Red Tape (Book Two of Red Rib...

By misterdisguise

97.3K 2.8K 497

[COMPLETED] BOOK 2 OF RED RIBBON (Rated PG-13) Alex Farr was just an ordinary girl before until she entered s... More

DISCLAIMER
Red Tape (PROLOGUE)
RED TAPE 1
RED TAPE 2
RED TAPE 3
RED TAPE 4
AUTHOR'S NOTE 1
RED TAPE 5
RED TAPE 6
RED TAPE 7
RED TAPE 8
RED TAPE 9
RED TAPE 10
RED TAPE 11
RED TAPE 12
RED TAPE 13
RED TAPE 14
RED TAPE 15
RED TAPE 16
RED TAPE 17
RED TAPE 18
RED TAPE 19
RED TAPE 20
RED TAPE 22
RED TAPE 23
RED TAPE 24
RED TAPE 25
RED TAPE 26
RED TAPE 27
RED TAPE 28
RED TAPE 29
RED TAPE 30
RED TAPE 31
RED TAPE 32
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

RED TAPE 21

1.6K 65 4
By misterdisguise

CHAPTER TWENTY-ONE

Is it between Lyra and Anne?


ILANG oras na ang nasasayang ngunit tila mabagal itong tumatakbo. Balisa ang utak ni Jess nang mga sandaling iyon. Kahit na katiting na solusyon ay wala siyang maisip upang maligtas sa kamay ng salarin. Ang tanging alam lang niya ay habang magkakasama sila, ligtas sila.

Ngunit ganoon ba talaga? Paano kung dahil nga sa magkakasama sila ay mas mapapadali lang ang pagpatay? Mas mapapadali sa salarin na ubusin sila?

Pero kung tunay na mapaglaro ang salarin, hindi magiging kasiya-siya para sa kanya kung malalagas kaagad ang kanyang mga kalaro. Anuman sa dalawa ay pag-iingat pa rin ang dapat nilang gawin.

"Trust no one," nasaad niyang muli sa sarili nang maalalang may posibilidad na isa sa kanila ang salarin.

Katulad lang din ito ng nangyari sa kanila ng kanyang mga kaibigan. Halos paglaruan siya ng tadhana dahil kung sino pa ang akala nilang mapagkakatiwalaan at inosente ay siya pang kikitil sa kanilang mga buhay. 'Looks can be deceiving,' ika nga. Parang umuulit lang muli ang mga nangyari sa simula. Isa na namang bangungot ang kanyang kahaharapin. isang misteryo na kailangan na naman niyang tuklasin at hulaan. Kakayanin pa kaya niya ang trahedyang ito hanggang huli?

Kasabay ng kanilang takot ay ang pagbuhos ng ulan sa labas. Ang kaninang maaraw na kalangitan ay nabalot ng maiitim na ulap na nagdahilan upang kumulimlim sa loob. Dumagdag lang ito sa takot na kanilang nararamdaman. Tila sumasabay ang buhos ng ulan sa kanilang pighati.

Tahimik ang buong resort na ni walang mauulinagang ingay. Walang gustong magsalita. Tanging mga yabag lang ng mga paa ni Joel na parito't-paroon ang naririnig. Bakas sa mukha nito ang labis na takot. Naroroon pa rin kasi ang nanginginig nitong mga kamay na hindi mapalagay kung saan itatago.

Tumayo si Jess mula sa pagkakaupo at lumapit kay Joel. Pinamulatan naman ng huli si Jess na tila nagulat sa biglang paglapit. Sunod-sunod ang nagiging paglunok ni Joel nang hawakan sa balikat ni Jess.

"Ayos ka lang ba talaga? Mas balisa ka pa sa akin," nag-aalala niyang tanong.

Malilikot ang mga mata ni Joel na naglalagi sa kaliwa't kanan, pinagmamasdan ang lahat kung nakatingin din sa kanya.

"Kanina ka pa nanginginig. Ano bang problema? Sabihin mo sa akin," pagpupumilit pa niya.

Itinulak siya ni Joel sa distansyang malayo sa ibang kasamahan. May pakiramdam siya na ayaw iparinig nito ang anumang gustong sabihin.

"I-Isa siya sa atin," naibulong nito at iginala ang mga mata sa paligid. "H-Hindi ko pwedeng sabihin kung sino siya dahil papatayin niya rin ako. Papatayin niya ako..."

"Pwede mong sabihin sa akin. Kayang-kaya natin siya. Marami tayo. Huwag kang matakot," paanas niyang sabi upang hindi makahalata ang iba sa kanilang pinag-uusapan.

Umiling naman si Joel. "H-Hindi pwede. Papatayin niya ako. Alam niya ang mga kilos natin. Wala tayong ligtas sa kanya. Papatayin niya ako..." may diin niyang sabi sa huling salita. "Isa lang ang kailangan niya sa ating lahat. S-Si Alex. Si Alex lang ang gusto niyang patayin."

"B-Bakit si Alex? Ano'ng kailangan niya? Bakit niya kailangang mandamay ng iba?" nagtatakang tanong niya.

"H-Hindi ko alam," nangangatal nitong sabi. "P-Pero tulungan niyo sana si Alex p-para sa akin," bilin nito at bumalik sa kaninang ginagawa na parang walang nangyari.

Bagsak ang balikat ni Jess sa nalaman. Wala siyang mahihita kay Joel. Buo ang desisyon nito na maging tikom sa lahat ng kanyang nalalaman. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon na lamang si Joel dahil iniingatan din nito ang kanyang buhay.

Sa isang iglap, pumasok sa isip ni Jess sina Luke at Stef, ang kanyang buong pamilya na hinuhugutan niya ng lakas upang mabuhay. Ipinangako niya sa mga ito na magiging ligtas siya at uuwi ng buhay. Naluluha siya sa tuwing maiisip na maaaring iyon na rin ang huling pagkakataon na makakasama niya ang kanyang pamilya.

Nabigyan na siya ng isa pang buhay matapos ang nangyari kay Sarah. Hiling pa niya na sana ngayon ay pagkalooban ulit siya at makayanan ang insidenteng ito.

Ilang saglit lang ay nakarinig sila nang malakas na kalabog mula sa itaas. Nagkatinginan ang lahat nang may halong takot ang mga mata. Naalala nilang maliban sa kanilang nasa ibaba ay may apat silang kasamahan na naroroon kasama na sina Lyra at Direk Anne.

Habang binabagtas ang hagdan, humarang mula sa dulong itaas ng hagdan ang isa nilang kasamahan, sapo-sapo ang laslas na leeg. Umaapaw ang napakaraming dugo mula sa parteng iyon na halos gawing pula ang suot nitong damit. Sabay-sabay naman ang tili ng mga kababaihan dahil sa nadatnan. Agad namang lumapit si Ian para saklolohan ang kasamahang nag-aagaw buhay.

"T-Tulooonnggg..." sumamo nito kahit na nahihirapan.

"Sino'ng may gawa sa 'yo nito? Sina Direk Anne at Lyra?" tanong ni Ian habang akay-akay paibaba ang kasamahan.

Umiling na lang ang kasamahan. Bago pa man makababa ng hagdan ay tuluyan ng nalagutan ng hininga ang kasamahan, dilat ang mga mata at sapo-sapo pa rin ang nagdurugong leeg.

"Puntahan niyo ang iba. Tingnan niyo kung okay lang sila," utos ni Ian habang inilalapag ang katawan ng pumanaw na kasamahan.

Samantala, umakyat naman sina Jess, Alex at Christian upang tingnan ang kondisyon ng mga naiwan sa itaas. Ang ilan ay hindi na sumama sa taas dahil baka hindi na kayanin ng kanilang sikmura ang makikita.

Pagpanaog ng tatlo sa itaas ay naghiwa-hiwalay sila upang mapadali ang pagtingin. Unang kinatok ni Jess ay ang kwarto ni Lyra. Nakarinig siya ng boses mula sa loob na sa tingin niya ay mula sa dalaga. Pinagbuksan siya nito ng pinto at kita sa mga mata ang pagkairitable.

"Bakit?" nakataas-kilay nitong tanong.

Huminga nang malalim si Jess. "May isa na naman tayong kasamahang namatay. Tinitingnan ko lang kung ayos ka," aniya at pasikretong tiningnan ang buong kwarto nito.

Bahagyang ngumisi si Lyra sa nalaman. Tila isang demonyo na tuwang-tuwa sa panibagong kaluluwang makasalanan.

"Good. Unti-unti na pala tayong nababawasan. Mga weakling lang naman sila kaya hindi na nakabibigla," anito.

Nagyukom ng mga kamay si Jess. Pilit niyang inaalo ang sarili upang hindi makagawa ng bagay na pagsisisihan sa huli. Maimpluwensyang tao si Lyra dahil sa kinalakhang pamilya nito. Nabalita na rin ang pamilya nito dahil sa mga masamang gawain ngunit naaabswelto pa rin sa huli.

Natigilan sila nang marinig ang malakas na tili ni Alex. Mabilis na naglakad palapit sa kwartong kinaroroonan ni Alex si Jess. Tulad ng nauna, natagpuan niyang laslas ang leeg ng kasamahang nagbabantay kay Direk Anne. Puno ng dugo ang damit nito dahil sa umaapaw na dugo. Paniguradong tiniyak ng killer na hindi magagawang makapagsalita ng dalawa.

"Si Direk Anne?" tanong ni Christian nang makapasok din.

Hinagilap ng kanilang mga mata ang katawan ni Direk Anne ngunit wala silang makita. Ang tanging nakita lang nila ay nakabukas na bintana na marahil ay dinaanan ng killer bitbit ang katawan ni Direk Anne.

O dili kaya, si Direk Anne na tumakas matapos gawin ang krimen.

"Three down. Kung ako sa inyo, kumuha na kayo ng magagamit niyong pananggalang. Hindi rin kasi magtatagal, kayo na ang magiging sunod na target," saad ni Lyra at saka bumalik na sa kanyang kwarto. Mula sa tono nito, parang alam na alam nito ang kilos ng sinumang killer.

Nagkatinginan naman ang tatlo. Tila iisa ang kanilang naiisip. Isa kina Lyra at Direk Anne ang salarin.

"Pero ano'ng motibo nila?" tanong ni Jess na pinagkatakahan naman ng dalawa.

"Kung titingnan natin, parehas silang nawala nang mamatay si Jacob. Sila ang may oras para isagawa ang pagpatay. Pati na rin ang nangyari sa dalawa nating kasamahan, sila lang ang naiwan sa itaas," paliwanag ni Christian.

Hindi lubos maisip ni Jess kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Bakit kailangan niyang/nilang pumatay? Ganoon ba kalaki ang dahilan nila para buhay ang maging kapalit?

"Idagdag pa na magaling umarte si Lyra. Baka nagkukunyari lang siya pero ang totoo, siya pala ang pumapatay. Kung si Direk Anne, pwedeng tumakas siya para iligtas ang sarili niya mula sa sisi," dagdag pa nito.

"Hindi ba magmumukhang obvious 'yong kay Direk Anne? You see, kung ikaw ang killer, ipapahamak mo ba ang sarili mo para ikaw ang paghinalaan?" sabat naman ni Alex.

"Reverse psychology. At isa pa, pwede siyang bumalik dito at ituro na taga-labas ang pumapatay," paliwanag muli ni Christian.

Sa kabilang banda, may mga punto ang teorya ni Christian. Ang kulang na lang ay ebidensyang makapagtuturo sa dalawa. Kaya sa ngayon, kailangan muna nilang matyagan ang kilos ni Lyra o ang pagbabalik ni Direk Anne kung buhay pa ito.

"

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
77.5K 1.7K 9
The Bad Girls' Tale: Hannah Margaret ♕ He's a royal blood Prince, she's a royal bloody pain. He's good while she's the worst. But what if this two op...
11.9K 808 37
When Paris thought his life wouldn't be more complicated, a sudden decision made his life change upside down. He was clueless that the life he used t...