Sweet Lies (Sweet Series Book...

נכתב על ידי vanessabree

185K 4.7K 2.6K

Book 2 of Sweet Series עוד

Sweet Lies
Simula
Sweet Lies 1
Sweet Lies 2
Sweet Lies 3
Sweet Lies 4
Sweet Lies 5
Sweet Lies 6
Sweet Lies 7
Sweet Lies 8
Sweet Lies 9
Sweet Lies 10
Sweet Lies 11
Sweet Lies 13
Sweet Lies 14
Sweet Lies 15
Sweet Lies 16
Sweet Lies 17
Sweet Lies 18
Sweet Lies 19
Sweet Lies 20
Sweet Lies 21
Sweet Lies 22
Sweet Lies 23
Sweet Lies 24
Sweet Lies 25
Sweet Lies 26
Sweet Lies 27
Sweet Lies 28
Sweet Lies 29
Sweet Lies 30
Sweet Lies 31
Sweet Lies 32
Sweet Lies 33
Sweet Lies 34
Sweet Lies 35
Sweet Lies 36
Sweet Lies 37
Sweet Lies 38
Sweet Lies 39
Sweet Lies 40
Sweet Lies 41
Sweet Lies 42
Sweet Lies 43
Sweet Lies 44
Sweet Lies 45
Sweet Lies 46
Sweet Lies 47
Sweet Lies 48
Sweet Lies 49
Sweet Lies 50
Sweet Lies 51
Sweet Lies 52
Sweet Lies 53
Sweet Lies 54
Sweet Lies 55
Sweet Lies 56
Sweet Lies 57
Sweet Lies 58
Sweet Lies 59
Sweet Lies 60
Bonus Chapter
Wakas

Sweet Lies 12

2.4K 74 43
נכתב על ידי vanessabree

12





"It's really nice to meet you, Paris." His mom stood up. Bumeso siya sa akin.

"Thanks for inviting me," utas ko. Ngumiti ako sa kanila.

The dinner went well. Hindi tulad ng inasahan kong magtatagal iyon ng isang oras, tumagal lang kami ng trenta minutos. Kailangan na raw kasi nilang umalis.

"No worries, iha. Let's do this again soon. May pasyente kasi ang tito mo."

"Sure po. No problem." Tumango ako.

"Alright, then. You two enjoy the rest of the night," ani Mr. Escosio. Tinapik niya sa balikat si Aldrev.

"Ingat kayo, pa, ma." Aldrev also stood up. Humalik siya sa kanyang mama.

"Paris, we'll go ahead." Bumaling sa akin si Mr. Escosio.

"Sige po." Ngumiti ako at kumaway. Naglakad na sila palabas ng restaurant.

True enough, sa Maxine's kami nag-dinner. I was expecting to see my friends. Pero naalala kong sa restaurant nga pala kami kakain. They're probably at the bar area.

"Were you nervous?" tanong ni Aldrev nang tuluyan nang makaalis ang mga magulang niya.

Umiling ako. "Not really." I smiled.

"I'm really glad you agreed to this," utas niya ulit.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Nakapatong kasi iyon sa table. Napatingin ako roon. Napawi ang ngiti ko sa hindi malamang dahilan.

"Matagal ko na silang niyayaya para rito pero ngayon lang silang nagka-oras," dugtong niya.

"I'm also happy. They're really nice," sagot ko.

Marahan kong binawi ang palad ko. I reached for the glass of water.

"Mom likes you." He shrugged. His defined jaws flashed after me.

"Y-Yea... I can see that." Napalinga ako sa paligid.

What's with the discomfort, Paris? Kanina ko pa nararamdaman ang pagkailang.

Maybe it's the dress I'm wearing? It's kinda tight.

"Hey..." Hinawakan niya uli ang kamay ko. Napabaling ako.

I swallowed the lump in my throat. My eyebrows went up. Hinihintay ko kung anong sunod niyang sasabihin.

Ngumiti siya. Pumungay ang mga mata niya.

We can't deny it. Aldrev really has these outstanding features. Kahit sino talaga ay pwedeng magkagusto sa kanya.

"Hindi ko pa ni minsan tinanong sa'yo kung ano tayo pero..." naging seryoso ang kanyang mukha.

He pierced his eyes on mine. Hinintay ko kung anong idudugtong niya. Napalunok ako.

"Gusto kong malaman mo na kaya kong maghintay. I can wait until you name it. Until you decide to name us."

He finally smiled. Humigpit ang hawak niya sa palad ko. Bahagyang napaawang ang bibig ko at natunganga sa sinabi niya.

"I-I... I—"

Napabalikwas ako nang malakas na tumunog ang call alert ng cellphone ko. Binawi ko ang palad ko mula sa kanyang pagkakahawak.

Kumunot ang noo ko habang tarantang kinukuha ko ang cellphone ko sa pouch.

It's Vidette. I immediately swiped for it.

"Hello!?" bungad niya.

Halos mailayo ko sa tainga ko ang cellphone. Her high pitched voice is sometimes annoying.

"What is it?" Halos pabulong kong sagot.

Sumenyas ako kay Aldrev na tatayo ako para makausap ang tumawag. I'm sure he wouldn't mind. He nodded.

Pumwesto ako malapit sa glass window. Tanaw ko ang dagat.

"Nandito kami sa Maxine's. I saw Aldrev's car. Are you here?" tanong niya sa kabilang linya.

"Nandito kami sa restaurant. Nasa kabila kayo?" tanong ko pabalik.

Tinanong ko pa rin kahit alam kong nasa kabila nga sila. They're here to party, anyway.

Narinig ko siyang tumili. Kumunot ang noo ko at napailing.

"Omg! Omg! Really!? Nandito ako sa car park! Where exactly are you?"

Napalinga ako sa paligid.

Hinanap ko ang direksyon ng car park at agad ko siyang namataan. Nakatingin rin siya sa direksyon ng restaurant pero mukhang hindi niya ako makita.

"Vidette, I can see you from here. Nasa may glass window lang ako. Right side," sagot ko. Bahagya akong napahalakhak.

Agad niya akong nahanap. Napatalon pa talaga siya. Kumaway siya sa akin.

"There you are! Tell Aldrev punta muna kayo dito! Kararating lang namin. Sina Stanley nandito na rin."

"I'll tell him. Sige na. Pumasok ka na sa loob. I'll call you after five or ten."

"Alright!" Nakita ko siyang kumaway.

Ibinaba ko na agad at pumihit pabalik sa table namin.

Bumalik agad sa isip ko ang mga huling sinabi ni Aldrev. Napasinghap ako. Nagpasya akong ibahin ang usapan.

Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko kung sakali.

"Sorry. Tapos ka na ba kumain?" bungad ko. Umiling siya.

"Si Vidette ba iyon?" tanong niya. Tumango ako.

"Nasa bar area sila. Sa kabila." Umupo ako uli sa harap niya. Tumaas ang dalawa nitong kilay.

"Talaga? Sakto. Nasa kabila rin friends ko from Manila. Galing silang Hundred Islands. Dito sila dumiretso."

"Ohh. From Enderun, also?" tanong ko ng hindi nakatingin. I'm trying to finish my pasta.

"Yea. Gusto mo bang lumipat na tayo sa kabila?" tanong niya pabalik. Napabaling ako.

"Ikaw. Ikaw bahala," sagot ko. I bit my lips.

I hope he'll say yes. Gusto kong makabonding sina Allan at sina Vidette. At oo, gusto ko rin makita ang bagong girlfriend ni Stanley.

Of course, it's not me being nosy but I got so curious. Sa inasta ni Allan noong isang araw ay lalo akong naging interesado.

"Well..." He also bit his lips, "We will. But not until you finished your pasta." dagdag niya. Napailing ako at napangisi.

Right, I should finish this. Sa sobrang wili ko sa pakikipag-usap sa kanyang mama kanina ay hindi ko natuunan ng pansin ang kinakain ko.

Pagkatapos kong kumain ay lumipat nga kami sa kabila.

Hindi ko naubos ang pasta. Pero pumayag pa rin siyang puntahan namin sina Vidette.

"Saan banda mga friends mo? Nasa left wing ng VIP sina Vidette at—"

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko. Naramdaman ko ang pagpatong niya sa kanyang coat sa likuran ko. Nilingon ko siya.

"Baka ginawin ka, e. Medyo malalim na 'tong gabi." Ngumiti siya. Napangiti rin ako.

He really is a gentleman. Gusto ko sanang madaliin ang sarili ko para mabigyan ng pangalan kung anuman ang mayroon kami.

But I guess it's really not that easy. Kung ikukumpara sa isang libro, wala pa siguro ako sa climax. Sa climax ng nararamdaman ko.

I need to feel more of it. More than the attraction I'm feeling. Sa tingin ko hindi pa sapat iyon para bigyan ko ng label ang nangyayari sa amin.

"Thanks," sagot ko. Inayos ko ang pagkakapatong ng kanyang coat sa akin.

"Nasa left wing rin sila," untag niya sa likuran ko.

Naglalakad na kami patungo sa bar area. Nang marating namin ang gilid ng gazebo ay tumapat na siya sa akin.

Inilagay niya kanyang kamay sa balikat ko. Bumaling ako roon. Napatingala ako sa kanya. Diretso ang kanyang tingin sa nilalakaran namin.

Hinayaan ko ang kamay niya sa balikat ko. Dumiretso kami sa entrance. Pagkapasok ay lumiko kami kaagad sa left wing ng VIP.

"Paris! Over here! Paris!" Narinig kong sumigaw si Vidette.

Hinanap siya agad ng mga mata ko. Nang mahagip siya ng mga ito ay kumaway ako sa kanya.

"Mukhang marami sila, a?" utas ni Aldrev.

Halos hindi ko na iyon narinig dahil sa lakas ng music sa loob. Ngumisi lang ako. Iginiya niya ako palapit sa table nina Vidette.

Nang makalapit kami sa round couch ay bumungad sa amin ang nasa higit sa sampung tao.

Kabilang na roon syempre sina Vidette, Allan, Jaycee, Debbie, Stanley, at ang sa tingin kong girlfriend niya na nakapulupot sa braso niya.

May apat pang lalaki ang naroon. May dalawang tila half-foreign blooded na babae. Maybe Stanley's friends.

"Hey guys!" bungad ko sa kanila.

Sa table nina Allan kami tumapat. Dalawang table kasi iyon. Isa ay sa grupo nina Stanley. Ang isa ay kina Vidette at kina Allan.

"Buti sumunod ka? 100% imbyerna na talaga ako kapag hindi ka nakasunod," ani Allan at pabirong umirap.

Napangisi na lang ako. Halatang nagpaparinig siya. Tumikhim si Aldrev sa tabi ko kaya napabaling ako sa kanya.

Silly, Paris. Ipakilala mo naman siya sa mga kaibigan mo, 'di ba? Hay nako!

"Ah oo nga pala. This is Aldrev," pakilala ko sa kanya.

Agad siyang naglahad ng kamay. Una kay Jaycee. Sunod ay kay Allan. Debbie and Vidette giggled.

"Lagi ko siyang nakikita sa FG kapag sinusundo ka. Ngayon mo lang siya pinakilala sa akin? Nakakaloka itong si Paris." Humalakhak si Allan. Napangisi si Aldrev.

"Sorry." I scratched my head. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Is he your boyfriend?" pang-agaw na tanong ni Jaycee.

I heard Vidette snort. Palihim ko siyang matalim na tiningnan.

"A-Ah a-ano—"

"Not yet. I'm still courting," sagot ni Aldrev.

Napabaling ako at napasinghap. So is that it?

Nanliligaw siya. So we don't need to rush about anything, right? Napakagat ako sa labi ko. Ngumiti ako kay Jaycee.

"Y-Yes. He's courting." Tumingala ako kay Aldrev. Ngumiti rin siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

Bigla akong natakot. Hindi ko matanto kung para saan iyon.

Naglahad sa amin ng upuan si Debbie.

"Dito kayo, Paris." Inabot niya ang kamay ko at pinaupo sa kanyang tabi.

Umupo sa gilid ko si Aldrev. Nasa harapan namin ang mga kaibigan ni Stanley at ang girlfriend niya. Sa katabing couch namin sina Allan at Jaycee.

Ipinakilala kami isa-isa sa kanila. Napag-alaman kong mga kabanda pala sila ni Stanley.

Nawala sa paningin ko si Vidette. Where the hell is that lady now?

"Mas maganda si Aemy, 'no?" utas ni Debbie. Halos pabulong.

"H-Ha?"

"Sabi ko mas maganda si Aemy. But Audrey's fine. Pero 'di ko siya feel." She sipped on her vodka.

"A-Ah. Oo mas maganda nga si Aemy," wala sa sarili kong sagot.

Magti-trenta minutos na kami rito. Masaya naman ang kwentuhan pero bigla na rin lang nawala sa topic nang lumakas ang tunog ng EDM.

Bumaling ako sa kinauupuan ni Stanley at Audrey. They're silently talking.

Nakakatuwang isipin ni nahanap ni Stanley ang magpapagaling sa kanya mula sa sugat ng nakaraan. I suddenly wanted to call Aemy. Gusto ko rin siyang kamustahin.

Nilingon ko si Aldrev na ngayon ay may kung anong kinakalikot sa kanyang cellphone. I leaned a little closer. He's texting.

"Aldrev."

"Hmm?" Bumaling siya sa akin.

"Do you want another shot?"

"Ah no. Magda-drive pa ako." Nilingon niya ako. Sabay kaming ngumiti.

He's always the responsible type.

I hope I could immediately give justice to his gestures. Ni hindi ko pa siya nabibigyan ng assurance.

"Uhm, Paris. Pupuntahan ko lang sina Andrion sa kabilang couch."

Itinuro niya ang kumpol ng mga kalalakihan sa kabilang round couch. Nilingon ko iyon. Maybe Andrion is one of his friends.

"Sure. Sure." Tumango ako. Ngumiti siya saka tumayo.

"Babalik ako agad. Kakamustahin ko lang sila." Tumalikod siya at naglakad.

Some thoughts suddenly rushed in to my head. Habang sinusundan siya ng paningin ko ay maraming rumehistro sa isip ko.

Being in a relationship is never an easy thing right?

Because you get yourself into so many what if's and maybe's.

And you just either see the whole picture ending up into two possible outcome.

Either you both end up getting married, or you end up leaving each other.

Lalagay ka sa tahimik at magmamahalan kayo habang buhay, o isa sa inyo ang susuko at mang-iiwan.

I don't know what scares me more, once I decide about me and Aldrev. Hanggang ngayon takot ako.

"Paris," untag ni Allan.

Natauhan ako agad. Bumaling ako sa kanya.

Umupo na pala siya sa tabi ko. Luminga ako sa paligid. Wala pa rin si Vidette.

"Naiimbyerna talaga ako. Gusto mo bang lumipat tayo ng bar?" dugtong niya.

Halos matawa ako. Nakita ko siyang umirap sa gawi ni Stanley at ni Audrey. Siniko ko siya.

"Parang mas bitter ka pa yata?" Napahalakhak ako.

"Bitter ako para sa bestfriend ko. 'Di ba babe?"

Bumaling siya kay Jaycee na ngayon ay kausap si Debbie. Jaycee just rolled his eyes.

"Alam na ba ni Aemy?" tanong ko.

"Iyan ang huwag na huwag mong mababanggit sa kanya. Alam kong mahal pa no'n si Stanley. Baka tuluyan 'yon hindi maka-move on kapag nagbanggit pa tayo ng tungkol kay Stan kaya huwag na natin sabihin muna."

Tumango ako.

Balak ko pa namang kamustahin si Aemy. Kung hindi sinabi iyon ni Allan ay baka nadulas ako sa pagbanggit no'n.

Napalingon ako nang malakas na tumunog ang call alert ng cellphone ni Allan.

"What the hell, girl?" puna ni Debbie.

"E, maingay dito sa loob kaya naka-full volume," sagot ni Allan. He answered his phone.

Kinuha ko ang huling shot ng cocktail sa harap ko. I feel a little dizzy. Sa tantya ko ay naka-apat na pitcher na ang table namin.

Nilingon ko ang round couch kung nasaan si Aldrev at mga kaibigan niya. Masaya silang nagkukwentuhan.

"Man, that's no fun! No fun! Just don't, alright?"

Narinig kong utas ng isa sa mga kaibigan niya. Saka sila naghalakhakan. I wonder what they're laughing at.

"What!? You are not serious. Are you?" Allan said in an amused, confused voice.

Kausap niya pa rin ang kung sino sa kanyang cellphone. Nilingon ko siya. Luminga-linga siya sa paligid.

Nabaling ang atensyon ko kay Jaycee nang inabot niya sa akin ang isang bote ng beer lights. Tinanggap ko iyon.

"Babe! OMG. Like OMG. Guess what?" eksayted ang kanyang tono. Wala na siyang kausap sa cellphone.

"Oh? Bakit?" tanong ni Jaycee sa kanya.

"Vince is—"

"Right behind you."

Naestatwa ako. Namilog ang mga mata ko at hindi talaga ako nakagalaw.

That voice. Alam na alam kung kanino iyon. Ironically modulated but husky.

"You asshole! Kailan ka pa dumating? Oh my God."

Tumayo si Allan at Jaycee. Debbie wiggled her eyebrows. Nakatuon siya sa akin.

Nakatunganga pa rin ako. Kumunot ang noo ko at napalunok ako ng isang beses.

"Kanina lang. I called Stanley. He said you guys are here." I heard him giggle.

Nasa likuran ko lang sila pero hindi pa rin ako lumilingon. I don't know? What's with you, Paris?

"Montemayor?"

Narinig kong utas ng pamilyar na boses. No, it wasn't familiar. I know that voice.

Aldrev? Tinawag niya ang apelyido na Montemayor?

Nilingon ko agad ang mga tao sa likuran ko. Hindi ko alam kung saan ako mas namangha at nagulat.

Was it because a real Cosmo Model materialized in front of me? Alright that's odd.

Or is it because...

"Dude! Long time! You know them? Kita mo nga naman!" utas ni Aldrev. Tinapik niya sa balikat ni Vince.

Yes. I am more amused on how small this world can be. So small I can't breathe right now.

המשך קריאה

You'll Also Like

3K 161 62
"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I...
98.3K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...
3M 35.7K 60
I, Andrea Denise Valdeverro is labeled the Playgirl of the Century. well, to hell with my Reputation. i don't really give a shit. but Don Lorenzo Val...
6.8K 105 40
"My Pain is you, Van Mentius." - Angel Horfelia The story of "My Pain" revolves around Van Mentius Lim and his journey to finding love and acceptanc...