Red Tape (Book Two of Red Rib...

By misterdisguise

97.3K 2.8K 497

[COMPLETED] BOOK 2 OF RED RIBBON (Rated PG-13) Alex Farr was just an ordinary girl before until she entered s... More

DISCLAIMER
Red Tape (PROLOGUE)
RED TAPE 1
RED TAPE 2
RED TAPE 3
RED TAPE 4
AUTHOR'S NOTE 1
RED TAPE 5
RED TAPE 6
RED TAPE 7
RED TAPE 8
RED TAPE 9
RED TAPE 10
RED TAPE 11
RED TAPE 12
RED TAPE 13
RED TAPE 14
RED TAPE 15
RED TAPE 16
RED TAPE 17
RED TAPE 19
RED TAPE 20
RED TAPE 21
RED TAPE 22
RED TAPE 23
RED TAPE 24
RED TAPE 25
RED TAPE 26
RED TAPE 27
RED TAPE 28
RED TAPE 29
RED TAPE 30
RED TAPE 31
RED TAPE 32
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

RED TAPE 18

1.6K 60 7
By misterdisguise

CHAPTER EIGHTEEN

Who Did It?


NANGINGINIG ang mga malalamig na kamay. Tikom ang bibig. Balisa ang buong katawan. Tulala ang mga mata. Ganyan kung ilarawan ng kanyang mga kasamahan si Alex nang maihatid sa resort. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala matapos makita ang kalunos-lunos na itsura ni Jacob. Tila binabangungot siya nito kahit na gising.

"Uminom ka na muna ng tubig," alok ni Jess bitbit ang isang basong tubig sa nanginginig na si Alex.

Mariin niyang tiningnan ang basong hawak ni Jess at saka sinagi dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Hindi niya kailangan ng tubig o ng kung ano pa mang maaaring magpakalma sa kanya. Isa lang ang nasa isip niya.

"Gusto ko ng umuwi," aniya sa kabila ng nangangatal na bibig dahil sa takot. Sumenyas naman si Jess na kumuha muli ng tubig upang tuluyang kumalma si Alex. Hinihimas nito ang likod ng dalaga nang sa gayon ay tumigil na sa panginginig.

Tahimik ang buong resort. Nagkakatinginan naman ang lahat na tila nagtuturuan. Hindi nila alam kung papaano sasabihin kay Direk Anne ang tungkol sa pagkamatay ni Jacob. Hanggang ngayon, wala pa rin kasing alam and direktor sa nangyari matapos ang padabog na pag-alis kanina. May tyansang madagdagan lang ang inis nito kung malalaman ang tungkol sa nangyari.

"Uuwi rin tayo. Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay kailangan mo munang kumalma. Inumin mo na itong tubig," pangungumbinse ni Jess na sa huli ay inabot na ni Alex.

Huminga nang malalim si Alex upang pagaanin ang sarili. Hindi naman ito ang unang beses niyang nakakita ng patay – si Celine at ang kanyang Tiya Jennifer – pero ibang tensyon ang naging dulot ni Jacob sa kanyang kalamnan. Parang gustong bumigay ng kanyang sistema sa katawan.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Jess habang hinihimas ang kanyang likod. Marahang ngumiti si Alex dahil sa pag-aalala nito. Pakiramdam niya ay may natitirang tao pa rin ang nagpapahalaga sa kanya. "Mabuti naman. Susubukan naming makatawag sa mga pulis para masaklolohan tayo dito. Kakausapin ko na rin si Direk Anne para itigil na muna ang shooting," paliwanag nito.

Tumango naman si Alex. Matapos 'yon ay nagpaiwan muna siya sa kanyang kwarto para mapag-isa at para makapagpahinga na rin. Nang makaalis ang lahat, humiga siya sa kama upang ihilig pansamantala ang kanyang nananakit na ulo.

Napatulala siya sa kisame at doon naisipang magmuni-muni. Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang bag ang kanyang cellphone. Susubukan niya kung may makukuha siyang signal.

Mula sa screen ng kanyang cellphone, isang mensahe ang kanyang natanggap. Kanina pang alas otso ang mensaheng iyon at marahil ay sumakto kung kailan may nakuhang signal. Sa ngayon kasi ay bigo na naman siyang makakuha nang matinong signal. Binuksan niya iyon pero pagkatakot lang ang sumambulat sa kanya.

"Be ready. A dead body at exactly 10:00 AM."

Halos manigas ang buo niyang katawan. Umakyat hanggang kanyang batok ang milyong kilabot. Tanging patak ng mga luha ang naging tugon niya na sinabayan ng takot para sa sariling kaligtasan. Nakasisiguro na siyang may kinalaman siya sa nangyari kay Jacob. Ito na ba ang sinasabi ng killer na paghuhukom?

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at pinagmasdan mula sa bintana ang labas ng resort. Naroroon ang ilan niyang mga kasamahan na abala dahil sa mga pangyayari – ang pagkamatay ni Jacob, ang pagkaudlot ng shooting at iba pa. Inisa-isa niya ang mga mukha ng mga taong sa tingin niya ay may kinalaman sa lahat ng ito.

Marahil ay isa sa kanila ang may kagagawan nito. Hindi siya pwedeng magkamali. May balak ang taong iyon na isa-isahin sila hanggang siya na lamang ang matira.

Nagyukom ng kanyang mga kamay si Alex dahil sa galit. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras. Sumasakit lalo ang kanyang ulo dahil sa halo-halong bagay na kanyang iniisip. Wala ng paglagyan ang lahat sa kanyang utak. Para siyang pinipiga at pinipilipit ng todo!

Hindi niya namalayan na inuuntog na pala niya ang kanyang ulo sa pader upang maibsan ang sakit. Sabu-sabunot niya ang kanyang buhok habang pinipigilan ang sakit na umaakyat sa kanyang utak. Parang tinutusok ng milyong karayom sa hapdi!

"Aaaaaaahhhhh!" panaghoy niya.

Sobrang sakit. Ang sakit-sakit. 'Yon lamang ang tanging alam niya habang nilalamon siya ng sakit na iyon. Nakapanghihina. Ang huling natatandaan na lang niya ay ang paglabo ng kanyang paligid at isang pares ng mga paa matapos bumukas ang pinto.

***

"Bakit nandito ang batang iyan?!" rinig na sabi ni Alexandra mula sa isang lalaking kakakitaan ng karangyaan dahil sa postura pagpasok nila ng kanyang Mommy sa isang magarang bahay. "Ilabas mo 'yan! Ayoko ng basura!" dagdag pa nito patungkol sa kanya. Musmos man ay nakaramdam ng pangmamaliit si Alexandra sa kanyang inaakalang Daddy.

Lumapit si Alexandra upang sana ay yakapin ang kanyang ama. "D-Daddy..." ani Alexandra na pinamulatan ng mata ng kanyang tinawag na Daddy.

Tumawa nang nakaloloko ang kanyang Daddy at tinapunan siya ng nakapanlilibak na tingin. "Daddy?! Anak ka sa labas ng makati mong Ina! Huwag mo akong matawag-tawag na Daddy dahil hindi kita anak! Sampid ka lang! Isa kang makasalanang bata!"

Pigil ang mga luha ni Alexandra dahil sa mga nakaririnding bulyaw sa kanya. Ayaw niyang ipakita na mahina siya. Hindi niya kasalanang maging anak siya sa ibang lalaki ng kanyang ina. Ang sa kanya lang naman ay ang makatanggap ng kahit na katiting na pagmamahal mula sa mga taong inaakala niyang tunay na magmamahal sa kanya.

"Dito siya titira," pagmamatigas ng kanyang Mommy at saka hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kabahayan. Halos mapaupo ang kanyang Mommy dahil sa pwersang natanggap mula sa pagkakasampal. Hawak-hawak nito ang ngayo'y namumulang kaliwang pisngi.

"Sige. Patitirahin ko dito ang batang iyan. Pero huwag kang aasa na bibigyan ko ng kahit kaunting pagmamahal ang batang iyan dahil kahit kailan ituturing kong kasalanan ang batang iyan," kompromiso nito at padabog na umalis sa kanilang harapan.

Agad namang lumapit si Alexandra sa kanyang Mommy na nasadlak sa sahig. Puno ng luha ang mga mata nito dahil marahil sa pagbubuhat ng kamay ng asawa.

"Mommy," tawag niya dito at saka niyakap nang mahigpit. "Ayos lang po ba kayo? Nasaktan po ba kayo?"

Mabilis namang kinalag ng kanyang Mommy ang kanyang yakap at saka nagpunas ng luha. "Tama na ang arte. Tinanggap ka na sa bahay na ito. Umayos ka na lang para hindi ka palayasin," saad nito sa malamig na tono.

Hindi akalain ni Alexandra na pati ang kanyang Mommy ay hindi siya matatanggap. Ganoon ba talaga kalaki ang kasalanang maging anak sa labas? Ang kasalanan ba ng mga magulang ang siyang aakuin ng magiging anak? Ganoon ba ang sistema ng pagiging anak sa labas?

Tila naninikip ang kanyang dibdib dahil sa mga naiisip. Ang tulad niyang anak sa labas ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap sa mata ng marami.

"M-Mommy..." marahan niyang sabi.

"Hindi ako kailanman magiging Ina mo. Ikaw ang nagpapaalala sa akin ng aking kataksilan. Sana, una palang ay ipinalaglag na kita. Hindi ka na dapat nabuhay pa sa mundong ito," marahas nitong sabi at saka tumayo. "Magiging hangin ka lang sa bahay na ito. Kung gusto mong magtagal, umayos ka," pagbabanta nito at lumisan.

Pinagmasdan na lamang ni Alexandra ang papaalis niyang Mommy. Hindi pala tahanang maituturing ang lugar na ito kundi isang impyerno. Mas maigi pa sa impyerno dahil may init kang nararamdaman samantalang dito, isang hangin, malamig lang sa pakiramdam.

Nagulat siya nang bigla ay may tumawag sa kanyang pangalan mula sa likuran. Napalingon siya at nakita ang isang batang may bitbit na manika. Nakangiti ang inosente nitong mukha. Napangiti rin siya dahil sa awra na mayroon ito.

"Gusto mo bang maglaro tayo?" tanong nito sa kanya. Sumang-ayon naman siya na puno ng kagalakan. "Ako nga pala si Sophia," anito at saka inalok ang kanyang kamay. "Ikaw? Ano'ng pangalan mo?"

"Alexandra," tugon naman niya at saka inabot ang kamay nito.

"Ikaw na ang magiging ate ko. Dito ka na rin kasi nakatira. Magkapatid na tayo simula ngayon."

Mula sa sinabing iyon ni Sophia, binawi na ni Alexandra ang kanyang sinabi. May katiting pa rin kasing tahanang maituturing ang bahay na ito dahil kay Sophia.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 508 6
"It all started when I met him. Then, I fell for him. In the end, I do not know anymore." Dom is my schoolmate. Na-meet ko siya sa hallway ng Archite...
11.9K 808 37
When Paris thought his life wouldn't be more complicated, a sudden decision made his life change upside down. He was clueless that the life he used t...
The Life Secrecy By Jacob

Mystery / Thriller

4.8K 206 27
The Life Trilogy #3 Matapos umalis at mailigtas si Jester sa Dark World ay isa na namang misyon ang kanilang gagampanan. Akala nila ay doon na magt...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...