Melting the Ice (ON Going)

By marswitch

2.5K 52 16

A cold solid substance also can appear transparent or opaque bluish-white color, depending on the presence of... More

Melting the Ice (Prologue/preChapter 1)
Chapter 1: Her Life Full of Mystery - Part 1
Chapter 1: Her Life Full of Mystery - Part 2
Chapter 2: The Forgotten Past - Part 1
Chapter 2: The Forgotten Past - Part 2
Chapter 3: The Confrontation Pt 1
Chapter 3: The Confrontation Pt 2
Chapter 4: The Comfort Disguise pt 2
Chapter 5: Partial Revelation pt1
Chapter 5: Partial Revelation pt 2
Chapter 5: Partial Revelation Pt 3
Chapter 5: Partial Revelation Pt 4
Chapter 5: Partial Revelation Pt 5
Chapter 6: Crowded Peers pt 1
Chapter 6: Crowded Peers pt 2

Chapter 4: The Comfort Disguise pt 1

109 3 1
By marswitch

Bea POV

"Kuya! Tignan mo to!" Tumatakbo ako papalapit sa kanya na para bang excited na excited akong ipakita sa kanya ang bagay na hawak-hawak ko..

Ang maliit na pulang box..

Ang batang tinawag kong kuya.. Nakangiti saakin habang siya ay nakaupo sa lapag ng di kalayuan sa gitna ng hardin namin..

Napahinto ako bigla nang sumenyas sya na magstop sa kinatatayuan ko..

"Tignan mo muna ako Bunso!" Sigaw niya.. Sabay tingala niya sa taas..

Napansin ko ang lahat ng bulaklak na nakapaligid sa kanya ay dahan-dahang nagsiangat na para bang hinahawi ng di maramdamang hangin, pero hindi ito mismong hinahawi kundi...

Umiikot sa paligid niyang parang ipo-ipo.. 

Parang ako'y hangang-hanga lang sa nakikita ko... Tila alam ko na ang taglay na itoh...

Pumapalakpak ako sa sobrang tuwa.. ang Ipo-ipo ng bulaklak ay lumipat saakin mula sa kaniya..

Pinagmasdan ko bawat bulaklak na umiikot saakin na di ko din namalayang umaangat na din pala ako.. sa himapapawid!!

Ang sarap sa pakiramdam.. Napansin kong papalapit ako sa batang tinawag kong kuya.. Tumatawa siya sa galak.. He was spreading his arms.. waiting for me to get there...

Parang sinalo niya ako the moment na lumanding ako sa harapan niya... Napahiga kami pareho sa lapag ng garden.. Tumatawa kami..  Minasdan namin ang mga bulaklak... Patuloy lang ito sa pag-ikot sa paligid namin.. Naramdaman kong pinapanood niya ako.. Hinawakan niya kamay ko ng mahigpit,

"Bea... Para sayo yan..." Tinuturo niya ang box na hawak ko pa sa kabilang kamay ko.. "Huwag mong iwawala ha?" Bulong niya saakin... na medyo may pagkaalala sa mukha niya..

tumungo lang ako... 

Pero hindi ko na maaninag ang sumunod na pangyayari..

Maingay..

Sigaw ng isang babae... takot na takot..

May sunog..

 Ang daming dugo sa paanan ko...

Napansin ko.. nakaakap pa saakin si kuya... 

Napansin ko pang..

duguan ang likod ni kuya...

Nagmamakaawa siya..

"Tama na... please... Bea..." Yun ang naririnig ko sa kanya..

Unti-unti siyang humarap sakin mula sa pagkakayakap..

Kalahati ng mukha niya.. sugatan.. at ang kalahati ay..

"KUYA!!"

Napabalikwas ako bigla sa kinatatayuan ko!

Or... sa kinahihigaan ko ba??

Bumagsak lang naman ako sa sahig mula sa kama, na nagdulot ng ingay ng balibag sa ibaba..

"Bea?!" Narinig kong sigaw mula sa may pintuan...

Napaangat ko ulo ko at tinignan kung saan nanggaling yun. Napaluhod siya bigla sa harapan ko..

"Bea? Ayos ka lang?" Pag-alalang tanong nito.. Medyo inaninag ko pa siya..

"K.. Kuya?" Tawag ko dito..

Dahil siya ang kuyang tinatawag ko sa kakaiba kong panaginip na para bang.. totoong nangyari..

---------------------------------------------------------------------------

DJ POV

Hindi ko na namalayan kung pano ako nakarating sa harapan niya sa papag..

Nag-alala ako... Paano siya nalaglag?

"Halika.. Tulungan kitang tumayo.. Nanaginip ka ba?" Pagalala kong tanong,

Hindi siya umiimik.. Pero hindi siya nag-atubiling kumapit sa leeg ko pagbuhat ko sa kanya na tila.. nanginginig?

hinawi ko ang buhok niya sa mukha niyang natatakpan paglapag ko ulit sa kanya sa kama..

Inayos ko ulit ang kumot niya at tinalukbong ito sa kanya. 

Pawis na pawis siya..

"Masamang panaginip... Kuya..." Sabi lang niya.. Nakatingin lang siya saakin.. o sa kawalan?

Hindi ko talaga mawari..

Bigla ko tinawag ang isa sa mga katulong sa baba para makahingi ng tubig.

Sa bigla kong pagdismaya, naramdaman ko na lang siyang nakatayo sa may pintuan,

"DJ.. Anong sa tingin mong nangyayari sa kanya? Bakit nagkakaganyan na si Bea?" Pag-alala niyang saad saakin,

Naramdaman ko syang umupo sa tabi ko sa kama, hinaplos ang isang binti ni Bea,

"Anak.. May nararamdaman ka ba?" Pagaalala na medyo Alanganin na tanong niya dito..

Nung una, napatitig lang siya kay Karla..

Napabuntong hininga siya.. Lumipat ang tingin niya sa akin...

"Kuya.. Napaginipan kita... Hindi ko alam.. pero parang.. totoo ang nangyari.." Mahinang sabi nito...

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.. either relieved...

O mag-alanganin... na alam ko naman talagang..

May naaalala na siya sa akin.. 

At kuya na ulit tawag niya saakin...

"Anak..." Lumapit si Karla sa kanya, kung baga pumagitan siya saaming 2, na ngayon ay kaharap na niya si Bea.

"Huwag kang mag-alala.. Masamang panaginip lang yun... atsaka napasarap kasi ang tulog mo e kaya ganun.."  Saad niya habang hinahaplos niya ang pisngi niya..

Tumatango lang si Bea, although humihingal pa siya..

Napabaling ulit ang tingin niya saakin,

"Alam mo Kuya.. Magician ka sa panaginip ko.." Ngisi nito.. 

Napatitig ako sa kanya.. na medyo napangiti.. 

Yun pa lang pala naalala niya..

"Tss Ikaw talaga bunso.." Bulong ko, sabay gulo sa buhok niya...

Parang kelan lang.. feeling ko ang babata pa rin namin... Dahil andito na siya ulit saakin... Maliban na lang sa isang to..

"Ah, Bea anak," Singit neto, "Magpahinga ka muna ha? Kelangan mo muna mahiga kahit saglit lang.. baka mabigla ka pa. Para sakto pagbangon mo, Magdidinner na tayo. ^_^" 

Nakita ko papasok pa lang ng kuwarto ang yayang may dalang tubig, kinuha ko na agad to at inoffer ko na kay Bea,

"Inom ka muna oh.." Offer ko.. Pero aabutin pa lang niya nang mapansin kong kusang kumukulo ang tubig sa baso...

Lahat kami napansin yun.. maliban kay Bea..

Hindi maaari to...

Ramdam ko ang titig at pag-alala ni Karla saakin kahit nakatitig ako sa tubig..

Dahil inantay kong humupa ang pagkulo nito.. Hanggang sa huminto ito..

"Kuya? Bakit?" Tanong niya.. Nagantay pala siya.. 

"Pasensya na.. Eto oh.." Inabot ko na agad sa kanya sabay labas ng kuwarto niya na walang paa-paalam..

Ramdam ko hanggang sa may pintuan ang mga questionable na titig nila mula sa likod ko, bago ko pa sinara ang pinto.

Nakaramdam kasi ako ng selos sa mga sandaling yon..

-----------------------------------------------------------------------------

Karla POV

Nagmatyag ako sandali sa paghimbing muli ni Bea.. 

kaawa-awang nilalang.. Napakatindi ng galit ng tadhana sa batang itoh..

At sa buhay namin...

Napapailing na lang ako sa mga kabiguang nagawa ko...

Akala ko nailayo na kita Bea.. 

Akala ko... mababago ko na ang takbo ng buhay mo.. Kasama ko..

Lumabas ako ng room niya. Pagsara ko ng pinto.. Andun pa siya. Nakasandal sa pader.

"Huwag ka na mag-alala. Nakahimbing na ulit siya." Sinabi ko nalang.

"Magpasalamat ka na lang din sakin. Kung di dahil sakin, malamang wala pa rin siyang maaalala at malaman kung sino siya talaga sa buhay natin." saad niya. Ang boses nanaman niyang parang sinusugat lalamunan mo.

"Alam mo, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung ano talaga pakay mo sa kanya e. Alam ko kung anung ginawa mo kanina! Tinurukan mo siya!" Medyo napapataas ang boses ko.

"Yun ay dahil hindi ko na kayang patagalin pa ang mga ninanais mong gawin sa kanya! Ewan ko ba sayo kung bakit pilit mong itago si Bea sa kung san man!" At bigla siyang natawa ng mapait, "Sino ba yang tagapagtanggol mo't hindi mo namalayang siya ang dahilan ng pagbalik nyo dito nang mapasalamatan naman?"

"Walang hiya ka! Wala ka talagang puso! Ewan ko ba kung san mo nakuha yang klaseng ugali gayong hindi naman ganyang ang naging ugali ng a-- "

"Nino?! Sige?! Ituloy mo??" Sigaw niya sa pagputol niya sa sinabi ko.. Natahimik ako at patuloy ang pagtitig ko sa kanya.. Nagbabadya nanaman ang mga luha ko sa mata... "Balak mo bang banggitin sakin ang katagang yan?! Karla! Taon! Taon ang ibinigay mo saking pagpapabaya! Hindi buwan o araw!" Timpi niya.. Sa itsura nya pagkausap ako, anytym pwede nya akong sakmalin sa mga oras na yun.. 

Masgugustuhin ko na lang na patayin na niya ako... kesa sa hindi ko mapapatawad na may mangyaring hindi kanais-nais kay Bea..

"DJ.. Kapakanan lang naman ni Bea ang inisip ko nung panahong yun! Hindi mo ba naiintindihan?? Napakabata pa niya at wala pa siyang kaalam-alam para lang matamo niya ang ganung klaseng taglay at wala siyang kakayahan sa pagkontrol! At habang andyan ka.. Kasama niya... Maraming napapahamak pag--"

"Ngayon Karla? Meron ba?!" Bulyaw niya sa pagputol niya sakin.. Hindi ko napansin, umaagos nanaman ang mga luhang to..

Napayuko ako... at dahan-dahang umiling...

"Oh tamo? Yun naman pala e! May pagbabago diba?" Hissed niyang pagkakasabi..

"Hindi ko alam kung paano mo nagawa.." Tuloy ko, "Pero humihingi ako ng pakiusap... Huwag mo na sana siyang gambalain pa..."

Napansin ko, nakatitig na siya sa pintuan ng kwarto..

"Kung wala akong gagawin na kilos Karla.. Sila ang magtutuloy." Mahinahon niyang sabi...

SINONG SILA??

Muli siyang tumingin sakin. Blangko, "Sa ayaw't sa gusto mo, mawawala na lang ng parang bula si Bea kung wala tayong gagawin. Ngayong alam mo na." Sabi niya..

"Marami kaming naging kaaway. Damay ka." 

---------------------------------------------------------------

Part 2...

Continue Reading

You'll Also Like

2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
13.6K 101 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
55.4K 2.6K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
8.5K 271 17
AshMatt fanfic