Unexpected Love

By tintininintin888

199K 6K 968

Right kind of wrong Side Story. Jia-Jirah. More

Author's note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
New Story- A Beautiful Disaster
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 7

5.4K 179 10
By tintininintin888




AN: drifter_01 Asan na ibang bala mo beb? Haha.

Enjoy guys!

===================================

Jirah

"Anong meron?" nagulat naman yung mga teammates ko na naka silip sa may pintuan ng roof top.

Nadatnan ko sila na naka kumpol sa may pinto, maliban kina ate Den at ate Ly na malamang busy sa pagtatago ng feelings sa isa't isa. Lalo na si ate Ly, akala naman nila hindi ko halata. Si Marge din pala hindi nila kasama.

"Bakit ka ba nanggugulat, Jirah? Pwede naman kasing dahan dahan," reklamo ni ate Ella.

"Hindi ako nanggugulat, busy lang talaga kayo sa pag tsismis dyan, ano bang tinitingnan niyo?" usyoso ko pa.

"Si Jia yung tinitingnan nila, besh, umuwi kasi ng umiiyak tapos dumiretso dyan kaya nandyan yung mga yan, nagtuturuan sino unang lalapit." Paliwanag ni Marge na malamang galing sa kwarto.

Nag alala naman ako at nakisilip na din, nakita ko si Jia na umiiyak nga. Parang nanghina naman yung tuhod ko at sumikip yung dibdib. Ayoko siyang makitang umiiyak. Hindi bagay sa magandang mukha nya ang umiyak. Mas gusto ko pa syang nagsusungit kesa ganyan.

"Sige na, lapitan mo na, ate Ells," tulak ni Bea.

"Bakit naman ako, aber? Baka sapakin ako ni Jia, kahit mabait yan, nananapak yan," takot na sagot naman ni ate Ella.

"Eh, ikaw yung senior, saka wala kasi sina Ate Ly at Ate Den dito." sabi ni Kim.

"Ayan si Kiwi, senior din," itinuro ni ate Ella si ate Amy na naka sandal na ngayon sa pader.

"Wag na kayong magturuan, ako  nang kakausap. Alis na." Pagtataboy ko sa kanila, mas gusto ko na ako yung dadamay kay Jia ngayong umiiyak siya.

"Are you sure, besh?" tanong naman ni Marge.

Tumango naman ako sa kanya.

"Yes, besh, ako nang bahala," pilit na ngiti ang isinagot ko. Tinitigan muna niya ako bago tumango at hinila yung mga teammate namin palayo.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa roof top, nilapitan ko si Jia na tumigil na sa pag iyak at malungkot na naka tingin sa tanawin.

Inalis ko ang suot kong jacket at ipinatong sa likod niya. Medyo gulat naman na napatingin siya sa'kin bago ibinalik ang tingin sa tanawin. Ilang sandali din na walang nagsalita sa amin.

"Miguel and I broke up," mapait na sabi niya.

Kahit may part na masaya ako at nag break sila and by some miracle ay may chance na na magustuhan ako ni Jia, malaking part ko pa din ang mas nalulungkot na hiwalay na sila ni Miguel, I mean kaya ko namang magustuhan si Jia sa tahimik na paraan, basta masaya siya.

"Oh?" napa face palm ako sa sagot ko pero anong magagawa ko? Ano bang dapat sabihin ko sa taong naging dahilan ng kung bakit masaya ako magmula nang bumalik ako?

"Yeah, seen that one coming, sinubukan naman namin, pero iba na talaga yung priorities naming dalawa, at palagay ko hindi na namin mahal ang isa't isa, we just love the  idea of being in love," tumawa pa siya ng walang sigla pagkatapos ay isinuot ng maayos ang jacket ko at niyakap ang sarili niya.

"I'm sorry," puno ng sincerity na sabi ko. "gusto mo bang kausapin ko si Miguel para sa'yo?" Kahit masakit,  gusto kong ibalik na lang ang ngiti sa labi nya.

"No, Jirah, that Chapter of my life is close. Wala na akong magagawa kundi mag move on, kaya ko 'to wag kang mag – alala." sabi nya na sa malayo pa rin nakatingin.

Tumango ako. "I know, malakas ka, miss, kayang kaya mo yan. Nandito lang naman ako, sabi ko nga, I could be your distraction." sabay ngiti sa kanya dahil lumingon sya sa akin.

"Bakit ba napaka bait mo sa'kin? Sinusungitan lang naman kita?" ayan na naman sya sa mga tanong nya.

"So? Hindi naman kita nakilala na mabait ka sa'kin, mas sanay pa nga ako na nagsusungit ka lang, sa'kin ka lang naman masungit," at least yung sungit mo akin lang.

"Baliw ka. Pero salamat sa pagpunta mo sa'kin dito," nakangiting kinurot naman niya yug pisngi ko.

Hinawakan ko naman yung mga kamay niya at hinalikan ang mga palad niya. Namula naman siya ng bahagya.

"Ako lang ang naglakas loob sa mga teammates natin pero nag aalala din sila sa'yo." sabi ko pa sa kanya.

Pinaghawak ko ang mga kamay naming dalawa at iginaya siya pabalik sa loob.

"Alam ko yon, ang ingay niyo kaya kanina," medyo hinigpitan niya yung hawakan namin kaya natuwa naman ako.

"Sila lang yon, sweetheart," bago tuluyang makapasok ay binatukan naman niya ako sa tinawag ko sa kanya. Ang sweet talaga.

***

Habang nag aalmusal ang mga kasama ko ay nagpaalam ako na mag iikot muna sa campus gamit ang bike ko, yon kasi ang exercise ko ngayon, may therapy naman ako pagkatapos at susubukang mag training sa hapon. Buti na lang Sabado ngayon.

Palabas na ko ng tawagin ako ni Jia at sabihang maghintay. Umakyat muna siya kaya naman napatingin ako sa mga teammates namin na nagtatanong ang mga tingin, nagkibit balikat naman ako.

Pag nagbabangayan lang kasi kami ni Jia, doon lang nila kami nakikitang mag usap, hindi nila nakikita pag normal ang conversation naming dalawa.

Pagbaba ni Jia ay may dala siyang helmet at paper bag, inabot lang niya sa'kin yon at walang sabi sabing bumalik na sa mesa at itinuloy ang pagkain.

Sinundan ko naman siya at ngiti ngiting kumuha ng piraso sa kinakain niyang bacon, pinalo niya ang kamay ko at tiningnan ng masama. Uminom naman ako sa kape niya na mapait pa rin ang lasa. Tinadyakan naman niya ako sa binti.

"Aray naman, Jia, para nakikitikim lang eh," reklamo ko at hinaplos ang nasaktan kong binti. Masakit yon ah, may plano yatang maging football player 'tong Jia ko eh.

"Yang ibinigay ko sa'yo ang kainin mo. Alis na. At isuot mo yang helmet mula ngayon, baka madisgrasya ka, stupid ka pa naman." masungit nyang sabi.

"Ang sweet mo, Jia, binilhan mo pa ako ng helmet at ipinagluto. Salamat ah." Hindi ko pinapansin ang mga kasamahan namin na tumigil sa pagkain at nakikinig sa usapan namin ni Jia. Bakit ba? Masaya ako eh, ang galing bumuo ng araw ni Jia. Yung kausap ko naman ay nahihiyang tiningnan ang mga kasamahan namin bago ibinalik yung tingin niya sa'kin.

"Isa, Llaneta, pag di ka pa umalis sa harap ko, lagot ka talaga," banta pa niya.

Mabilis namang lumabas na ako, baka mamaya bawiin pa yung binigay eh.

Hapon na nang pumasok ako sa BEG kung saan nagsisimula na ang training ng mga teammates ko.

"Besh, okay ka lang ba, bakit medyo umiika ka?" salubong sa'kin ni Marge, siya kasi ang unang nakakita sa'kin pag pasok ko. Napangiwi naman ako sa pag aalala sa mukha niya. Ano ba yan, sabi nang ayokong nagiging dahilan ng pag aalala ni Marge eh.

"Okay lang ako besh," paniniguro ko sa kanya. "nasobrahan lang sa bike saka medyo masakit yung therapy ngayon pero ayos lang talaga."

Inakbayan ko naman si besh at lumapit na sa mga teammates namin. Busy na sa spiking drills ang iba, yung iba naman sa digging nagpa practice.

"Baby Ji, okay ka lang?" tanong ni ate Ly nang makalapit kami sa pwesto nila ni ate Den. Sila kasi yung magka- partner ngayon, si ate Ella naman nasa spiking drills. Nag thumbs up naman ako kay ate Ly bilang sagot.

"Okay lang, ate Ly. Pwede ba akong sumali sa practice?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pwede." Sabay sabay na sabi ni ate Ly, ate Den at Marge.

"Please naman, excited na talaga akong maka spike ng bola ate Ly, sige na please, pumayag ka na," pinagdikit ko pa ang mga palad ko na parang nagdadasal.

"Tingnan mo nga, besh, masakit na naman yang injury mo, paano ka makakatalon para pumalo?" si Marge.

"Hay, wag kayong mag alala, kayang kaya 'to," iniwan ko na sila at nagpalit ng damit pang training, ilang sadali ay spiking drills na lahat ng spikers habang receiving naman si ate Den.

"Hi, my love," bati ko kay Jia, itinigil naman niya saglit yung pagse-set niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Sasali sana ako sa practice eh, pwede ba?" pagpapa cute ko sa kanya. Siyempre walang effect dahil imbis na matuwa ay binato niya ng bola yung injured kong paa. Napadaing naman ako sa sakit.

"Injured pa. Layas sa court ko," iniwan na niya ako at bumalik na sa practice.

Nakakainis, kung hihintayin pa naming gumaling ng tuluyan 'tong paa ko, hindi talaga ako makakabalik. Sa likot kong 'to, hindi pwedeng hindi ko lagi ginagamit.

Nilapitan ko si ate Ella na hinihintay ang turn nya para mag spike.

"Ate Ella, favor," panimula ko.

"Aba, Jirah, napapadalas yata yang favor mo. Kung naninigil lang ako, mayaman na sana ako sa dami ng favor mo sa'kin."

"Daming sinasabi, ate Ells, ayun nga, pwede mo bang ibigay sa'kin yung bola mo? Sige na, isang spike lang, please." pakiusap ko sa kanya.

"Injured ka, papatayin ako ni Jia at Marge. Sorry pero gusto ko pang mabuhay para kumain," lagi na lang talagang pagkain ang laman ng utak ng taong 'to kahit kailan. Pakatakaw.

"Isa lang, ate Ella, sige na naman, maawa ka na sa'kin," pagmamakaawa ko kay ate Ella. Mukha naman effective dahil saglit siyang nag isip bago tumango.

Yes!

Nung turn na ni ate Ella ay kunwaring bumwelo siya pero nasa likod lang niya ako at imbes na siya ang tumalon ay hinayaan niya ako at ako ang tumalon para pumalo sa set ni Jia na napaka bilis.

At dahil namangha ako sa set ni Jia ay nawala sa isip ko na unahing i-land ang paa kong walang injury, kaya naman pag landing ko ay napaupo ako agad nang maramdaman ang sakit sa paa ko.

Nilapitan naman agad ako ng mga teammates ko at nag aalalang dinaluhan ako.

Lumuhod si Jia sa tapat ko at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa paa ko. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na mapadaing sa sakit.

"Does it hurt? Ano ba kasing ginawa mo?! Di sabi ko get off my court?!" puno ng pag aalala yung boses ni Jia, na guilty naman ako dahil hindi ko siya sinunod.

"Sorry na, na miss ko lang naman maglaro eh."

Umiling na lang si Jia at inalalayan akong tumayo, "let's go, mamaya na kita papagalitan, ipatingin muna natin yang paa mo." Lagot na naman ako nito sa kanya mamaya.

Pero bago pa man kami makalayo ay hinarang kami ni Marge.

"Jia, ako nang bahala sa best friend ko," inalis ni Marge ang pagkaka akbay ko kay Jia pero hindi naman binitawan ni Jia ang bewang ko.

"It's fine, Marge, I got her, bumalik ka na lang sa practice," medyo naiirita yung boses ni Jia.

"No, Jia, they need you to set, ako nang magdadala kay Jirah sa clinic," sinubukan ulit ni Marge na hilahin ako pero hindi pa din ako binitawan ni Jia.

"Nasa clinic na sana kami kung hindi ka humarang, Marge, at  imbes na natingnan na siya ng doctor, we're here arguing. Move."  Medyo nagulat ako sa harshness sa boses ni Jia, kahit sa'kin pag nagsusungit siya hindi ganon ang boses niya. Mukhang galit talaga siya.

Nagsukatan sila ng tingin ng Marge, parang sumikip tuloy sa buong gym.

Nilingon ko ang iba naming teammates at nagaalala din ang mga mukha nila habang pinapanood kami.

Hinanap ng mga mata ko si ate Ella na tumatakbo papasok galing sa labas ng gym.

Nagpapasaklolong tumingin ako sa kanya. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin nang tingnan niya kaming tatlo.

"Ah, guys, guys!" sigaw niya at doon lang naputol ang sukatan ng tingin ng dalawa, nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ako na ang bahala kay Jirah, may sasakyan na sa labas at nasa labas din ang mga boyfriends ninyo at gusto daw kayong makausap, kaya go na." sabay turo nya kay Marge at Jia.

"I don't want to talk," sagot ni Marge.

"Paalisin mo," sagot naman ni Jia. Sabay pa silang nagsalita.

"Hindi pwede, akin na si Jirah, ako na ang magdadala sa kanya sa clinic," may pinalidad na sabi ni ate Ella, lumapit siya sa amin at kinuha ako kay Jia.

"Dahan dahan, ate Ella," may warning sa tono ni Jia.

Nag – thumbs up naman si ate Ella at inalalayan ako palabas.

"You owe me. Again." Sabi niya nang makalabas na kami ng gym at makasakay sa sasakyan. Hindi na ako sumagot at pumikit na lang.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 794 22
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
782K 30K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
108K 2.9K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
117K 4.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...