NYORK

By cursingfaeri

570K 9.5K 3.5K

"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive... More

Chapter 1: A Dose of His Mischief
Chapter 2: Musically Inclined
Chapter 3: Origami
Chapter 4: Prank Call
Chapter 5: English Only Policy
Chapter 6: Hating Siobe
Chapter 7: Astig
Chapter 8: Human Megaphone
Chapter 9: Crushing on Her
Chapter 10: Captured Moments
Chapter 11: Mind Games
Chapter 12: New Home
Chapter 13: Buffet Incident
Chapter 15: Sapiosexual
Chapter 16: Inspiration
Chapter 17: Finally, yes!
Chapter 18: Frustrated
Chapter 19: Antipolo
Chapter 20: Getting close
Chapter 21: Getting there?
Chapter 22: School ID
Chapter 23: The Most Painful Revelation
Chapter 24: The Confrontation
Chapter 25: Shoti and Siobe
Chapter 26: Entrusting Siobe
Chapter 27: Blueberry Cheese Cake
Chapter 28: Spoiled brats
Chapter 29: The Cause
Chapter 30: Jog, Bluff and Instant Girlfriend
Chapter 31: First Kiss
Chapter 32: Caela vs Ishy
Chapter 33: Teddy Bear
Chapter 34: Bored and Addicted
Chapter 35: Long Examination
Chapter 36: Threat
Chapter 37: Nightmare
Chapter 38: Training
Chapter 39: Old friend
Chapter 40: Gifts and Surprises
Chapter 41: Basketball
Chapter 42: Annoyed
Chapter 43: Siobe vs Caela
Chapter 44: Adik sayo
Chapter 45: The Intruder
Chapter 46: Lingerie
Chapter 47: Birthday Bash
Chapter 48: The 999 paper cranes
Chapter 49: A tinge of confusion
Chapter 50: Crammers

Chapter 14: First Meeting

12.5K 179 31
By cursingfaeri

________________________________________________

Pabiling-biling sa higaan si Hiro.

Hindi na halos makatulog ng maayos sa pag-iisip ng mangyayari kinabukasan. Maya-maya ay tumayo ito at nagtungo sa labas ng bahay.

Palakad lakad siya habang kinakausap ang sarili.

"Hi Louie! I'm Lloyd Hiro. I'm your destiny."

 

“Tss. How lame...”

"Louie! Hello. How are you? 'Doin’ great man?"

“Argh... Pangit. Tsaka hindi niya pala alam na kilala ko siya.”

He cleared his throat.

“Ehem ehem... Hi. You must be Louie, right? I'm Lloyd Hiro. Can we be friends?"

“Pwede na siguro yan hehehe.”

"HOY PANGET! Pumasok ka nga! Sino kausap mo? Nababaliw ka na ba?! Pwes huwag mo akong idamay! Nang-iistorbo ka ng tulog!"

Napakislot si Hiro sa tinig ni Charlie na nasa pintuan. "Papasok din ako mamaya."

"Aswang ka ba? Alam mo bang alas dose na? Pinapasundo ka kaya nila Mama. Magpatulog ka naman! Pumasok ka na bilis! Ayokong mapuyat may gagawin pa ako bukas hmp!"

Naiiling na sumunod na lamang si Hiro kay Charlie kahit gustung-gusto na niyang tirisin ito.

***

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Hiro. Masigla niyang ginawa ang mga nakatokang gawain habang pasipol sipol pa.

"Charlotte, ako na bahala diyan. Sige na." Taboy niya sa dalaga ng akmang pupunasan nito ang lamesa.

Nagdududang napaangat ang tingin nito sa binata. "Anyare sayo?"

"Wala lang." Ngiting-ngiting kumindat pa ito kay Charlie.

"Baliw." Sagot nito bago siya tinalikuran.

Pagkatapos maghugas ng pinggan at magpunas ng lamesa ay naligo na si Hiro. Pumasok si Charlie sa kwarto na inabutan siyang hindi magkandatuto sa pagpili ng susuotin. Nagkalat kasi ang mga damit niya sa kama.

"Hoy ayusin mo yan mamaya ha! Ang kalat kalat mo! Wala kang yaya dito noh!"

"Oo na. Lumabas ka na nga. Ba't ka ba nandito?"

"Kwarto ko din naman 'to ah! Tsaka iinggitin lang kita kasi dadating si bespren mamaya bleeeeh!"

"Alam ko."

Halos manlaki ang mga mata nito sa narinig.

"Aha! Kaya ka nagpapaganda no?! Sabi na nga ba! Sabi na nga ba eh! Chismoso ka talaga! Nakikinig ka sa usapan namin kahapon! Grrr!"

"Ano'ng nagpapaganda?! Gwapo ako! Lumabas ka na nga. Hindi pa ako tapos magbihis."

"Huuu. Magbibihis pa eh naka-jacket ka na nga? Di ka ba naiinitan niyan? Tignan ko lang mamaya kung papansinin ka ni bespren! Buhahahahaha!"

Hindi na ito pinansin ng binata at pinagpatuloy na lamang ang pagbibihis. Masyadong maganda ang mood niya para magpa-apekto sa sinasabi ni Charlie. Hinubad niya ulit ang suot na leather jacket at pinalitan ang t-shirt sa loob niyon. Halos maligo din siya ng pabango.

Unang beses ni Hiro makaramdam ng ganoon. Hindi pa siya nakaramdam ng ganitong klaseng paghanga sa tanang buhay niya kaya naman hindi talaga siya mapakali. Kahit sa ibang bansa siya lumaki ay hindi siya mabilis mabighani sa mga kaedad na babae. Bihira siyang magka-crush. Wala nga siyang masyadong kaibigan dahil mas gusto din niyang mapag-isa. Halos hindi na nga niya maalala ang mga naging kaibigan niya doon.

Nang matapos magbihis at ayusin ang mga kalat ay lumabas na si Hiro ng silid. Dumiretso siya sa kusina ng maramdamang bahagyang kumalam ang sikmura niya sa masarap amoy.

“Ano yan?" Tanong ni Hiro sa magkapatid na Mason at Charlie ng mabungaran ang mga 'to na abala sa pagbe-bake.

"Secreeeet! Bawal ka dito! Sa sala ka nga!" Taboy ni Charlie ka Hiro.

Hindi ito pinansin ni Hiro na lumapit pa kay Mason. "Cake ba yan? Para kanino yan Kuya Mason?"

“Huwag mo sabihin Mase!”

Nagkibit-balikat naman si Mason dito. "Tanungin mo si Charlie."

"Umalis ka na sabi eh! Baka madumihan mo pa yan! Ang kulit mo talaga!" Hinila ni Charlie palayo si Hiro sa cake.

"Ano ba bubuwit!" Kinuha ni Hiro ang throw pillow ng makarating sila sa sala sa pagkaladkad sa kanya ni Charlie at binato iyon sa dalaga na lalong nainis.

"Aray ko naman!"

"Ang kulit mo kasi eh. Parang nagtatanong lang naman!"

Abala sa pagrarambolan ang dalawa kaya hindi nila napansin ang mga katok sa pinto. Nabitin sa ere ang akmang pagsuntok ni Charlie kay Hiro ng makita ang pinagbuksan ni Mason.

Agad na tumakbo ito at sinalubong ang bagong dating.

"BESPREEEEEEN!"

Wala pang tatlong segundo ng marinig iyon ni Hiro ng hawiin niya si Charlie upang magpakilala sa dalaga. Muntik na tuloy itong ma-out of balance sa ginawa niya.

 

Shit. Ang ganda nga niya talaga!

 

Simple lang ang suot ni Louie. Naka-shorts at blouse lang ito. Pero tila lumiwanag ang buong lugar sa presensiya nito. Maiksi ang buhok, bahagyang singkit na mga mata, matangos na ilong at natural na mamula-mula ang pisngi. Halatang hindi ito aware kung gaano ito kaganda dahil napakunot-noo ito sa nabighaning si Hiro.

Nawala lahat ng kinabisa niya buong magdamag sa presensiya ng dalaga kaya iba ang namutawi sa bibig niya.

"Uhm hi. I'm Hiro. Lloyd Hiro Ang. And you are?" Maangas na inabot ni Hiro ang kanang kamay kay Louie.

Sanay si Hiro na mga babae ang nakikipagkilala sa kanya at aware siya sa pagiging charming niya. Confident siyang sa unang beses na pagpapakilala niya sa babae ay hindi siya iisnabin ng dalaga.

Hindi inaasahan ng binata na titignan lang ni Louie ang kamay niya at tinaasan pa siya ng kilay. Halos hindi na humihinga si Hiro sa mga titig nito.

Laking gulat niya ng biglang ngumiti si Louie ng matamis bago tinuro si Charlie.

Palihim na nahigit ni Hiro ang paghinga sa biglang pagngiting iyon ng dalaga kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"I'm her bestfriend by the way. And I feel quite fearless protecting the people I love… That even the thought of killing them is just a piece of cake."

Napaatras si Hiro sa sinabing iyon ni Louie.

He was taken aback by her words.

Hindi lamang ang matatas na pagsasalita nito sa wikang Ingles ang nagpasindak sa kanya kundi ang buong presensiya nito habang lumalabas ang bawat kataga sa mga labi. Ang lakas maka-intimidate. Halatang hindi din nagbibiro.

Binaba niya ang kamay. Dinig ang malakas na tawa ni Charlie sa likod niya at pagpipigil niyang batukan ito.

 

Humanda ka mamaya bubuwit!

"A-Ah. Uhm. O-Okay. No problem. Charlotte and I are close, don't worry. I've been here since last week. Right Charlotte?" Aakbayan sana ni Hiro si Charlie ngunit mabilis na umiwas ito.

"So I've heard. Cool. It's nice to know that you two are getting along so well. I really hate people who bully my friends. I tend to develop animosity for that person with no apparent reason," tumango-tango pang paliwanag nito sa nakatanga pa ring si Hiro. "Uhm... Can I have a word with my bestfriend now? You're blocking her way in case you haven't notice."

Bahagya namang napahiya ang binata kaya pagak na ngumiti ito bago pinadaan si Charlie. "I’m sorry."

"EXCUSE ME! DADAANAN ANG BESPREN!" Sinadya pang bungguan ni Charlie si Hiro bago niyakap ng mahigpit si Louie.

"Kamusta bespren? Lika pasok ka muna sa loob."

"Ayos lang. Nakauwi na ba si Chang? Hindi ako magtatagal. Dumaan lang talaga ako para ibigay 'tong pasalubong ko sayo." Inabot nito ang apat na paper bags kay Charlie na namilog ang mga mata.

"Hindi pa eh. WOOOOOW! Napasaya mo talaga ako bespren! Kaya lab na lab talaga kita. May sorpresa din ako sayo. Pasok ka muna please. Sige na, sige naaa!"

Natawa na lamang si Hiro sa sarili habang pinakikinggan ang dalawa. Ang akala niya talaga, hindi marunong magtagalog ang dalaga dahil straight ito magsalita ng English. Halatang pinagti-tripan lang siya. Ng maunang makapasok si Louie sa loob ay binalingan muna siya ni Charlie.

"Epal ka kasi masyado eeeh. Ano ka ngayon? Sabi sayo wala ka sa bespren ko eeeh. Hard yan hahahaha."

Halos dukutin ni Hiro ang mga mata ni Charlie ng belatan siya nito bago sumunod kay Louie.

Bumalik na lamang muna si Hiro sa silid para iwan ang leather jacket. Bukod sa pinagpawisan siya ng malapot sa paghaharap nilang iyon ni Louie ay kinalma niya muna ang sarili. Hindi pa rin mapalis ang malapad na ngiti sa labi ng may mapagtanto siya.

Dyahe. Baka lihim na pinagtatawanan na ako nun kanina. Bwisit na Charlotte kasi yan.

 

Nang lumabas na si Hiro ay napuna niya sina Mason, Louie at Charlie sa kusina. Nagkubli siya sa bahagyang nakapinid na pinto at pasilip-silip sa tatlo.

Pinagmasdan niya si Louie.

(You can play the youtube during this time)

Ang bawat pagkibot ng mga labi nito.

Ang malamlam na mga mata na tila nakangiti.

Ang maaliwalas na mukha.

Ang tila magnetong dala ng presensiya nito na ayaw magpaalis ng mga titig niya dito.

I think I like her. I really, really like her.

Nakaharap na si Louie sa cake na binake kanina ng magkapatid na ngayon ay may nakasinding kandila. Sixteen ang numerong nandoon. Pumikit ito saglit bago hinipan ang kandila sa cake.

Ahead pala siya ng one year sakin. Para pala talaga sa kanya ang cake. Hindi man lang ako nakapaghanda ng gift. Ang cute niya talaga. Nakangiting isip-isip ni Hiro habang nakatingin kay Louie na nakapikit pa rin.

Halatang nagulat si Louie sa sorpresa ni Charlie pero bakas naman ang tuwa sa anyo nito. Nagpasalamat pa ito kay Mason sa pagtulong nito kay Charlie sa pagbe-bake ng cake.Masayang nagkwentuhan ang magbestfriend tungkol sa nangyari sa bakasyon. Dinig ni Hiro ang pagsusumbong ni Charlie kay Louie tungkol sa pang-aasar niya dito. Pangiti-ngiti lamang ang dalaga sa kaibigan habang nagkukwento ito.

"Kamusta naman ang bakasyon mo bespren?"

"Ayos lang. Nanalo ako sa drift driving competition. Halos hindi na naman makahinga si Mama habang nanonood hahaha."

"HUWAAAAAW! Ang galing mo talaga! Bilib na bilib talaga ako sayo! Manglibre ka naman hahahaha!"

Hindi makapaniwala si Hiro sa narinig.

 

Nagdi-drift driving siya?! Whoah! That's too dangerous for a girl! And she's too young for that sport for Pete's sake!

"Sige. Pagdating na lang ni Chang. Tsaka, may sasabihin pala ako sayo..."

Matamang inobserbahan ni Hiro si Mason sa isang tabi na pasimple ding sinundan ng tingin si Louie habang inaaya nito si Charlie sa sala. Halatang hindi ito kumportable sa presensiya ng dalaga habang normal naman ang mga kilos ng isa.

 

May gusto nga yata 'to kay Louie. Magiging magkaribal pa yata kami ni Kuya Mason. Kainis naman!

 

Sa naisip ay biglang nakaisip si Hiro ng magandang ideya. Tumawag siya sa mansiyon nila para makisuyo sa mayordoma. Pagkatapos masigurong ayos na ang lahat ay lumapit na si Hiro kay Louie at umupo sa tabi nito habang nangalumbabang nagtanong.

"Louie, what do like for a guy?"

Hindi man inaasahan ni Louie ang tanong niya, cool na cool pa ring napangisi ito.

At halos malaglag ang mga panga ni Hiro sa sagot ng dalaga.

What the fuck is the meaning of that shit?!

 

 

__________________

A/N:

Youtube on the side ay ang theme song ngayon ni Hiro kay Louie.

Kilalanin si Louie sa Miss Astig! Click External Link para ma-direct kayo sa kwento.Yuhoo! Lumabas ka na din sa wakas. Hahahaha. Salamat po ng marami sa sumusuporta sa mga kwento ko. Pwede po kayong magpadedicate kay Hiro. Magcomment lang po sa baba. Yung may dedication na, bawal na magpadedicate. HAHAHAHA.

 

May facebook page din po pala si Hiro kasama sina Louie, Charlie at Chan-Chan. CharlieLouieChan-Chan and Friends ang name ng page. Naki-apid sa The Confused Trio. Paki-like naman po. Pwede kayo dun makipag-usap sa mga characters at mangamusta sa kanila. Ipopost ko po sa comment box sa baba ang link ng page para mas mabilis kayong ma-direct. Hindi na kasi pwede ang double link sa External link button eh (:

Continue Reading

You'll Also Like

54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.2M 78.9K 165
Sml? An epistolary.
5.8M 284K 65
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
41.3K 811 41
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...