na ikinaikot ng mga mata ko. "And I brought some breakfast pero mukhang na-late na ata ako."

"Yea. Why don't you join us tito?" I asked. In a plastic way.

"Hindi na. Mukhang tapos na din ata kayo. I'll just bring you to school." He offered.

"No need. I can drive." Kuya stood up. "We'll go now mom." He kissed mommy's forehead. "Sunod na lang kayo sakin." Sabi niya tsaka dire-diretsong lumabas ng bahay.

Tumayo na din ako at inaya na si Sachel. Nagpaalam na kami. "Take care okay? Call me if you need anything." Bilin niya.

I nodded. "Let's go Sachel. At baka hindi pa ko makapagtimpi sa Lucas na yan." Bulong ko.

"Shhhh. Bad ate. Lika na nga." Hinatak na niya ko palabas.

"Sana matanggap na nila ko.." I heard that Lucas said kaya napakunot ang noo ko.

NEVER. AS IN N-E-V-E-R. KEEP DREAMING LUCAS. HINDING-HINDI AKO PAPAYAG NA MAKAPASOK KA SA PAMILYA NAMIN.

It's been 2 months since that incident happened. At sa dalawang buwan na yun, may parang kabuting bigla na lang sumulpot sa buhay namin. At yun si Lucas. Ni hindi ko na nga matandaan kung paano siya nakilala ni mommy e.

Pero isa lang ang alam ko, pinipilit niyang isiksik ang sarili niya sa pamilya namin. Nagpapakatatay siya samin pero kahiy kelan, wala ng papalit kay daddy. Si Zachary Dawson lang ang kikilalanin naming tatay at asawa ni mommy. Siya lang ang taong kukumpleto sa pamilya namin.

Continue Reading

You'll Also Like

348K 16.4K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
25M 625K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
1.7M 53.6K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
14.2M 432K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...