The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 284K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue

Special Chapter

208K 5.4K 1K
By FGirlWriter

"Many are the plans in the mind of a man but it is the purpose of the Lord that will be established." 

– Proverbs 19:21

***

TOTOO pala talaga na kahit gaano mo na katagal o palaging kasama ang isang tao, hindi pa rin lahat ay alam mo tungkol rito.

Sa loob ng dalawang taong pagsasama nina Sapphire at Johann, marami na silang mga kuwentong pinagsaluhan at mga binahaging sikreto sa isa't isa. Kahit mag-asawa ay nanatili naman ang pagiging pribado nila sa ilang aspeto ng mga bagay. But nevertheless, wala naman na silang tinatago sa isa't isa na isang malaking parte ng pagkatao nila.

Ngunit sa mga nababasa ni Sapphire ngayon sa mga article sa internet, mukhang hindi siya na-inform ni Johann tungkol sa pakikipagsapalaran nito sa mundo ng Mathematics.

Nag-click siya ng isang heading ng article. Lumabas na naman ang isang larawan ni Johann noong nasa 20s pa ito kasama ang colleagues nito.

Filipino high school Math teacher, Mr. Johann Lawrence V. Asuncion brought home the "Best Thesis in Mathematics" award from the prestigious Asian academic competition for Mathematical researches...

Tinignan ni Sapphire ang taon nang competition. Johann was just twenty-three then!

Bumalik siya sa results page at nakakita na naman ng isa pang headline.

High school Math teacher and professor authored 12 Math textbooks in highschool. Mr. Johann Lawrence V. Asuncion, et al's books are the most recommended Math textbooks in the Philippines and in Southeast Asia...

"Asuncion" pa ang gamit ni Johann na apelyido sa lahat ng sinalihan nito nang nasa twenty's pa ito dahil early thirties na ito nagging Anderson.

So, she's not just imagining things. Sa bookstore niya ay palagi niyang tinitignan ang mga pumapasok na librong ibebenta galing sa iba't ibang publishing companies. One time, nang nasa bodega siya para tignan ang mga deliveries, she came across certain textbooks.

Mula sa screen ng laptop at nalipat ang tingin niya sa mga librong galing sa bookstore na inuwi niya kahapon lang.

Advance Algebra and Pre-Calculus by Asuncion, Johann Lawrence V.

Ngunit dumating ang latest edition ng textbook na iyon nung isang araw. Napalitan na ang apelyido ni Johann.

Advance Algebra and Pre-Calculus by Anderson, Johann Lawrence V.

Ganoon din sa iba pang mga textbooks na kinuha niya.

Trigonometry (Plane and Spherical). 4th Edition by Johann Lawrence V. Anderson, et al.

The Beginner's Algebra. 3rd Edition by Johann Lawrence V. Anderson.

Hindi madaling gumawa ng textbook at hindi lahat ay makakayang makagawa niyon. Lalo na ang textbook pa ay Math! Gosh! Mathematics is the most hated subject by many.

Pero sa Mister niya? Eto at nakagawa pa ng mga libro para sa iba't ibang branches ng Math! Nakakagawa pa ito ng research at thesis! Nasasali pa sa mga competition sa ibang bansa at nanalo!

Oh, my gosh.

Hindi alam ni Sapphire kung bakit hindi nababanggit sa kanya ni Johann ang mga naglalakihang achievements nito.

"Nanay!"

Napayuko siya at nakita sa gilid niya ang isang taong gulang na si Isaiah. May hawak itong papel at winagayway nito iyon.

"What's this?" nakangiting tanong niya rito sabay abot niyon. Drawing iyon na hindi niya maintindihan kung ano. Pero makulay. "Wow! You made this? Good boy."

Tumayo siya at binuhat si Isaiah. Mamaya talaga pagkauwi ni Johann ay isasampal niya rito ang mga libro nito.

"Nanay? Bookshor kam? Bookshor?"

"Yes, pumpkin. We'll go to the bookstore. But you need to take a bath first." She wrinkled her nose. "Isaiah is smelly."

Her little boy smiled and hugged her neck. "Yigo...na? Yigo?"

"Opo. Maliligo na tayo."

Kinuha niya ang tuwalya nila at pinaliguan niya na ang anak kasabay niya. Pagkatapos niyon ay inayusan niya na ito. Nang matapos ay naglaro na lang si Isaiah sa ibabaw ng kama habang nag-aayos naman siya.

It was already their daily routine. Sila ng anak niya. Since, hindi na siya kumuha ng yaya para sa anak ay palagi niya na itong kasama kapag pupunta siya ng bookstore araw-araw. And the people there loves Isaiah.

Isaiah loves the people at the bookstore as well. For a one-year old, Isaiah is very friendly. Malaking playground nito ang bookstore. Tumatakbo-takbo ito madalas at nagpapahabol sa kanya. Kapag nawala sa paningin niya, mahahanap niya na lang na may kinakausap nang iba kahit hindi pa maintindihan ang pagsasalita.

Madaldal ang anak niya! May pinagmanahan ba naman?

"Nanay?" tawag nito sa kanya habang pinapagulong-gulong ang feeding bottle nito sa kama. "Sa'n tatay? 'unta tayow niya? 'Unta tayo..."

"Tatay's at work. Di 'ba? Let's wait til the afternoon. Susunduin niya tayo sa bookstore, right?" Sinuklay-suklay niya ang basing buhok at saka binuksan ang blower.

Habang nagbo-blower ay nakikisabay sa ingay niyon sa Isaiah. May sinasabi-sabi ito. Kunwari naiintindihan niya kahit hindi. Natatawa na lang si Sapphire dahil kapag lalakasan niya ang blower, lalakasan din ni Isaiah ang boses nito.

Nang matapos niyang ayusin ang buhok, inayos niya na ang bag niya at ang baby bag nito.

"Are you bored, pumpkin? Sandali na lang 'to..." aniya habang nilalagay ang gatas nito sa bag.

Gumugulong-gulong na si Isaiah sa ibabaw ng kama habang may kinakanta. Sariling lyrics, siyempre.

Nangingiti na lang siya habang pinapakinggan ito. Kapag nanay ka pala talaga, lahat ng maliliit na bagay na ginagawa ng anak mo, nakaka-proud.

Marami siyang inaayos na gamit nito dahil mamasyal sila mamayang hapon pagkagaling ni Johann sa trabaho. Maganda ang panahon sa labas kaya plano nilang dalhin sa park si Isaiah.

Nang matapos na siyang mag-ayos ay kinarga niya na si Isaiah at umalis na sila papunta sa bookstore. She did not bring her car and rode a cab instead.

Pagdating nila sa bookstore ay sinalubong agad siya ng mga accommodating niyang empleyado. Pinagkaguluhan na naman ng mga ito si Isaiah at kung kani-kanino na napapasa ang anak niya.

She trusts every employee in her bookstore. Ultimo delivery man at driver. Alam niyang safe ang anak niya basta binabantayan ng mga ito. Kaya naman buong araw ay nakapagtrabaho siya ng matiwasay habang distracted si Isaiah sa paglaro-laro sa buong bookstore kasama ang mga staff.

"Ma'am Sapphire, heto na po pala ang mga pinapa-request niyong hiramin from the National Library," ani ng sekretarya niya sabay abot ng ilang hardbound thesis na sadyang pinakuha niya.

"Thank you, Cassy," aniya at saka inutusan ulit ito. "Please check my son outside. Pakidala naman dito. It's his nap time already."

"Yes, Ma'am."

Paglabas nito ay ininspekyon niya ang tatlong full blown thesis at isang reseach topic. Lahat ay tungkol sa Math, of course. Iyon ay mga ekslusibong kopya ng mga thesis ni Johann. She reviewed one of the thesis.

Hindi naman siya henyo sa Math, but she's good at that subject. Sapphire is intelligent. Ngunit wala siyang tiyaga sa pagso-solve at pagpu-prove.

"Ano pa kayang hindi ko alam sa'yo, Mister?" bulong niya sa sarili. Akala naman niya ay sadyang matalino lang si Johann sa Math kaya nag-Math teacher. Hindi naman niya akalain na halos makagawa na ito ng sariling theory! He's almost in level with the best Mathematicians ever known!

Bumalik na si Cassy kasama si Isaiah.

"It's time for a nap, Isaiah. Come here..." malambing niyang sabi at saka binuka ang mga braso.

Tumakbo si Isaiah sa kanya at nagpabuhat. Nagpasalamat ulit siya kay Cassy bago ito lumabas. Binuhat niya ang anak at tinalikod niya ang swivel chair para makapag-breastfeed.

Kapag nasa pribadong lugar ay nagpapa-breastfeed pa siya. Tutal ay magtu-two pa lang naman si Isaiah. Ngunit sinasanay na rin niya ito sa pag-inom sa feeding bottle kapag nasa pampublikong lugar sila. Kaya siya laging may baon na formula para rito.

Isaiah was already sleeping in her arms when she heard a knock on the office door.

"Come in."

"Good afternoon po. Nandito po ba ang pinakamagandang misis ko?"

Johann entered her office wearing his most charming smile. Nakatatlong hakbang lang ito at nasa harap na ito ng desk niya.

"Hello, Misis!" masayang bati nito at saka dumukwang para halikan siya.

"Johann..." saway niya at saka inayos ang pagkarga sa anak.

"Na-miss po kita, eh."

"Eight hours ka lang nawala."

Kinuha nito ang natutulog na anak sa kanya at hinalikan sa noo. "Hindi mo 'ko na-miss? Habang ako, buong araw kitang iniisip. Bakit ka po ganyan?"

Inirapan niya ito at saka pasimpleng tinago ang hardbound thesis na nasa ibabaw ng lamesa niya.

"Huwag mong masyadong kulitin si Isaiah at baka magising," saway niya nang pinaulanan nito ng halik ang buong mukha ng anak.

"Na-miss ko siya. Kumusta naman? Makulit ba 'tong anak ko? Naperwisyo ba ang nanay?"

"Hindi naman." Tumayo siya sa tapat nito at humalukipkip siya. "May nalaman ako tungkol sa'yo."

Mula kay Isaiah ay napatingin ito sa kanya. "Ano?" nagtatakang tanong nito.

Nilabas niya isa-isa ang mga libro at thesis na ito ang gumawa at sumulat. "Kailan mo balak ipaalam sa'kin ang mga 'to?"

Napatingin ito sa mga libro. At napangiti. "Wow! Na-discover mo na sila. Congratulations!"

Tinaasan niya ito ng kilay. "At sa loob ng dalawang taon, wala kang nababanggit tungkol dito? You authored twelve textbooks! Sa Math! Nanalo ka rin ng mga best thesis award sa mga prestigious competition outside the country. You are considered as one of the top Mathematician in the whole Southeast Asia!" mahina ngunit mariing sabi niya.

Napansin niya ang pamumula ng mga tainga nito. "Eh, ano bang akala mo sa'kin? Pogi lang?" saka ito tumawa. "Halika na nga, alis na tayo. Papasyal pa natin si Isaiah—"

"No. Tell me first why aren't you sharing this to me?"

"Issue ba 'to, Misis?"

"Well...no. But, this is a huge success on your part when you were younger. You could have at least told me about these things, right? Kung hindi pa ba ako magkakaroon ng sariling bookstore, hindi ko pa makikita sa delivery area ang mga libro mo?" sarkastikong sabi niya. Hindi niya rin alam if why is she making a big fuss about this, too. Pero gusto lang niyang malaman bakit ito pa ang hindi nito nakuwento.

Tinitigan siya ni Johann. Matagal.

"So?" untag niya at saka humalukipkip.

Inayos nito ang pagkarga sa natutulog na anak. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong...nakalimutan ko lang ikuwento?"

"Nakakalimutan ba ang mga bagay na 'to?"

He guiltily smiled. "Misis, nakalimutan ko talaga. Hindi kasi natin napag-uusapan. Hindi ko naalalang banggitin kapag magkausap na tayo," he sincerely said. "At matagal na kasi iyan. Mahigit isang dekada na."

"Mahigit isang dekada ng ginagawa mo sa buhay mo, nakalimutan mo?"

Napaupo ito sa swivel chair niya kanina. "Ang bigat naman nitong si Isaiah. Ano bang pinapakain mo dito?"

"Don't change the topic, Mr. Anderson."

Napabuntong-hininga ito. "Iyan kasi 'yung mga panahon na masyado akong dedicated sa mga ganyan dahil sa mga maling rason ko. Pera. Gusto ko nang maraming pera noon. Sa pagsusulat ng textbooks, lagi akong may royalty. Sa pagsali sa mga research summit, malaki ang premyo. Sa mga panahon na iyan, nagpa-plano ako lagi para magkapera."

"So what? It's not bad. You wanted to earn on your own."

"Naging gahaman ako diyan. I write for wrong intentions. Ginagawa ko ang 'best' ko para saan? Sa pera. Nakalimutan ko si Lord."

Oh.

"Ang motivation ko, pera. Nasa isip ko kasi noon, kapag marami akong pera, hindi ako pag-iisipan ng masama kapag nagpakilala akong tunay na anak ni Daddy. Kapag marami akong pera, mapagmumukhaan ko sila Rafael. Kapag marami akong pera...bagay na kami ni Czarina. Ganoon..." he confessed. "Hindi ako ganoon ka-proud sa mga achievements ko. Pero pinagpapasalamat ko naman sa Diyos na kahit mali-mali ang intensyon ko noon, iyong mga textbooks at thesis ko, nakatulong sa marami."

Lumabi siya. "You were young, then. Marami talagang nasisilaw sa pera." Siya ngang lumaki na sa yaman, silaw pa rin sa malaking halaga ng pera. Paano pa kaya ang galing sa hirap?

"Paano ka natauhan?" tanong niya pa.

Hinaplos-haplos nito ang manipis na buhok ni Isaiah. "Pinalo ako ni Lord sa puwet."

"What?"

"Nawalan ako ng mga kaibigan. Lalo na sa mga nakasama ko sa pagbuo ng mga thesis. I was taking all the credit. Iniiwan ko sila. Kapag hatian na sa premyo, mas malaki lagi ang sa'kin. Nagja-justify pa 'ko na, ako naman kasi ang nakaisip ng topic, ako ang nakapag-prove ng theory..." Napakamot ito sa batok. "Iniwan ako ng mga kaibigan ko noong nasa kalagitnaan na kami ng huling thesis namin na ipapasa na sa USA. Nang ako na lang mag-isa ang gumagawa ng thesis, hindi ko pala kaya. Wala akong naipasa. Na-disappoint sa'kin ang buong Math society dito sa Pilipinas. Muntik na yata ako matanggalan ng lisensya noon?" Napangiwi ito. "Ang dami kasing complaints ng mga kasama ko dapat sa thesis. Muntik nang umabot sa kasuhan."

Napasinghap siya. "Totoo 'yan?"

"Mukha bang joke?"

"Anong nangyari pagkatapos?"'

"Eh di, heto. Teacher pa rin ako. Pogi pa rin ako. Me already!"

Matalim niya itong tinignan. Johann chuckled and raised a "peace" sign.

"Siyempre kahit nakalimutan mo na ang Diyos, hinding-hindi ka niya kinakalimutan at pinapabayaan. Ganoon ang nangyari sa'kin. Hindi ko na maalala in full details ang nangyari pero lahat ng ipon ko noon, nasaid lahat. Binayaran ko ang damage ng pag-urong namin sa competition pati na ang plane tickets sana namin papuntang States. Hindi na ako kinasuhan ng mga kasamahan ko. Nanghingi ako ng tawad sa kanila. Binigay ko 'yung pera na dapat sa kanila mula sa umpisa ng pagsali naming sa mga competitions. Nagkaayos lahat. Wala na 'kong pera. Balik na lang ulit ako sa simpleng pagtuturo..."

"You love teaching naman, right? Kahit mababa ang suweldo."

"Siyempre naman! Napaiyak yata ako sa pagdadasal noon? Nag-repent ako ng sobra.Nabalik ako sa walang pera na naman. Paano na 'ko? Ayun. Di ako iniwan ni Lord. Biglang isang araw, ang daming nag-o-offer sa'kin ng teaching jobs. Here and abroad. Mabenta ang mga libro ko, kaya maayos ang kita sa royalty. Maliliit lang ang pasok ng pera kaysa noong gumagawa ako ng thesis. Pero...na-provide niyon lahat ng kailangan ko. Hindi kulang. Hindi sobra. Tama lang. Nabubuhay ako. Kontento. Masaya."

Napangiti ito habang tila inaalala ang mga panahong iyon. "Marami akong plano sa buhay noon para magkapera at mapatunayan ko ang sarili ko sa mundong 'to. Pero kapag may Diyos ka talagang mahal na mahal ka at pinagkakatiwalaan mo, isang plano lang ang susundin mo at iyon ay ang plano Niya para sa'tin. Sa Kanya ka lang dapat may patunayan at hindi sa mundong 'to."

Nang bumaling sa kanya si Johann ay ngumiti ay tila may humaplos sa puso niya. Johann talking holy is never outdated.

Napaupo siya sa desk katapat nito. "Paano mo nalalaman kung ang isang bagay ay plano talaga ng Diyos para sa'yo?"

"Dasal lang. Dasal lang talaga."

They both chuckled. But it's true. "Okay. Pero kapag nasa sitwasyon ka na, how will you know if it's God's will for you?"

"Naranasan mo na ba iyong plano ka ng plano ng isang bagay. Pero kapag nandyan na, hindi na natutuloy?"

"Yeah."

"Naranasan mo na ba, na nakahanda na ang lahat pero biglang may malaking balakid na dumating kaya biglang hindi na natuloy?"

She shrugged. "A couple of times."

"Plano tayo ng plano sa buhay natin at kapag hindi iyon natutuloy, ibig sabihin may ibang plano ang Diyos para sa'tin. Marami tayong 'goals' sa buhay pero kailangan nagpapa-consult muna tayo kay Lord kung iyon din ba ang goals Niya para sa'tin." Tinuro nito ang mga textbooks na ito ang nagsulat. "Kita mo iyang mga librong iyan. Alam mo bang dahil diyan, may isang university sa Japan na nag-offer sa'kin ng scholarship para sa Doctorate at Post-doctorate degree ko?"

Nanlaki ang mga mata niya. Doctorate and Post-doctorate degree? Tataas ang ranggo ni Johann kung nag-aral ito ng ganoon! "Kailan iyan? Bakit hindi mo sinasabi sa'kin?"

"Kasasabi ko lang, eh." Biglang gumalaw si Isaiah at napadilat-dilat. "Ay, sorry, anak. Maingay si Tatay."

Kinapa-kapa ni Isaiah ang dibdib ni Johann at saka sinubsob ang ulo roon.

"Anak, walang dede diyan na kay Nanay," natatawang sabi nito habang ngumunguso-nguso si Isaiah. Parang nanaginip siguro dahil nakapikit.

"Anong nangyari sa scholarship? Bakit hindi ka tumuloy?" Dahil ang highest educational attainment pa rin si Johann ay ang Masteral degree nito.

Pinanggigilan na naman ni Johann nang halik ang anak nila.

"Mister."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Tutuloy sana ako nang binasted ako ni Czarina two years ago."'

She raised her eyebrow. "Then?'

He playfully smiled. "Eh, nag-aya ka ng kasal para makuha ang mana mo."

She was stunned. "S-Seriously? Kaya hindi ka n-natuloy?" hindi makapaniwalang saad niya. "I didn't know!"

"Sshh," saway nito sa kanya. Tumayo ito at hiniga muna si Isaiah sa stroller na nasa loob ng opisina niya.

"Bakit hindi ka tumuloy? It's a rare opportunity, Johann. Magagaling ang universities sa Japan lalo na sa Math."

Pagkatapos nitong ayusin ang higa ni Isaiah ay humarap na ito sa kanya. "Nag-aya ka nga kasi ng kasal. Kaya hindi na 'ko tumuloy. Tinanggihan ko."

"Ako na lang dapat ang tinanggihan mo. O kaya, kahit nagpakasal tayo, pumunta ka ng Japan."

"At ano? Matatapos ang isang taon nang kasal natin na hindi ka na-in love sa'kin?" nakangising sabi nito at saka hinwakan ang kamay niya. "Di'ba nga, may mga plano tayong hindi natutuloy at may mga bagay na bigla na lang darating? Ibig sabihin, si Lord na ang nag-plano..."

"Johann..."

Marahan siya nitong hinila sa kamay at saka hinapit sa baywang. "Sige, sabihin na nating 'sayang' dahil hindi ko kinuha ang oportunidad na makapag-doctorate at post-doc sa Japan. Pero bakit ako manghihinayang kung nang tinanggap ko ang alok mo, sumaya naman ako ng todo sa pagmamahal mo? Ah, naks!"

Nakagat niya ang ibabang labi. "So...you can say that it's the Lord's will for you? Not to be a 'Dr. Johann Lawrence Velasquez-Anderson?"

"Hindi sa ganoon pero ang plano Niya ay maging 'Mrs. Sapphire Danaya Monteverde-Anderson' ka. Hindi lang sa papel. Pero sa puso rin." He stared straight into her eyes. "Alam lagi ng Diyos kung anong makakabuti sa'tin kaya alam Niya kung saan tayo dapat dalhin."

"He led me to you..."

"At binigay ka Niya sa'kin." Ang dalawang braso na nito ang nakayakap sa baywang niya. "Hindi ko kailangan ng diploma sa Japan. Nakakahinayang minsan pero sa tuwing nakikita kita...boom! Pake ko sa diploma?"

"Too romantic. Mas importante pa rin ang edukasyon."

"Bakit? Graduate naman na 'ko, ah? Puwede naman akong kumuha ng doctorate degree dito anytime. At hindi lang basta romance ang plano sa'tin ni Lord. I stayed because He wanted to use me to save a lost soul."

And the lost soul was her.

"He used me to make a sad heart know about Jesus. He made me stay to take all your bitterness away." Johann smiled and kissed her cheeks. "Wala man akong doctorate-degree diploma, may marriage contract naman ako sa'yo. May birth certificate pa si Isaiah!"

Napangiti si Sapphire. "Minsan talaga, hindi mo maiintindihan kung anong plano para sa'yo ng Diyos. Pero kapag sinunod mo, makikita mo ang magandang result niyon sa bandang huli."

Tumango si Johann. "Isang malaking check with stars. Very good, Misis!" Hinalikan naman siya nito sa mga labi. "Ang sarap naman talaga nito, 'o! Thank You, Lord!"

Pabirong tinulak niya ang mukha nito. Pero siya rin naman ang yumapos sa leeg nito. "I just want to know about those textbooks and thesis, because whatever your intentions then...I am so proud of you, Mister. I love you... " sinserong bulong niya rito.

Naramdaman niyang nanginig ito at namula na naman ang tainga.

She laughed and looked at him. "Seriously?"

Napapikit ito. "Si Johann ay kasal na. Si Johann ay kinikilig pa rin kapag nag-a-'I love you' sa kanya ang misis niya. Hindi nagsasawa si Johann na marinig iyon. Mapagmahal na mister si Johann. Tularan si Johann."

Piningot niya ang tainga nito. "Saan mo na naman nakuha iyan?" natatawang sabi niya.

"Sa Facebook, saan pa ba? Share ng share mga estudyante ko." Niyakap siya nito nang mahigpit at saka hinalikan sa noo. "Mahal na mahal kita, Misis. Pasensya na kung hindi ko nasabi sa'yo agad ang tungkol diyan sa textbooks at thesis awards. Totoong nakakalimutan ko parating sabihin."

"Ano pa bang hindi ko alam sa'yo na nakakalimutan mo sabihin? Sabihin mo na ngayon." Sinubsob niya ang mukha sa leeg nito.

"Ahm...'yung isang textbook na ginawa ko, co-author ko 'yung ex-girlfriend ko nung college."

Napalayo siya rito at napatingin sa mga libro. "Anong libro dito? Susunugin ko. Papatigil ko ang pagbebenta dito sa bookstore."

Ang lakas ng tawa nito at saka siya hinapit muli sa baywang. "Huwag ka ngang selosa."

"Hindi ako nagseselos," irap niya.

Natawa na naman ito. "May asawang pogi si Sapphire. Naiinis si Sapphire kapag napag-uusapan ang mga ex ng asawa niya. Pero hindi iyon inaamin ni Sapphire. Kunwaring hindi siya selosa na misis. Sinungaling si Sapphire. Huwag tularan si Sapphire."

Sinabunutan niya ito habang nagtatawanan sila. Nagising tuloy si Isaiah. Binuhat ito ni Johann at nilaro-laro. Enjoy na enjoy naman ang anak habang hinahagis-hagis ito sa ere ng tatay.

"Let's go, boys," aya niya sa mag-ama. "Pupunta pa tayong park," aniya habang inaayos ang mga gamit.

Ngunit nang palabas na sila ay biglang umulan nang napakalakas.

***

LIVING THE LIFE---THE SAPPHIRE WAY.

Blog Entry #5031: Unexpected but Planned

I'll just make this blog entry short. I just can't help but to share how wonderful this day went with my husband and son.

Me and Johann talked about "God's plans" in one's life. He went through an experience where everything was planned in his life, but because of some unforeseen events, he had to let go of it.

Being allergic to rich people then, he came to a point that he wanted a lot of money for selfish reasons. Money is a blessing. But wanting it too much defies its purpose. From a blessing, people can turn it into a sin once we became greedy and we let it control our life. Johann planned everything that he'll do to be able to have a large amount of money. But God tapped his back on time to make him remember that money shouldn't be his focus.

To make the story short, he lost all the money he had earned to pay for certain damages he had caused. He was again left of nothing but his faithfulness to the Lord. And when God is all you've got, you got all what you need.

He let the Lord drive his life. And here he is, contented, joyful, and happy.

Let's make it simple. This afternoon, we're supposed to bring our son Isaiah to the park and have a nice family picnic near the park's lake.We planned it for a week now because we have noticed how good the weather was for the past few days.

But then, it rained hard to our surprise. We're not able to go. So we stayed in the bookstore, instead, and grabbed a cup of hot milk chocolate. We played with Isaiah who loves running around the whole bookstore.

Later, in the news, the park that we're supposed to go was pestered with venomous insects and bees. Some got hurt real bad by the bites and stings.

"Buti na lang hindi tayo natuloy!" komento ni Johann habang nanonood sila ng balita. "Kundi, kasama tayo sa mga biktima."

"So, that's the purpose of the sudden rain," she realized. "Thank You, Lord! Nilayo Niya tayo sa pahamak."

Napatingin sa kanya si Johann at inakbayan siya. "Talaga naman! Halika nga, pray tayo. Magpasalamat tayo at pagdasal na rin natin iyong mga nabiktima," seryosong sabi nito at saka hinawakan ang kamay niya.

Lihim na napangiti si Sapphire nang pumikit na si Johann at nagsimulang magdasal. She really loves this faithful man.

God cares for us always. We cannot understand His plans most of the times. It's kind of frustrating when our plans didn't push through. Or if we didn't achieve the expected results that we wanted to have. But we will only get hurt "double time", if we try to do what we only wanted to do, and try to run away from the path He built for us.

We all need to lift up our plans to the Lord and see if it were His plans for us, too. Consult Him in everything. When we gladly obey Him, great surprises and blessings will be unfolded.

Nire-wrestling ni Isaiah si Johann sa kama habang naghahanda na sila sa pagtulog. Sapphire loves hearing the blending sound of their laughters. Nagsusuklay-suklay siya habang pinapanood kung paano pinapatumba ng maliit niyang anak ang malaki nitong tatay.

"Talo! Talo!" sigaw ni Isaiah habang nakaupo ito sa dibdib ni Johann na nagpapanggap na natalo.

"Ang galing mo talaga, Master Isaiah! Bilib ako sa'yo! Tutularan kita," puri kunwari ni Johann dito at saka ito niyakap nang mahigpit.

"Tatay!" angal ng anak dahil naiipit ito. Pero tumatawa naman.

"Ano ba 'yan, napapatumba ka na agad? Isa pa lang iyan," pang-aasar ni Sapphire rito. Napatingin si Johann sa kanya. Nginitian niya ito. "Paano kapag dalawa na?"

Nanlaki ang mga mata nito at nakatakas si Isaiah sa higpit ng yakap nito. "O-On the way na ba 'yung pangalawa?"

Makahulugan niya itong nginitian. Naalala niya ang resulta ng pregnancy test kaninang umaga.

Napabangon ito bigla kaya tumilapon tuloy si Isaiah sa kama mula sa dibdib nito.

"Mister, si Isaiah!"

"Ay. Sorry, anak... Sorry na." Hinila nito ang anak saka niyakap. "Na-excite lang si Tatay, 'Nak!"

Natawa siya at saka sinamahan na ang mga ito sa kama. Yumakap sa kanya si Isaiah at nilambing niya ito.

Nakatitig pa rin sa kanya si Johann. "Totoo nga, Misis?"

Hinalik-halikan niya sa pisngi ang anak na walang clue sa pinag-uusapan nila. "Yes. Look at there," sabay turo niya sa isang maliit na box sa ibabaw ng bedside table.

Mabilis na kinuha iyon ni Johann at nang makita ang pregnancy stick ay napasuntok sa hangin. Dalawa kasi ang linya.

"Ang tindi talaga, 'o! Galawang-Johann strikes, again!" tuwang-tuwang sabi nito at saka sila biglang dinaluhong ng malaking yakap.

Napatili siya habang naiinis na sumigaw si Isaiah dahil naipit na naman ito. Tawa lang ng tawa si Johann. "Kaya pala kanina ko pa naiisip ang rambutan! Naglilihi na pala ako!" anito at saka sila pinaulanan ng mga halik.

Ah! This is life!

Sometimes, the best plans in life are those you didn't plan at all. But it happened. Because it was God who organized it all along. For above everything else, He is the only one who knows what's good for us.

So, what are your plans today, tomorrow, for the next ten years or so? Have you prayed and lifted it up all to Him?

***

"GOD knows what's best for you." 

– Isaiah 55:9

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

~~~

Visit our PubCamp:

Facebook: FGW Publishing Camp

Twitter: FGWPubCamp

~~~

I love to grow and improve more in writing.

If you have any story review/critique or suggestions, just send an email to:

reviews.fgw@gmail.com

I'll make sure your reviews will be kept confidential and highly appreciated. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

201K 7.3K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...
3.7M 88K 19
Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si Gideon? Written ©️ 2014 (Published 2017...
4.6M 114K 33
Eugene Arguelles-a kind-hearted, gorgeous, serious, and irresistible single father. Nakilala niya ang babaeng babago sa kanyang buhay. Tanya Aragon-g...