Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.1K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)

969 45 4
By EMPriel

Time is a sort of river of passing events, and strong is its current; no sooner is a thing brought to sight than it is swept by and another takes its place, and this too will be swept away.

-Marcus Aurelius

Hindi kumilos si Black Out mula sa kanyang kinatatayuan. Hinintay niya ang susunod na gagawin ng pulis na iyon. Huminga siya ng malalim at ihinanda ang kanyang sarili sa puwedeng mangyari. Nakabukas man ang mga hologram screen ay tila nagiging anino lamang siya dahil sa liwanag mula sa kanyang likuran.

"Sir ah...pahi-pahinga din," wikang muli ng pulis at akmang aalis. Tumango lamang si Black Out bilang pagsang-ayon.Naglakad naman palayo ang pulis na iyon at isinarang muli ang pinto. Nang makaalis ay nagmadali na si Black Out na kunin pa ang ilang file na nalilink sa kanyang target. Matapos niyon ay agad niyang pinatay ang mga hologram screens. Nagswipe na muli sa security lock ng pinto at muling naging pula ang ilaw nito.

Sa pinakatuktok ng gusaling iyon nadatnan niya ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ang malawak na tila pinsala at karangyaan. Kitang-kita niya ang kaibahan ng mga border ng mga bid at bidder. Nasa gitna siya ng dalawang magkaibang mundo na unti-unting nagiging sakit sa kanyang mga mata. Ang mga ilaw sa kabihasnan ay ang nasasakupang bidder district ng lungsod ng Maynila at ang tanging mga apoy na nagsisilbing ilaw lamang ay ang mga lugar ng mga bid. Kabi-kabila naman ang mga nagaganap na pagsabog at pagkabasag ng kung ano-anong mga kagamitan. May mga ingay ng mga sirena sa di kalayuan at may mga hiyawan ng mga taong nagkakakumprontahan at nagkakagirian. Inapak niya ang kanyang kanang paa sa gutter ng roof top hanggang sa ang kanyang dalawang paa ay nakaapak na dito. Mahangin nang mga panahong iyon, ang hangin ay tila dinadala siya pabalik sa kanyang kinatatayuan. Ang dulo ng kanyang trench coat ay halos liparin paitaas sa kanyang likuran. Ang kanyang mahabang buhok na nakatali lamang sa kanyang likuran ay hinahangin din. Tinanggal niya ang tali at hinayaan niyang liparin ang may kahaban niyang buhok. Ang ilang piraso ay tinatakpan ang kanyang maskara. Ang maskara na nagpapakilala sa kanya bilang Black Out.

Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at ibinuka niya ang kanyang palad. Lumabas ang isang hologram screen na nagpapakita ng kanyang target. Isang lalaki na may kalakihan ang mukha. Nakasimangot ito at marahil sa bugbog ay tila naging bato-batona ang mukha nito. May band aid pa ito sa kanyang kanang pisngi na nagpapakita ng sugat. Tila isang marka ng hiwa ng kutsilyo pababa sa kanyang labi.

"Sebastian...Sebastian "Dano" Reynoso. Professional grappler. 6 feet, 3 inches. Weight...210. Malaki ang katawan, mukha namang walang utak...sapat lang ang utak niya para higitin ang baril na 'yon..."

Unti-unti namang nagbabalik sa kanyang alaala ang gabing iyon, ang gabi na namatay ang kanyang ina. Muli na naman niyang naririnig ang kalansing ng mga barya sa nagyeyelong semento dahil sa pagbato ng isang supot ng barya sa mukha ng kanyang in ang isanglalaking may kalakihan din ang katawan dahil sa katabaan. Ang lalaking iyon ang nag-utos upang barilin ang kanyang ina habang kapit siya sa leeg ng lalaking iyon na tinatawag na "Dano". Isang utos lang at walang awang hinigit ng lalaking iyon ang kanyang baril, tumilapon sa nagyeyelong sahig ang mga barya, at ang imahe ng kanyang ina na nakadilat lamang sa kawalan habang tumutulo ang dugo mula sa kanyang noo ang kanyang nakita.

Inis ang kanyang nararamdaman sa pagkakataong iyon ngunit kontrolado niya ang kanyang emosyon. Isinara niya ang hologram screen sa kanyang kaliwang kamay mula sa parte ng kanyang pulso at muli itong ibinalik sa bulsa ng kanyang trench coat.

"Sa ganito kagulong sitwasyon...saan ka ba puwedeng hanapin?" usal niya.

Muli niyang narinig ang mga sirena ng mga pulis na kalalabas lamang din sa gusaling iyon sa kanyang ibaba. Pinagmasdan niya ang halos limang hover police car habang humaharurot papalayo. Sa kanyang kinatatayuan ay agad siyang tumalikod sa bangin na kanyang kinatatayuan. Nagfree fall at hinayaang dalhin ang kanyang katawan ng bigat at hangin pababa. Isang tadyak gamit ang kanyang kanang paa ang kanyang ginawa sa pader at sumirko siya paibaba. Isang padyak pa at hinayaan niyang itapon ang kanyang katawan sa kabilang gusali upang abutin ang isang pole. Hinawakan niya iyon at paikot na dumausdos paibaba. Agad siyang tumalikod nang makita ang isa pang hover police car na kalalabas lamang mula sa loob ng gusali na kanyang pinanggalingan. Sa loob ng eskinita ay parang isang anino lamang siyang nawala.

___________________________

Magulo sa isang malaking club sa The Fort, Taguig, isa sa mga bidder district ng Pilipinas. Marami ang nagsasayaw na mga kababaihan at mga kalalakihan. Naglalaro ang mga ilaw na naghahalong pula, asul, dilaw at berde. Mas angat ang kulay asul sa loob ng club na iyon. Umuulan ng alak at tila ba walang inaalalaa ang mga bidder na kaguluhan sa bansa. Nagkalat ang security sa buong paligid ng The Fort Taguig. Alerto ang mga ito dahil alam nilang malalaking tao ang pumapasok sa naturang piraso ng langit sa gitna ng impyerno.

Sa loob ng club ay makikita pa ang ilan pang mga kababaihan na animo'y sumisirko sa ere gamit ang ilang mga tali na gawa sa tela at ilang mga pole na nakatayo sa bawat sulok. Halos lumabas na ang mga kaluluwa ng mga kababaihang iyon dahil sa kanilang nag-iikliang mga damit habang hayok na hayok naman sa pamboboso ang mga lalaking may bitbit na mga inumin sa kanilang mga kamay. Nakikipagsayaw pa ang ilan sa mga ito at ineenjoy ang pagkakataon sa gitna ng kaguluhan. Tila naglagay pa ng isang tablet ang isang lalaki sa kanyang bitbit na alak. Mula sa pula ay agad iyong naging asul sabay lagok ng lason mula sa kanyang baso. Ang ilang nagsasayaw pa ay tila napapalibutan ng hologram screens sa kanilang mga damit. Tila neon lights na naglalaro ang mga ito habang nagsasayaw ng sabay-sabay sa itaas ng stage. Hataw naman ang DJ sa pagpapatugtog ng mga Electronic Dance Music na mabibilis at mabibigat ang bass.

Isang ring ang nakaset-up sa gilid ng bar na iyon. Nakaangat lamang ng isang talampakan ang ring na hinaharangan ng salamin na pader.

'The Ultimate Underground Fighting Challenge'

Iyon ang mga katagang nakasulat gamit ang hologram technology sa ibaba ng ring. Mula naman sa pulang ilaw ay naging puti ang ilaw sa loob ng ring. Agad pinatunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng laban. Sa paligid ng ring na iyon ay nakapuwesto ang ilang mga mayayamang negosyante. Nakasuot ng magagara ang mga ito. Ang iba ay nakapurong puti habang pinalalamutian ang kanilang mga leeg, tenga at braso ng mga ginto at pilak. Nakaupo ang ilan sa mga negosyanteng iyon, bitbit ang kanilang mga hologram stick at tablet at tila nagpapalitan ng presyo sa mananalo. Isang pustahan ang magaganap sa lugar na iyon at halos milyon at bilyong piso ang kanilang mga taya.

"Ayan na siya! Haha!"

"Ayan na yung manok ko, nako! Tapos na yang mga yan..."

"Yes! There he is...my boy! Make me lucky this night my boy!"

Hindi magkamayaw sa papuri at pagbibigay pugay ang mga tao nang dumating ang kanilang pambato. Malaki ang katawan at matangkad, ang kanyang kamay ay kaya nang dumakot ng isang ulo. Nakasuot ng isang itim na coat at may benda pa sa kanyang kanang mukha. Ang sugat na humahaba mula sa kanyang kanang mata pababa sa kanyang labi ay kapansin-pansin at nagbibigay sindak at pagkamangha sa mga tao.

"Dano! Dano! Dano! Dano!"

Isinisigaw ng mga taong iyon ang kanyang pangalan. Mga negosyante, mahilig sa underground boxing at miski ang mga bidder na tambay lamang sa club na iyon ay kilala siya. Agad naman kinawayan ni Dano ang mga tao sa kanyang paligid habang nakangiti na parang aso at naglalakad patungo sa ring. Kasabay niya ang isang lalaki din na may katabaan, nakaitim na longsleeve habang nakacoat ng kulay itim din. Ang kanyang sombrero ay magarang kumikinang dahil na rin sa mga mamahaling bato na nakadikit dito na puro kulay ube. Panay ang masahe niya sa balikat ng kanyang alaga. Ang iba pa niyang mga kasabay ay malalaki din ang katawan. Mukhang mga bouncer ngunit ang mga iyon ay ang kanilang mga security guard.

"Dano! Hindi ako nagkamali sa 'yo. Hindi talaga ako nagduda sa 'yo kahit kalian," wika ng lalaking iyon habang nakangiti. Ngumiti lamang ang lalaking nagngangalang Dano at humarap sa kanya.

"Mr. Gonzales! Dito po ang puwesto niyo..." wika ng isang tagasilbi sa club na iyon na nakasuot ng putting longsleeve at itim na bow tie habang itinuturo ang kanikang inuupuan.

"Salamat! Haha. Maganda ang puwestong 'to!" sagot naman ng matabang lalaki. Agad siyang umupo na para bang pagod na pagod. Umupo din sa kanyang tabi ang malaking lalaki na si Dano. Ang kanyang mga security guard naman ay kumalat at nagmasid sa paligid. Tila naaaliw din ang kanilang mga mata sa ilang mga kababaihang nagsasayaw.

"Sir, first fight po kayo ngayong gabi...ready na po ba?" tanong muli ng tagasilbi. Agad namang tumayo si Dano at inalis ang kanyang coat. Ipinatong niya iyon sa kanyang inuupuan at naglakad patungo sa ring. Muli namang nagsigawan ang mga tao. Ang ilang ay nakikipagpalitan na ng pera sa ibang namumusta. Inabutan naman si Dano ng isang boxing robe at isang pares ng gloves upang kanyang isuot. May butas sa bawat daliri ang gloves na iyon at tila may pampalambot lamang sa kamao nito. Ang amo naman niya na nakaupo lamang sa kanyang puwesto at nasasabik sa labang magaganap ay inabutan ng whiskey sa isang wine glass. Agad niya naman iyong nilagok kasabay ng pagsenyas sa waiter na kailangan niya ng isa pa.

Patuloy ang mga sigawan, halakhakan at pgbubulungan. Patuloy din ang pagpusta ng ilang mga kalalakihan at maging ng mga kababaihan sa kung sino ang mananalo. Nagulat na lamang ang isang namumusta nang dumating ang hindi inaasahang bisita.

"Limang milyong piso para kay Dano..." wika niya. May kahabaan ang kanyang buhok at sa pagkakataong iyon ay hindi na ito nakatali sa kanyang likuran at kitang-kita na ang kanyang memory gene. Nakasuot siya ng isang long coat at magaranang longsleeve nakasuot pa siya ng isang itim na guwantes habang hawak sa kanyang kanang kamay ang isang baso ng champagne.

"D-Dylan Ford! S-Sir..." mautal-utal na sambit ng isa sa mga namumusta. Agad namang naglapitan ang ilang mga tagahanga at kababaihan sa kanya.

"M-magandang gabi po. Bakit po kayo nandito?" tanong ng isa pang lalaki.

Hindi na nakakapagtaka ang kanilang mga reaksyon. Hindi mahilig sa mga ganoong klaseng lugar si Dylan at hindi siya madalas makita sa ganoong klaseng lugar. Alam ni Dylan kung bakit siya naroon sa lugar na iyon. Malinaw sa kanya ang lahat at alam niyang ang susunod na target ay ang isinisigaw ng mga tao sa paligid.

"Nagsasaya lang naman, bawal ba?" pabirong tanong ng binata. Napangiti naman ang ilan at maging ang kanyang kausap. Agad niyang ipinakita ang serial number at amount na kanyang itinaya gamit ang kanyang hologram tablet. Kinuha naman ng lalaki ang serial number at ipinasok sa kanyang datos. Nagsimula namang yumapos ang mga kababaihan sa kanyang tabi. Hindi na iyon nakakapagtaka, sa angking kisig at karisma ng binata ay halos nahuhumaling ang lahat ng kababaihan sa kanya. Hindi naman pinapansin ng binata ang mga babaeng iyon na panay lamang ang haplos sa kanyang mukha at likod, maging ang kanyng dibdib. Mula sa dilim ay yumapak si Dylan patungo sa liwanag mas malapit sa ring. Tinitigan niya ang kanyang susunod na biktima, napansin naman ni Dano ang titig na iyon sa kanya ni Dylan. Ngumiti lamang ang binata at tumango ng marahan. Tumango din si Dano ngunit nakasimangot pa rin ito. Suot na niya ang isang boxing robe, maikling shorts at ang pulang pares ng gloves. Pumasok siya sa ring at itinaas ang kanyang mga kamay habang lumulundag-lundag ng kaunti. Muling nagsigawan ang mga manonood, ang ilan ay napatayo pa at halos matapon ang alak na kanilang bitbit.

Umakyat na rin ng ring ang kanyang kalaban. Malaki din ang katawan niya at halos bugbog din ang kanyang mukha dahil sa kanyang mga laban. Hinampas hampas pa niya ang kanyang mukha bago itinaas ang kanyang mga kamay. Nagsigawan din ang iilang mga tagasuporta.

Walang referee, wala ding announcer. Matira ang matibay sa underground boxing na iyon. Wala silang pakialam kung may mamatay. Puwede namang ilipat ang kanilang mga memory gene sa iba pang mas batang katawan.

Tumunog ang bell ng dalawang beses. Agad tinanggal ng dalawang grappler ang kanilang mga suot na robe at ibinigay sa mga tagasilbi. Lumabas naman ang isang hologram image sa gitna ng ring.

'Round 1 – Fight!'

Agad pumorma ang dalawang magkalaban. Ang isa ay nakasuot ng pulang shorts, si Dano. Ang isa naman ay nakasuot ng itim na shorts. Ang kanyang kalaban na si Edilberto "Rocky" Suarez. Parehong nakalabas ang kanilang mga pangalan sa hologram image sa gilid ng ring.

"Kaya mo yan Dano! Pulbusin mo yan!" sigaw naman ng amo ni Dano na tinatawag na Mr. Gonzales. Nagbigay naman ng atensyon kay Dylan ang lalaking iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at tila nakaramdam siya ng matinding galit nang makita ang lalaking iyon. Umalingawngaw sa kanyang isipan ang putok ng baril at ang pagbagsak ng mga barya sa nagyeyelong semento. Hindi siya nagkamali, iyon ang lalaking nagsaboy ng isang supot ng barya sa mukha ng kanyang ina habang walang awa itong binaril sa ulo ng boksingerong lumalaban sa loob ng ring.

Kinalma niya ang kanyang sarili at ngumiti. Tinapik niya ang waiter na nagdadala ng alak at nagtanong.

"Sino ang lalaking 'yon?"

"Ah sir...si Mauro Gonzales po. Siya po ang handler ni Dano. Nako malaki din pong pumusta yan. Sila na rin po halos ang nagpapatakbo ng underground fight dito," sagot naman ng waiter.

"Salamat," tugon ni Dylan. Ngumiti siya ngunit nang muli siyang tumingin sa matabang lalaking sumisigaw ay agad na nag-iba ang guhit ng kanyang mukha. Muli na lamang niyang ibinaling ang tingin sa ring at pinanood ang laban ni Dano.

Muling tumunog ang bell at naghiyawan ang mga tao. Agad lumabas ang ring ang assistant ng bawat boksingero. Tila bumilis naman ang lakad ni Dano patungo sa kanyang kalaban. Agad itinaas ng kanyang kalaban ang pareho niyang braso upang sanggain ang isang suntok na pinakawalan ni Dano. Sa lakas ng suntok na iyon ay napasandal siya sa salamin. Agad siyang umiwas at sumuntok sa bandang tenga ni Dano. Hindi naman iyon ininda ng boksingero na agad umamba ng tuhod sa tiyan nito. Sinangga naman ng kanyang kalaban ang kanyang tuhod ngunit isang suntok naman ang pinakawalan ni Dano sa memory gene nito nang mapayuko siya. Lalong naghiyawan ang mga tao nang biglang nangisay ang kanyang klaban. Kumapit pa ito sa kanya ngunit nang lumayo si Dano ay para bang isang laruan lamang siyang bumagsak. Tumulo ang dugo sa paligid ng kanyang memory gene. Nabaon iyon ng bahagya sa kanyang bungo at naglaro ang mga numero na nagsisilbing datos sa memory gene ng boksingero. Agad pumasok ang referee at tiningnan kung may pulso pa ang malaking lalaki na nasa sahig. Maysa-maya pa ay napangiwi na ito at sumenyas na wala nang buhay ang boksingero. Muling naghiyawan ng malakas ang mga tao. May nagsaboy pa ng pera habang nagtatatalon. Naningkit naman ang mga mata ni Dylan habang tinitingnan ang kanyang target. Itinataas naman ni Dano ang kanyang mga kamay bilang hudyat ng pagkapanalo.

Tiningnan naman ni Dylan ang oras sa hologram screen malapit sa ring. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

"Pitong segundo...pitong segundo lang at tapos na ang laban. Ang bilis!" bulong niya.

Nagdala naman ng stretcher ang iba pang mga tagasilbi at ihiniga doon ang wala nang malay na kalaban ni Dano. Dumaan pa ito sa harap ni Dylan; pinagmasdan naman ng binata ang nakalubog na memory gene ng boksingero sa kanyang bungo. Halos bumulwak na ang dugo sa paligid ng memory gene na iyon. Sa itsura nito na halos mabasag na ay sigurado siyang hindi siya gustong buhayin ng kanyang kalaban.

"S- sir! Congratulations po!" hinihingal namang sambit ng kumukuha ng pusta. Dala niya ang isang hologram tablet at tila naglilipat ng ilang mga numero sa bank account ng binata. Ngumiti lamang si Dylan at tinapik ang kanyang balikat.

"Hindi po kayo bibiguin niyan ni Dano! Sigurado ako diyan sir! Siya nang kasalukuyang champion dito!" pagmamalaki pa nito.

"Dodoblehin ko ang pusta ko. Sampung milyon para kay Dano," wika ni Dylan. Muli siyang tumingin sa ring at tinitigan ang mga mata ni Dano.

"S-sir, kayo na po ang may pinakamalaking pusta ngayong gabi!" wika ng lalaki.

"May tiwala ako sa 'yo kaibigan. Hindi ako magsasayang ng pera kung hindi mananalo ang isang 'yan," tugon ng binata. Yumuko naman ng bahagya ang lalaki at lumapit na sa iba pa. Agad niyang binulungan ang iba pang namumusta, ibinalita niya ang presyo ng itinaya ni Dylan. Kahit na nagbubulungan ay alam ni Dylan na siya ang pinag-uusapan ng mga taong iyon.

Maya't-maya ang bulungan ng ilang mga negosyante at may mga kaya sa lipunan. Maya't-maya din ang kanilang tingin sa binata. Nginingitian lamang ni Dylan ang mga taong iyon at ngumingiti ng bahagya.

Lumapit naman ang lalaking nangongolekta ng pusta sa amo ni Dano na si Mauro Gonzales. Binulungan niya ito at tila nagsalubong naman ang kilay ng matabang lalaki. Ipinakita pa ng lalaking 'yon ang pusta ni Dylan sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at agad na tumingin sa binata. Ngumiti naman si Dylan. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib at yumuko. Ginawa niya iyon kahit na malayo ang kanyang puwesto mula sa kanila. Tumango-tango naman ang matabang lalaki habang nakangiti.

Nang iniiwas niya ang tingin sa binata ay tila nag-iba naman ang guhit sa mukha ng binata. Naningkit ang kanyang mga mata at ngumiti. Muli siyang tumingin sa ring nang muling tumunog ang bell.

Pumasok sa ring ang panibagong kalaban ni Dano. Isang lalaki na naka-braid ang buhok na humahaba hanggang sa kanyng likod. Maitim ang balat ngunit kitang-kita ang mga tato sa kanyang likod, braso, balikat at dibdib. Napangiti naman si Dano habang pinupunasan siya ng kanyng assistant. Hindi naman nagustuhan ng kanyang kalaban ang ngiting iyon at agad na umamba ng suntok kahit na hindi pa tumutunog muli ang bell upang simulan ang laban. Agad namang naglabasan ang mga assistant ng magkabilang panig. Sinangga lang ni Dano ang suntok ng lalaking iyon gamit ang kanyang braso. Hindi lang pagsangga ang kanyang ginawa. Inipit niya ang braso ng kanyang kalaban, ngumiti muna ito bago tuhudin ang kanyang tagiliran. Napaigtad naman ang lalaking naka-braid at agad na tumakbo palayo. Sumandal siya sa salamin na pader dahil sa sakit. Sumandal siya kung saan naroroon ang puwesto ni Dylan. Ipinulupot naman ng binata ang kanyang dalawang braso sa isa't-isa.

Isang suntok ang pinakawalan ni Dano ngunit agad na nakaiwas ang kanysang kalaban. Agad nagkaroon ng lama tang salamin, kitang-kita naman ni Dylan ang panggigigil ni Dano dahil sa mga ugat na nakalabas sa kanyang leeg.

Nakaiwas man ang kanyang kalaban ay agad na hinatak ni Dano ang ang kanyang buhok upang muling isandal sa salamin. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang kawala. Sunod-sunod na tadyak, tuhod at suntok ang natanggap ng kawawang boksingero. Isang suntok sa panga ang agad na nakapagpatumba sa kanya. Agad namang pinagdikit ni Dano ang kanyang dalawang saradong kamao at ihinampas iyon sa likuran ng kanyang kalaban. Umatras ng kaunti si Dano, hindi dahil sa naaawa siya sa kanyang kalaban. May binabalak siya...at alam ni Dylan ang susunod niyang gagawin.

Tumayo ang lalaking iyon. Humarap siya sa salamin, duguan, bugbog ang mukha. Halos ipahid pa niya sa salamin ang dugo mula sa kanyang mukha.

"Sige tapusin no na yan Dano!"

"Tuluyan mo na yan! Tapos na 'yan!"

"Haha! Patay kang bata ka!"

Naghiyawan ang mga tao. Ang iba ay tila nagimbal sa itsura ng kaawa-awang lalaking iyon. Tumingin naman si Dylan sa mga mata ng lalaki na humihingi ng tulong. Umiling siya ng dahan-dahan, senyales na nasa likuran niya na ang halimaw na papatay sa kanya. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Dano. Tumalon muna siya upang magbigay ng mas malakas na puwersa. Sa isang iglap ay sumambulat ang dugo sa salamin. Natahimik ang lahat, nanlaki ang kanilang mga mata. Ang iba ay napatili at napasigaw. Hindi malaman ang reason ng lalaking iyon. Para bang nakatingin siya sa kawalan. Dahan-dahang bumagsak ang kanyang dalawang kamay na kanina lamang ay nakapatong sa salamin na pader. Ang lamat sa salamin ay nagsimula sa kanyang mukha. Unti-unting kumalat ang lamat hanggang sa mabasag na iyon ng tuluyan. Bumagsak sa harapan ni Dylan ang lalaki kasama ang mga basag na piraso ng salamin. Butas ang kanyang bungo at nakabaon din ang memory gene nito.

Namula naman ang kanang kamao ni Dano dahil sa dugo mula sa kanyang kalaban. Nakangiti pa ito habang gigil na gigil na nakatingin sa kanyang biktima. Tinitigan naman ni Dylan ang wala nang malay na boksingero na nakadapa na lamang sa sahig. Tinitigan niya ang mga numero sa kanyang memory gene. Naglalaro ang mga numero nito at nagkaroon na ng lamat ang kanyang memory gene. Kalmado siyang nakatingin sa lalaking iyon; nakapulupot pa rin ang kanyang mga braso. Tumingala naman siya at tinitigan si Dano. Huminga naman ng malalim ang malaking lalaki at tumitig din kay Dylan. Ngumiti siya pagkatapos, tumalikod at naglakad palayo.

Saka lamang naghiyawan ang mga tao na gulat na gulat sa nangyari. Nagpakaulan muli ng pera ang isa pang bidder habang nakikipag-toast ng alak sa kanyang mga kasama.

"Ikaw nga ang hinahanap ko. Walang duda...Dano," wika niya sa kanyang sarili. Tumingin siya sa kinaroroonan ng boksingero na sa pagkakataong iyon ay nagpupunas na ng dugo mula sa kanyang kamay gamit ang isang malinis na pamunas. Lumapit din ang kanyang amo na tinatawag na Mr. Gonzales at agad na ginulo ang buhok ng kanyang alaga. Umupo naman si Dano sa isang upuan, tila nagbulungan ang dalawa at tiningnan ang kinaroroonan ni Dylan. Ngumiti naman si Dylan, isang grupo ang humarang sa kanya at nang muling tingnan ng dalawa ang puwesto ng binata ay parang bula itong nawala. Tiningnan nila ang paligid ngunit hindi na nila nakita ang binata. Tanging ang nagkakagulong mga bidder lamang ang nasa paligid. Hirap din silang makita ang dulo ng club na iyon dahil sa naglalarong mga ilaw at laser.

_____________________________

Sa labas ng club ay naglakad si Dylan ng mabilis. Inangat niya ang kanyng kaliwang kamay at sa pulso niya ay muling lumabas ang ilaw ng hologram screen. Ipinapakita na sa pagkakataong iyon ang datos ng isang lalaking mataba ang mukha. Nakasimangot at nakangiwi ang mukha.

"Mauro Gonzales," bulong niya. Muli niyang narinig ang putok ng baril at ang naglalaglagang mga barya sa semento. Ang kanyang ina, nakikita niyang muli ang kanyang ina.

Isang tapik sa kanyang kaliwang balikat ang dahilan upang patayin niya ang hologram screen sa kanyang kamay. Agad siyang napalingon at humarap sa lalaking tumapik.

"A-ah sir. Pasensiya na po, pero kailangan ko pong ibigay ang panalo niyo!" wika ng lalaki na kumukuha ng pusta.

"Salamat," mahinahong tugon naman ng binata. Sa pagkakataong iyon ay nakita niya sa likuran ng lalaki ang boksingero at ang kanyang amo. Nakangiti ang mga ito at astang lalapit sa kanila.

"Malaki ang pusta mo sa alaga ko kaibigan!" sigaw ni Mr. Gonzales. Kahit paika-ika na dahil sa hirap sa paglalakad ay pinilit niyang lumapit sa binata. Sa likuran niya naman ay lumapit din si Dano.

"Dylan Ford. Tama ba?" tanong ng matabang lalaki. Agad niyang inabot ang kanyang kamay ngunit inilagay naman ni Dylan ang kanyang kamay sa kanyang kaliwang dibdib at yumuko ng marahan. Napangiwi naman si Mr. Gonzales at muli na lamang ibinalik ang kanyang kamay sa kanyang tagiliran.

"Napakagaling ni Dano. Mukhang ako ang bago niyang tagahanga...Mr. Gonzales," wika ng binata.

"HAHAHAHA! Talagang magaling ang alaga ko!" pagmamalaki ng matabang lalaki. Nakangisi lamang si Dano sa pagkakataong iyon. Muli niyang tinitigan ang binata, tumitig din si Dylan sa kanya habang nakangiti. Unti-unti ay humuhupa ang ngiti ng boksingero. Isang alaala ang muling bumalik sa kanyang isipan. Tila isang putol na memorya. Nakita niya ang isang bata. Isang batang walang kamuwang-muwang na sinubukang lumaban sa kanya. Lumabaan upang ipagtanggol ang kanyang ina.

"Dano! Ayos ka lang ba?" tanong ni Mr. Gonzales. Hinawakan naman ni Dano ang kanyang ulo at muling ngumiti. Napansin naman ni Dylan ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng boksingero. Agad siyang tumagilid at pinawi ang kanysang ngiti. Muli namang tumingin ang boksingero sa kanya, sinisipat niya ang mukha ng binata at pilit na idinudugtong ang lahat ng pangyayari sa kanyang isipan.

"Pasensya na Mr. Gonzales. May lakad pa kasi ako..." sambit ni Dylan. Agad namang naglabas ang matabang lalaki ng isang electronic card. Tanging nakaimprenta lamang doon ang bar code at mga numero.

"Kung ganoon eh ibibigay ko na lang ito. Kung interesado ka kaibigan...nandyan ang contact information ko," wika ni Mr. Gonzales.

Ngumiti lamang si Dylan at agad na kinuha ang electronic card. Yumuko siya ng bahagya at agad na naglakad palayo. Naiwan namang nakatulala si Dano, hindi niya alam kung bakit bigla niyang naalala ang isang pangyayari na matagal na niyang inilibing kasama ng mga tao na kanyang pinaslang dahil sa tawag ng trabaho at pera.

"Ayos ka lang ba?! Ano bang nangyayari sa 'yo?" bulyaw naman ni Mr. Gonzales. Umiling lamang ang malaking lalaki habang nakatitig sa papalayong binata. Isang hover bike ang naghihintay sa kabilang gilid ng club. Agad iyong nilapitan ni Dylan. Naglabas naman siya ng isang aparato na tila flashdrive. Pinindot niya ang boton at agad na umilaw ang motor na iyon. Sinakyan niya ang hover bike, inilagay ng flashdrive sa susian nito at agad na pinindot ang start engine. Lumutang ang motor at nagstart na rin ang engine at pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Hindi niya puwedeng ipakita ang kanyang galit. Hindi sa pagkakataong iyon. Nakuha niya na ang kailangan niyang makuha. Nahanap niya na ang mga tao na kailangan niyang hanapin.

____________________________

"Nakita niya na ang kanyang target," wika ni Brigand.

Sa isang madilim na kuwarto nakatayo ang butler kung saan nakalabas ang dalawang hologram screen na nagpapakita ng isang GPS tracking system at ng isang camera na nakakabit sa hover bike ng binata. Ang isa namang hologram screen ay nagpapakita ng isang malabong imahe ng lalaki. Tila nakaupo lamang ito sa gitna ng dilim, maputi ang kanyang buhok at nakasuot ng isang gusot na puting damit. Kapansin-pansin din ang kanyang mabagal na paghinga na dinig din sa buong kuwarto.

"M-magaling..." mahinang tugon nito. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay at itinuro sa hologram screen si Brigand. Nakakabit sa kamay niya ang ilang mga tubo. Tila dextrose at ang iba at mga likido. Ang isang tubo naman ay kulay pula at dinadaluyan ng dugo. Mapusyaw din ang kulay ng kanyang balat at kita na ang mga ugat sa kanyang kamay.

"Br-Brigand...siguraduhin mo...siguraduhin mo sa akin. Na matatapos ang misyon niya. Hin-hindi siya dapat...hindi siya dapat mabigo. Kailangan niyang tapusin ang lahat...para sa pagbabago ng mundong 'to."

Halos maubos na ang hininga ng matandang lalaking iyon habang kinakausap si Brigand. Maya't-maya ang mabigat at malalim na paghinga na kanyang ginagawa. Halos ibagsak pa niya ang kanyang kamay dahil sa panghihina matapos ituro si Brigand mula sa hologram screen.

"Masusunod po, Master," sagot naman ni Brigand. Yumuko pa ito ng bahagya sa harap ng hologram screen. Agad namang namatay ang hologram screen kung saan ipinakita ang matandang lalaki.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 774 27
A serpent demigoddess. A maligno-slayer. And a young santelmo. If you're experiencing problematic encounters with mythical creatures, Klab Maharlika...
56.6M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...