Mi Amore Series#1 My Mute Maid

By jaysanj

1.9M 64.9K 17K

Putek naman si Mama! kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa! - Left Yumi Kyo GirlxGirl story More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 2

53.1K 1.6K 383
By jaysanj


"Bakit ang aga nyong magyaya? Wala pang bukas na bar dito." sabi ko mga gago kong kaibigan. Umupo ako sa tabi ni Fin, ayoko tumabi kay Jade baka mabasag eardrum ko at ayoko din kay Gia baka gawing tissue ang damit ko sa kakaiyak nya.

"Meron sa bar ni Veron." ngising sabi ni Fin. Nailing ako, hindi ako magtataka kung bukas ay lugi na ang bar ni Veron. Lagi ba naman don kami nag-iinuman tapos may kasama pa kaming magpapakalasing mamaya.

"Bakit hindi mo tantanan yang pesteng lalaking yan?" tanong ko kay Gia na umiiyak pa din.

"Mahal ko eh." sabi nya at napahagulgol. Nandiri ako na may tulo pang sipon. Kakababaeng tao nito, ang panget umiyak.

"Tanga ka kung ganon." sabi ko. Lalong umiyak si Gia kaya nakatanggap ako ng hampas mula kay Fin.

"Wag mo ng paiyakin lalo! Mahihirapan tayong iuwi yan mamaya." gago talaga 'to hindi ko alam kung concern ba talaga 'to kay Gia o ano eh.

"Panget naman yung hinahabol mo dapat kay Ren ka na lang." sabi ni Jade na ang baboy kumain ng chitchirya, kalat kalat.

"Gago parang pinamigay mo na din si Gia sa palaka." tawa kong sabi. Mas panget pa nga si Ren kaysa sa Teron na yon. Nagtataka nga ako kung bakit nagkagusto si Gia sa panget na Teron na yon, feeling pogi mukha naman palaka.

"Pwede ba tumigil kayo, hindi kayo nakakatulong eh." sabi ni Gia. At dahil masunurin kaming tatlo.

"Kay Pedro na lang yung kapitbahay ni Fin, single yun 'di ba?" sabi ko.

"Hindi single yon sa panaginip nya!" natatawang sagot naman ni Fin.

"Alam ko na! Si Ben!" natawa kaming lalo na tatlo. Kasi naman si Ben yung nerd ng school namin. Ang laki ng salamin nya at may brace pa. Ang laki din ng bag nya na tila dala ata ang library nila tapos yung mukha ang daming pimples tapos ang taba taba pa.

"Nakakainis kayo!" sigaw ni Gia sabay akyat sa kwarto nya. Nagkatinginan kaming tatlo.

"Lagot ka! ikaw kasi." sisi sakin ni Jade.

"Gago, sino nanguna ikaw 'di ba?" sabi ko, sya naman talaga.

"Sus pareho lang kayo." sabat ni Fin.

"Parang sya hindi nakisali." sabay na sabi namin ni Jade. Tapos nagtawanan kaming tatlo. Mga baliw na ba kami? Ganto lang talaga kaming mag-asaran kaya hindi ko alam kung bakit napikon yon si Gia eh kilala nya naman kami. Nagbibiro lang kami para hindi sya malungkot.

"Puntahan nyo yon baka magbigti yun." utos ko sa dalawa. Nagbuklat ako ng magazine.

"Ikaw na, ikaw nakaisip eh." sagot ni Fin na nakataas paa sa coffee table nila Gia.

"Sino malapit sa hagdanan? Ikaw 'di ba?" balik na sabi ko.

"Ugh!" lahat kami napatingin sa itaas.

"Hala na loko na!" dali dali kami nagsi-akyatan sa taas, nag-uunahan pa kami sa pag-akyat sa hagdanan. Gusto ko sana matawa dahil nahulog si Fin tapos nadamay si Jade kaya pareho silang nahulog. Mga gago talaga.

"Gia buhay ka pa?! Ano? saan sementeryo mo gusto ilibing?" tanong ko pagkapasok ko sa kwarto nya. Nakahiga sya sa sahig at nakahawak sa paa.

"Gia! Wag ka magpapakamatay may utang ka pa sakin!" sigaw ni Jade na paakyat kasabay ni Fin.

"Gia! Wag ka magpapakamatay! Crush ka ni William!" sigaw din ni Fin. Napatingin naman ako kay Gia na tumayo at kumikinang ang mga mata.

"Talaga?! Crush ako ni William?!" nae-excite na tanong ni Gia. Napatigil sa pag-akyat yung dalawa.

"Hindi joke lang yon. Buhay ka pala." sabi ni Fin at sinimulan na bumaba.

"Uy yung utang mong limang piso ibalik mo na, pambili ko yon ng chicken joy na tigpipiso." sabi ni Jade at sumunod kay Fin. Mga gago talaga.

Tinignan ko si Gia kung paano mainis sa dalawa. Padabog syang pumasok sa kwarto nya. Na-curious ako sa nangyari sa kanya kaya sinundan ko sya sa loob.

"Anong nangyari sayo kanina? Bakit ka sumigaw?" tanong ko sa kanya at umupo sa kama nya.

"Who cares? Puro kalokohan lang naman ang alam nyo." napatingin ako sa kanya. Bakit bigla syang nagseryoso? At kung magsalita sya para syang hindi ganon eh sya nga 'tong nangunguna sa mga kalokohan. Masyado syang epektado sa Teron na yon.

"Seriously Gia? Ano bang problema mo? Kung si Teron lang yon for Pete's sake! Hindi ka pa ba nadala na pitong beses ka nya niloko? Ang daming lalaki na deserve yang pagmamahal mo tapos ikukulong mo lang yan sa taong binabalewala ka?" naiinis na ako sa katangahan ng babaeitang 'to. Ikulong ba naman ang sarili nya sa isang taong ilang beses na syang niloko. Ilang beses pa ba ang kailangan gawin na pagloloko sa kanya para lang madala na sya? Hindi lang naman si Teron ang lalaki sa mundo, madami pa!

"Alam ko!" tinignan ko sya ng masama dahil sinigawan nya ako. Ayoko kaya na sinisigawan ako lalo na kung wala naman akong ginawang masama para ikasigaw nila. "Hindi mo kasi ako naiintindihan! Palibhasa wala kang boyfriend! Hindi mo alam kung ano ang tunay na pagmamahal! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang sitwasyon ko!"

"Mahirap pala eh bakit hindi mo bitawan?!" sigaw ko rin pabalik.

"Kasi nga mahal ko! Ayoko mawala sya sakin!"

"Putanginang mahal yan! Dahil dyan nasasaktan ka! Alam mo minsan kailangan mong i-let go kung alam mong wala na! Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo! Nagpapakatanga ka sa mahal na yan eh! Ano bang mapapala mo sa kakahabol sa taong ayaw sayo? Sakit 'di ba?! Alam mo gago ka na nga tanga ka pa martyr ka pa! Peste yan!" sigaw ko.

Umalis na ako ng kwarto nya, lalo ako nabwi-bwisit kapag nakikita kong umiiyak si Gia, nakakabadtrip! Dahil sa Teron na yan nasasaktan si Gia. Makita ko lang ang bugok na yon makakatikim yon ng suntok sakin.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ni Gia natumba ang dalawa sa sahig. Sabi na nakikinig 'tong dalawa ito, inasa na naman sakin ang drama ni Gia.

"Hoy kayong dalawa, wag nyong iwan yung isa. Aalis na ako." nilagpasan ko sila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Fin.

"Sa buwan." naglakad ako palabas ng bahay ni Gia. Sumakay ako ng kotse ko. Mas mabuti pang umuwi na lang ako kaysa manatili sa lugar na 'to, baka hindi ko na matimpi at masaktan ko pa si Gia. Nababadtrip ako sa kagagahan nya.

Nasa tapat na ako ng bahay nang maalala ko na hindi na pala ako nag iisa sa bahay ko. Lalo tuloy ako nabadtrip. Bwisit na buhay yan! Ang saklap!

Bumisina ako ng ilang beses para ipabukas ang gate kay maid. Tutal maid ko na din naman sya, edi gawin nga kung ano ang trabaho nya. Kung dati, ako mismo nagbubukas ng gate, ngayon gawain na yon ni maid.

Maya maya binuksan nya na ang gate. Pinaandar ko ulit kotse ko at ipinasok sa garahe. Agad akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Umupo ako sa sofa. Napansin ko na nasa gilid ko si maid.

"Please wag mo muna ipakita ang sarili mo sakin ngayon. Please lang." sabi ko. Nai-stress ako ngayon sa totoo lang. Sa kanya at kay Gia.

Ipinikit ko ang mga mata ko pagkaalis ni maid. Bigla ko naalala ang sinasabi sakin ni Gia.

"Hindi mo alam kung ano ang tunay na pagmamahal!"

Kaya ayokong magmahal dahil alam kong masasaktan din ako. Parang kumot lang yan, inayos mo nga pero kapag hinigaan mo naman magugulo na naman. Bakit aayusin pa kung ganun din naman 'di ba? Bakit magmamahal ka pa kung masasaktan ka din naman? Useless, masasaktan at masasaktan ka talaga. Pero bakit ganon? Kung sino pa ang nagse-seryoso sya naman ang naloloko at nasasaktan ng husto katulad ni Gia minsan na nga lang sya magmahal, sa maling tao pa. Buhay nga naman.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa. Anong oras na ba? alas dose na ng madaling araw. Ang haba pala ng tulog ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang ilaw. Nakita ko si maid na natutulog sa lamesa.

Bakit dito sya natutulog? Nilapitan ko sya. Tumingin ako sa lamesa at may pagkain don. Tumingin ulit ako kay maid. Hinintay nya ba ako? Umupo ako sa harap nya, tinignan ko ang pagkain na niluto nya. Adobong manok. Tinikman ko ang luto nya. Masarap.

Kumain ako nang kumain habang nakatingin sa natutulog na maid sa harapan ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maalis alis ang tingin ko sa kanya. Ang amo nya kasing matulog para syang anghel na natutulog sa harap ko.

Pagkatapos kong kumain ay iniligay ko sa lababo ang pinagkainan ko. Pagkatapos kong maghugas ng kamay, tumingin ulit ako kay maid. Naglakad ako palabas ng kusina at iniwan sya don. Ayokong isipin nya na nag-aalala ako sa kanya kung bubuhati ko sya papunta sa kwarto nya. Ayoko ng may maid.



---------------

Continue Reading

You'll Also Like

562K 13.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
24K 838 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...