NYORK

By cursingfaeri

569K 9.5K 3.5K

"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive... More

Chapter 1: A Dose of His Mischief
Chapter 2: Musically Inclined
Chapter 3: Origami
Chapter 4: Prank Call
Chapter 5: English Only Policy
Chapter 6: Hating Siobe
Chapter 7: Astig
Chapter 8: Human Megaphone
Chapter 9: Crushing on Her
Chapter 10: Captured Moments
Chapter 11: Mind Games
Chapter 12: New Home
Chapter 13: Buffet Incident
Chapter 14: First Meeting
Chapter 15: Sapiosexual
Chapter 17: Finally, yes!
Chapter 18: Frustrated
Chapter 19: Antipolo
Chapter 20: Getting close
Chapter 21: Getting there?
Chapter 22: School ID
Chapter 23: The Most Painful Revelation
Chapter 24: The Confrontation
Chapter 25: Shoti and Siobe
Chapter 26: Entrusting Siobe
Chapter 27: Blueberry Cheese Cake
Chapter 28: Spoiled brats
Chapter 29: The Cause
Chapter 30: Jog, Bluff and Instant Girlfriend
Chapter 31: First Kiss
Chapter 32: Caela vs Ishy
Chapter 33: Teddy Bear
Chapter 34: Bored and Addicted
Chapter 35: Long Examination
Chapter 36: Threat
Chapter 37: Nightmare
Chapter 38: Training
Chapter 39: Old friend
Chapter 40: Gifts and Surprises
Chapter 41: Basketball
Chapter 42: Annoyed
Chapter 43: Siobe vs Caela
Chapter 44: Adik sayo
Chapter 45: The Intruder
Chapter 46: Lingerie
Chapter 47: Birthday Bash
Chapter 48: The 999 paper cranes
Chapter 49: A tinge of confusion
Chapter 50: Crammers

Chapter 16: Inspiration

12K 172 38
By cursingfaeri

________________________________________________

Pangatlong linggo ni Hiro sa pamilyang Pelaez at masaya silang naghahapunan ng biglang magsalita ang binata.

"Mommy, Daddy, baka uuwi na po ako anytime this week," nakangiting paalam ni Hiro sa mag-asawang Matilda at Charles.

Napatingin ang lahat sa sinabing iyon ng binata.

“Nalulungkot ka na ba dito?” Nag-aalalang tanong ni Matilda.

“Masyado ka bang nakukulitan kay Charlotte?” Tanong naman agad ni Charles.

"Naku hindi po Daddy. Uuwi na din kasi ang parents ko kaya ganun. Tsaka malapit na din kasi ang pasukan at kailangan ko pang asikasuhin ang enrollment sa school."

Napabuntong-hininga ang mag-asawa na napatingin sa anim na anak.

"Pero try ko pong bumisita pag weekends. Tsaka lagi ko po kayong kakamustahin."

Napangiti naman si Charles sa sinabing iyon ni Hiro. “O sige. Sana, nag-enjoy ka naman sa pagtigil sa aming munting tahanan.”

"Oo naman po. Isa po 'to sa pinakamasayang summer sa buong buhay ko!" Sagot ni Hiro dito.

“Bakit parang bigla-bigla naman ang desisyon mo?” Biglang tanong ni Marcus.

“May nangyari ba?” Usisa naman ni Chino.

Sumimangot naman si Charlie sa narinig. “Huwag niyo na pigilan! Gusto na ngang umalis eh. Paalisin na yan!”

“Charlotte!” Halos sabay na saway nina Chad at Mark.

Tahimik lamang si Mason na nakikinig sa usapan habang pinagpatuloy ang pagkain.

“Totoo naman ah. Inaaway lang naman ako niyan. Hmp!” Nakaingos na sagot ni Charlie.

Ngumiti lang si Hiro sa reaksyong iyon ng dalaga. "It's okay. Alam ko namang mamimiss mo pa rin ako. Ayeee."

Halos lumuwa na ang mga mata nito sa pagtanggi. “AMBISYOSO! DAAAAAH!”

“DAAAAAAH!” Sabay sabay naman na ginaya ng mga binata si Charlie bago humalakhak.

Natawa na lang ang buong pamilya kasama si Hiro habang nagsimula na naman silang magkulitan.

Kinabukasan ay nagpabili si Hiro ng painting materials. Nilista niya ang mga kakailanganin at itinawag sa Mommy niya. Katulad ng ibang ordinaryong araw, sila lamang ni Charlie ang nataong tao sa bahay at dahil wala siya sa mood makipagsagutan sa dalaga ay nagpasya siyang dumistansiya dito at gawin ang isa sa mga libangan niya.

Ang pagpinta.

Wala pang isang oras ng dumating ang mga pinabili niya kaya nag-set up siya agad sa hardin ng mga Pelaez habang nilalabas ang mga gamit.

Canvas

Tubes of oil paint

Oil and thinner

Brushes

Palette knife for mixing paint

Painting rags

Easel table

Sketch pads

Removable artist grade varnish

Charcoal

Cups

  

Nagsimula muna siyang magsketch.

Sinimulan niya ang mga mata…

Ang maarkong kilay at mahahabang pilik-mata…

Ang matangos na ilong…

Ang mga labi…

Ang mamula-mulang pisngi…

Halatang inspirado si Hiro sa ginagawa. Hindi na niya halos namalayan ang oras na nagdaan. Pagkatapos ma-isketch ay nagpahinga siya saglit upang kumain. Hindi niya na rin inabala ang sarili kung ano ang ginagawa ni Charlie. Mabilis niyang tinapos ang pagkain upang masimulan ang pagmix ng mga kulay na gagamitin sa pagpinta upang bigyan ng buhay ang obra.

Inabot siya ng halos tatlong oras sa pagpipinta.

And he was amazed by his own masterpiece.

Hindi pa tapos iyon sapagkat halos mukha pa lamang, but what stares in front of him was the same expression Louie gave him before they parted ways that day.

Parang nagkaroon ng sariling buhay ang nilikha at nakikinikinita pa niya ang pagngiting iyon ni Louie.

He looks closely for her eyes.

Ang malamlam na mga mata ni Louie…

Nangunot ang noo niya habang tinititigan iyon ng mabuti.

"Woooow... ang galing naman! At ang ganda ganda talaga ni bespren! Kuhang-kuha mo ah!"

Tinago ni Hiro ang bahagyang pagkagulat sa biglang pagsulpot ni Charlie at hindi pinansin ang komento nito.

Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nagawa. Iyon na yata ang pinakamagandang oil painting na nagawa niya sa tanang buhay.

Tumunog ang cellphone ni Hiro at wala pa rin sa sariling sinagot ang naturang tawag.

"Dad."

"Kararating lang namin ng Mommy mo. Nasa airport kami ngayon. Are you home?"

"Hindi pa Dad."

"Then umuwi ka na ng mansyon ngayon din. May susundo na sayo diyan."

"Okay Dad."

Ibinalik ni Hiro ang tingin sa canvas bago sinimulang imisin ang mga gamit. Sakto namang pumarada ang isa sa mga sasakyan sa mansyon na pinadala ng ama niya upang sunduin siya kaya wala na siyang panahon para makapagpaalam sa pamilya.

"Charlotte. Uuwi muna ako. Pakisabi na lang kina Mommy at Daddy tsaka kina Kuya."

"Huh? Bakit? M-May nangyari ba?"

"Pinauuwi lang ako ni Daddy. Dumating na kasi sila. Iiwan ko muna 'to. Huwag mong sisirain ang painting ha? Hindi pa tapos yan. "

"S-Sige."

Ngumiti si Hiro dito habang saglit na nagdalawang isip bago tuluyang ginawa ang kanina pa balak gawin.

Ang pisilin ang pisngi ni Charlie. “Ingat ka.”

Nanigas ito sa kinatatayuan at hindi makahuma sa ginawa ng binata. Maging si Hiro ay na-weirduhan sa sarili.

Maya-maya ay naramdaman ni Hiro ang pagtusok ni Charlie sa magkabilang pisngi niya. Dati pa niya napansing tila nanggigigil ang dalaga sa dimples niya kaya hindi na lamang siya nagkomento.

Nangingiting ginulo ni Hiro ang maiksing buhok ni Charlie at nagpaalam na dito.

"Regards mo ko kay Louie! Sabihin mong magkikita kami sa first grading niyo!" Pahabol na sigaw ng binata sa nakatanga pa ring si Charlie na patakbong pumasok sa sasakyan bago nilisan ang munting tahanan ng mga Pelaez.

***

 

Mansiyon

"Ano'ng plano mo?"

Pilit na pinatatag ni Adeline ang tinig sa esposo na nakatayo habang matamang nakatingin sa portrait sa grand staircase na iyon. Alam niyang hindi nabubuo ang araw ng asawa sa mansiyon ng hindi natitignan ang naturang portrait.

Nilingon ni Lorenzo si Adeline bago nahahapong umupo sa malaking sofa sa living room.

"Kukunin ko siya."

Naikuyom na lamang ni Adeline ang mga kamay sa pagpipigil na humalagpos ng galit na biglang naghari sa dibdib.

"Tingin mo papayag ang pamilya niya?"

Napakunot-noo si Lorenzo sa tanong na iyon. "Anak ko pa rin siya."

"Masasaktan si Hiro."

Napatingala na lamang si Adeline sa pagpipigil na tumulo ang mga luha sa mga mata.

"Kailangan niyang tanggapin Adeline. May pagkukulang din ako kay Siobe. Halos lahat ng materyal na bagay ay naibigay ko kay Hiro habang wala man lang ako sa mga panahong kailangan ako ni Siobe..."

 

May pagkukulang ka rin kay Hiro Lorenzo!

 

Gusto niya sanang isumbat sa asawa. Nag-alpasan na lamang ang mga luha sa mata ni Adeline habang nanghihinang nakatingin kay Lorenzo.

Ang lalaking kaharap niya na bukod tanging pinag-alayan ng buong buhay. Halos sambahin na niya ito, taos pusong minahal ng buong-buo pero tila kulang pa rin. Dahil kahit purihin at sambahin man siya ng buong mundo dahil sa angkin niyang kagandahan, hindi pa rin mababago ang katotohanang hindi siya ang laman ng puso't isip ni Lorenzo. Hindi siya kailanman minahal nito katulad ng pagmamahal niya dito. Isa lamang siyang palamuti na kailangan nito sa negosyo.

Ayon na din sa kasunduan nila. Sa pinangako niya.

Pero hindi siya nagreklamo. Hindi siya nagsalita. Mabigyan lamang ng maalwang buhay ang kanyang anak. At ayaw niyang pati si Hiro ay makikiapid lang din ng atensyon ng ama katulad ng pinaparamdam ng asawa niya sa kanya.

Ilalaban niya ng patayan ang karapatan ni Hiro.

"Huwag dito Lorenzo. Huwag dito sa mansiyon. Parang awa mo na. Maawa ka sa anak mo. Maawa ka kay Hiro..."

Malungkot na ngumiti si Lorenzo.

"Huwag kang mag-alala. Ramdam ko ang poot niya sakin kaya hindi mo na kailangang sabihin iyan. Nasisiguro kong hindi din niya nanaising manatili sa poder ko..."

Gusto niyang kalmahin ang asawa. Iparamdam dito na nandito naman sila ni Hiro, ang kanyang mag-ina, na naghihintay lamang sa kanya. Pero alam niyang masyadong sarado ang isip ni Lorenzo at mas lalo lamang lalayo ang loob nito kanya at baka madamay pa si Hiro.

"Alam kong madami akong pagkukulang kay Hiro pero hayaan mo muna sanang maayos ko 'to..."

Sana nga Lorenzo. Sana umabot muna sa panahong huwag lumalim ang tampo ng anak mo sa ginagawa mo. Masyado na siyang nasasaktan sa nangyayari.

"B-Babalikan mo ba sila?" Halos pabulong na tanong ni Adeline.

Malungkot na ngumiti si Lorenzo bago marahang umiling. "Kahit ang pagkilala na lang ni Siobe sakin bilang ama niya ay sapat na. Alam kong matagal na panahon na akong binaon sa limot ng ina niya."

Hindi na naitago ni Lorenzo ang pagpatak ng ilang butil ng luha sa mga mata.

Mapait na ngumiti si Adeline bago nilapitan ang esposo at hinawakan na lamang sa balikat.

Nasasaktan din siya para sa asawa.

Nasasaktan din siya para sa sarili.

Para sa kanila ni Hiro.

Pero tanging si Siobe lamang at ang ina nito ang nagpapalabas ng kahinaan ni Lorenzo. At tunay ngang hindi patas ang labanan sa buhay. Heto siya’t handang masaktan para sa asawa, handang magsakripisyo para sa anak kahit mawalan na siya ng sariling buhay…

Kung sana dinggin ang panalangin niyang…

Hindi na dumating ang panahong magkaayos ang mag-ama.

Sana…

***

Pumasok si Hiro sa mansiyon na pasipol sipol pa.

“Mom? Dad?”

“Senyorito, nasa lanai po ang mga magulang niyo,” salubong ng kawaksi sa kanya na tinanguan lang ng binata.

Dumiretso agad si Hiro sa lanai at nakitang nagbabasa ang ama ng diyaryo habang nagtsa tsaa ang ina.

"Dad..."

Agad namang binati ito ni Lorenzo. "Kamusta ang bakasyon hijo?"

"Superb! Parang ayaw ko pa nga umuwi eh." Masayang pagkukwento ni Hiro sa ama na tumango-tango lamang.

“Look at you. Umitim ka ba anak?” Nag-aalalang tanong ni Adeline.

“It suits me right? Tan suits me,” pagbibida nito sa ina na napapangiti na lamang.

"Nasa kwarto mo ang pasalubong namin ng Mommy mo."

"Talaga Dad?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Hiro.

Tunay nga yatang unti-unti ng natunaw ang yelong bumalot sa puso ng kanyang ama.

Nakangiting tumango si Lorenzo kay Hiro na akmang aakyat na sa silid ng may maalala.

"Is there any way you can enroll me in a private school this fourth year Dad? Uhm.. Nevermind. Sige po Dad. Thank you! Mom, akyat na ko. I think I badly need to study really hard... Damn…" Halos pabulong ng sambit ng binata sa mga huling kataga na umabot pa sa pandinig ng kanyang mga magulang.

Napangiti si Lorenzo sa biglang pagpupursige ni Hiro.

Sinundan naman ni Adeline ang anak at marahang kumatok sa silid nito bago pumasok. Kasalukuyang nagsusukat ito ng mga damit na pinamili nilang mag-asawa para dito.

"Mom, I need to ask you about something. Tingin mo makakapasok pa ako sa honor list kahit transferee lang ako? Tsaka baka kailangan dapat from first year dun na ako nag-aral. Sa ibang schools kasi ganun eh. Sa La Union kaya?"

Umupo si Adeline sa sofa at matamang tinignan ang anak. "Kung magpupursige ka, bakit naman hindi?"

Napangiti si Hiro sa sinabi ng ina. “Cool!”

"Bakit mo naman gustong maging honor student bigla?" Napapantiskuhang tanong ni Adeline dito. Nagbakasyon lang ang anak niya ng ilang linggo bigla biglang nagsipag mag-aral?

"Wala lang..."

"Ano'ng wala lang? You're not the kind of person who does things ng walang dahilan.” Natatawang komento ng ina niya kay Hiro. “C'mon son, spill it. Sakin ka pa ba magtatago?"

"Oh well. This girl—"

"This girl? Binata na ang anak ko?"

Hindi matatawaran ang pamimilog ng mga mata ni Adeline sa narinig. Kailanman ay hindi nagbabahagi si Hiro ng mga personal na bagay sa kanya. Sa katunayan ay unang beses niyang makaringgan itong tila nabighani sa isang babae.

"Normal lang naman yun di ba Mom?"

Nakangiti pa ring tumango si Adeline. Her son deserves to be loved and she’s very happy for him. Hindi niya nais hadlangan ang kaligayahan nito. "I'm happy to hear that anak. Lalo't parang good influence siya sayo."

Tila nakahinga naman ng maluwag si Hiro sa sinabing iyon ng ina. "She's something Mom. And you’ll like her. Even Dad, I bet. Mga ilang minuto lang kaming nag-usap pero parang... ahh! Di ko ma-explain eh."

Natawa si Adeline sa itsura ni Hiro. Parang hindi nito mapaliwanag ang nararamdaman sa kasalukuyan. "Mukhang iba na yan ah. Kailan ko naman siya makikilala?"

Kumislap naman ang mga mata ni Hiro sa sinabing iyon ng ina.

"Soon Mom. I promise. Soon."

Continue Reading

You'll Also Like

21.1K 435 36
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
359K 24.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.